Saturday, August 13, 2011

Ika - 188 Banat

Ask The Author



Tanong galing kay Kain Pepe:

Bakit ang Pilipinas "Kulelat" in terms of Technology, Music, etc?

MaEpal Answer:

Salamat sa tanong. Madaming dahilan kung baket "kulelat" tayo MADALAS (Madalas lang, hindi lagi) sa kung ano-anong bagay.

Kulelat sa technology?

Iba-iba ang dahilan nyan. Una dahil hindi masyadong nagko-concentrate sa tech development ang Philippine government. Pangalawa, wala din namang masyadong local manufacturers ng gadgets dito. Kung meron mang magkaron ng makabagong idea sa technology sa atin, kulang sa pondo at hindi nasosoportahan ng gobyerno. Mas inuuna kasi ang mga projects para sa mga mahirap dahil mas madaming mahirap dito. Matagal na proseso kasi ang pagdedevelop ng bagong technolohiya, at ang gustong ibigay ng gobyerno sa mga tao ay instant tulong, para bida sila agad kahit nangbubulsa sila ng pera ng bayan.

Kulelat sa music?

Ngayon na lang nangyare yan. Kung internationaly, oo kulelat tayo lagi sa music dahil ang mga mas maimpluwensyang bansa ang nagdidikta ng uso. Syempre una sila, at sa panahon ngayon, kung hindi ikaw ang nauna, ma-late ka lang ng isang araw, kulelat ka na. Pero kung sa lokal na music scene, nagkaron din naman ng mga panahon na buhay ang music industry dito saten. Nagkataon lang na garapalan ang piracy dito. Nandyan din ang fact na pwede nang i-download ang mga kanta ng libre. Yan ang mga dahilan kung baket nawawalan ng gana mag-produce ng mga bagong kanta dito sa atin. Wala na kasi masyadong kita sa album sales, mas kumikita sa gigs at concerts ang mga artists. Kulang din tayo sa international exposure. Kaya kahit may ibubuga, hindi natin mapasikat internationally kung walang tulong ng ibang bansa.

Kulelat sa etc.?

Kung sa pagiging mas huli (hindi naman kulelat, mas huli lang) sa iba pang bagay, ang sagot ay ang kakulangan sa originality. Hindi naman tayo mabagal. Kung tutuusin mabilis nga tayo. Mabilis tayong mang-gaya. Pag uso sa ibang bansa, gusto na din nating pausuhin dito. Syempre nauna sila, edi ano tayo? Nagmumukang kulelat. Kung tayo ang magpapauso, edi hindi na tayo pwedeng mangulelat. Kaso masyadong malaki ang impluwensya ng Cable T.V., Magazenes, at Internet, kung saan hawak ng international pop culture ang dinidikta ng kung ano ang uso.

Kahit naman siguro mahawakan natin ang dikta ng kung ano ang uso, at magkaron tayo ng bagay na pwedeng ipa-uso, hindi naman natin kayang pausuhin. Kulang tayo sa pondo, kulang tayo sa soporta, kulang tayo sa kaalaman, at kulang tayo sa lakas ng loob.

Madami na ang bagay na Pilipinas sana ang nanguna, o bagay na Pilipino ang naka imbento. Kaso dahil sa pagkukulang, ibang bansa ang nagpapa-uso at hindi sa atin napupunta ang full credit. Tulad ng fluorescent lamp, Incubator, Moon Buggy, at Karaoke Machine.


Ang customs kupal na ito sa NAIA: Tunay Na Astig na Barako !!!



Customs 1: wala ba kayong idedeclare?

Chit: wala.

Customs 1: may electronics ba kayong binili?

Chit: wala.

Customs 1: paki buksan ang maleta! Pwede kayo magpasok ng gamit from hongkong ng 10k per person lang pag lumagpas may tax ng babayaran.

Nilagay namin black na maleta sa table para mauna buksan.

Customs 1: ung pula!

Kyle: choosey to ah ipapakita naman pati ung red nauna lang ung black ayaw pa!

Customs after opening the bag: “dami nito ah! Puro bago! Wala bang resibo?”

Chiti wala e kasi puro sa tiangge lang nabili, pero ung iba meron.

Chit binigay ung ibang receipt sa customs.

“Customs nagcompute how much lahat. Wala pang 10k so nag isip ng other way”

Customs 1: ang dami nito ah ibebenta niyo to!

Chit: hindi, personal use yan tska pasalubong.

“Customs 2 lumapit kay Customs 1. Custom 1 binigay computation ng babayaran daw naming tax”

Customs 2: eto ung babayaran niyong tax 4k plus.

Chit: ang laki naman! Tska sbi nyo 10k per person pwede e wala pa 10k yan.

Customs 2: e ibebenta nyo yan.

Chit: personal use yan tska pasalubong.

Customs 2: kapag personal use 2-3 items lang.

Kyle thinking: bobo! So pag lumagpas ng 2-3 items automatic ibebenta na namin!

Customs 2: bayaran niyo na 4k LANG naman total kayang kaya niyo yan.

Kyle: hindi LANG ang 4k!!! tsaka sabi mo pag lumagpas ng 10k tsaka may tax e d naman lumagpas.

Customs 2: lahat ng pumapasok sa bansa may tax. 15% ng total na binili niyo ang babayaran niyo plus 12% tax.

Chit & I: siraulo to ah paiba iba ng sinasabi kanina hinahanapan tayo ng electronics nung wala sbi pwede 10k each person ung gamit na dala natin tapos ngayon pinag pipilitan na ibebenta natin ung binili natin tapos biglang 15% ng total na binili natin ang babayaran natin plus 12% tax. Siraulo!!!!!!

Para matapos na pinag usapan nalang! Nagrequest pa ng 2k para hati hati daw sila. KAPAL!!!!!

Anu ba yang customs dito sa Philippines!!!!!!! Halatang gusto niyo ng lagay kasi hindi lahat ng bags chineck niyo! Mag sisinungaling na nga kayo paiba iba pa ang sinasabi niyo! Mahiya naman kayo! Lalo ka ng nasa picture ka!!!!


Sagwan Ng Mga Dragon

Matagal nang bumubuga ng apoy ang Philippine Dragon Boat Federation team sa mundo ng sport nila. Internationally yan ha. Pero dahil sa impluwensya ng ibang kupal sa Philippine Olympic Committee na humaharang sa kanila, hindi naging mabilis ang pagbibigay ng recognition sa mga karapat-dapat. Pero kung tuloy-tuloy nga naman ang buga ng apoy, lalo na internationally, pano nga naman hindi mapapansin ang liwanag na galing dito?



Congratulations sa Philippine Dragon Boat Federation team sa pagdagit ng limang gold medals, dalawang silver medals, at sa pag-break ng ilang records sa 10th Dragon Boat World Championships na ginawa sa Tampa Bay, Florida.

At ngayon bigwasan natin ang mga dapat bigwasan. Una ka Philippine Olympic Committee board director Jeff Tamayo. Balikan natin ang mga words of wisDUMB netong taong 'to...

"They have the body, they have everything, but as we all know, ampaw na lang yun."
-Jeff Tamayo



Ampaw? Three-time world champions, world record holders, at isang tambak ng medals...Ampaw? Sa susunod bago ka manlait mag-research ka boy. Tingnan mo ang mga achievements ng balak mong sirain para hindi ka nagmumukang bano.

Nandyan din ang kagaguhang accusation ng Philippine Olympic Committee na gumagamit ng steroids ang ilan sa members ng Dragon Boat Federation team. Pasensyahan tayo pero kailangan naming sabihin ang totoo na bobo kayo POC. Sa sobrang bobo nyo, ang pwede lang maging mas bobo sa inyo ay ang sarili nyo.

Binintang ang pag-gamit ng steroids sa PDBF nung mga panahon na nag-qualify sila para sa Asian Games. Mukang ayaw talaga sila alagaan ng POC. Hindi daw kasi... i-google mo na lang, nakakatamad magkwento ng katarantaduhan ng tropa ni Jeff Tamayo. Ang sobrang katangahan dito, baket Pilipino mismo ang mag-aakusa ng ganyan sa Filipino athletes. Halimbawa may Pilipinong athlete na totoong gumagamit ng steroids, kung walang pruweba wag mo munang akusahan. pabayaan mong ibang bansa ang humatak sa kanya pababa. Kahit nag-gagaguhan tayo, Filipino family tayong lahat. And family comes first gago.

Congratulations ulit sa PDBF team. Apir sa Cobra energy drink sa pag-sponsor nila sa team. Apir sa Philippine Airlines sa pag-sponsor ng travel expenses ng team. At apir sa ABS-CBN sa pagbibigay nila ng 1 million pesos sa team.

Pasensya na kung naging rant ito, masarap lang talaga mang-gago ng mga napapahiya dahil sa kabobohan. Dapat maparusahan ang mga ganyang klaseng tanga. Bigyan ng tigli-limang hampas ng paddle mula sa bawat member ng Philippine Dragon Boat Federation team. Kahit sa muka lang.


Wala. Wala nang "f". Patayin na natin ang letter "f". Hindi kailangan yan sa buhay


Por that pantastic comportabol peeling, mother pakers


Fact you



"MOTOR re-CYCLE"



Isang magandang example kung baket kailangan ng mundo
ng mga taong may sobrang daming free time



Ang Tunay Na Astig na Barako ay natutulog din... pag oras ng trabaho



Si Roygbiv ay isang tunay na astig na barako !!!


dahil makulay ang buhay ng tunay na astig na barako


Saan kayo kumain kanina tol ?



Ano po ba ang 'kangaroo style'?



Kumusta araw mo tol ?









Tang Ina this !!!!!!!















No comments:

Post a Comment