Thursday, April 28, 2011

Ika - 164 Banat

"Tuwing binabaha ng iba't-ibang pananaw at paniniwala ang utak mo, maging matatag na puno ka. Wag kang basta-basta magpadala sa agos nung "baha". Sipsipin mo lang ang "malinis na tubig".



At pabayaan mong umanod palayo sayo ang mga "dumi" ng baha. Ganyan ang mga punong nananatiling buhay pagkatapos ng baha. Ganyan mo din mapapanatiling buhay sa utak mo ang mga tamang pananaw at paniniwala."


Weird Al Yankovic (Lady Gago)

Kawawa ka kung hindi mo alam kung sino si Weird Al Yankovic



Muntik nang hidi ma-release etong "Perform This Way" dahil hindi pumayag si Lady Gaga nung una. Pero dahil na din sa apila ng madaming tao, pumayag din si gaga. Kaya lang naman yata ayaw ni Lady Gaga ipagamit yung tune ng kanta nya 'e dahil ginamit ito sa kanta na nag semi-expose sa mga papansin nyang gimik. Hindi namin alam kung baket ang daming bobong hindi nakikita ang kaplastikan ni Lady Gaga. Sinabi na namin noon na talented talaga sa pagsusulat ang babaeng yan. Kung titigilan lang nya ang pagbabait-baitan at mga gimik na halata namang pagiging attention whore lang nya, edi mas ok sana. Annoying 'e.



Plano ng Department Of Tourism na doblehin ang dami ng turistang pumapasok sa Pilipinas



Sa ngayon daw, merong 3.5 million tourists ang pumupunta sa Pilipinas taon-taon. May mga plano daw ang DOT para padamihin at ma-doble ang dami na yan, at ang target nila ay magawa yan bago mag 2016.
Ang tagal naman ng planong yan. 2011 pa lang, kailangan ba talaga ng 5 years para magawa yan? Maganda ang goal, kaso parang ang tagal lang ng panahon na aantayin. Kung gusto nilang madoble yung mga tourist, edi doblehin nila yung mga bagay na pinupuntahan ng mga turista dito sa Pilipinas.

Doblehin nila ang dami ng magagandang beach. Doblehin nila ang dami ng casino. Doblehin nila dami ng business opportunities para sa mga dayuhan. At doblehin nila ang dami ng Pinay na nakikipagkilala sa mga foreigners sa internet at umaasang pakakasalan sila ng mga yon para magkaron sila ng magandang buhay, pero bibisitahin lang naman sila dito sa Pilipinas para matikman sila.


Tamachoy: Mga taong maskulado pero mataba ang tiyan








Tamachoy: Hugot sa salitang "Macho" at "Tabachoy"


Para sa kalusugan ng mga adik


Onga naman. Kung adik ka, mag-adik ka na lang sa gulay.
Magturok ka ng carrots. O kaya humithit ka ng broccoli.



Intellectual Superiority



Sa isang construction site, naghahalo ng simento sa ilalim ng init ng araw ang dalawang construction workers na si Gringgo at Manuel...

Gringgo: Grabeng init!

Manuel: Onga 'e. Badtrip talaga pag summer ang trabaho natin.

Gringgo: Tapos magkano lang sinisweldo natin.

Manuel: Wala tayong magagawa, Ganun talaga 'e.

Gringgo: Tingnan mo yung foreman natin. Patayo-tayo lang. Nasa lilim pa. Halos doble ang sweldo nyan kumpara sa sweldo natin 'a.

Manuel: 'E foreman sya 'e.

Gringgo: Ano ngayon? Baket hindi sya pwedeng maghalo ng simento?

Manuel: Ewan ko sayo. Kung gusto mo tanungin mo sya!

Gringgo: Teka ha.

Manuel: Huy, san ka pupunta?!

Gringgo: Tatanungin ko sya.

Manuel: Gago ka ba???

Gringgo: Wala namang masama magtanong 'a. Saglit lang, balik ako agad.

Manuel: Bahala ka!

Nilapitan ni Gringgo yung foreman...

Gringgo: Sir...

Foreman: 'O Gringgo, baket?

Gringgo: May gusto lang akong itanong.

Foreman: Ano yon?

Gringgo: Baket hindi kayo nagtatrabaho? Baket puro kami ang nagpapagod tapos mas malaki pa ang sweldo nyo?

Foreman: Nagtatrabaho din ako. Hindi lang physical labor.

Gringgo: Baket ganon?

Foreman: Dahil sa intellectual superiority?

Gringgo: Ano yun???

Foreman: Ganito yan... (Sabay patong ng kamay nya sa pader) O' sige, suntukin mo yung kamay ko.

Gringgo: Sigardo ka?

Foreman: Oo, suntukin mo yung kamay ko.

Gringgo: Sige, sabi mo 'e (Biglang suntok sa kamay nung foreman)

Foreman: Ops! (Inalis nung foreman yung kamay nya at tumama ang kamao ni Gringgo sa pader)

Gringgo: Araaaaay!! Tangina bat inalis mo yung kamay mo?!!

Foreman: Yan ang intellectual superiority. O sha, alis nako. Bumalik ka na sa tabaho, baka abutan tayo ng gabi.

Gringgo: Sige sir.

Bumalik na si Gringgo para maghalo ng simento...

Manuel: Anong nangyare? Tinanong mo?

Gringgo: Oo.

Manuel: Hindi nga?

Gringgo: Oo nga.

Manuel: 'O baket daw tayo lang ang nagpapakahirap tapos mas malaki pa sweldo nya?

Gringgo: Intellectual superiority.

Manuel: Ano yon???

Gringgo: Ganito yan Manuel (Sabay patong ng kamay nya sa muka nya) Sige suntukin mo yung kamay ko.


Breastmilk is still best for babies




Mabote na yong malenaw





Yosi Break muna





Michk Razon: Tunay Na Astig na Barako !!!!



Gawain ng Tunay Na Astig na Barako !!!!










Ang torture ay gawaing pang-Tunay Na Astig na Barako lamang



Kamay ng Tunay Na Astig na Barako !!!!



T-shirt ng Tunay Na Astig na Barako !!!!




Kailangan pa bang ipaliwanag ito



Tang Ina this @#$%^&*









1 comment:

  1. Pinakalaugh trip sa Jason Nate Williams likes Our Lady of Guadalupe and Maria Ozawa. Oo nga naman. Ang astig na barako e nagdarasal sa tabi ng kama.

    - Kumag ng Kabulastugan Blog

    ReplyDelete