Wednesday, August 10, 2011

Ika - 187 Banat

Squashketballs

Sa laban ng Smart-Gilas Philippine team sa Malaysia, nanggigil si Asi Taulava sa muka ng Malaysian player. na si Kwaan Yoong Jing. Hindi dahil cute si gago, kundi dahil uminit ang ulo ni Asi dahil nacute-tan din yung Malaysian sa itlog ni Taulava.




Sinasabi ng commentator na mukang hindi naman daw sinadya ang nangyare. Sa tingin namin, hindi nga sinadya ni Kwaan Yoong Jing na pisilin, lapirutin, at saltikin ang itlog ni Taulava. Gago ka ba? Pano mo hindi sasadyain yan?

Humingi ng sorry si Asi sa mga tao gamit ang Twitter account nya...

"Would like to apologize to everybody that watched the game today for losing my cool, No excuses for my actions, and I’m sorry.”-Asi Taulava

Public figure si Taulava, at dahil sa moralistang paniniwala na dapat maging role model ang mga public figures, kaya siguro sya nag-sorry sa mga tao. Pero sa totoo lang, walang dapat ihingi ng tawad si Asi. Bilang lalake, sobrang nakakagago pag nilapirot ang itlog mo. Acceptable ang ginawa ni Asi. Totally understandable.

Mukang trade mark move na ni Kwaan Yoong Jing ang low blow, dahil nung kalaban naman ng Malaysia ang Philippine Patriots noon, eto ang ginawa nya...



Yan ang mix martial art ni Kwaan Yoong Jing. Pinaghalong Karatesticle at Jujitlog



Mideo Cruz: Tunay Na Astig na Barako !!!!



Tunay na astig na barako lang ang makakaisip gumawa ng mga ganitong shit. At ayon na rin sa justin bieber rule, ang tunay na astig na barako ay laging misunderstood.


ka-LAW-kohan



Real law in Hong Kong:

Alam mo ba na sa Hong Kong, legal patayin ng babae ang asawa nya pag nambabae yung lalake. Legal din na patayin nya ang kirida ng asawa nya. Pero hindi pwedeng gumamit ng kahit ano si babae. Pwede lang nyang patayin ang mister nya gamit ang kamay nya. Yung kirida, kahit pano nya gustong patayin yon, pwede.

Kaya kung pupunta ka sa Hong Kong at babae ka, wag kang manlandi ng may asawa. Kung lalake ka naman, wag ka na lang mag-asawa ng macho. O wag ka na lang mambabae kung taga Hong Kong ang misis mo. Dahil lahat ng Chinese marunong magkarate.


Ask The Author (Ligaw)



Ang dami-daming nagtatanong kung pano manligaw/mapapasagot ang isang babae. Kayong mga lalake na nangangapa sa pagbenta ng sarili nyo sa mga babae eto na ang sagot namen. Eto isang bagsakan na lang. Hindi na namin sasagutin ang tanong na yan sa susunod kaya intindihin nyo mabuti.

Madaming bagay na involved sa ligawan. Masyado ding malaki ang sakop ng term na "ligawan" kaya yung mga basic at general situations ang hihimayin natin. Sa susunod, bahala na kung matripan naming magsulat ng isang buong guide ng ligawan. Pero sa ngayon makontento na kayo dito.

Sa totoo lang hindi kami naniniwala sa ligawan. Kalokohan yan. Dalawang tao na nagpapanggap maging mabait? Komedi. Pero kasama sa diskarte ng buhay yan kaya wala tayong choice. Ok game eto na...

Sa umpisa pa lang, pag pinayagan ka ng babae manligaw, may gusto na sayo yan. Hindi naman papayag yan kung ayaw nyan lambingin, bolahin, at dalaw-dalawin sya nung lalake. Kaya kung tutuusin ang panliligaw ay nagsisimula bago pa mismo ang "ligawan". (Kuha mo? Siguraduhin mong humahabol yang utak mo ha.) Bago mo pa itanong kung pwede kang manligaw, pabanguhin mo na ang dating mo sa kanya. Ipakita mo na "ok" ka. Para pag nagtanong ka na kung pwede manligaw, mas malaki ang chance na pumayag. Pero matuto ka ding makiramdam. May mga babaeng trip lang magpaligaw dahil nakakalibre sila ng kain, nood ng sine, at may taga-hatid at sundo pa sila. Hindi naman lahat, meron lang. Kung alam mong ginagago ka na, tumigil ka. Wala ka nang pag-asa pag ganon dahil hawak ka na nya sa itlog.

Eto ang mga tipo ng lalakeng nagugustuhan ng mga babae; Rich, Powerful, Funny. Maging isa ka lang sa mga yan, may pag-asa ka nang makadagit.

Rich: Hindi kailangang sobrang yaman. Basta mukang kayang bumili ng pangngailangan, at gumastos ng luho. Mas nakakadagit 'to ng mga babaeng naghahanap na ng mapapangasawa.

Powerful: Hindi ibig sabihin maimpluwensya ka, may koneksyon, o may power talaga. Eto yung mga taong pinakikinggan ng iba. Yung malakas ang dating. NIRERESPETO.

Funny: Mukang pinaka madali maging yan, pero kung tutuusin, yan ang pinaka mahirap gawin. Maging totoong nakakatuwa. Hindi lang nakakatawa, kailangan nakakatuwa. Pag napapatawa mo kasi ang babae, feeling nya masaya sya. At kung gusto nyang mas madalas maging masaya, gugustuhin nyang mas madalas kang kasama.

Malaking factor kung may itsura ka. Halos 70% na ang chance mong sagutin kung gwapo ka. Pero kung medyo dehado ka sa itsura, wag kang mawalan ng pag-asa. Madaming paraan para hindi mapansin yan. Dyan papasok ang pagiging mister personality.

Wag masyadong magmukang pa-sweet. Kadalasan, ayaw ng babae ng lalakeng mukang hindi sila kayang ipagtanggol.

Wag seloso. Nawawala ang aura ng confidence pag nagseselos.

Magmumuka kang walang bilib sa sarili. Kung hindi pa kayo wala kang karapatan magselos.

Magkaron ng bilib sa sarili, pero ibaba mo ang sarili mo sa kanya. Para medyo bumaba ang expectations nya, at pag may ginawa kang maliit na bagay lang, sobrang maa-appreciate na nya.

Malaki ang impact ng surprises. Gawin mo ang hindi nya iisiping magagawa mo para sa kanya. O kahit simple lang basta hindi nya inaasahan. Be spontaneous.

Kung 1st date nyo, wag manood ng sine or concert, o pumunta sa club na mainggay. Dalhin sa lugar na tahimik at pwedeng mag-usap. Hindi sa motel gago.

Secret Weapons:

Reciprocal Feelings: Pag may nagkakagusto sayo at laging nagpapapansin sayo. Tapos isang araw bigla na lang mukang wala syang interest sayo. Diba apektado ka. Parang "Baket?" pumanget ka ba? Anong nagyare? At ikaw naman ang pasimpleng magpapapansin dun sa dating papansin sayo. Effective din yan kung ikaw ang nagpapapansin at bigla kang titigil sa papansin mo. Sya naman ang magpapapansin.

Gago Effect: Minsan gusto ng babae ng gago. Hindi yung sa iligal na paraan. Yung mukang malabo. Nacha-challenge kasi sila. Isip nila sila ang magpapatino sayo. At totoo naman. Minsan babae lang talaga ang magpapatino sayo. At special ang feeling nila dahil sa kanila ka lang matino. Hindi namin sinasabing magpakagago ka. Ang diskarte lang dyan, wag bait-baitan. Wag mong itago ang mga dumi mo. Minsan nakakatulong pa yan.

Madami pang pasikotsikot ang panliligaw. Hindi kami nagmamarunong. Base lang yan sa mga naobserbahan namin sa sarili naming diskarte. Pero gaya nga ng sinabi namin, hindi kami naniniwala sa ligaw. Kaibiganin mo, konting pakiramdaman, tapos magtapat ka na na gusto mo sya at gusto mong maging kayo. Minsan sila pa ang unang gagawa ng paraan para maging kayo. Magpasalamat ka na lang pag nagyare yon.

Something to think about:

Pangliligaw... Pangli-LIGAW. Nililigaw nyo ang isa't-isa. Nililigaw nyo ang utak nyo sa pagpapakita ng mga ugali na minsan hindi na natural sa inyo. Isipin mo... Baket may mga nagliligawan ng ilang buwan tapos pag naging sila naghihiwalay pagkatapos lang ng ilang linggo? Dahil na-LIGAW sila, at nung naging magshota, nahanap nila ang katotohanan na wala silang chemistry.


Nasa loob natin ang mga buto. Pero wala sa tibay ng buto ang tibay ng loob



Ganito sa Pinas !@#$%^













Komusta ang araw mo Tol ???







Aklat ng mga Tunay Na Astig na Barako !!!!



Tattoo ng isang Tunay Na Astig na Barako !!!!



Tunay Na Astig na Barako Kodak Moment !!!!





Tang Ina this !!!!!!!!!













No comments:

Post a Comment