Sunday, January 30, 2011

Ika - 133 Banat

"Sa susunod na sabihin ng misis mo na childish ka, sagutin mo sya na kung CHILDish ka at nagsesex kayo... edi PEDOPHILEish sya."


Ang habol lang natin dito makasagot ka.
I-sacrifice mo na lang na magmumuka kang tanga.



Mag-ingat...


Mga bobong bata, naglalaro.


Year 2099: Philippines


PBA: Phil-Am Basketball Association


Marami ang hindi nakakaalam...

Marami ang hindi nakakaalam na hindi si Chito o si Vinci ang kumanta ng "Your Song" (One And Only You)


Sinulat ni Gab (Gabrielle Ignatius "Gab" Cheekee) yang "Your Song" para sa asawa nya.

Eto ang asawa nya...


Apple Cheekee

Ang "Your Song" ay actually HER SONG.

Para sa FHM feature ng babaeng pinag-ugatan ng "Your Song",


"Brad, hulaan ko iniisip mo..."



Borrowed from Spot.PH
Ang Tunay na Lalake, Walang Abs*
Lourd de Veyra | Published: January 26, 2011



Ayon sa kumpare at idol kong si Norman Wilwayco at lahat ng kasapi sa mala-alamat na TNL blog , ito ang ilan sa katangian ng mga tunay na lalake: 1.) Ang tunay na lalake, ay hindi nag-te-text back, maliban na lang kung pasahan mo ng load. Ang tunay na lalake, walang abs. 2.) Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw. 3.) Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.

Mag-focus tayo sa pangalawa.

“Ang tunay na lalake ay walang abs.” Of course, pag sinabi kong “abs,” ibig sabihin ay abdominal muscles—yung mga mala-pandesal na umbok-umbok sa tiyan, gaya ng nakikita sa mga billboard ng Bench. Hindi naman puwedeng walang abs ang tao—otherwise, may malaki kang butas sa tiyan (Saan mo naman ilalagay yung mga pinagkakain mong hamburger at pansit, di ba? Pagtitinginan ka ng tao pag naglalakad ka sa mall. Si Gabe Mercado lang ang puwedeng gumawa nun. Okey ka ba, tiyan?). Ang tinutukoy natin dito ay yung kumikintab at nagtitigasang tumpok-tumpok ng mga masel. Sa linggwahe ng mga miyembro ng Badingky Soliman Foundation—a.k.a berde ang anino, ka-Federacion, o plain and simply, bading—“illegal logging.”

Natatawa lang ako pag kumakain kami sa restaurant ng mga kaibigan ko at sasabihin nilang hindi sila magkakanin. Ayaw lang nilang sabihin out loud pero ang subtext ay gusto nilang magpaliit ng tiyan. “Iwas carbs” sa lingwahe ng mga nage-ehersisyo at nagda-diet. Hindi ko alam ang motibasyon ng mga mokong na ito. Huli kong pagkakaalam, ang trabaho nila ay hindi naman pagmo-model ng salawal na gawa ng Bench.

So bakit sila nagpapaliit ng tiyan? Bakit sila nag-enroll sa gym? Bakit ayaw na nilang magkanin? Hindi naman krimen ang pagkakaroon ng abs at karapatan ng bawat tao na mag-desisyon kung ano ang isasaksak nila sa lalamunan nila. Pero medyo nakakatawa na.

Hindi siyempre maipagkakaila ang epekto ng mass media sa pag-iisip ng tao—kahit sino pa man, kahit ano pa ang trabaho mo, mayaman o mahirap, lalake o babae, tomboy o bakla, may ipin man o wala. Dahil ang subtext, ang puno’t dulo ng mga naglalakihang billboards sa Edsa at mga sandamakmak na slimming products sa telebisyon ay iisa lang: sex. Health? Puwede rin, dahil may nagsasabi na ang laki o liit ng tiyan daw ay repleksyon ng estado ng kalusugan. Pero higit sa lahat, sex. Lumilikha ito ng pananaw na pag maganda ang ab muscles, dadami ang iyong tsiks.

Siyempre, ang tunay na lalaki, mahilig rin sa sex, mahilig sa tsiks.

Ang mga ito para sa akin ang ehemplo ng mga tunay na lalake:



Ano ang pagkakapare-pareho nitong mga pangalang ito? Bukod sa binago nila ang takbo ng kasaysayan, lahat sila ay walang abs.

Masyadong busy ang tunay na lalake sa pakikipagdigma sa larangan ng buhay para mag-abdominal exercises. Ang tunay na lalake kadalasa’y walang panahon sa gym dahil okupado ang katawan at isip nila sa paglikha--- paglikha ng mga siyantipikong teorya, mga obrang makasining, mga prinsipyong pang-rebolusyon para mabago ang lipunan. Wala silang oras para sa pang-araw-araw na 100 sets ng crunches, 45 minutes ng cardio, at dalawang oras ng pagtitig sa kanilang katawan sa salamin.

Puwera na lang kung ang iyong kabuhayan package ay may kinalaman sa pagkakaroon ng maskuladong sikmura. Suwerte ka na lang pag ganoon: binabayaran ka para maging seksi (Pero di ba ganun din ang job description ng mga dalagitang nagtatrabaho sa Quezon Avenue?) Siyanga pala, yung mga construction workers at kargador sa pier, magaganda rin ang mga abs. Pero suwerte nga ba talaga sila?

Siguro. Sino ang may ayaw ng Hummer, mansion, at libo-libong nagsisigawang mga tagahanga? Ang mga artistang yun, milyon-milyon nga ang kinikita sa mga endorsements, pero ano naman ang kapalit? Araw-araw na almusal-tanghalian-hapunan ng kamote at nilagang itlog lang? Kangkong at tokwa? Meryenda na Sky Flakes at tubig? Ang saya, no?

So nagtagumpay ba ang aking mga kaibigan sa kanilang misyon na magpaseksi at magkaroon ng abs? Ewan. Huli kong pagkakaalam, wala pa rin silang mga tsiks. Hindi pa rin sila kinukuhang maging Bench underwear endorsers o para mag-pose bilang Cosmo Hunks. Kaya, mga 'tol, mag-kanin na lang ulit kayo. Andaming nagugutom sa mundo, abs pa rin ang problema niyo.

Gawain ng isang Tunay na Astig na Barako !!!!



Tang Ina this @#$%^&*





















IMMORTALTXT… SULITXT… GAANTXT… UNLITXT… ASTIG­TXT…
Mero nang bago! MAS MATPID pa!
PATXT.

Mga PAMALIT sa nakasanayang PAGMUMURA:
“Full tank naman, eh!”
“Gatas ng ina mo!”
“Kinang n’yan !”
“Full tank enough!”
“Anak ng pizza naman, o!”
“Talentado ka, ha?!”

Nagkuwentuhan ang tatlong batang lalaki…
JUNIOR: Noong Xmas vacation, pumunta kami ng daddy ko sa US. Gumawa pa nga kami ng FROSTY the Snowman, eh!
TOTOY: Wala ‘yan! Pumunta kami ng daddy ko sa Canada. Marami akong nakitang gumawa ng FROSTY roon, eh!
BOY BASTOS: Ha! Ha! Ha! ‘Yun lang ang ipinunta ninyo sa abroad? Panis kayo sa pinuntahan namin ng tatay ko sa may Pasay! ‘Yung mga PROSTI doon, ang gagaling shumembot at gumiling!

BOY: Bakit parang takot na takot ka?
GIRL: Syempre, muntik na akong ma-rape d’yan sa may kanto. Buti na lang, may pera ako!
BOY: So, ibinigay mo na lang ang pera mo?
GIRL: Hindi, ah?! Nagmotel kami! Nakakahiya kaya kung d’yan lang sa gilid-gilid!

MISIS: Naniniwala ka ba na ang babae, habang tumatanda eh gumaganda?
MISTER: Oo naman.
MISIS: Sa tingin mo ba, gumaganda ako?
MISTER: Sa tingin ko… hindi ka tumatanda.

Usapan ng magkaibigan…
JOEY: Maalala ko si ano… nahulog sa fountain, tapos… Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
ALEX: Oo nga! Tapos, naano… Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
JOEY: Tapos… Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
ALEX: Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
Ganyan ang tunay na magkaibigan, tawanan nang tawanan pero nagkakaintindihan.

Kantahin sa tono ng NARDA…
Tila ibon kung mag-text
Sumabay sa signal
Ako’y napapangiti
Sa mga text mong
Nababalot ng I LOVE YOU
Mapapansin kaya
Sa dami ng katxtm8?
Kung kaagaw ko sila
May pag-asa bang
Rumeply ka?
Miskol na nananawagan
Baka sakaling mapagbibigyan
Mga text na palaisipan
Sa graphics na lang idadaan
Nag-aabang sa cellphone
Sa mga inbox sumi­silip
Sa likod ng pagka-busy
Kahit miskol lang, TEXT ME!

Ako ay may lobo, kumatok sa langit
Hindi ko na nakita, nanilip na pala
Sayang ang pera ko, binili ng lobo
Kung babae sana, may girlfriend na ako!

Sabi ng GIRLS, “Ang boyfriend ay parang ­alak. Isinusuka pag hindi na ­kaya…”
Buwelta ng BOYS, “Ang girlfriend, parang kape. Itinatapon pag hindi na hot!”
Hirit ng GIRLS, “At least, ang kape, pwedeng initin para maging hot uli. Eh ang alak na isinuka na, maiinom mo pa ba? Kadiri na, ‘di ba?!”

Sa motel…
BOYFRIEND: Akala ko ba, ako ang naka-virgin sa ‘yo? Bakit ganu’n? Nang ipasok ko ang etits ko sa ‘yo, hindi ka man lang nasaktan?
GIRLFRIEND: Totoo naman na virgin pa ako! Ang problema, ‘yang etits mo! Ang liit! Hindi makasira ng puri!

No comments:

Post a Comment