Wednesday, August 24, 2011

Ika - 190 Banat

Rachelle Ann Beguia: Tunay na Astig na Barako !!!



Ang tunay na astig na barako:

1. Gumagawa ng online rant na "moronic" at "incompetent" ang mga taga-Singapore. Habang nasa Singapore.

2. Ang dahilan kung bakit lalo pang naghigpit ang Singapore sa mga patakaran sa hiring ng mga Pinoy at iba pang foreigner.

3. Humihingi ng paumanhin sa mga kapwa tunay na astig na barako.

4. Kung anu-ano pang shit.

May balita dito:

Heart Centre investigates staff who insulted Singaporeans

AsiaOne
Friday, Aug 12, 2011



The National Heart Centre said on its Facebook page on Aug 11 that it will conduct an official enquiry into the 'insensitive" comments made by Rachelle Ann Beguia on MP Penny Low's Facebook page.

Ms Beguia, a foreigner, described Singaporeans as "moronic" whose "loyalty" and "patriotism" will be dropped "at the first sign of trouble."

She added that Singaporean NSmen will "declare they are ready to pack up and run" when asked to fight a war.

She posted these comments in Ms Low's defence when the latter apologised for using her iPhone when the national anthem was being sung during the National Day Parade.

She had tried to urge Ms Low to ignore the angry comments made by some Singaporeans on the Facebook page by implying that the Singaporeans were too ignorant to comment on the situation.

Ms Beguia apologised for her comments on Ms Low's Facebook page at about 1pm on Aug 11.

"I am very sorry for the insensitive comments I have posted earlier. It was a lack of judgement. For those who have been hurt by those comments. I am very sorry once again."

Two hours later, The National Heart Centre said on their Facebook page:

"We sincerely regret the insensitive comments made by Ms Rachelle Ann Beguia.

"Although she posted those comments in her own capacity, National Heart Centre Singapore does not condone to such behaviour.

"We have always advocated to our staff that they should be respectful at all times, courteous and constructive when engaging in media platforms.

"An official enquiry will be conducted and appropriate actions will be taken accordingly."


Subo para sa kaunlaran



Sa mga moralista dyan, hindi bastos 'tong video na 'to. Educational yan (kung sex worker ka) At yung hawak ni Madam, paper weight lang yan. Lahat ng government office ganyan ang paper weight. Tingnan mo, silip ka sa office nin Noynoy.

Comment sa You Tube: hahahaha.. Hindi din nya gusto yung gngawa nya. She's just doing her job. Thumbs up for you Maam!

(Masyado kang assuming. Malay mo gusto nya yan.)


Mirienda para sa utak...

Hindi katanggap-tanggap ang magulang na walang kwenta.
Pero kung tutuusin, mas may kwenta ang walang kwentang magulang,
kesa sa magulang na mali ang kwenta.


Paki-usap lang, kung sa tingin mo magiging kup*l kang magulang. Baogin mo na sarili mo


Pagbabago




Sa Totoo lang ...................




Ask The Author

Tanong galing kay Kara Tei:

Hi, tanong ko lang po...lahat po ba ng mga ninja nagmumura? Kase aspiring po akong ninja kaso hindi po ako marunong magmura.. pano kaya yon? Sana matulungan nyo 'ko. Hi pala kay Biboy hehe.




MaEpal:

Hi din daw sabi ni "Biboy". Rektang sagot; Sa tingin namin hindi naman essential ang pagmumura kung gusto mong maging ninja. Nasagot na namin ang tanong mo. Dagdagan natin. Nagkataon lang na natural na reaksyon naming magmura minsan (Actually madalas, pero kinokontrol namin para sa mga batang basahero dito.) Take note; reaction minsan, pero may pagkakataon na mura talaga yan pag may mga taong dapat murahin. Mukang pangit na ugali ang pagmumura, pero kung tutuusin, depende sa pag-gamit yan. Gawin nating halimbawa ang "Gago". Ginagamit pag may kaaway, o pang-insulto, pero ginagamit din as "term of endearment" para sa kabarkada, at pangtukoy sa taong malabo o makulit. Pag nagugulat napapamura din ang iba. Kahit hindi nila alam ang ibig sabihin ng mura nagagamit ng hindi sadya. Ang nakakaloko dito, pag tagalog ang mura, mas masama ang tingin ng karamihan, pero pag "shit", "fuck", "OMFG", mas tinatanggap as a "simple impulsive reactions". Ang mga taong naniniwala dyan ang magandang example ng "Gago" na pang-insulto.

Kung hihimayin ng maigi, kung gano ka-pwede maging "simple reaction" ang lahat ng mura, sa ganong paraan din pwedeng maging mura lahat ng normal na salita at phrases. Depende din kung saan, kailan, at pano sasabihin. Isipin mo 'to; Random at normal ang salitang "kutsara". Normal na salita lang din ang salitang "aso". At hindi pagmumura ang pagsasabi ng "Kutsa ng aso" (Actually walang ibig sabihin yan). Pero kung may kaaway ka, at pasigaw mong sasabihin sa kanya ang "Kutsara ka ng aso!" kahit walang ibig sabihin yan, iisipin nyang minumura mo sya. Tama? Tama. Patunay yan na dumidipende ang pagiging mura ng mga salita sa sitwasyon at sa tono kung pano sinabi ito.

Examples ng imbentong mura na walang ibig sabihin pero pwede gamitin sa kaaway:

Kambal na inahin!
Powder exam ka!
Utot mo blue!
Sintas ng pader mo!
Pork chop noodles!
Kamutin mo kumot mo!
In your toothpaste!
Gulong ng bike ka pag Tuesday!
Mga aircon nyo bilog!

Tanong galing kay Juanito Habatiti:

May tanong lang po ako, tuwing gigising po kase ako ng umaga, at madami akong kinakain sa breakfast madaling sumakit yung tiyan ko. Kaya feeling ko parang matatae ako. Pero pagpumwesto na ako sa toilet, biglang nawawala. Tapos pag pasok ko naman sa school, dun lang sya lumilitaw. Ngayon ang tanong ko po, paano bang maiwasang matae sa eskwelahan. Lagi po kaseng nangyayari saken yun eh.. Sana masagot niyo po agad. More power.



MaEpal:

Minsan psychological lang yan. Dahil ayaw mong tumae sa skwelahan, nape-pressure kang tumae bago pumasok, kaya lalong hindi lumalabas. Kailangn mong magrelax. Magbasa ka sa C.R. ng kahit ano. Para sa mga studyante maganda ang mag-iwan ng dictionary sa kubeta, para tuwing session mo may diversion ka. Mas relax ka na, matututo ka pa. Pag hindi effective sayo yan. May dalawa ka pang pwedeng gawin para hindi matae sa eskwelahan; Wag kumain ng madami sa umaga. O kaya wag ka nang pumasok.


Para sa mga safe drivers, welcome sa......


Ang mga walang proteksyon, hindi makakapasok sa Te Puke


Pinoy nga naman, ibang klase talaga kung ma in-love



Cheezy Cheezy lines muna tayo !



BOY: Alam mo!! ang pag ibig ko sayo ay RICO
GIRL: huh? bakit?
BOY: dati kasi BLANCO!!
ngayon PUNO nah!!



BOY: mag off ka ng lights pag ikaw uuwi...
GIRL: huh? Bakit naman?
BOY: para tayo na Mag On

BOY: anu tunog ng aso?
GIRL: aw aw...

BOY: anu tunog ng pusa ?
GIRL: meow meow...

BOY: e ang PUSO ko?
GIRL: huh? anu?
BOY: e di IKAW IKAW...

BOY: sana ikaw nalang si Barney
GIRL: huh? bkit?
BOY: para I LOVE U!! , U LOVE ME!!

SA ROOM HABANG NGEEXAM

Girl:hoy bakit ka nkatingin sa papel ko, sabi ni maam walang kopyahan. isusumbong kita ah..
(Girl nagsumbong)
Girl:Maam nangongopya po sya.
Teacher:hoy bakit ka nangongopya.. diba sabi ko bawal ang mangopya?
Boy hindi naman po ako nangongopya eh.. tinitingnan ko po yung pangalan niya kung bagay sa APELYIDO ko!

Si CRUSH parang answer sa MATH
Nakita mo lang SOLVE ka na

Sana ulan ka at lupa na lang ako.
Para kahit gaano kalakas ang patak mo, sa akin pa rin ang bagsak mo

Bagyo ka ba?
Kasi the moment you left my area of responsibility,
You leave my heart in the state of calamity

GIRL: Bakit di kapa natutulog?
BOY: Busy pa ako.
GIRL: So, nakakaistorbo ako?
BOY: Hindi ka nakakaistorbo sakin. Busy pa kasi ako sa pakikipag-usap sa babaeng mamahalin ko habang buhay

Kung ikaw ang makakalaban ko sa karera!
Pwede bang maglakad na lang?
Bakit pa ko tatakbo
eh kasama ko na ang premyo ko!!!


Sa sobrang fake, naging original


Gago hindi si Shrek yan. Si Incredible Hook yan, tanga


Sentro ng balita...


Sikat sa lahat pag boy bakat


Nag-translate ka pa kase




Parang sa jeep lang yan...

"Please pay before downing."


Gawain ng isang Tunay na Astig na Barako !!!






Komusta ang araw mo Tol
!@#$%











Thursday, August 18, 2011

Ika - 189 Banat

P.H. in Ph (Paris Hilton in Philippines)

'E ano ngayon? Sa personal na paniniwala lang namin, ang pinaka importateng contribution na ni Paris Hilton sa mundo ay ang mga kumalat na sex tape nya. Pero dahil madaming nagtimbre na kontra sa balak daw gawing courtesy call ni Paris kay Noynoy, himayin natin 'to.



Ang isang "courtesy call" ay pwedeng phone call o personal na pagkikita. Hindi kagaguhan na personal na tawagan o kitain ni Paris si Noynoy. Kahit sa tingin namin mas matalino pa ang isang tumpok ng rubber band kay Paris Hilton, kung sisipatin ang bigger picture, magandang bagay ang call/meeting na yan. Baket? Dahil in a marketing point of view, makakatulong sa "positive international exposure" ng Pilipinas yan.

Ano ang mga posibilidad na nakikita namin?

-Una, may mga bagong business na uumpisahan si Paris dito. Kung maparamdam sa kanya ni Noynoy na V.V.V.V.V.V.I.P. (very, very, very, very, very, very, important person) sya sa Pilipinas, pwedeng maengganyo syang magtayo ng iba pang negosyo. At kung ang tulad nyang sobrang high profile na tao, willing mag-invest dito, baka maka-uto pa tayo ng iba pang foreign investors.

-Pangalawa, pwede ding magkaron ng impact sa tourism ang pagbisita nya dito. Kung ma-spoiled sya ng konti sa ngayon, at mag-enjoy sa atensyon, sa dami ng celebrity connection ni Paris, pwede syang maging unofficial ambassador para ng tourism ng Pilipinas. Makwento lang nya sa mga kakilala nyang celebrity na masaya ang naging stay nya dito, at maisip ng ilan sa kanila na bumisita din, magmumukang "sosyal" na tourist destination ang Pilipinas. At alam naman nating madaming pasosyal sa mundo.

-Ang pangatlo at pinaka importanteng posibilidad sa courtesy call na gagawin ni Paris kay Noynoy ay ang ligawan sya ni Noynoy. Ops! Wag ka munang magmura, pag-isipan mo muna. Chickboy si Noynoy 'e. Mahirap mang tanggapin, wala tayong magagawa dahil paulit-ulit na tinalo ni Noynoy ang odds. Ilang magandang babae na ba ang napasagot ni Presidente? Mga kung tutuusin mas maganda pa kay Paris. Malay mo mapasagot nya yan at maging Paris Hilton-Aquino yan. Pigilin mo yung mura mo! Isipin mo nga muna, sakyan mo lang 'to. Kung gumana ulit ang kung ano mang panliligaw, pambobola, gayuma, orasyon, o kung ano man ang ginagawang diskarte ni Noyoy, at napasagot nya si Paris, walang tao sa mundo na hindi makakaalam nyan. Ang laking exposure nyan para sa Pilipinas. Kahit sabihin nating madami ang kokontra, ang iportante ay yung effect na magmukang "celebrity" ang Pilipinas. Mapag-usapan at makahatak ng atensyon ng investors, tourists, at mga importers. Magkakaron ng mga bagong trabaho, kikita tayo sa mga turista, at pwedeng i-endorse ni Paris ang mga local products para sa ibang bansa. Sisikat tayo sa buong mundo! Yayaman tayong lahat! Magiging 1 is to 1 ang palitan ng peso at dollars! Aasenso ang Pilipinas dahil kay Paris Hilton! Magkakaron ng sex scadal si Paris at Noynoy! Sige, ngayon pwede ka nang mag-mura.

Fact You !




Ask The Author




Tanong ni NinjaGaya:

"Ano pong tagalog ng cake?"

MaEpal : Ang tagalog ng cake ay minatamis na pagkain na gawa sa arina, itlog, asukal, at tubig, na pwedeng haluan ng tsokolate, gatas, at prutas na nilalagyan ng kandila pag may birthday, at kayang kainin ng mga babe kahit sobrang busog na sila. Pwede ding keyk.

Tanong galing kay pooper:

May bading po ba na ninja?

MaEpal: Oo, merong mga bading na ninja. Ito yung mga bading na kayang gawing invisible ang pagiging bading nila sa mata ng ibang tao. Minsan dahil sa takot na hindi sila matanggap ng pamilya nila. Minsan dahil sa trabaho (Kadalasang makikita yan sa showbiz.) Ito ang mga klase ng ninjang bading na nagiging miserable dahil sa kagagawan ng makabobong society. May mga bading na ninja din na hindi lang ginagawang invisible ang pagiging bading nila. Nagte-training din silang maging ganap na lalake dahil sa maling paniniwala na hindi tanggap ni Lord ang pagiging bakla. Eto ang mga ninjang bading na nagpapauto sa mga moralista. Sa pangkalahatan, ang mga bading na tinatago o napipilitang itago ang kabadingan nila ay tinatawag na "Rainbow Ninjas".


Tumitindig na paninindigan



Importanteng salita ang paninindigan, ang paninindigan sa tamang paniniwala. Ang malungkot dyan, sa karamihan, paniniwala lang din ang paninindigan. Madaming tao ang naniniwala na dapat gawin ang tama, kaso pag dumating ang oras na sila na ang dapat kumilos, inaantay na lang nila na iba ang gumawa ng mga dapat gawin. Iba ang paniniwala sa paninindigan. Ang paniniwala ay nasa isip, ang paninindigan ay nasa salita at gawa. Kahit gano ka pa kagago, mahalaga na magkaron ka ng kahit gatiting na tamang paninindigan. Yung tipo ng bagay na sinosoportahan at karapat-dapat ipaglalaban. Dahil yan ang hihila sayo pabalik sa sarili mo tuwing nililigaw ka ng temptasyon. Yan ang magtutulak sayo para kumilos. At yan ang kakapitan mo pag may mga humahatak sayo palubog.

Tandaan mo, ang taong walang kinakapitan na tamang paninindigan, lulubog sa lahat ng bagay.



Musical Hybrid




Guitar + Organ



= Organ Guitar



...Gago eto ang ORGAN Guitar



Tang*nang yan.

"Cock and Roll..."


Wag masyadong titigan kung ayaw mong mabulag



Warning: Image may not be suitable for very young audiences
Patnubay ng Diyos ay kailangan


Gawain ng Tunay na Astig na Barako: Magpakasal sa kambal !



Balita: isang lalake ang nagpakasal sa kambal dahil "hindi raw siya makapili"

Man legally marries twin sisters because he 'could not decide' between them

A 24-year-old Thai man married twin sisters yesterday (Aug 8) and promised to love them both 'equally'. While many call him lucky, STOMPer hellno thinks that this man is asking for trouble by having too much on his plate.

Mr Wichai, who earns his living by dealing in old goods, got married in a pompous ceremony to 22-year-old twins, Ms Sirintara and Ms Thipawan, simultaneously.

Mr Wichai said that he had been best of friends with his neighbouring twins since they were children.

He added that “For three continuous years all three of us would go on dates together, until there was one day when I couldn’t stand the frustration any longer and told them I love you and want to marry you BOTH”

The twin sisters both agreed, admitting that they had always wanted to marry the same man.

As for sleeping arrangements, Mr Wichai said, "For the first three nights of the week, I will sleep with Ms Thipawan and the next three will be spent with Ms Sirintara. As for every Saturday, the three of us will sleep together."

STOMPer hellno comments:

"Two girls and one guy -- that seems to be most men's fantasty.

"But I think that the reality is not quite as...fantastic.

"Imagine, this man will have to put up with twice the emotional craziness of women, and spend twice as much on gifts for every occasion.

"And I can't imagine how he'll survive the week when they have PMS.

"Even the sex can't be all that fantastic after the initial spark.

"One woman usually can't be sated by one man, much less two women.

"Still, I suppose he looks pretty happy in the photo and the twins are gorgeous so he'll probably have a great honeymoon, at least."


Gawain ng Tunay na Astig na Barako



Ang mga lolang ito ay tunay na astig na barako !!!!



Boss, T-shirt. Mura lang, branded pa



Lunch box



It's Friday, Friday
Gotta get down on Friday
Everybody's lookin' forward to the weekend, weekend
Friday, Friday
Gettin' down on Friday
Everybody's lookin' forward to the weekend



Partyin', partyin' (Yeah)
Partyin', partyin' (Yeah)
Fun, fun, fun, fun
Lookin' forward to the weekend




Kumusta araw mo tol ?









Hero sneakers
















Tang Ina this !@#$%^&*