Kaibahan ng Pilipinas - kaya raw mahirap
SAPOL Ni Jarius Bondoc
SAPOL Ni Jarius Bondoc
Wala sa edad ang kaibahan ng mahirap o mayaman na bansa. Ang India at Egypt, halimbawa, ay kapwa mahigit 2,000 taon na, pero dukha. Hindi pansinin ang Canada, Australia at New Zealand 150 taon lang ang nakalipas, pero ngayon ay mauunlad at mayayaman.
Wala rin sa natural resources ang kaibahan ng mayaman o mahirap na bansa. Ang Japan ay 80% bundok, hindi mapastolan o masaka, pero pangalawang pinaka-malaking ekonomiya sa mundo. Para siyang nakalutang na pabrika, umaangkat ng hilaw na sangkap mula sa buong mundo at nagluluwal ng buo nang produkto. Isa rin ehemplo ang Switzerland, na hindi nagtatanim ng cocoa pero gumagawa ng pinaka-masarap ng tsokolate sa mundo. Pagpapastol ang industriya niya, at apat na buwan kada taon lang natatamnan ang lupa. Maliit lang siya pero maayos, at malakas ang uring manggagawa.
Sa pag-uusap ng executives ng mayayaman at mahihirap na bansa, wala silang napapansin na kaibahan sa talino. Hindi rin mahalaga ang lahi o kulay ng balat. Ang mga migranteng sinasabing tamad dahil sa pinanggalingang bansa ay napaka-produktibo sa mga nilipatang lupa.
Kaya ano ang kaibahan? Ito’y ang asal ng mamamayan — hinubog ng panahon sa edukasyon, kultura at tradisyon. Sa mayaman at maunlad na bansa, kinikilala ng mamamayan ang ilang prinsipyo: (1) paggawa ng tama, (2) katapatan, (3) pananagutan, (4) pagsunod sa batas, (5) pagkilala sa karapatan ng kapwa, (6) kasipagan, (7) pag-iimpok at pamumuhunan, (8) Ma-imahinasyon, (9) nasa takdang oras, at (10) disiplina.
Mayaman ang Pilipinas sa natural resources, pero kapos ang Pilipino sa attitude. Sa atin walang batas o disiplina, puro makasarili.
Sabi ng Malacanang, ipagdasal daw natin ang kalusugan ni Gloria
Edi ipagdasal...
Dear Lord, sana pagalingin nyo si Gloria sa mga sakit-sakitan nya. Wag nyo po sanang pabayaang lumala ang peke nyang karamdaman. Sana Lord, bumalik ang sigla ng dati naming presidenta, para masimulan na nyang harapin ang mga kaso na naghihintay sa kanya. Lord, wag nyo po sanang gawing permanente ang stay ni Gloria sa hospital dahil mas komportable sa orpital kesa sa kulungan. Amen.
May mga nagsasabe na kung totoo man daw ang mga sakit ni Gloria, karma daw yan. At kaya daw pati ang asawa nya madaming karamdaman, dahil sangkot daw yon sa mga kalokohan ni Gloria.
Pero hindi kami naniniwala na karma ang nangyayare sa kanila. Kung karma yan, baket si Mikey Arroyo walang sakit? Kung titingnan yung katawan mukang malusog naman sya.
Pero kung titingnan yung muka... ahh...
Get well soon Mikey
Amy Winehouse: Tunay na Astig na Barako !!!
14 September 1983 – 23 July 2011
Ask The Author
Tanong galing kay Agent Pablo Jab:
May tanong ako, tuwing mag papareport yung teacher namin at ako ang napiling mag report, kinakabahan agad ako at natatakot dahil baka mapahiya at mapagtawanan sa klase. Nakakatakot kasi mag salita sa harap at nakatingin lahat sayo. Lalo na pag nakalimutan mo ang sasabihin mo, pwede kang magmukang tanga.
Katulad bukas mag rereport ulit ako at handang handang handang handa ako ang hindi ko nalang naihahanda ay un nang kaduwagan kong magsalita sa harap tapos tutuksuhin kapa ng mga kaklase mo pag nag online sa facebook may mga status sila na puro tukso nakaka walangana mag report pag ganon.
Sana matulungan nyoko.
MaEpal:
Una sa lahat. gusto muna naming i-point out na sinimulan mo ang message mo sa "May tanong ako." pero wala ka namang tinanong. Ok lang yan. Yang problema mo, mukang simple yan para sa madaming tao. Lalo na kung hindi ka na studyante. Pero alam namin na para sa iba, sobrang stress yan. Nagkataon lang siguro na may mga taong mas mahiyain sa pagsasalita sa harap ng madaming tao. Anxiety yan, at dalawa ang pinaka nagiging dahilan kung baket hindi mapakale ang mga studyanteng na-assign mag report. Kinakabahan dahil hindi ready o walang irereport, o nakakaranas ng excitement dahil sobrang handa at takot magkamali. Sa sitwasyon mo, maganda dahil ready ka, tabasin na lang natin ang kaba mo.
Una sa lahat. gusto muna naming i-point out na sinimulan mo ang message mo sa "May tanong ako." pero wala ka namang tinanong. Ok lang yan. Yang problema mo, mukang simple yan para sa madaming tao. Lalo na kung hindi ka na studyante. Pero alam namin na para sa iba, sobrang stress yan. Nagkataon lang siguro na may mga taong mas mahiyain sa pagsasalita sa harap ng madaming tao. Anxiety yan, at dalawa ang pinaka nagiging dahilan kung baket hindi mapakale ang mga studyanteng na-assign mag report. Kinakabahan dahil hindi ready o walang irereport, o nakakaranas ng excitement dahil sobrang handa at takot magkamali. Sa sitwasyon mo, maganda dahil ready ka, tabasin na lang natin ang kaba mo.
Wag na natin pahabain 'to. Rektahin na natin kung anong pwede mong gawin.
Wag kang masyadong seryoso. Mas nagiging target kasi ng mga malakas magtrip ang mga seryoso magreport.
Ngumiti ka, hanapan mo ng humor (banat o hirit) ang report mo. Pag may nangbara sayo tumawa ka lang. Ang sikreto para hindi ikaw ang pinagtatawanan, makitawa ka. Para hindi magmukang "They are laughing at you." It would be "You're laughing WITH them."
Kumuha ka ng suporta sa mga kaibigan mo. Kung pwede, paupuin mo sila sa bandang harap para ramdam mo ang "kakampi". Mas ok pa nga kung sila ang maunang magtrip sayo. Icebreaker na yon sa buong klase.
Isali mo sa discussion ang buong klase. Sabihin mo agad na kung may tanong sila, taas lang sila ng kamay. Para mukang ikaw ang may control sa sitwasyon, saling pusa lang sila. Sa ganon, hawak mo sa itlog lahat.
Expect the worse, and hope for the best. Isipin mo na lang na magkakamali ka para hindi ka kabahan bigla pag nagkamali ka nga. Pag walang mali sa report mo, bonus na lang yon.
Sa takot mo naman na may manukso sayo sa facebook. Sakyan mo lang. I-like mo pa yung panukso. Magcomment ka. Asarin mo din ang sarili mo. Wag mong bigyan ng satisfaction ang nanukso na maramdaman nyang naasar ka nya.
Kung mga professional reporters nga na-a-out of balance minsan, hindi ganon ka-big deal magkamali ang mga studyante sa reporting sa classroom. Classic example si Mr. Michael Fajatin na kung tutuusin naging astig pa dahil sa [blooper na 'to.] Kaya wag mong masyadong isipin yan. Reporting lang yan. Gabuhok na parte ng buong buhay mo.
Sana makatulong sayo 'to. Sana makatulong pa sa ibang tulad mo. Good luck sayo kid.
Wonder Boy Contest
Question and Answer portion.
Contestant number 1
Host: Anong gusto mong maging pag laki mo?
Wonder Boy #1: Maging basketball player po.
Host: Sino bang idol mo?
Wonder Boy #1: Si Kobe po.
Contestant number 2
Host: Anong gusto mong maging pag laki mo?
Wonder Boy #2: Maging boksingero.
Host: Sino bang idol mo?
Wonder Boy #2: Si Manny po.
Contestant number 3
Host: Anong gusto mong maging pag laki mo?
Wonder Boy #3: Maging babae.
Host: We'll be right back after some words from our sponsors!
Sino kayang idol ni Wonder Boy #3?
"woody" ni Buzz
Tamang-tama para sa mga mahilig mag-B.J. (buko juice)
Kumusta araw mo tol ?
Saan kayo kumain kanina tol ?
Itay, panget ba ako ?
Paano ba mag-planking sa maka-barakong paraan ?
Nakatalo sa Team Azkals
Babala !@#$%
Dahil delikado maging ligtas ?
Pinoy nga
Tawiran ng mga Tunay Na Astig na Barako !!!
Tunay Na Astig na Barako kodak moment !!!
Pussy
Gamot ng mga Di Tunay Na astig na barako
Di Tunay Na astig na barako kodak moment