Sunday, September 25, 2011

Ika - 193 Banat

Ang pinaka mabisang pangontra sa online predators? Pagiging hindi tanga



Delikado naman kasi talagang makipagkita sa taong nakilala mo lang online. Lalo na kung mag-isa ka at babae ka pa. Kayong mga babae, lalo na yung mga high school pababa, madaming pag-iingat naman. Hindi konting pag-iingat... MADAMI. Kung makikipagkita kayo sa nakilala nyo sa kung saan-saan online, magsama kayo ng iba na pwedeng kunan muna kayo ng picture. Para alam ng nakilala mo na pag may nangyare syong masama, malalaman ng mga pulis kung ano ang itsura ng hahanapin nila. Kung pwede, sa mataong lugar kayo magkita. Wag kayong sasama pag nagyayang lumipat ng lugar. Wag kang sasakay sa kotse nya. Basta importante, alam nung tao na may ibang nakakaalam na sya ang kasama mo. Hindi din excuse kung hindi ka na bata.


Iskolar ng Bayan: Tunay Na Astig na Barako


Hindi mo pwedeng basta-basta lapastanganin ang karapatan ng mga tunay na astig na barako na estudyante.


Miss Universe 2011 play by play breakdown

Ang Miss Universe Pegeant daw ang katumbas ng "Pacquiao fights" sa mundo ng mga bading. Kung tuwing laban ni Manny Pacquiao, walang traffic dahil halos lahat ng tao nasa bahay lang o nasa mga restaurant na may promo para makanuod ka ng laban live, habang kumakain ng overpriced na almusal. Tuwing may Miss Universe Pageant naman daw, sarado lahat ng parlor at salons dahil nahihirapan ang mga bading mang-gupit at magkulot habang nagchi-cheer.

Oprah's Statement
Ang daming umiikot na issue sa Miss Universe 2011 Pageant. Isa yung Oprah fake statement. Sabi sa NBC News, nag-comment daw si Oprah na kung Q and A lang ang basis, panalo dapat si Shamcey. Pero hindi naman daw totoo na sinabi ni Oprah yan sabi ng mga moderator ng website nya. Eto ang fake daw na statement ni Oprah...
“I have reservations with the results. If the only basis is the Q and A portion, after having been trimmed down to 5, Ms. Philippines deserved to win. What made her different from the rest is that she had no seconds to rethink of her answer as she had no interpreter to break the ice. The rest had their interpreters and having breaks on seconds to think about their answers. Hands down, Ms. Philippines answered straight to the point.”

Lea Salonga's Question
May mga nagandahan sa tanong ni Lea, pero nandayan ang issue na nag-umpisa sa biro, na masyado daw madali ang tanong ni Lea Salonga kay Miss Angola. Nilinaw ni Lea na hindi ang mga judges ang nagsusulat ng questions kaya hindi nya pwedeng akuin ang complement.

"Translatorless"
Alam na ng lahat na 3rd runner up si Shamcey (Miss Philippines).Madaming umaapila na dapat daw panalo sya dahil sya lang ang walang translator. Pero sa tingin namin, hindi sya nanalo... dahil wala syang translator. Hindi namin sinasabing mali ang grammar, o mahina sa english si Shamcey. Magaling sya. Pero bago pa kumalat ang fake na statement ni Oprah, sinabi na namin na dapat may translator na ang mga susunod na "Miss Philippines", dahil nga mas kumakalma at nagkakaron ng oras makapag-isip ang contestant pag may translator.

Sa Miss Universe Pageant na yan, sa totoo lang, mukang secondary lang sa kanila ang content ng sagot sa Q and A.
Ang pinaka napagbabasihan, yung kung pano nai-deliver o kung gano ka-graceful, charming, at elegant yung contestant habang sumasagot. Habang sumasagot si Shamcey, kita sa facial expression nya ang kaba. Pero kung base nga sa content ng sagot, Miss Philippines talaga.




Shamcey's Answer
Tanong: “Would you change your religious beliefs to marry the person you love?”
Shamcey: “No. I will not change my religion to marry the one I love, because the first person I love is God. He is the one who created me. And the principles and values that I have now is because of Him. So if that man loves me, he should also love my God.”

Maganda naman yung sagot ni Shamcey para sa isang beauty contest na pabor sayo kung moralista ka. Sobrang hirap nung tanong. Kailangan nyang sumagot ng pabor sa religion. Syempre, moralista ang mundo 'e. Kung sinabi nyang magpapalit sya ng religion para sa mahal nyang tao, madami na namang bobo na aapila. Hindi kami anti-religion, nagagaguhan lang kame sa ruling ng iba na hindi pumapayag ikasal ang dalawang tao dahil lang iba ang religion nung isa. Pero ang basehan kung baket sa tingin namin ok yung sagot ni Shamcey, ay dahil alam naming panalo ang sagot nya para sa madaming tao. Miss Universe Pageant yan, at ang buong universe ay moralista.



Miss Angola Wins

Kay miss Angola talaga ang korona. Sobrang iba ang karisma ng babaeng yon. Iba ang rapor nya pag naglalakad sya. Charming, elegant, pinaghalong sexy at cute, at may dating na pagka-friendly yung muka nya. Lahat ng pumasok sa Final 5, nakalugay ang buhok. Kay Miss Angola, kitang-kita ang glow nung muka nya dahil nakapusod ang buhok. Ang hirap i-explain, pero iba talaga ang dating. Gusto din namin na sana si Shamcey ang nanalo, pero alam naming kung hindi si Miss Angola ang nanalo nung gabing yon, luto. Kadalsan, yung mga sinasabak sa Miss Universe, may muka na natural ang tabas ng overflowing self confidence. Pero kaya nag-standout si Miss Angola, sweet kasi at shy yung dating nya. Yung tipong maganda na maamo. Medyo hawig nga nya si Colleen Hadkell (Yung leading lady sa "The Animal") pag nakangiti. Medyo lang.




Closing Statement

Lahat naman tayo gusting si Shamcey na lang sana ang nanalo. Pero may mga taong pinipilit na "DAPAT" imbis na "SANA". Kung kame ang tatanungin, deserving si Miss Angola para maging Miss Universe 2011.. Pero ang tamang "DAPAT" dyan, ay dapat hindi lang 3rd runner up si Shamcey. Kahit hindi kami pabor sa sagot nya, dahil nga basihan ang "moral values", dapat mas mataas ang nakuha nya. Malayo naman ang kalibre ng sagot nya kung ikukumpara sa 2nd at 1st runner up, na hindi namin alam kung sino dahil sa totoo lang hindi sila relevant sa kwento.

Planking Issues



Ilang buwan na kaming nanahimik tungkol sa planking dahil neutral kami sa issue na yan. Sa tingin nyo ba walang mga nagre-request para sa reaksyon namin dyan? Halos araw-araw may magtatanong ng "Ano po ang masasabi nyo tungkol sa mga nagpa-planking?" o kaya "Baket ang daming galit sa mga nagpa-planking?" at kung ano-ano pang planking questions. Pero hindi kami naglabas ng kahit anong reaksyon. Baket? Dahil masyadong simple ang reaksyon namin dyan noon. May simpleng statement lang kame na "Plank at your own risk." Pero noon yon.



Umabot na sa issue ng pagkakaron ng Anti-Planking Law. Tang*na mahiya naman kayo. Hanggang ngayon hindi kami against sa mga nagpa-planking na trip lang. Pero sa mga nagpa-planking sa mga rallies, paki tigil-tigilan na yan. Kasama nyo kame sa pagpoprotesta sa bulok na sistema ng gobyerno, pero yung mga nagpa-planking sa welga ang dahilan kung baket nagkaron ng usapan tungkol sa nakakabobong Anti-Planking bill na yan.

Oo, lahat tayo may freedom of expression, o sa lagay na 'to "Freedom to trip lang." At oo, na nagagaguhan din kami sa binabalak nilang Anti-Planking law, kaso kayo naman ang nagsimula 'e. Sa anti-planking shit na yan, sinasabing bawal mag-planking sa mga rallies. Kung sa mga rallies lang, tama lang yon. Tang*na alam namin ang itsura ng Welcome Rotonda. Nagplanking kayo don. Mawalang galang lang, pero... gago ba kayo??? May mga blind side don. Put*ng ina pag may nasagasaan ng kotse sa inyo, sinong sisisihin? Buong Pilipinas. Pagpipyestahan na naman tayo sa CNN. At madadamay lahat ng nagpa-planking, pati yung mga groups na nagkakatuwaan lang.



Ang daming artistang nag-react ng sobrang negative sa Anti-Planking law. Naisip ba nila na walang choice yung mga gumawa ng bill na yon dahil kaligtasan ng mga nagra-rally ang nakasalalay? Nakisakay lang sa hype yung mga artistang yon, para "cool". Para sa mga artistang yan, kung mga kapatid, anak, o magulang nila ang magpa-planking sa area ng mga busy na kalsada, ayos lang ba sa kanila? Seryoso, ayos lang? Ang bobo 'e.
Hindi kame nagpa-planking. Pero hindi din kami against sa planking. Kung wala kayong mapeperwisyong iba, at kung nasa sarili nyo lang ang risk, bahala kayo, good luck sa trip. Pero kung makakadamay kayo ng mga inosenteng driver na dumadaan lang sa normal nilang daanan, at may posibilidad na malagay sa konsensya ng mga driver na yon ang buhay nyo, kalokohan na yan. Para naman sa mga gago sa gobyerno, pakinggan nyo kasi agad ang mga reklamo. Mag-set kayo AGAD ng meeting kung sapat ang dami ng taong nagrereklamo.

Tang'na nyo kaya kayo binatukan ng pagpa-planking sa mga rallies, dahil hindi nyo sila pinapansin nung puro salita lang sila. Simple lang naman yan, kung ayaw nyong mabatukan, lumingon kayo agad sa sitsit pa lang.
Basta kung sa rallies lang ipagbabawal ang planking, ayos lang. Kung totally ipagbabawal ang planking, gago kayo. At paki bilisan nga ang conclusion nyang bill na yan, para hindi nasasayang ang oras. Hindi request yan. Utos yan, galing sa lahat ng Pilipinong nagbabayad ng sweldo nyo.

Isang bagay pa nga pala para sa mga mahilig mag-planking. Tutal ang lakas ng loob nyong dumapa kung saan-saan, siguraduhin nyo lang na kayo ang naglalaba ng mga damit nyo.


Ask The Author

Tanong galing kay Prokopyo:
Bakit po ba nagsisigarilyo ang mga tao kahit alam nilang masama sa health yun?



MaEpal:

Iba-iba ang dahilan kung baket naninigarilyo ang mga tao. Addicting ang nicotine, kaya kadalasan yan ang dahilan ng pagyoyosi. Hinahanap-hanap na ng katawan ang nicotine. Pero may mga tao din na "occasional smokers". Yung tipong napapayosi pag may salo-salo, kadalsan pag may inuman. Minsan peer pressure ang dahilan. Pag halos lahat ng kasama nila, nagyoyosi, napapyosi sila. Subconscious nila ang nag-uutos sa kanila na makisama pag ganon. Hindi sila aware na kaya lang sila nagsindi ng yosi, ay para "just to belong". Mali yan kung tutuusin, kaso hindi nga aware ang iba pag ginagawa nila yan. Meron namang nagyoyosi lang pagkatapos kumain, eto yung mga taong pakiramdam nila mas mabilis gumagaan ang pakiramdam nila pag nakakapagyosi sila. Pero sa totoo, kahit mag-inhale-exhale lang ang kahit sino, mas mabilis luluwag ang pakiramdam mo pagkatapos kumain. Pag humihithit kasi ng yosi, mas malalim ang inhale mo. Ang normal na paghinga ng tao ay mababaw. At pag kakatapos lang kumain, mas bumababaw pa ang paghinga dahil nao-occupy ng stomach ang konting space para mag expand ang lungs.

Sa totoo lang, wala kami sa lugar para sabihin na masama para sa inyo ang paninigarilyo, dahil sa aming apat, may occational smokers, at may addicted smokers. Sinusubukan naming itigil ang habit na yan sa kanya-kanyang paraan. Mas malakas ang addiction ng iba kesa sa iba. Kung may mga smokers na nakakabasa nito, subukan nyong bawasan pakonti-konti. Yung mga hindi nagyoyosi, wag nyo nang subukan, dahil sa tikim lang din kami nag-umpisa. Mahirap itigil pag natutunan at napadalas ang pagyoyosi.

Gusto naming i-share ang isa sa observations namin sa mga nagyoyosi; Parang "sport fishing" o hobby na pangingisda ang pagyoyosi. Baket? Ganito yan... Pag nangingisda ka (sport fishing) feeling mo may ginagawa ka, pero kung tutuusin, wala. Naghihintay ka lang na may kumagat na isda. Ganyan din ang pagyoyosi. Kaya nga mas napapayosi ang mga smokers na may hinihintay. Tulad ng pag may hinihintay kami na kabarkada. Halimbawang late yung hinihintay namin, nakakabato pag walang ginagawa. Kaya napapasindi kame. Sindi, hithit, taktak ng abo. Feeling namin may ginagawa na kami nyan, pero wala naman. May iba naman na pacool lang ang pagyoyosi. Abnoy ang mga ganyan. Feeling nila astig dahil umuusok ang bibig nila. Mas nahihirapan pa tumigil magyosi ang mga ganyang tao dahil tuwing nagyoyosi lang sila nababawasan ang pagka-insecure nila.

May iba pa nga na dinadala sa "retard level" ang pagpapacool gamit ang yosi. Nakakita ka na ba ng nagyoyosi gamit ang buong kamay nya. Yung tipong pag humihit, nakaipit sa gitna ng hinpapakyu at palasingsingan yung yosi, sabay nakabukas ang kamay pag humihithit.Yung halos matakpan na ng buong kamay nya yung muka nya pag humihithit sya. Yan ang isa sa magandang example ng mga taong tinatawag naming "trying hard maging feeling cool wannabe". Pero sa susunod na namin ikukwento kung ano ang iba pang halimbawa ng "trying hard maging feeling cool wannabe". Sa ngayon, hanggang dito na lang muna ang usapang yosi na 'to. Masamang bisyo yan, tigil nyo na yan, o wag nyo nang subukan. Sige, salamat, hanggang bukas na lang. Yosi muna kame.

Class Report

Pag nasa classroom kayo, tapos kailangang lumabas ng teacher para mag-CR, magpa-photo copy ng test papers, mag-miryenda ng patakas, o para tumawag sa shota nya, pinagbibilin minsan ng teacher sa isang studyante na bantayan ang klase. Uutusan nyang ilista nung studyante sa blackboard kung sino-sino ang mga tatayo, lilipat ng upuan, at mga mag-iingay. Pag tumayo ka, sa listahan ka ng "Standing". Pag lumipat ka ng upuan, "Not In Proper Seat". Kung nakikipagdaldalan ka naman, kahit hindi masyadong maingay, "Noisy" ka agad. Ginagawa yan para madisiplina yung mga studyante. Effective yan, dahil may parusa pag napunta ka sa mga listahan na yan. Minsan may bayad na ilalagay sa class fund. Minsan deduction ng score sa susunod na test. O kaya ipapatawag ang magulang mo pag madalas kang nalilista. Hanggang high school lang naman kadalasan may ganyan. Sa college wala na nyan. Pero kung tutuusin, pagkapanganak pa lang sayo, nasa mas malaking classroom ka na, at may mas nagbabantay na teacher na nag-aabang kung sino ang malalagay sa listahan.



Malaking-malaking classroom ang mundo, at experience ang teacher. Ang kaibahan lang, hindi lumalabas ng classroom yung teacher, at sya mismo ang naglilista ng "Standing", "Not In Proper Seat", at "Noisy". Pero sa classroom na 'to, maganda pag nasama ka sa lista. Pag naka-tayo ka, mas madami kang makikita. Mas malayo ang nakikita mo. At mas may alam ka sa nangyayare. Mas kita mo rin yung "Crush" mo pag nakatayo ka. Kaya kahit mas madalas kang naka-upo, kung madami kang nalalaman, at natututunan, "Standing" ka. Pero kahit "Standing" ka na, kung hindi naman nagagamit yung mga nalaman at kaalaman mo, sayang. Kumilos ka. Lumibot ka. At maghanap ng mga makikilala. Kung mas madami kang makilala, mas madami ang koneksyon mo, mas dadami ang opportunities mo. Mas malaki din ang chance na makatabi mo ang "Crush" mo at maging panghabang-buhay mo syang "Seatmate" (Yeehee! Kilig? Mga siraulo.) Kung ginagawa mo yan, mapupunta ka na rin sa "Not In Proper Seat". Pero kailangan mo paring matuto dumaldal. Yung daldal na may substance. Kung hindi ka iimik, kahit pa isang batalyon na ang nakakatabi mo, hanggang opportunity na lang yan. Wag mahiyang magtanong kung may gustong malaman.



I-share sa iba kung may maganda kang idea. Dahil ni hindi nila malalaman kung sino ka kung hindi ka gagawa ng kahit konting ingay. Kahit katabi mo na yan, kung tameme ka lang, irrelevant ka kung nakalingon sya sa kabila. Kaya kahit kalabit pa lang ang ginagawa mo, kung ang purpose mo ay para makipag-usap, nakalista ka na sa "Noisy". Minsan nga, sa kalabit pa lang meron nang nagkakaintindihan.

Standing. Not In Proper Seat. Noisy.
Nakalista ka na ba?


Napakaraming tao sa mundo.............................. Pero konti lang ang nagaasal tao



Fr. Raul Cabonce: Tunay Na Astig na Barako !!!



ang tunay na astig na barako ay rapist

eto basahin mo :

Priest accused of rape moved to Butuan bishop’s palace
By Franklin Caliguid
Inquirer Mindanao

BUTUAN CITY, Philippines—The parish priest of Tubay, Agusan del Norte, who has been accused of rape and other sexual abuses by a 17-year-old has been relieved of duties, officials of a women’s group aiding the alleged victim said.

Atel Hijos, Gabriela spokesperson for the Caraga region, said they learned that the Reverend Raul Cabonce of the St. Anne Parish has been re-assigned to the Bishop’s Palace here by Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos and was under the prelate’s custody.

Lina Linaban, secretary general of Gabriela in Caraga, said removing Cabonce from Tubay was not enough.

“It is not enough to transfer the erring priest to another parish where he can still violate other girls.

He should be made accountable (for his acts) under the State’s laws as well as Church laws,” she said.

As in various times in the past, Pueblos did not answer calls nor respond to text message from the Inquirer.
Linaban said the experience of the girl, identified only as Leah, showed “that exploitation and abuse occur even in places that seem safe.”

“We are saddened that the crime happened within the very institution that is supposed to uphold morality.

The priest exploited Leah’s trust and violated her despite her young age,” Linaban said in a statement issued Friday.

The alleged victim filed charges of rape, acts of lasciviousness and child abuse against Cabonce at the Agusan del Norte prosecutor’s office last Thursday.

She claimed that Cabonce abused her on five different occasions since September.

Cabonce repeatedly denied the allegations in radio interviews, dismissing them as “trumped–up” charges concocted by his unidentified detractors.

He would not elaborate, however, saying he would file his answer to the charges in due time.
Linaban said based on the account of the girl, Cabonce had initially molested her by touching her private parts.

“Subsequent molestations, the last one ending in rape, happened on March 3 and 14,” Linaban said.

She said the girl “was threatened with a curse and an end to her scholarship to prevent her from telling anyone about her sexual ordeal.”

Linaban said Cabonce also “made sure that his guns and bladed weapon were in plain sight of Leah while violating her inside his room.”

Despite Cabonce’s denial, Hijos said it was unlikely for the girl to make up stories that could soil her reputation.

“(She has) a strong case and sufficient evidence for Father Raul Cabonce’s conviction,” she said.

Hijos told the Inquirer their group took custody of Leah, who “is now undergoing counseling for the severe emotional and psychological trauma resulting from Father Cabonce’s abuses.”

“Leah was greatly affected by her traumatic experience. She could not imagine that this could happen to her considering that she trusted the priest as a man of God,” Linaban said.

She said Gabriela has urged Pueblos not to protect Cabonce and not cover up for the priest’s alleged misdeeds.
“Bishop Pueblos should be an instrument of justice and equality rather than engage in a cover up to protect Father Cabonce,” Hijos said.

“Like Leah, there may be other girls, who are not given the opportunity to finish their studies because of lack of resources. And often, like Leah, they are exploited because of their poverty,” she said.

With a report from Jeffrey Tupas, Inquirer Mindanao


Water Dispencer ng mga Tunay Na Astig na Barako !!!



Gawain ng isang Tunay Na Astig na Barako !!!



Saan makakabili ng isang matigas na nagbubuga ng malapot na init......



Pagkatapos Sumubo



Tang Ina this !!!!!







Wednesday, September 21, 2011

Ika -192 Banat

Tatlong Kwela




Ask the Author ?




Tanong galing kay Pining Gersya:
Tanong lang po; Halimbawa sa Facebook, pag birthday mo, may mga babati minsan sayo ng " HBD! :) " Sa tingin ninyo ok lang po ba na may mga bumabati ng ganyan? Concern lang po, baka kasi sa pasko magbatian na lang ng "MC!" tapos sa bagong taon "HNY!".

Da Author:
Magandang tanong. Salamat. Eto yung mga klase ng tanong na ganado kaming saguting. Yung mga tipong tungkol sa mga kusang loob na nagpapakaretarded. Siraulo yang mga umi-"HBD!" pag bumabati sa Facebook pag may nagbirthday. Tang*na "Happy Birthday" lang katatamaran pa ba yang i-type? Kung hindi ba naman pa-cool lang talaga yang mga taong yan. Feeling nila pag abbreviated, smart o sosyal. Una sa lahat, special na araw ng taong babatiin mo. Insulto lang kung babatiin mo sya ng shortcut. Muka ka lang tinamad, at kaya ka lang bumati para batiin ka din nya pag ikaw naman ang may birthday, at madagdagan ang babati sayo, para mukang madami ang may paki-alam sayo. Gago. Pangalawa, "Happy Birthday"... two words lang yan. Baket "HBD"? Kung hindi ba naman tanga lang talaga ang gagawa nyan. Ang tanong mo ay kung ok lang ba para sa amin na may mga bumabati ng ganyan? Oo naman, ok lang. Para pag-dating ng birthday nyo, malaman nyo kung sino sa mga kaibigan nyo sa Facebook ang pa-cool na tanga.

Tanong galing kay Boy talbos:
Ano po ang magandang study habit, lalo na kasi malapit na ang midterm exams. Thank you po.

Da Author:
Pinaka ok kung gagawa ka ng reviewer habang kumakain ng paborito mong chichirya/chocolate at nakikinig sa mga trip mong kanta. Mas madali kasing nare-retain ng utak ang mga information pag masya ang tao. May research nga na ginawa kung san lumabas na yung mga subjects na pinanuod ng horror o malungkot na movie, mas nahirapang mag-retain ng information, kesa sa mga subjects na pinanuod ng comedy/feel-good movie. Importante din na may tulog ka bago mag-exam. Pagkagising, scan mo lang yung reviewer, tapos magrelax ka na ulit. Kung tutuusin, habang ginagawa mo yung reviewer, nagrereview ka na. Madalas nga, pagtapos mo isulat lahat sa reviewer, nakarehistro na sa utak mo yung mga sinulat mo. Good luck sa lahat ng mag-eexam.

Tanong galing kay kattee:
Mga ninja, madalas kasi akong maging absent minded. Katulad nalang nung habang naliligo ako, imbis na shampoo ilagay ko sa buhok ko, toothpaste nalagay ko. Tapos minsan po mali nasasabi ko, halimbawa habang nasa road kami ng mga classmates ko tapos may mabilis na kotse na humarurot kahit red light na, di ko alam sa katangahan ko nasabi ko ang tawag sa ginawa nya " Hitting below the red light." Minsan natatakot na po ako, sana masagot nyo. Salamat ninjas.

Da Author:
Ayaw naming magmarunong masyado. Etong mga sasabihin namen, mga theory lang na nahaluan ng pangaral galing sa kanya-kanyang magulang namen. Hindi naman kasi kami doctor, pero isa sa usual na dahilan ng madalas na pagiging absent minded ay simultaneous thoughts o yung sabay-sabay na pag-iisip ng mga bagay. Mahirap yan pag hindi mo kontrolado. Baka kaya toothpaste ang nagamit mong shampoo dahil iniisip mong magtu-toothbrush ka pagtapos maligo. At baka kaya "Hitting below the red light." ang nasabi mo, dahil may naisip kang may kinalaman sa boxing habang tumatawid kayo.

Meditation ang ginagawa ng iba para mas makontrol ang activity ng utak nila. Pero kung kami ang tatanongin, sa tingin namin mas maganda kung magsusulat ka para magkakaron ka ng outlet para sa ibang nililikot ng utak mo. Magsimula ka ng blog. Wag mong targetin na magkaron ng readers. Basta ilatag mo lang kung ano man ang gusto mong ikwento. Parang diary lang. Iwasan mo maligo pag puyat, nakaka-pasma daw ng ugat sa ulo yon. O kaya mas maganda nyan, iwasan mo na lang magpuyat.
Good luck kid. Sana nakatulong kami sayo kahit konti. Kung tutuusin, pinagbigyan ka na lang namen dahil muka ngang madalas kang maging absent minded. Sinabi mo kasing sana masagot namen, 'e wala ka namang tinanong.

Tanong galing kay Greg Deguzman:
Pano ko po ba madaling mapapasagot yung nililigawan ko?

Da Author:
Bigyan mo ng madaling tanong.

Tanong galing kay jopjop:
Bakit po mahirap maging gwapo?

Da Author:
Mahirap lang yan kung ikaw lang ang naniniwalang gwapo ka.

Tanong galing kay shintaro:
Pano ako gagawa ng magandang kalokohan?

Da Author:
Sumigaw ka ng "Tama na! Puro na lang kayo away! Lalayas na ako!" pag may nakita kang hindi mo kakilalang magshota na nag-aaway. Sabay walk out.

Tanong galing kay Mapapelepal:
Kung papipiliin kayo ano gusto nyo? "Kapamilya" (ABS-CBBN), "Kapuso" (GMA), o "Kapatid" (TV5)?

Da Author:
Ang gusto namin ay mga "Kabirthday". Dahil pag "Kabirthday" kayo, kahati mo sya sa painom.

Tanong galing kay mAnAng_guard:
Bakit ba pulang itlog ang tawag sa maalat na itlog, diba violet yun?

Da Author:
Dahil panget pakinggan ang "Pabili nga ng violet na itlog." Ang ipagtaka mo ay kung baket tinatawag na pula ng itlog ang egg yolk, 'e dilaw naman yon.

Tanong galing kay Tonton Comia:
Bakit ba ginawa pa yung mga bakla? Salot lang naman sila.

Da Author:
Para mairita ang mga taong makitid ang utak na tulad mo. Gago.


Balita: Nagbate nang 42 na beses, kelot dedo



Gintong Aral: Kapag naka-41 ka na, tama na muna

Eto batehin mo este basahin mo :

Boy dies after masturbating 42 times
AUGUST 31, 2011 8:27 PM HAHZ 56 COMMENTS

A 16-year-old boy died after masturbating 42 times without stopping in Rubiato town, in Goiás region, Brazil.
His mother told a local newspaper that she already knew about his son’s addiction and that she planned to see the doctor, but the decision came too late.

The young man began to masturbate at midnight and spent the whole night to compulsively touch himself.
At school, his classmates commented on the boy’s problem and some said he asked them to connect to the webcam for being observed.

They further said that his attraction to women was extreme; he was attracted to all kind of women, regardless of texture physics, color and age.

In his room a great amount of pornography was found, including photographs and videos of nude women that were saved on his PC. Source


Iba ang mali sa bawal



Lahat ng mali, bawal. Pero hindi lahat ng bawal, mali. Nagiging mali ang isang bagay kung may nasasaktan, naaapi, o naiisahan dahil sa bagay na yon. Ang pagiging bawal naman ng isang bagay ay may pinagbabasihan na batas o rule. Kung labag sa rule, bawal na yon, pero pwedeng hindi mali. Ganito na lang, para mas madali mong matandaan; Malalaman mong mali ang gagawin mo kung may maaaragabyado sa kahit na anong paraan pag ginawa mo yon. At malalaman mong bawal ang gagawin mo kung kaya mo syang ipagyabang sa mga kabarkada mo, pero ikahihiya mo syang ikwento sa magulang mo.


Matibay ka nga, madiskarte ka ba?



"Ang matibay na tao, kayang tibagin ang mga nakaharang sa kanya. Kikilos paabante at titibagin ulit kung may nakaharang pa. Ang madiskarteng tao, gagawing tungtungan ang mga harang para maka-angat sa iba. Hindi lang kikilos paabante, kundi pataas kung saan mas konti ang makakaharang sa kanya."


My name must Taste Good, coz it's always in Somebody's mouth



Sa sobrang sarap ng mga lalake, sila sila nalang rin yung nagtitikiman



"Malalaman mo ang ugali ng isang tao base sa mga sinasabi ng kaibigan nya tungkol sa kanya. Pero mas malalaman mo ang tunay na ugali nya base sa mga sinasabi nya tungkol sa iba."



Sa totoo lang...



Hindi naman masama mangarap ng gising, dahil hindi ka naman pwedeng mangarap ng tulog. Hindi nangangarap ang tulog, panaginip ang tawag don tanga.









Anak: 'Tay, kain po tayo sa Jollibee, sige na po! Tara po! Pleaaassseee!
Ama: Sige, kakain tayo doon kung tama ang spelling ng Jollibee mo!
Anak: 'Tay sa KFC na lang po pala! Hihihihi


I promise that I will always offer my heart for you



" Masarap magtampo lalo na kung may maglalambing sayo "



"Bakit daw ang bakla dumadami kahit hindi sila nanganganak"



Sabi ng mga Bakla:

"Hangga't may lalaking namamakla bukas o makalawa may bagong baklang mapipisa"


Tol, ano ang Tangina This! mo ngayong araw ?



Extra rice, tol



Kumusta sa kinainan mo kanina tol ?

Thursday, September 1, 2011

Ika - 191 Banat

Gawain ng Tunay Na Astig na Barako !!!



James Soriano: Tunay Na Astig na Barako !!!



ang tunay na astig na barako ay higit pa sa malansa at mabahong isda.

heto ang kanyang shit:

James Soriano Article Draws Criticisms – Language, Learning, Identity, Privilege
Posted by JM Maninang on August 27, 2011, filed in: Philippines 3,662 views

Language, learning, identity, privilege
Ithink
By JAMES SORIANO
August 24, 2011, 4:06am

English is the language of learning. I’ve known this since before I could go to school. As a toddler, my first study materials were a set of flash cards that my mother used to teach me the English alphabet.

My mother made home conducive to learning English: all my storybooks and coloring books were in English, and so were the cartoons I watched and the music I listened to. She required me to speak English at home. She even hired tutors to help me learn to read and write in English.

In school I learned to think in English. We used English to learn about numbers, equations and variables. With it we learned about observation and inference, the moon and the stars, monsoons and photosynthesis. With it we learned about shapes and colors, about meter and rhythm. I learned about God in English, and I prayed to Him in English.

Filipino, on the other hand, was always the ‘other’ subject — almost a special subject like PE or Home Economics, except that it was graded the same way as Science, Math, Religion, and English. My classmates and I used to complain about Filipino all the time. Filipino was a chore, like washing the dishes; it was not the language of learning. It was the language we used to speak to the people who washed our dishes.

We used to think learning Filipino was important because it was practical: Filipino was the language of the world outside the classroom. It was the language of the streets: it was how you spoke to the tindera when you went to the tindahan, what you used to tell your katulong that you had an utos, and how you texted manong when you needed “sundo na.”

These skills were required to survive in the outside world, because we are forced to relate with the tinderas and the manongs and the katulongs of this world. If we wanted to communicate to these people — or otherwise avoid being mugged on the jeepney — we needed to learn Filipino.

That being said though, I was proud of my proficiency with the language. Filipino was the language I used to speak with my cousins and uncles and grandparents in the province, so I never had much trouble reciting.

It was the reading and writing that was tedious and difficult. I spoke Filipino, but only when I was in a different world like the streets or the province; it did not come naturally to me. English was more natural; I read, wrote and thought in English. And so, in much of the same way that I learned German later on, I learned Filipino in terms of English. In this way I survived Filipino in high school, albeit with too many sentences that had the preposition ‘ay.’

It was really only in university that I began to grasp Filipino in terms of language and not just dialect. Filipino was not merely a peculiar variety of language, derived and continuously borrowing from the English and Spanish alphabets; it was its own system, with its own grammar, semantics, sounds, even symbols.

But more significantly, it was its own way of reading, writing, and thinking. There are ideas and concepts unique to Filipino that can never be translated into another. Try translating bayanihan, tagay, kilig or diskarte.

Only recently have I begun to grasp Filipino as the language of identity: the language of emotion, experience, and even of learning. And with this comes the realization that I do, in fact, smell worse than a malansang isda. My own language is foreign to me: I speak, think, read and write primarily in English. To borrow the terminology of Fr. Bulatao, I am a split-level Filipino.

But perhaps this is not so bad in a society of rotten beef and stinking fish. For while Filipino may be the language of identity, it is the language of the streets. It might have the capacity to be the language of learning, but it is not the language of the learned.

It is neither the language of the classroom and the laboratory, nor the language of the boardroom, the court room, or the operating room. It is not the language of privilege. I may be disconnected from my being Filipino, but with a tongue of privilege I will always have my connections.

So I have my education to thank for making English my mother language.


Former President GMA at Saint Luke Hospital



Paglabas niya ..........



"Yung mga taong hindi nagigising sa kahit anong kalabog ng katotohanan, yan yung mga taong nagtutulog-tulugan dahil kontento na sila sa pekeng panaginip ng pag-asa."



Merong mga taong ayaw, o takot kumilos para sa solusyon ng problema nila. Pinapa-ubaya na lang nila sa mga "posibilidad". Iniisip nila na posibleng lumipas ang problema pag dumating ang oras na may mangyareng iba sa buhay nila. Hihintayin nila ang oras na yon, at pag hindi parin nawala ang problema nila, iisip na naman sila ng ibang posibilidad at maghihintay lang ulit na mangyari yon. Paulit-ulit na proseso. Walang katapusan na paghihintay. Nagiging tau-tauhan sila sa sarili nilang buhay. Yan ang pagtutulog-tulugan sa katotohanan para sa walang katapusan na pekeng panaginip ng pag-asa. Maswerte ang mga nagigising at kumikilos para sa pagbabago.

Malas ng iba dahil napipilitan lang silang gumising dahil may dumating na "bangungot". Kunin mo ang pagkakataon na 'to para isipin kung ganyan ka. Kung ang sagot mo ay hindi, pag-isipan mo ulit, baka nagtutulog-tulugan ka pa. Wag kang mag-alala kung sa tingin mo nagtutulog-tulugan ka, dahil kung na-realize mo na ganyan ka ibig sabihin gising ka na. Kailangan mo na lang bumangon.


Ask The Author

Tanong galing kay Pining Gersiya:

Mga idol may tanong po ako. Anong pagkakapareho ng School, Trabaho, at Misis?



MaEpal:

Hindi namin alam kung baket mo natanong yan. Hindi din namin alam kung joke ba yan, pero sasagutin na lang namin dahil wala kaming magawa. Madami ang pinagkapareho ng school, trabaho, at misis. Pareparehong dapat pagtuunan ng sapat na oras para hindi mawala sa buhay mo. Pareparehong dapat kilatisin para maintindihan ang mga dapat mong gawin sa kanila. Pareparehong dapat alagaan kung gusto mong makinabang ka din. At pareparehong pinapasukan.


Welcome to homophobic Philippines



Sa isang article ng Yahoo! Philippines tungkol kay Vice Ganda, lumabas sa comments ng mga readers na madami paring Pilipinong may lason sa utak pag dating sa pagtanggap sa mga bading. Bago natin umpisahan 'to, gusto muna naming sabihin na hindi kami fan ni Vice Ganda, at hindi ito pagtatanggol sa kanya.

Eto ang ilan lang sa mga comments na kumuha ng atensyon namin:

"It is high time TV stations should think twice before glamorizing gay entertainers and TV hosts. They are now occupying majority time in the entertainment world in almost all TV stations. They send negative signals to our children. If you have noticed children in grade schools are already showing their 3rd sex preference. I don't intend to condemn gays but most perverts are gays. And they are hardly considered as good models for young children."
"Sa lahat na ang pinaka-sinungaling sa mundo ay ang mga bakla....."

"Dapat kasi hindi i-encourage ang mga bakla na magkaroon ng show kasi ang impact sa mga bata ay ginagaya nila ang kabadingan sa show. sa america walang show na ang host ay bakla, meron man pero straight yong kilos. nagpapaganda pa i vice pero ang bayag pala nya ay naka-hanging parang saging..ay hindi pala iniipit parang mapipisa na. Ito kasing MTRCB parang bulag. Ang bakla sa atin ay nagpro-propagate rapidly. They are not neglected but they must not host the show. Sa totoo lang I don't like vice ganda his way of making comedy because he is gay and his attitude in acting is " trying hard ". He has the attitude like Willie Revellame"

"Di ko nga alam sa Pinas kung bakit pati bakla nilalagay sa pedestal, tuloy mga bata sa pinas daming bakla kalokah!"

"langya ka Vice Ganda. ANong pakialam ko sa buhay mo? Dahil sa iyo, maraming bata ang lumalaking bading. Masyado malaki na ang ulo mo. Sa comedy bar ka na lang at wag na sa tv. Bad influence ka sa nakakarami. Ba't ba ang mga show sa tv kailangan may bading? Puede namang wala di b?"

Mga comment na walang basehan. Gusto naming bigyang pugay ang mga taong nag-comment nyang mga yan sa pamamagitan ng isang masigabong put*ng ina nyo. Madami pang anti-gay slurs ang pinutok ng mga tao don. May mga ayaw sa kilos ni Vice Ganda. May mga hindi gusto ang treatment nya sa ibang contestants sa show nila. At may mga nayayabangan sa kanya. Ang common denominator nila? Ang pagdurog sa pagiging bading ni Vice Ganda at ang bagiging bobo.

Nagiging punchline minsan dito sa MaEpal ang kabadingan. Ang ok dyan, hindi pikon ang mga bading. Kahit minsan, wala kaming punchline na naglagay ng kabadingan sa pagiging mali. Kung matagal ka nang basahero dito, malamang nakita mo na din ang mga pabasa naming sumusuporta sa pagkakapantay-patay. Patas kami, pinagtitripan namin ang mga nakakatawang ugali mapabading, lalake, o babae. Hindi kami nagmamabait. Gago kami alam nyo yan, pero hindi mo naman kailangan maging mabait para maintindigan na ang mga karapatan nating mga straight ay hindi dapat bawasan kung bading, tibo, o bisexual ang pinag-uusapan. Bakit nila iniisip na dumadami ang mga batang bading dahil kay Vice Ganda? Put*ng ina ano yan uso? Mga gago.

Sinabi namin na hindi kami fan ni Vice Ganda. Totoo yan. Pero halimbawa lang na makasama namin sya sa casual na sitwasyon, kung anong pakitungo ang ilalatag nya, ganong pakitungo din ang kaya naming ibalik. Sa society natin na sobrang daming "moralistanga" na mali o kasalanan ang tingin sa pagiging bading, ang success na naabot ni Vice Ganda ay bagay na may respetong katapat. Madaming tao na pag tinanong mo kung ok lang ba na magkaron sila ng anak na bading, mabilis nilang isasagot ang "Hinde!" na may pahabol pang "gago ka ba?" dahil mali ang tingin nila sa pagiging bading. Kung kami ang tatanungin kung ok lang ba kung magkaron kami ng mga anak na bading, mabilis din na "Hinde." ang isasagot namin, hindi dahil mali ang tingin namin sa pagkabakla, kundi dahil sa takot na saktan sila ng mga tulad ng nag-iwan ng mga comment na yan. Welcome to homophobic Philippines.


Ang pagiging maganda ay naaayon sa ganda
Hindi yung nagiinarte ka e mukha ka namang paa







Ang puso natin ay parang paminta ....



minsan buo................. minsan durog


Balak mo bang lumipat ng lugar ?!?!?!




Aeon flux hairstyle




Hindi ako galit nagpapaliwanag lang !@#$%



Massage ba kamo ?



Para sa ma-aksyong pelikula....pili na ................



Si Mr. Tiozon ay Tunay Na Astig na Barako !!!!



Tol, Komusta araw mo ?!?!?!