Wednesday, September 22, 2010

Ika - 88 Banat

On Charice's Glee Gig




Para sa mga tulad naming 1st time manuod ng Glee...
Hindi si "Mara" si Charice at hindi si "Clara" yung bebot na umaway sa kanya


* Maganda ang "interaction" ni Charice sa ibang characters. Hindi sya nagmukang aloof o out of place.
* Binihisan sya para magmukang mas bata. Maliit si Charice kaya hindi lang sya nagmukang high school, nagmuka syang elementary.

* Hindi masyadong maganda ang porma nya sa Glee. Pwedeng sinadya, tapos magkakaron sya ng "She's All That" moment.


* Sunshine Corazon ang pangalan ni Charice sa Glee. Baka tribute kay Corazon "Tita Cory" Aguino yan, pero... Sunshine Corazon? Sunshine Corazon talaga? Wala na bang mas stereotype na pangalang Pilipina jan? Sunshine Corazon??? Sinong banban ang naka-isip nyan?


* Astig yung performance nya nung "audition" scene.


* Pwede syang mapagkamalan na may dugong African-American dahil sa ganda ng boses at kilos nya pag kumakanta.


* May mga Pilipino na ngayon lang nakanuod ng Glee para lang suportahan si Charice at nainis sa character nung "Rachel" dahil "inapi" si Charice.


* Kailangang ikalat ang positive feedback tungkol kay Charice sa internet para maging regular sya sa show habangbuhay.


* Mas dadami ang Pilipinong manunuod ng Glee. Suportahan nyo si Charice, pero kayo na lang. Seryosong natutuwa kiami para kay Charice at gusto namin syang suportahan, kaso ayaw talaga namin manuod ng Glee dahil hindi namin mapigilang sumabay sa mga kantang ayaw namin sabayan.


* At dahil magiging sobrang hit na din sa "masa" ang Glee, gagayahin na ito ng local networks. Gagawan na naman ng tagalog version yan. Tatawagin nila itong "Kantateros"




Sa public elementary students pa lang pinapatupad ang "NO homework on weekends" policy ng DepEd.

Susubukan lang daw muna, tapos oobserbahan ang performance ng mga bata. Tama naman ang hakbang na ginawa ng DepEd. Pabayaan nating mag-enjoy ang mga bata. Apir kay Education Secretary Bro. Armin Luistro. Sana ikaw ang Education Secretary nung elementary kami.

Pag hindi sinunod ng DepEd na ipagawa yan sa private schools, abangan nyo ang welga ng mga aktibistang 7 to 13 years old.



BREAKING NEWS!


Tanggap na ng Chinese government ang sinapit ng mga kababa­yan nila.
Matapos ang masu­sing imbestigasyon, nakalap ang isang MATIBAY NA EBIDENSYA.
Napatunayang pu­mal­pak ang mga pulis sa paghila ng pinto ng tou­rist bus dahil ang LUBID na ginamit ay… Made in China.

Case closed



Your SIM card say a lot about you!




GLOBE: makasanlibu­tan
SMART: magulang
TALK N TEXT: chizmax!
TOUCH MOBILE: tipong maniac
SUN: laborer, lagi sa arawan
RED: komunista



Mga Salitang Sexist



May mga salitang dapat baguhin dahil sa sexist basis nito. Pinanganak kase ang mga salitang ito nung luma pa ang mundo at hindi pa tanggap ang pagkapantay-pantay ng mga babae at lalake. Tulad nalang ng mga salitang...

History - Hinugot sa salitang His at Story
Madaming babae na ang malki ang contribution sa kasaysayan ng mundo. Panahon na para tawagin ang mga kwento nila bilang Herstory

Mrs. - Hinugot sa Mr. na dinagdagan ng "s" para magpakita ng pagmamay-ari.
Hindi na kino-consider na pagmamay-ari ni mister si misis. May pagkakataon pa nga na si mister ang mukang pagmamay-ari ni misis. Dapat ang abbreviation ng mga ginang ay Mss.

Manyak - Hinugot sa salitang Man at Yuck
May mga babae din naman na yuck. Kaya may karapatan silang matawag na Womanyak.

Abnoy ka kung naniniwala ka sa pangatlo



“Hindi ko naman sinasadyang mapunta d’yan, eh! At hindi ko rin sinad­yang maging magulo at lalong maging makulit… “Subukan mo akong alisin at ako’y babalik, mas doble pa sa inaasahan mo!!!”
--- Bulbol





WALANG TULUGAN
ang sigaw ng fans ng Master Showman tuwing Linggo nang madaling-araw. At ang hiyaw ng mga magsing-irog na na-va­ginal lock o na-penis captivus ay…......

WALANG BUNUTAN?!




Manny Pacquiao, ang pinaka multi-talented na kamao


A happy Manny, is a healthy Manny

Napatunayan na, na mas nakakapag-perform ng maganda ang isang tao sa trabaho nya kapag masaya sya. Ang pagsabak ni Manny sa iba't-ibang bagay ay nakakatulong bilang outlet nya ng creativity at extra energy. Ang rason din ay para lumipas ang boredom. Si Manny Pacquiao ay parang bata na may ADHD.

Kapag masyado syang nagtagal sa pag-gawa ng isang bagay nabo-bored sya, at nawawala ang interes nya. Dahil madaming pinagkaka-abalahan si Manny, napapanatiling 100% ang concentration nya pag-dating sa laban. Napapanatili ang excitement sa kanya para sa mga susunod na challenges. At napapanatili ang passion nya sa boxing.



Top 10 "Astig na Bading" 2000-2010

Hindi namin alam kung baket masama ang tingin ng ibang tao sa salitang "bading". Walang masama sa pagiging bading. Kami, alam namin yon. Nakakatawang isipin na tanggap ng mga bading ang salitang "bading", tapos yung mga moralistang hindi bakla ang nao-offend sa salitang "bading". Kapag sinabing "gay" ok lang, pero pag "bading" ang ginamit na salita, madaming nagrereact. Hindi porke English mas ok. Panahon na para tanggapin ang Filipino word na "bading" para tukuyin ng maayos ang mga kababayan natin na miyembro ng 3rd sex.

Top 10 "Astig na Bading" award (To be awarded every 10 years)
Parangal sa mga bading na bumibiro at bumibira.
(Movers and shakers ng kabadingan sa Pilipinas.)



#10 Ino Sotto:
May higit sa dalawang dekada nang subok ang staying power bilang de kalibreng fashion designer. Kung baga sa gangster, O.G. na 'to.

X-factor: Ang sino mang bading na mabanggit sa kanta ng Eraserheads ay karapat-dapat sa Top 10 Astig na Bading. Inno Sotto number 10 sa Astig na Bading.




#9 Fanny Serrano: Umapaw ang kayamanan sa ubod ng daming parlor branches. Compelling at mahusay na aktor/aktres. Nagsisilbing inspirasyon at idol ng mga parlorista.

X-factor: Kamuka ni Willie Revillame. At dahil kaya nyang pumalag sa international cosmetic scene, pasok si Fanny Serrano sa number 9.




#8 Danton Remoto: Pasimuno ng "Ang Ladlad" political party. Napagbigyang tumakbo at pinataob ang COMELEC pagkatapos silang ideny ng dalawang beses para makatakbo sa national elections. Nakasulat ng ng 8 na libro.

X-factor: Nanatiling bading kahit Military Officer ang tatay. Bilang bading na kayang talunin ang lalake sa suntukan, si Danton Remoto ay 8th sa Astig na Bading.



#7 Alan K.: Naging successful na KTV master at tumutulong sa ibang komidyante para makapagsimula at umunlad. Yumaman sa tagumpay ng mga KTV nya pero nananatiling walang ere sa ulo.

X-factor: Ang lantarang bading na mabigyan ng blessing ng Tito, Vic, and Joey para magtagal bilang host sa Eat Bulaga ay astig na bading. Alan K. pasok sa number 7.



#6 Vice Ganda: Umabot ng lampas isang milyon ang fans sa Facebook. Sa dami ng komidyante at bading sa showbiz, napili para maging bida sa remake ng "Petrang Kabayo". Vice Ganda, (pwedeng maging President Ganda) sagad sa number 6.

X-factor: Naging Unevictable Judge sa Showtime, kahit wala namang salitang "Unevicteble". Live silang nagbangayan ni Tado sa T.V., kaya si Vice ganda ay pasok sa number 6.




#5 Rustom Padilla (BB Gandang Hari): Nasaksihan ng buong Pilipinas ang pag-amin nyang bading sya. Dahil pinili nyang kay Keanna Reeves umamin kahit kontrobersyal si Keanna, napakita ni "BB" na hindi sya nanghuhusga base sa sabi-sabi ng iba.

X-factor: Ang sino mang bading na ipaglalaban hanggang dulo ng angkan ng mga barakong Padilla ay astig na bading. Pasok sa number 5 Astig na Bading, BB Gandang Hari.




#4 Jobert Sucaldito: Ang bading na pinaka mukang siga. Nagpataob sa mala-buhay pusa na si Willie Revillame sa channel 2.

X-factor: Kahit sinong bading na ikapikon ni Wiliie Revillame sa pagtira sa kanya ay saksakan ng kaastigan. Sa number 4, Jobert Sucaldito.




#3 Boy Abunda: Kung si Kris Aquino ang kikay na Oprah, Si Boy Abunda naman ay maituturing bilang bading na Oprah ng Pilipinas. Nagawang pangbading ang salitang "Homeboy".

X-factor: Ang bading na hindi pogi o maganda pero nakukuha para mag-endorse ng beauty clinic ay napaka astig na bading. Patunay na ang karisma ni Boy Abunda sa tao mula sa iba't-ibang estado ng buhay ay hugot mula sa kung papano nya iprisinta ang sarili nya. Boy Abunda, steady sa number 3.




#2 John Lapus: Bading na palaban pero marunong rumespeto. Mula hosting hanggang sa pagiging komidyante, professional. Tipo ng bading na nakakatakot makasuntukan.
Kilala bilang si "Sweet", pera mas bagay na tawaging "Chilimansi" dahil may asim magtanong, at may anghang sumagot.

X-factor: Astig na Bading lang ang gagawan ni Gloc 9 ng kantang "Don't Lie To Me". Ang bading na may pinaghalong katarayan ni Maricel Soriano, at aura ni Jett Pangan ay karapatdapat panghawakan ang number 2 spot "Astig na Bading"




#1 Ogie Diaz: Bumalandra na sa higit 40 (Oo kwarenta) na Pelikula at TV shows ang muka ni Ogie Diaz. Natural maging witty ang mga bading pero iba ang kamandag ni Ogie sa hiritan.

X-factor: May mga magtatanong kung baket si Ogie ang number 1 sa Astig na Bading. Ang sagot, irony. Ang sino mang bading na nagsimulang sumikat sa iconic show na "Palibhasa Lalake" bilang si "Pekto" ay napaka Astig na Bading. Guma-Gus Abelgas. Lumo-lokomotion. San ka pa? Nakita pa namin 'to sa "Decades" sa Roses years ago, kamuka nya si Jao Mapa.




Mga Gawain ng Tunay na Astig na Barako !!!





















Tunay na Astig na Barako Kodak Moment !!!



Tuhugan na !!!!



Paboritong Games ng mga Tunay na Astig na Barako !!!



Trabaho ng Tunay na Astig na Barako !!!



Hotel ng Tunay na Astig na Barako !!!



Regalo ng Tunay na Astig na Barako sa kanyang Asawa or GF !!!



Computer monitor ng Tunay na Astig na Barako !!!



C.R. ng Tunay na Astig na Barako !!!



Skin art ng Tunay na Astig na Barako !!!



Inumin ng isang Di Tunay na Astig na Barako !!!



Gawain ng isang Di Tunay na Astig na Barako !!!



Pimp my Bike !!!









Tang Ina this !!!





NANAY: Anak, bawal makipag-sex. Bata ka pa, baka ma­buntis ka!
NENE:Bawal-ba­wal ka d’yan! And so what kung bata pa ako?! Makikipag-sex ako kung gusto ko, ‘no?! Naka-condom naman, ah?! So, hindi pa rin ako mabubuntis… masarap kaya! TRY MO!

NANAY: (walang magawa) Makapanood nga ng TV… Ano ba ‘to?! Puro mga cartoon! Do­raemon, Digimon, Pokemon…
ANAK: Nanay, anong ulam?
NANAY: Naku, malas! Dumating pa itong Jejemon na palamon!

SURVEY…
Ano ang mas masarap kesa sa PINAUPONG MANOK?
Sagot ng siyam sa bawat sampung babae, “Pinatayong ibon!”

Aba Ginoong Gloria, napupuno ka ng payola!
Ang Jueteng Lord ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at nagpapala ng kayamanan ng ‘yung anak na Jejemon!

MOSTLY takbo lang nang takbo si MORA… habol naman nang habol si Mosley.
MOSTLY yakapan lang nang yakapan sila ni MORA.
MOSTLY ang mga nanonood, MURA nang MURA sa laban.
‘Yan ang MOOSELY-MURA boxing brawl!
TABLA ang laban, talo ang mga nanood.

Nag-text si Tomas kay Edwin, “Matagal ko nang itinatago sa ‘yo ‘to. Nga­yon, aaminin ko na… mahal kita!”
Mabilis na nag-reply si Edwin, “Akala mo ba, ikaw lang ang nagtatago ng nararamdaman? Mahal na mahal din kita, Tomas!”
Nag-text uli si Tomas, “Pare, wrong send ako… Hayup ka! Kadiri ka!”

Ako’y ANGEL… inalis sa Heaven, kasi, nakagawa ako ng bad. Kaya ito ang parusa… bantayan daw kita until magbago ka.
FAVOR LANG… puwede, huwag ka nang magbago? Para hindi na Niya ako kunin sa ‘yo!

Eight qualities of a perfect boyfriend.
B-rave, I-ntelligent, G-entle, P-olite, E-nergetic, N-on-alcoholic, I-ndustrious, S-elf-organized.
In short, B.I.G.P.E.N.I.S.

Bakit sila nahihiya?

BIIK: Kasi, baboy ang nanay niya.
KAMBING: Kasi, may bigote ang nanay niya.
SISIW: Kasi, ang nanay niya, maraming itlog. Ang tatay niya, walang itlog!

Sa isang Food & Health Forum, nagtanong ang speaker, “What food causes the most suffering for years after eating it?”
Matapos ang katahimikan, sumagot si Lolo Ambo, “Wedding cake.”

Pinapili nila ako… PERA o KAIBIGAN?
Hindi na ako nag-isip. Sabi ko agad, “Syempre, kaibigan!”
Kasi, ang pera, nauubos. Ang tunay na kaibigan… nagpapautang!

LUCAS: Pare, alam mo ba, ‘yung kaibigan ko, kumain ng sampung balut… patay!
RAMON: Talaga?! Nakakalason pala ang balut?!
LUCAS: Hindi! Sinaksak siya ng tindero! Hindi kasi siya nagbayad!

RANDY: Pare, alam mo, ‘yung lolo ko, masyadong matinik! Tatlumpu’t limang taon na siyang pulis pero hindi pa rin siya napapatay!
MARK: Talaga? Ano bang klaseng pulis ang lolo mo?
RANDY: Pulis trapiko!

Umakyat ng bundok si Steve kasama si Laura. Nadulas si Laura malapit sa ba­ngin…
LAURA: Steeeeeve! Mahuhulog na ako! Tulungan mo ako!
STEVE: (hinawakan ang kamay ni Laura bago nagsalita) If you love someone, you should let her go.
LAURA: Waaaahhhhh!!!!

DIEGO: Madam, magpapahula po ako. Habang tumatanda ako, lalo akong nagmumukhang kabayo.
MADAM VUHALA: Huuummm! Huuummmm! Nakikita ko!
DIEGO: Talaga, Madam? Ano ang nakikita mo sa bolang kristal?
MADAM VUHALA: Nakikita ko ang mukha mo! Sadya lang ipinanganak kang pangit!

BALITANG ENGOT!

Snatcher, diretso sa presinto!
Lalaking balbon na balbon, dinakip!
Ex-convict na mister, tumakas!

At ngayon, para sa mga detalye…

Snatcher, diretso sa presinto pero ang pinagnakawan ay kasalukuyang pinaghahanap!
Isang lalaking balbon na balbon ang dinakip dahil napagkamalang gorilya na nakatakas sa zoo!
Ex-convict na mister, tumakas na naman o tinakasan ang kanyang misis na nambubulyaw sa kanya!

BOOJIE: Cora, Cora…
CORA: Yes?
BOOJIE: Lawlaw ‘yung stockings mo!
CORA: Bastos! Hindi ako naka-stockings!

No comments:

Post a Comment