Sunday, July 4, 2010

Ika - 57 Banat

Nueva Ecija's Finest Ads !





















Wonder Woman, nakikiuso!



Ang sabi ng pumalit na "writer in control" na si J. Michael Straczynski, gusto daw nyang mas magmukang matikas si Wonder Woman.

Sa tingin namin, kaya nila pinalitan ang suot ni Wonder Woman ay dahil sa usap-usapan na paglabas ng Wonder Woman movie at ayaw nilang maging masyadong sexy ang suot ng bida para maging "Movie for the whole family" ito. Sa ganitong paraan, pwedeng makanuod kahit mga bata.

"Edi iwanan sa bahay ang mga bata!"




Ang picture sa taas ang bagong bihis na "nirarampa" ngayon ng DC comics para kay Wonder Woman.

Para sa amin, mas gusto parin namin yung dating costume ni Wonder Woman. Mas muka syang Justice League at hindi X-Men. Mas angkop sa superhero tradition ang dati nyang kasuotan. Tapos naka-panty lang sya.



Walang bobong bata!



Para sa mga batang aksidenteng nakatuklas ng site na 'to, intindihin nyo mabuti ito. Kapag bagsak ang grade sa school, o kaya mababa ang score sa exams, madalas nyong marinig sa mga teachers nyo at magulang ang "Walang bobong bata." at kadalasan ay may karugtong na "...tamad ka lang." Pwedeng tamad ka nga talaga, pwede ding hindi, pero ang mga katagang "Walang bobong bata." ay pulidong-pulido at sagad na sagad sa katotohanan.

Walang bobong bata, pero may bobong nagtuturo. Napansin nyo ba na hindi teacher ang ginamit naming salita? Ito ay dahil sa ang pagtuturo ay gawain din ng mga taong gabay sa bahay. May mga tao sa bahay at eskwelahan na basta mabanggit lang ang lesson, ipinauubaya na sa mga estudyante ang pag-intindi nito. Kung mali ang pagkakaintindi ng bata dahil hindi hinimay ng nagtuturo ang lesson at mukang inulit lang ang mga sinabi sa libro, hindi talaga matututo ang bata.

Kadalasan, kaya hindi natututo ang bata, ay dahil hindi sya nakikinig.

Ang mga hakbang para matuto ay...

* Makinig.
* Intindihin ang narinig.
* Magtanong o tingnan sa dictionary kung may salita na hindi mo naintindihan.


"Walang bobong bata, hindi ka lang nakikinig gago."




Pero minsan, kahit makinig ang bata, hindi parin sya matututo kung ang nagtuturo ang hindi nakikinig- Hindi nakikinig sa mga tanong ng estudyante. Hindi nakikinig kaya hindi naririnig kung nagdadaldalan lang ang mga tinuturuan nya. Hindi nakikinig sa kutob nya na halos kalahati ng klase nya ay hindi naintindihan ang tinuro nya, dahil wala syang pakialam..

Ang utak ng bata ay parang kaha de yero na may patibong. Hindi mo ito malalagyan, kung hindi mo alam ang tamang kombinasyon, at pwede namang ikapahamak ng bata kung sakaling sapilitan nyang ilabas ang nilalaman sa maling paraan at pagkakataon.

Makinig.

Kung hindi mo naiintindihan, magtanong.

Kung hindi mo parin naiintindihan, baka may mga past lessons ka na kailangan mo munang maintindihan para maintindihan mo ang bagong lesson. Magpaturo sa teacher ng past lessons.

Makinig.

Magbasa.

Manuod ng educational channels.

Makinig.

Laging magdala ng pocket dictionary sa bulsa.

Makinig.

Makinig.





May mga bali-balitang si Charice daw ay hindi tunay na anak nina Mr. and Mrs. Pempengco! Opo! Mga mga chismis na dahil sa sobrang pagkakamukha nila, ay si Chanda Romero daw ang tunay nyang ina! Pero may mas malaking misteryo kesa kung si Chanda nga ba talaga ang ina ni Charice. At ang misteryong ito ay kung sino ang tatay nya!


Pa-saan man makakarating din !



Sumunod sa batas lansangan !




Sex with Hobby !




Sisipain ka bawat haplos sa lalamunan!




Yun naman pala eh !




Hapi Lables Dey !




Ang pagbabalik ng ASIN !






Pili na mga KaFanatic !




Alamat ng Ketchup!




Nung unang panahon, may isang kaharian sa ilalim ng Mayon volcano. Naninirahan dito ng tahimik ang mga taong putik. Ang kanilang hari ay si Haring Tambayesi at ang kanila namang reyna ay si Reyna Urbakuha. Isang araw, sumama ang pakiramdam ni Haring Tambayesi at pinatawag nya ang kanyang dalawang anak na si Prinsipe Apanigohay at Prinsipe Kevin. Kinausap ni Haring Tambayesi ang dalawang anak.

"Mga anak, panahon na para isa sainyo ang tumayo bilang bagong hari ng mga taong putik. Matanda na ako at mukang kailangan ko nang ipasa ang trono. Para malaman natin kung sino ang karapatdapat na maging bagong hari, kayo ay sasailalim sa isang pagsubok. Tinatanggap nyo ba ang hamon?"

Sumagot si Prinsipe Apanigohay

"Opo mahal na amang hari, buong loob kong tinatanggap ang pagsubok."

At sumagot din si Prinsipe Kevin.

"Sure."

Naglabas si Haring Tambayesi ng isang itim na perlas mula sa kanyang wallet. Hinawakan nya ito at nilagay ang dalawang kamay sa likod nya.

"Kung sino ang makahula kung nasan ang perlas, yun ang magiging bagong hari."

Sinenyasan ni Haring Tambayesi si Prinsipe Apanigohay para maunang pumili. Pumili si Prinsipe Apanigohay.

"Nasa kaliwang kamay po ang perlas Ama."

At pumili din si Prinsipe Kevin.

"Pinili na nya yung kaliwa, malamang sa kanan ako."

Nilagay ni Haring Tambayesi ang mga kamay nya sa harap nya at sabay itong binuksan. Tumingin sya kay Prinsipe Kevin at nagsabi ng "Ikaw na ngayon si Haring Kevin. Ang bagong hari ng mga taong putik."

Nagsaya ang buong kaharian at nagpaluto si Reyna Urbakuha ng inihaw na unicorn para pagsaluhan ng lahat.

Habang kumakain, gustong gumawa ng sawsawan ni Haring Kevin dahil mejo matabang ang timpla ng unicorn. Pinaabot ni Haring Kevin kay Prinsipe Apanigohay ang garapon ng toyo. Mejo may tampo sa mata ni Prinsipe Apanigohay dahil hindi sya ang naging bagong hari, pero inabot parin nya ang garapon ng toyo sa kanyang kapatid. Nakangisi si Prinsipe Apanigohay habang inaabot sa kapatid ang garapon. Halata sa mga tingin nito na may maitim syang layunin.

Nagulat si Haring Kevin nang ibuhos nya ang laman ng garapon sa kanyang ulam.

"Gago ka ketchup 'to 'e!"

The End.




Alin ang masakit ????

ito .......



O eto !




Hindi namin kayo tatan-tanan !






"Maninindigan ako! Ipagbabawal ang wang wang sa lahat ng vroom vroom!"



Kung ang tagalog ng siren ay sirena pero ang tawag ni Pres. Noynoy Aquino at ng karamihan ng Pilipino dito ay "wang wang", tatawagin na din ba natin ito ng "weew weew" sa english?

TangIna this !




Pwede to sa phone sex !




eto pang....TangIna this !




I-Pod na dikwerdas !




How sweat naman !

Thursday, July 1, 2010

Ika - 56 Banat

The Mass Wedding!














Slambook: Ang ginagastusan ng mga elementary students noon para lang malaman nila kung sino ang may crush sakanila. Parang profile sa Facebook ang tema ng mga tanong. At sa dulo ay may pagsusulatan ng dedication para sa may ari nung slumbook. Narito ang mga pinaka sikat ng acronyms na binabagsak sa dedications




Para sa henerasyon na hindi na inabutan ng "SLAMBOOK".

J.A.P.A.N. - Just Always Pray At Night

A.T.O.Y. - Always Thinking Of You

I.T.A.L.Y.- I Trust And Love You

S.A.S.A.Y.A. - Stay As Sweet As You Are

H.A.K. - Hugs And Kisses

S.W.A.K. - Sealed With A Kiss

T.C.C.I.C. - Take Care Coz I Care

F.U. - Futangina U




A love story

"TEXT"




GIRL: di ko na kya,
Lagi na lang! Sa lht
nlang ng ssbhin mo,
nhhrapan aq. Im
sorry babe, I just
can't take it anymore,
Sbrang pagod n akong
intindihin ka.

BOY: ,,bvHeiiB aNoUh
bV4h 34n6
pN46xx4b1 m0uH
?? di cKqitAh mA1
ntiNd1hAn!! aNoUh
bV4Ng NuA g4w4h
cQkoUh x3oH !! bVat
k4h nKk1pAg bVr3Yk
xK3n ?! pFuaG
uXz4P4N nhU4t3N
tueH!! AJuJuJuJu!! T_T

GIRL:PAKYU!!



Family Planing Cream?




Kainan ng mga Tunay Na Astig na Barako !!!




Inumin ng mga Tunay Na Astig na Barako !!!



Di Tunay Na Astig na Barako Kodak Moment !!!




Tunay Na Astig na Barako Kodak Moment !!!



Pagkain ng Di Tunay Na Astig na Barako !!!






Speed: Di Tunay Na Astig na Barako !!!





Johnny Knoxville: Tunay Na Astig na Barako !!!





CR mo buong mundo!




Kayo ang humusga!





Tunay Na Astig na Barako Kodak Moment !!!




Bro. Eli Soriano: Tunay Na Astig na Barako !!!



1. Hindi natutulog.
2. Nagmumura. (Tulfo Bros. rule)
3. Hindi nage-"excuse me" pag dumadahak. (Mike Enriquez rule)
4. Pag tinanong, palaging may sagot. (Google rule)
5. Kahit kontrahin, palaging tama. (Tado rule)
6. Nag-aalmusal ng death threats (Miriam Defensor rule) at mga demanda.
7. Pero lahat ay trabaho lang. (John Lloyd rule)


Tatoo ng Tunay Na Astig na Barako !!!




Umagang gandang Ngiti !







Hindi lang "ihi" ang lalabas sa iyo !



Bat tryke !!!




Kababuyan !








Epal. Mas Epal


Epal: Teka lang 'tol kakain lang ako tapos alis na tayo.
Mas Epal: Uy ano yan?
Epal: Salad.
Mas Epal: 'E baket walang macaroni?
Epal: Abnoy! Hindi naman lahat ng salad kailangan ng macaroni.
Mas Epal: Ah ganon ba... may konti pakong pera dito gusto mo bili tayo ng macaroni? Basta pahingi ako, iuuwi ko sa bahay.
Epal: Ayoko nga ng may macaroni. Susubukan ko kase maging vegetarian.
Mas Epal: Anong vegetarian?
Epal: Yung mga gulay lang ang kinakain... Parang yung kapitbahay nating si linda, walang ibang kinakain yun kundi gulay.
Mas Epal: Kaya pala sexy si linda no? Hindi tumataba...
Epal: Oo, kaya nga susubukan ko din maging vegetarian, mejo tumataba na naman kasi ako 'e.
Mas Epal: ...
Epal: O ba't natahimik ka pare?
Mas Epal: Iniisip ko lang yung sinabi mo pare...
Epal: Baket? Gusto mo ding subukan maging vegetarian?
Mas Epal: Hindi, hindi... Sabi mo kasi gulay lang ang kinakain ng mga vegetarian, diba?
Epal: O ano ngayon?
Mas Epal: Tangina meron akong ka-office mate, tapos nagpapalitan kame minsan ng baon na ulam. Humanitarian yun 'e! Tangina ibig sabihin ba nun cannibal na ako?!
Epal: ...
Mas Epal: Pare sumagot ka! Cannibal na ba ako???
Epal: ........Oo pare cannibal ka na... Ikaw magbasa-basa ka minsan ng dictionary ha... Gago!






MMK (Malala na Kuya) !





Dear Kuya Chico,

Itago mo nalang ako sa pangalang Kenny. Isa akong HRM student. Kinuha ko ang kurso na ito dahil magaling ako magluto ng breakfast. Matataas ang grade ko sa lahat ng subjects ko at akala ko ay magiging mataas din ang grade ko sa Foreign Language class namin na nagtuturo ng Japanese. Akala ko nung una ay magiging madali para sakin matuto ng Japanese dahil mahilig naman ako manuod ng Japanese shows tulad ng Dragon Ball Z, Shaider, Slam Dunk, Voltes Five, at Takeshi's Castle. Pero nagkamali ako Kuya Chico... nagkamali ako.



Unang naging malinaw sa akin na wala pala akong alam sa Japanese noong unang exam namin sa Foreign Language. Pinasulat kami ng teacher namin ng limang Japanese words at ilagay daw namin sa tabi nito ang ibig sabihin nito sa English. Wala akong maalala sa mga napag-aralan namin kaya umasa nalang ako sa mga natutunan ko sa mga napanuod kong Japanese show. Sinimulan kong mag-isip. Ang una kong sinulat ay ang madalas kong marinig sa Slam Dunk, "Reboundo" na ang ibig sabihin ay rebound. Ang sumunod na sagot ko ay "Voltes Fayva" na ibig sabihin ay Voltes Five. Pangtlong sagot ko ang "Kame Hame Wave" na ang ibig sabihin sa english ay Haduken. Ang pang-apat kong sagot ay "Igeeee" na ang ibig sabihin ay "attack Master Takeshi". At ang huli kong sagot ay "Babilos" na ang ibig sabihin ay "come here airplane". Lahat ng kaklase ko ay pasado sa exam, ako lang ang nakakuha ng zero. Naniniwala ako na hindi nagbibigay si God ng pagsubok na hindi natin kayang lampasan. Sana si God nalang ang naging teacher ko.

Kung alam ko lang na hindi pala ako matututo ng Japanese na kakapanuod ng Japanese shows sana ay nakinig nalang ako ng JPOP. Baket naman kasi salita sa Japan pa ang napiling ituro sa Foreign Language class namin? Sana salita nalang sa Australia, o kaya salita sa United Kingdom, o kaya salita sa America, o kaya salita sa New York, o kaya salita sa Antipolo. Sa loob ng dalawang linggo, wala na akong kinain kundi Remen at sushi pero hindi parin ako natutong magsalita ng Japanese. Sinubukan ko na din gumamit ng chopsticks sa pagkain para lang matuto ng Japanese, kahit sabaw ginamitan ko ng chopsticks pero wala parin. Ngayon ay may naisip akong paraan na sa tingin ko ay siguradong matututo na akong Japanese. May isa lang akong katanungan Kuya Chico. San ba nakakabili ng lampin na gamit ng sumo wrestlers? Sana ay mabigyan mo ako ng sagot bago kami mag-exam ulit.

Lubos na gumagalang,
Kenny




Sa isang mental hospital...

NURSE: Ang tagal mo na dito noh?Nasa isip mo
paba ang pamilya mo?
PASYENTE: Syempre naman. (Natuwa ang Nurse)
NURSE: Nasan ba ang pamilya mo?
PASYENTE: Nasa isip ko nga e! Hello adik kaba?

2 girls applying for work..
1 matilino at 1 bobo
MATALINO: Buti kapa tanggap, ano ba gawa mo?
BOBO: Wala lang nung nagfil-up ako ng form nilagay ko sa Sex: sure y not!


juan: 0y, ano yan? Pinya? Pahingi naman.

Pedro: Pahingi?
Nasaan ka nung nagbubungkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw?
Nasaan ka nung nagtatanim ako habang kumukulog, kumikidlat at bumubuhos ang ulan?
Nasaan ka nung oras na nag-aani ako na nagkalat ang maraming ahas sa daanan ko, nung naghihirap ako sa
pgpsan ng pinya?
NasaAn k?

Juan: nakuloNg kc aq nOon! Nakapatay kasi ako ng madamOt!
Pedro: ganun ba?, sige kuha kana, kahit ilan, May langka pa


BOYONG: Dude, I'll go in muna & tell my wife we're going out drinking.

After 30 mins...

BOK: Ano? Matagal pa ba?

BOYONG: Wait. It's almost my turn to talk