Tuesday, February 22, 2011

Ika - 141 Banat

Tunay na Iha



Ang Tunay na Iha, hinde chismosa. Kung updated man sya sa mga chika, ito ay dahil ang chismis ang kusang lumalapit sa kanya.

Ang Tunay na Iha, magulo kausap sa mga lakad at gimmicks. Pag tinanong mo kung nasan na sya, ang i-rereply nya ay ‘malapit na’. Kahet kelan ho ay hindi pa nagiging lugar ang ‘Malapit na’.

Ang Tunay na Iha, may sariling version ng mga oras. Ang ‘5minutes’ nila ay 15mins, ang ‘saglit lang’ ay 30mins at ang ‘wait lang’ nila ay 1 oras.

Ang Tunay na Iha, rumaratrat ng tsokolate pag malungkot ng puso.

AngTunay na Iha, ginagalang at nirerespeto ang mga kasambahay at iba pang mga maralitang mangagawa. Hinde porket medyo mas angat lang kayo sa buhay ay may karapatan na kayong bastusin at sigawan ang mga ito.

Ang Tunay na Iha, masaya sa Valentine’s Day dahil alam nya na kahet di sya makatanggap ng bulaklak o ma-yaya sa isang fancy dinner date, ay madami pa din ang nagmamahal sa kanya.

Ang Tunay na Iha, hinde sasabak sa ‘gera’ ng walang dalang ‘bala’, kahet Valentine’s pa o kahet anong pilit ng boyfriend nya. Mas maganda pa rin ang ‘safe’ dahil nasa huli ang pag-sisisi.

Ang Tunay na Iha, hinde takot sa dentista.

Ang Tunay na Iha, nakapaglaro na ng Counter-Strike kahet once.

Ang Tunay na Iha, may special seductive voice pag sumasagot ng tawag sa telepono.

Ang Tunay na Iha, naririnig bigla ang kantang ‘Struggle of Sadness’ sa isip nya sa oras ng mga matinding kalungkutan.

Ang Tunay na Iha, hinde naghihiyang magsabi ng ‘I love you’ sa magulang.

Ang Tunay na Iha, preferred ang eggs na sunny-side up.

Ang Tunay na Iha, hinde O.A. sa nail polish. Yung simple at maganda ang gusto nya, hinde yung tulad sa kuko ni Mystika.

Ang Tunay na Iha, may damit nung bata pa na hanggang ngayon ay sinusuot nya pa din.

Ang Tunay na Iha, nag-papagupit ng buhok pag depressed.

Ang Tunay na Iha, naniniwala pa rin sa wagas na pagmamahalan.

Ang Tunay na Iha, hinde sinungaling, pero may mga pagkakataon talaga na kaylangan nyang ‘baluktutin ang katotohanan’.

Ang Tunay na Iha, sulit ang bayad pag dinala mo sa Dad’s or Saisaki. Hinde sya nag papademure sa mga eat-all-you-can na restaurants.

Ang Tunay na Iha, weirdo matulog. Itotodo ang electric fan tas magkukumot lang din.


MNK (Malala Na Kuya)

Dear Kuya Chico,

Itago mo na lang ako sa pangalang Bill. 42 years old na ako pero madaming nagsasabi na muka akong mas bata. Parang 41 years old lang daw ako. Kahit medyo may edad na ako, single parin ako. Nagkakaron ako ng mga girlfriend pero hindi tumatagal ang mga relationships ko. Minsan umaabot lang ng 4 weeks, minsan 1 month, at minsan 2 weeks and 14 days lang. alam kong ako ang may problema kaya hindi nagtatagal ang relationships ko. Naka 15 na syota na ako, imposible namang lahat sila ang may mali. Kaya naisip ko nang humingi ng professional help sa isang psychiatrist. Magaling na psychiatrist si Dr. Manalo. Caring sya sa patient, empathetic sya sa patient, at patient sya sa patient. Madami nang taong natulungan sa psychological problems si Dr. Manalo. Kilala sya bilang isa sa pinaka magaling sa field nya, sayang nga dahil hindi sya ang psychiatrist ko. Napunta ako sa isang psychiatrist na walang kwenta. Nagpakilala sya bilang si Dr. Gerome. San ka naman nakakita ng doktor na first name ang gamit? Nagduda ako pero tinuloy ko ang therapy. Gumastos ako ng libo-libo may butal pang hundreds pero mukang pineperahan lang nung psychiatrist ko ang mga pasyente nya. Parepareho lang ang sinasabi nya sa lahat ng pasyente, at ang nirereseta nya ay dalawang bote ng gin para makalimot daw sa problema. Effective naman, nakakagago lang. Titigil na sana ako sa pagpunta sa kay Dr. Gerome nang biglang...



Namatay si Dr. Gerome. Ang pumalit sa kanya sa office nya ay isang babaeng psychiatrist, si Dra. Dalisay. Magaling si Dra. Dalisay, kaya lang nadi-distract ako sa legs nya. Sexy kasi sya Kuya Chico. Sexy talaga. As in chikas. Yung mga tipong pag nakita mo, boom! Well anyway, magaling mangilatis si Dra. Dalisay, inaalam talaga nya ang ugat ng problema, kaya mabilis nyang natutulungan ang tao. Lumalim ang pagkakakilanlan nya sa akin nung unang beses pa lang naming magkakilala. Binanggit ko lang na may problema ako sa pag-maintain ng romantic relationships. Napansin nya na hirap ako mag-open up sa ibang tao. Sinabi nyang gagamitan na lang daw nya ng logic ang observation phase ng therapy ko. Sinabi nyang aalamin daw namin ang ugat ng problema ko sa pamamagitan ng mag-trace ng mga isasagot ko sa tanong nya. Tinanong ko kung pano yon, kaya binigyan nya ako ng example.

Tiningnan ako ni Dra. Dalisay. After mga 2 minutes tinanong nya ako kung original daw ba ang "Power Balance" na suot ko. Sabi ko, oo. Tinanong naman nya ako kung naniniwala ba ako sa mga pautot ng "Power Balance". Sabi ko, medyo hinde. Kung ganon daw, ibig sabihin 'e bumibili ako ng mga mamahaling bagay kahit sa tingin ko 'e wala naman itong kwenta. Sabi ko oo. Kung ganon daw, ibig sabihin mahilig akong pomorma. Sabi ko tama sya. Ibig sabihin daw non 'e gusto kong mang-attract ng opposite sex. Sabi ko oo. At kung ang opposite sex daw ay mga babae, ibig sabihin, lalake ako. Sabi ko, syempre. Dun ko naintindihan ang sinasabi ni Dra. na susubukan naming i-trace ang ugat ng psychological problem ko. Halimbawa lang daw yon, pero halos ganon din ang gagawin nya sa therapy sessions ko.



Ginanahan akong magpa-therapy. Nagkaron ako ng pag-asa na maayos ni Dra. Dalisay ang problema ko. Binalak ko din na pag wala na ang commitment issues ko, liligawan ko si Dra. Dalisay.

Akala ko ayos na ang lahat Kuya Chico, pero mas malaking problema pa ang sunod na dumating sa akin. Nawala yung "Power Balance" ko at wala na akong balak bumili ulit. Ibig sabihin yata non hindi na ako mahilig pomorma. At kung hindi na ako mahilig pomorma, ibig sabihin ayaw ko nang mang-attract ng opposite sex. At kung ang opposite sex ay babae, at ayaw ko na ng attraction galing sa kanila, ibig sabihin bading na ako. Sana ay ma-share mo ang kwento kong ito para malaman ng iba na nakakabading ang logic.

Lubos na gumagalang,
Bill

Title: Power Balance


Baket ka pa magbabayad ng 10$ every month, kung pwede ka namang maging tanga?


Planet Fitness, planeta ng mga bobo sa math



Ang hindi magbigay respeto, paalisin sa teritoryo


No Trespassing


Bawal u pumasok


"Ang babae, ginagalang."



"Uy pare sexy nung nasa kabilang table 'oh!... Hi miss. Pwede pakiss?"

"Pare naman! Ano ka ba? Nakakahiya."

"Baket ba?!"

"Ang babae, ginagalang."

"Edi igalang... Hi po miss. Pwede po bang pahawak ng dede?"




Marice: Uy mare tumataba ka yata 'a, ang laki ng tiyan mo.

Amber: Ano ka ba? Baby yan.

Marice: Buntis ka???

Amber: Ay hindeee, kumain ako ng baby.


Mga mata ni Manoy



Ang Tunay Na Astig na Barako ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa Tunay Na Astig na Barako



Senior Associate Justice Antonio Carpio: Tunay Astig na Barako


Importante para sa tunay na astig na barako ang kapakanan ng kriminal na tropa niyang nakakulong. gagawin niya ang lahat para mapawalang sala ang mga ito.

Maj. Gen. Jacinto Ligot: Tunay na Astig na Barako


Ang sinumang kayang kumita ng 740 million nang hindi tumataya sa lotto ay isang hayup na Tunay na astig na Barako. Mahigit 18 million na kilo ng extra rice yun a. O kaya 246,000 na araw sa Good Life.

Cesar F. Basa: Tunay na Astig na Barako


Ang pakikipagsagupaan sa 54 Japanese bomber at fighter planes gamit ang eroplanong 3rd world ay gawaing pang-tunay na lalake lamang.

Li Fuyan: Tunay na Astig na Barako !!!




Apat na taon niyang dinala sa ulo niya ang piraso ng kutsilyong yan. Akala niya siguro hangover lang yung sakit ng ulo niya.


Sasakyan ng Tunay na Astig na Barako !!!


Kainan ng mga Di Tunay na Astig na Barako !!!



Pinoy nga !!!
















































No comments:

Post a Comment