Thursday, December 30, 2010

Ika - 122 Banat

Maligayang putukan sa atin lahat !!!!

My WISHES for you for 2011:



The wisdom of Solomon
The courage of David
The commitment of Jacob
The dreamer spirit of Joseph
The loyalty of Joshua
The leadership of Moses
And the bank account of Henry Sy!


PNOY - JeJeBuster narin



Pagpapahalaga

BATA ang aplikanteng manager sa malaking kumpanya. Pasado agad siya sa interviews, pero ang chairman ang huling magpapasya. Napansin nito na matataas ang grado ng aplikante mula high school hanggang post-graduate. Pero wala itong scholarship grant noon. Pumanaw ang tatay niya nang siya’y sanggol pa; si Nanay ang nagpaaral sa kanya.
“Ano’ng trabaho ng nanay mo?” usisa ng chairman. Kuwento ng aplikante, “Naglabada si Nanay kung saan-saan.” Kinilatis ng chairman ang mga palad ng aplikante, at napansing makinis at malambot ito.
“Tinulungan mo ba ang nanay mo sa paglalaba?” tanong muli. Umamin ang aplikante: “Hindi po. Gusto ni Nanay palagi ako nag-aaral at nagbabasa ng aklat; tsaka, mas mabilis siya maglaba kaysa akin.”




Tumayo ang chairman: “May pakiusap ako. Pag-uwi mo mamaya, hugasan mo ang kamay ng nanay mo, tapos bumalik ka sa akin bukas.”
Pakiramdam ng aplikante na malamang ay matanggap siya sa puwesto. Sa bahay, masaya niyang sinabi na lilinisin niya ang kamay ni Nanay. Nagtatakang iniabot ng matanda ang kanyang mga kamay.
Marahan itong hinugasan ng anak. Pumatak ang luha niya. Noon lang niya napansin na kulubot, ma-kalyo at galus-galos ang mga palad ni Nanay. Ilang sugat ay malalim; napapapikit sa kirot si Nanay kapag nadidiinan ito. Ito ang mga kamay na nagbayad ng kanyang pag-aaral.
Matapos linisin ang kamay ni Nanay, tinuloy ng anak ang iba pang labahin. Mahaba ang kuwentuhan ng dalawa nu’ng gabing iyon.
Kinabukasan napansin ng chairman ang mugtong mga mata ng aplikante. Tinanong niya kung ano ang natutunan nito kahapon. Anang aplikante: “Una, alam ko na ngayon ang pagpapa-halaga: kung hindi kay Nanay, wala akong tagumpay ngayon. Ikalawa, sa pagtulong ko sa labada, nabatid ko ang hirap ng pagsisikap niya. Ikatlo, natutunan ko ang kahalagahan ng relasyong pamilya.”
“’Yan ang hinahanap ko sa isang manager. Gusto ko ang nagpapa-halaga sa tulong ng iba, nakikiisa sa paghihirap ng kapwa, at hindi inuuna ang pera bilang pakay sa buhay. Tanggap ka na bilang manager.”


MNK (Malala na Kuya)

Dear Kuya Chico,
Paki tago na lang ako sa pangalang Clifford. Isa akong pilot... ng barko. Alam kong hindi naman pilot ang tawag sa kapitan ng barko pero mas pogi kasi pakinggan ang pilot kesa kapitan. Sa loob ng isang taon, halos walong buwan akong nasa dagat. Dahil sa trabaho ko, kung saan-saang lugar na ako nakarating, tulad ng Tokyo sa Japan, Beijing sa China, Moscow sa Russia, Paris sa France, Nuuk sa Greenland, Warsaw sa Poland, Wellington sa New Zealand, Mickey's Toontown sa Disneyland, Amsterdam sa Holland, Los Angeles sa Lakers, at Bishkek sa Kyrgyzstan. Hindi ko nilalahat, pero may katotohanan sa pagiging playboy ng mga seaman na tulad ko. Ako mismo, amindo akong mahilig ako sa babae. Halos lahat ng lugar na mapuntahan ng barko namin, may natitikman akong chicks. Binigyan nga ako ng nickname ng mga katrabaho ko, tinatawag nila akong "Jake", wala lang, bagay lang daw sa muka ko ang pangalan na Jake.



Kahit malayo ako sa mga kamag-anak at kaibigan ko, masaya ako sa trabaho ko. Nakakapunta na ako sa iba't-ibang lugar, malaki pa ang sweldo. Madami na din akong naging kaibigan sa barko, kaya mabilis makalimot sa homesickness. May isa lang akong dilemma Kuya Chico. Binabangungot ako tuwing natutulog ako. Hindi ko makwento ang napapanaginipan ko sa mga katrabaho ko dahil baka mailang sila. Hindi ko alam kung baket Kuya Chico, pero lagi akong nananaginip na may kahalikan ako. Ok lang sana kung magandang babae ang kahalikan ko, kaso hinde. Kahalikan ko sa panaginip ko, si Gerald Anderson! Hindi ko alam kung baket, dahil hindi naman ako napopogian kay Gerald Anderson. Hindi naman sya panget pero baka hindi ko lang sya type dahil... lalake ako! Pinigilan ko nang matulog para hindi ko na mapanaginipan yon. Pero alam kong dadating ang oras na matatalo ako ng antok.
Nakaisip ako ng paraan para hindi na ako mamroblema sa panaginip kong yun. Naisip kong magiging bading na lang ako para maenjoy ko yung panaginip. Pero hindi pala madali maging bading Kuya Chico. Ginawa ko na ang mga bagay na makakatulong para maging bading ako. Nanood ako ng Project Runway, nag-interior design ako ng kwarto ko, naglagay ako ng pa-sweet na status sa facebook, nagsuot ako ng skinny jeans, naglaro pa nga ako ng volleyball. Pero kahit gatiting na kabadingan, hindi ko naramdaman. Sana ay mapayuhan mo ako kung pano maging ganap na bakla bago ako makatulog, dahil baka hindi na lang kiss ang gawin namin ni Gerald Anderson sa panaginip.
Lubos na gumagalang.
Clifford

Tittle: Volleyball


Minsan, sa dami ng problema, gusto kong umiyak at magpakamatay… lisanin ang mundong magulo.


Kaso… virgin pa ako, eh!
Sayang naman!




DANIEL: Pare! Kumusta ‘yung ka-date mo kahapon?
JAY: Eto, halos malapnos ang hotdog ko…
DANIEL: Ganu’n kaga­ling?
JAY: Hindi, ‘no?!
DANIEL: Eh bakit halos malapnos ang hotdog mo?!
JAY: Nilagyan kasi niya ng hot sauce bago kinain!



Masama ang magtanim ng galit sa kapwa



Pero mas masama ang magtanim ng bata sa hindi mo syota





Dito kumain ang mga Tunay na Astig na Barako !!!



Jose Rizal: Di Tunay na Astig na Barako


Ang Tunay na Astig na Barako, umaalis ng walang paalam


Sandwhich ng isang Di Tunay na Astig na Barako




Tang Ina this @#$%^&*

















Last or Lust




AMONG BABAE: Inday, malapit nang mag-alas-dose. Hanapin mo nga ‘yung torotot para sa celebration natin ng New year!
INDAY: Opo, ma’am…
(Makalipas ang ilang sandali…)
AMBOY: O, nasaan ang torotot?
INDAY:Nasa kabilang bahay lang po si sir, ma’am. Sinabihan ko po na umuwi na dahil hinahanap ninyo para sa pag-welcome ng Bagong Taon!

2011 HIGHLIGHT:
First day is 1.1.11. Four 1’s.
If I am the FIRST Person to inform you this matter, keep it.
Good year ahead!

Member ka ba ng SMP?
Sabik sa Malulutong na Pera!


PATALASTAS…
MISTER: Ang sarap nito! Ano ba ‘to? Nakakabusog!
MISIS: Beer Brans ‘yan… nakakalusog!
MISTER: Nakakabusog!
MISIS: Nakakalusog!
JUNIOR: Wow, sarap! Nakaka…
MISTER: Busog!
MISIS: Lusog!
JUNIOR: Para wala pong away… nakaka-USOG na lang!

Tuesday, December 28, 2010

Ika - 121 Banat



Cheers let's Welcome D ' Year 2011




Christmas terror



Sa pagbomba sa isang chapel sa Jolo habang ginaganap ang Christmas mass, napatunayan lang na may mga taong lihis ang paniniwala. Hindi religion ang tunay na issue dito. Respeto ang anggulong binaliwala. Ginagamit lang ng mga put*ng inang terorista ang religion para utuin ang mga tao. Walang kinalaman ang religion sa terorismo. Kahit kailan, wala kaming religion na kinampihan. Kahit sa pangyayari sa chapel bombing sa Jolo, ang may kasalanan ay ang mga bobong tao na nagmamagaling mag-utos, at mga bobong tao na nagpauto.
Wag mong husgahan ang isang grupo, religion, o lahi base sa ginawa ng isa o maliit na portion ng miyembro nito. Sa kahit anong samahan, pag sobrang lumaki at dumami ang kasali, dadating talaga sa punto na may magpapauso ng paniniwala na hindi naman katiwa-tiwala.
Wala na lang pakialamanan ng trip kung alam mong may mapapahamak.
Respeto lang. Tang *na naman, respeto lang.


Double Standard Malas



Pumasok si Ritchie sa isang bar. Umupo sa isang sulok at tahimik na tinitigan ang inumin nya. Halos 20 minutes na syang tulala sa inumin nya nang biglang may pumasok na siga.
Siga: Akin na 'to! (Sabay lagok sa inumin ni Ritchie.)
Biglang umiyak si Ritchie.
Siga: Brad! Sorry na! Pinagti-tripan lang naman kita. Eto bibilhan na lang kita ng bagong inumin. Parang yan lang, iiyakan mo na. Kahit dalawang inumin pa ipalit ko para lang tumahan ka na!
Ritchie: Hindi naman yun yon 'e. Buong araw ako minalas. Nawalan ako ng trabaho kanina dahil pinalit sa posisyon ko yung anak nung boss ko. Nung pauwi na ako naubusan ako ng gasulina. Nung naglalakad ako para bumili ng gas, nakita kong papasok ng motel yung asawa ko kasama yung best friend ko. Pag-uwi ko sa amin, naabutan kong nasusunog yung bahay namin. Nung papunta na ako dito sa bar, naholdap pa ako! Tapos ngayon, balak ko nang tapusin ang paghihirap ko, ininom mo pa yung lason ko. Booyset na buhay talaga 'to!


Aangal ka pang konti lang ang regalo mo nitong pasko?



Baket, ikaw ba ang may birthday?


“Ay, Bohay Pa Pala si Emilda Papen!” – Dionesia Pacquiao




Grandmaster Arroyo



Hindi na nga talaga pinayagan ng Supreme Court na magpatuloy ang Truth Commission ni Noynoy. Ang apila lang ni Noynoy, baket nga daw nung panahon ng ermat nya (Cory Aquino) pinayagan naman daw magkaron ng PCGG (Presidential Commission on Good Government), at nung panahon naman ni Erap, nagkaron ng Saguisag commission para imbistigahan ang isang kaso ni former president Fidel V. Ramos. Pero ngayon na sya ang may gustong imbistigahan, ayaw ng Supreme Court.
Madaming reklamo kay Gloria noon nung presidente sya, at kahit ngayon, tuloy ang pagkapikon ng mga tao sa kanya. Pero ang hindi maitatanggi, ay mautak ang pandak na yon. 14 sa justices ng Supreme Court ay pinusisyon don ni Arroyo nung presidente pa sya. Napaghandaan talaga nya ang future nya. Kaya kung akala ng iba noon na magiging mabilis ang pag-iimbistiga sa mga kakupalan ng nakaraang administration, well sorry na lang tayo, dahil sa ngayon, ahead parin sa "chess game" na 'to si Gloria. Ahead sya ng 14 moves.
Pag nangamoy tae sa classroom, at may gustong mang amoy ng pwet sa classroom para malaman kung sino ang tumae, sino lang ba ang aapila? Diba yung may tinatagong baho?


Hulaan mo nga kung sino ang pinaka masaya dito ?


Hirap hulaan 'no?


Paki iwan na lang yung mga braso nyo sa labas




Hurtful



Elmer: Fredo, physical therapist ka diba?
Fredo: Oo. Baket, may kilala kang magpapatherapy?
Elmer: Hindi, wala. May itatanong lang ako. Baka matulungan mo ako.
Fredo: Ano ba yon?
Elmer: Masakit kasi pag yumuyuko ako, sabay taas ng paa ko, tapos masakit din pag biglang tayo ko ulit ng diretso. Ano bang dapat kong gawin?
Fredo: Sus! Edi wag mong gawin yung mga yon. Masakit pala gawin tapos nagmumuka ka pang tanga.
Elmer: Baket ikaw, pano ka ba magpantalon? Gago ka pala 'e.



AANHIN ang kama na yari sa narra, kung ang katabi ay walang kagana-gana? Mabuti pa ang mahiga sa damo, kung ang katabi ay magaling mangabayo



Ano ba ang pananaw ng mga taong nagmamahalan pero walang commitment? Simple lang…..... alagaan ang isa’t isa hanggang ma­ging handa na sila




Tang Ina this @#$%^&



























Friday, December 24, 2010

Ika - 120 Banat

Ti's the season to be jolly


Maligayang Pagbate


Greetings for the holiday of green and red...


Wag susunod sa stoplight pag pasko


Pag nagbebenta ka ng puno, hindi mo kailangan matuto ng spelling








May mga nagsasabing dapat daw mag-sorry si Senator Antonio Trillanes IV, kay Gloria Macapagal-arroyo dahil dalawang beses syang nanguna sa balak na pagpapatalsik kay Gloria bilang presidente.


Senator Antonio Trillanes IV
Hindi daw sya magso-sorry. Pero sabi nga ni Trillanes, kanya-kanyang opinyon yan. Baket nga naman sya hihingi ng tawad? Ikaw ba magso-sorry ka sa tae na hindi lumubog pagkatapos mong i-flush ng dalawang beses? Hindi diba?



Ang Babae, nirerespeto, inaalagaan!Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw.Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan.




Tulong para sa Kanya




Halos 7 billion ang tao sa mundo. Iba-ibang relihiyon, nagdadasal sa iisang God. Sa dami ng humihiling, sa dami ng nakikiusap, sa dami ng napakikinggan, sa dami ng humihingi ng tulong, baka pwede naman tayong magpagaan sa gawain Nya. Kung alam naman natin ang kagustuhan natin, simulan na natin yung mga maliliit na hakbang papunta sa katuparan ng mga kagustuhan na yan. Kahit sino naman, mas gaganahan tumulong sa nagkukusa. Tulungan mo Sya sa pagtulong sayo. Sayo ang bwelo, Sya ang tatakbo. Napapakinggan ka naman Nya, inaantay lang nyang makipagtulungan ka.


Sa Totoo Lang...



Wag kang matakot makipagsagutan sa matalino, mas matakot ka sa bobo. Pano ka mananalo sa taong makitid ang utak at ayaw makaintindi? Mas may pag-asa ka pang manalo sa matalino, dahil maiintindihan nila ang mga ibabato mong punto. Sa bobo, hindi na lumilihis ang utak nyan. Kung ano ang paniniwala nila, yun na yon para sa kanila. At sa pakikipag-sagutan sa matalino, kahit matalo ka, may matututunan ka. Sa bobo, kahit manalo ka, biktima ka parin dahil nasayang ang oras mo.
"Mas pwede ka pang matuto sa dalawang minutong pakikipag-away sa taong matalino, kesa sa pakikipagkwentuhan ng dalawang oras sa taong bobo."


Huwag Kang Titikim ng Masarap.................Para Hindi Ka Maghanap........At Huwag Mung Sasarapan...........Ang Patikim Para Hindi Ka Hanaphanapin



Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.



Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.



Arnold Swashinigger



Tunay na Astig na Barako Kodak Moment !!!!









Tang Ina this @#$%^

























MINSAN, dumarating sa buhay ng tao ang mga problema.
Minsan, may mga tanong na pumapasok sa utak natin na hindi natin alam kung may sagot pa ba o wala na.
Kaya minsan, naitatanong ko sa sarili… ano ba talaga ang tama?
Gatas na Choco… o Choco na Gatas?

WILLIAM: Ano ang pinakamainit na bahagi ng katawan ng babae.
JOSHUE: Singit.
WILLIAM: Bakit?
JOSHUE: Kita mo, sa sobrang init… nagkaroon ng biyak!

Pagdating sa LOVE, dapat PATAS ang laban.
‘Pag inano ka, anuhin mo rin!
‘Pag ayaw magpaano, huwag ka ring magpaano!
Pero syempre, pagda­ting sa anuhan… pagbigyan mo na, lalo na kung minsan lang.
Kesa naman iba pa ang anuhin niya?!?!?!
Ikaw rin…
Baka isang araw, gustung-gusto mong magpaano… pero wala nang aano sa ‘yo.
Bahala ka na kung ano ang nasa isip mo!
Basta ako, kahit ano!!!

Para sa mga patulog na nagmamahal sa EX…
Kapag nag-txt sa ‘yo ang ex mo ng, “Uy, musta?” – ganito ang i-reply mo…
“Ok lang ako noong panahong tayo pa. Pero simula nang mawala ka, lagi akong nauuhaw dahil kahit gaano karaming tubig ang inumin ko, lalabas at lalabas din ito sa mga mata ko.
“I want my heart dead.”

BOY: ‘Pag naging mag-asawa tayo, hindi ka na maglalaba.
GIRL: Ows, talaga? Bakit naman?
BOY: Kasi, lagi tayong hubo’t hubad!

BOY: Uy! May pasa ka ba?!
GIRL: Ha?! Bakit naman?!
BOY: Kasi, nakita kita kaninang nahulog mula sa langit, eh…

BOY: (nakatitig nang malagkit sa girl)
GIRL: (kinikilig) Ano ka ba?! Kung makatitig ka, para bang ice cream ako…matutunaw na tuloy ako…
BOY: Ganu’n ba? Gusto mo, dilaan kita?