"Competitor's endorsement."
"Langhap saraparapapap love ko 'to."
Minsan, basta lang
Hindi sa lahat ng oras, mas romantic ang mga taong nakakasagot AGAD sa tanong na "Bakit mo ako mahal?" Minsan, mas pwedeng pagdudahan ang mga taong ganyan. Dahil minsan, yan yung mga taong pinaghandaan ang tanong na yan para magpasweet, o mga taong ilang beses nang natanong nyan dahil papalit-palit ng shota, o kaya yan yung mga taong may nakahanda nang sagot dahil kinailangan pa nilang itanong sa sarili nila... "Bakit ko sya mahal?" Minsan, mas pulido ang pagiging romantiko ng mga hindi nakakasagot agad. Dahil minsan, yan yung mga taong hindi umaasa sa dahilan kung baket sila nagmamahal, basta nagmamahal lang.
Pero minsan, nakakatamad lang din mag-isip ng sagot, lalo na pag alam mong gusto lang magpabola nung nagtatanong.
Disability
Pag wala ka kasing utak, disabled ka.
Attention...
"The door!"
May mga nagrereklamo dahil nakalimutan daw i-celebrate ng Noynoy Aquino administration ang "EDSA dos" nitong nakaraang January 20.
Nung unang EDSA Revolution, napa-alis si Marcos na isang dictator, at napalitan ng malumanay pero matapang na si late President Corazon Aquino. Bagay yan na karapat-dapat bigyan ng importansya. Nung "EDSA II", pinaalis si Erap at pinalitan ni Gloria. Ise-celebrate mo ba yan? Gago ka ba?
Fetish?
MMK (Malala na Kuya)
Dear Kuya Chico,
Itago mo na lang ako sa pangalang Trina. Para sa mga magulang ko, wala akong ibang dapat gawin kundi mag-aral. Pwede ding matulog, kumain, at maligo, pero pwera dyan, puro aral na dapat. Naaawa tuloy ako sa pwedeng mangyari sa bunso kong kapatid, dahil bata pa lang sya at natatakot ako na baka hindi nya maenjoy ang childhood nya. Buti na lang wala akong kapatid, pero baka kasi magkaron, malay mo lang. Hindi naman buntis ang nanay ko, pero baka lang, in the future. Strict ang parents ko at masyado silang controlling. Hindi ko pwedeng gawin ang isang bagay kung hindi sila papayag. Minsan nakakabuti naman dahil alam kong nakaktulong sa akin ang pinapagawa nila. Kaya kahit sapilitan, sinusunod ko ang mga utos nila. Nasanay na ako sa pakiramdam na walang kalayaan para gawin ang mga gusto ko, at dumating sa punto na sunod na lang ako nang sunod sa mga parents ko para lang hindi magkagulo sa bahay. Mahirap pero maayos ang samahan sa pamilya namin at hindi ko inaasahan na dadating ang araw na mahihirapan ako ng todo sa i-uutos ng magulang ko. Pero nagkamali ako Kuya Chiko, nagkamali ako.
Naging masunurin akong anak mula pa nung magkaisip ako. Nung una, iniintindi ko na lang sila at iniisip ko na concern lang si Mama at Papa, dahil batang-bata pa ako at marami pa akong kailangan malaman at intindihin sa mundo, yan ang totoo, at nagkakamali ako kung akala ko na ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang. Pero umasa ako na pag-graduate ko ng high school, mas magiging maluwag na sila at mas bibigyan nila ako ng pagkakataon magdesisyon para sa sarili ko. Pero hindi pala.
Nung bata ako, pangarap kong maging taga-develop ng film ng camera, pero nung nalaos ang mga camera na may film, nabago ang pangarap ko at gusto ko na lang maging taga-halo ng pintura sa hardware. Pero tutol ang mga magulang ko sa pangarap ko. Pinaglaban ko ang pangarap ko pero sa huli, mga magulang ko parin ang nasunod at napilitan akng kumuha ng kursong dentistry kahit na takot naman ako magpadentist mula pa nung bata ako. 8 times a day nga ako nagtu-toothbrush dahil ayaw kong magkaproblema sa ngipin, para hindi ko kailanganing bumisita sa dentist. Sobrang ayaw ko maging dentist, dahil takot nga ako sa dentista, at dahil hindi sila naghahalo ng pintura sa hardware. Pero pinagtiisan kong pag-aralan ang kurso ko para sa mga magulang ko. Ngayon, malapit na akong grumadweyt, at namumroblema ako. Pano ko gagampanan ang pagiging dentista kung takot ako sa dentista? Anong gagawin ko Kuya Chico? Gusto kong pagbigyan si Mama at Papa at tapusin ang kurso ko, pero ayaw kong maging dentista dahil ayaw kong matakot sa sarili ko. Sana ay mapayuhan mo ako bago mag-graduation day.
Lubos na gumagalang,
Trina
Trina
Senate bullshit ni Agimat
Nag-file si Senator Ramon Bong Kap Alyas-pogi Agimat Revilla ng senate bill na magpo-protekta DAW sa mga government officials. Pag na-aprubahan yung senate bill na yon, pwedeng makulong mula anim hanggang sampung taon, o magbayad ng 50,000 na multa ang sino mang magkamali ng bintang sa anomaliya ng isang government offical.
Kagaguhan ang senate bill na yan. Ano yan, para mas matakot magreklamo ang mga tao? Para mas magdalawang-isip magsumbong yung mga may insider's knowledge sa mga kalokohan ng gobyerno. Kung ang dahilan ni Bong Revilla Jr. 'e para daw hindi ma-abala ang pagtatrabaho ng officials na mapagbintangan, edi bilisan imbistigahan ang kaso, para makabalik sila agad sa pagnanakaw, paglilingkod pala!
Hindi kailangan ng Senate Bill na yan. Pano kung may kutob ka na may kagaguhang ginagawa ang isang government official, pero hindi ka makakuha ng sobrang solid na ebidensya dahil simpleng mamamayan ka lang? Wag na lang ba magsumbong? Wag na lang ba magreklamo dahil baka makulong ka? WAG NA LANG IMBISTIGAHAN? Ikalat nyo ang rant na 'to para malaman ng mas madaming tao, at mapigilan ang kabobohan na yan.
Alamat ng Alimango
Nung unang panahon, may dalawang magkaibigan. Si Mando, at si Raul. Isang araw naisip nilang maligo sa ilog. Pagdating ng magkaibigan sa may ilog, nahulog si Mando sa tubig. Pag-ahon nito, namimilipit sya sa sakit. Tinanong ni Raul... "Anong nangyare sayo Mando?!" Sumagot si Mando... "Sinipit ako ng alimasag!" Sabay angat ng kamay nya para ipakita sa kaibigan. Biglang napasigaw si Raul... "Gago, alimango yan!". The End.
Alimango: Found in murky waters near mangroves, they have thicker claws.
Alimango: Found in murky waters near mangroves, they have thicker claws.
Alimasag: Found in the sea, and they have smaller/thinner claws.
Walang sisihan
Ok lang, dito naman sa Pilipinas, pag nalunod ka pipito lang ang life guard, ituturo ka sa ibang nagsi-swimming, at aantayin nilang may tumulong sayo. Pag walang tumulong sayo, sasagipin ka na nung life guard, kaso babatuhin ka lang nya ng salbabida, o kaya pahahawakin ka sa mahabang stick na panglinis ng swiming pool.
May natulog na naman sa inuman
Livelihood Center ng Tunay Na Astig na Barako !!!
Ang tunay na astig na barako ay natutulog sa makalalakeng paraan
Di Tunay na Astig na Barako Kodak Moment !!!
Pulutan ng Di Tunay Na Astig na Barako !!!
Patangahan
Selso: grabe naman 'tong headline sa tabloid... "Manong napatay ng bulldozer."
Tristan: Ay nako, kaya ayokong mag-alaga ng aso 'e.
Selso: Tanga! Buldozer, hindi bulldoger!
Tristan: Ay nako, kaya ayokong mag-alaga ng aso 'e.
Selso: Tanga! Buldozer, hindi bulldoger!
ANAK: Mommy, pinapatawag po tayo sa Principal’s Office.
MOMMY: Bakit daw, anak?
ANAK: Kasi po, tinusok ko ng karayom sa puwet ‘yung isa kong kaklase. Binosohan ko po ‘yung titser namin na laging nakabukaka. Pinasabog ko po ‘yung lab sa Chemistry. Binato ko po ang janitor ng eraser. Tapos, binasag ko po ‘yung bote sa ulo ng isa ko pang kaklase dahil sinabihan ba naman po akong tarantado raw po ako… Hindi naman po ako tarantado! Mommy, mabait naman po ako, di ba?
Epal. Mas Epal.
Epal: Uy, pwede bang makilagay sa refrigerator nyo? Biglang nasira yung ref namen, 'e gumawa ako ng macaroni salad, baka mapanis.
Mas Epal: Ay naku, puno yung ref ko ngayon.
Epal: Baket? Tuwing bubuksan ko yung ref mo tubig lang naman laman nun 'a.
Mas Epal: Pinuno ko kasi ng beer. Dadating kasi yung mga pinsan ko galing probinsya, mag-iinuman kame.
Epal: Baka naman pwedeng isiksik 'tong macaroni salad ko. Sayang 'to 'e.
Mas Epal: Wala puno talaga 'e. Pero ikaw, subukan mo. Tara.
Epal: Tang*na puno nga 'a. Pano kaya 'to?... Teka...
Mas Epal: Baket?
Epal: 'E wala namang laman yung ibang bote ng beer dito 'a!
Mas Epal: Syempre! Para yan sa ibang pinsan kong hindi umiinom!
Epal: Ah ok... pwedeng pahingi?
Mas Epal: Yung may laman, o wala?
Epal: Kahit ano, ihahampas ko lang sa pisngi mo. Palitan ko na lang.
No comments:
Post a Comment