Saturday, June 18, 2011

Ika - 174 Banat

Everybody's talkin' 'bout the new sound
Funny, but it's still rock and roll to me


Miami Herald: Tunay na Astig na Barako !!!

Ang tunay na astig na barako, may sariling resulta



Nang-istorbo sa internet ang issue ng teen-ager na "animal abuser". Ang kontra bida of the day kahapon ay si Jerzo Senador. Madami ang naka-alam sa issue na yan, at madami din ang nakakita sa picture na 'to...


Nung una, pumapalag pa si Jerzon sa mga tumitira sa kanya. May mga tirada pa sya tulad ng
"hahaha,..winashing k p nga yan weh..."

At banat na...


"Hahaha, hnd ako makukulong noh..remember senador toh! aquh ng pa2pad ng Animal cruelty at kya kong bawiin yun!! ahahahaha."

Madami ang naawa sa tuta. Madami ang nagalit. Madami ang nagmura (kasama kami don.). At madami ang nagmura ulit (kasama parin kami.). Sa huli, dahil na din siguro sa takot at hiya, humingi din ng tawad si gago.
Nagpa-awa si Jerzon sa statement na...

"To All Animal Lover and to all over the world please read this:

“Gusto ko humingi ng tawad sa nagawa kong kasalanan sa aking alagang aso.. Sana mapatawad nyo ako at pinapangako ko na hindi na mauulit…"

Madami ang natuwa. Feeling ng lahat, ang laking panalo ng nangyare.

Pero kung sisipatin ng maigi, hindi ganon kagago ang ginawa ni Jerzon. Gago parin, pero hindi sobra. Ang bagay na nagpakup*l talaga sa kanya, ay proud pa sya at pumalag pa sya nung may mga nagagalit na. Pero sabi nga namin, hindi ganon kagago ang ginawa nya. Baket? Dahil kung titingnan yung picture ng naka-sipit na tuta, makikita mo na ang area na may sipit ay yung area na NATURAL KINAKAGAT NG NANAY NA ASO pag binubuhat nya ang mga tuta nya. Oo, parang pusa, dyan din kinakagat ng nanay na aso ang mga tuta nya para buhatin. Magaan ang tuta. Sa aso, hindi advisable yan.

Nakaka-init parin ng ulo ang ginawa ni Jerzon dahil pag kinakagat ng nanay na aso ang tuta nya para buhatin, may purpose sya: Para ilipat ng pwesto ang tuta nya. Pero sa ginawa ni Jerzon, wala, gusto lang nyang magpasikat sa facebook. Pa-cool lang si gago. Gusto nyang magpasikat, tang*na yan sige sikat ka na.

Dahil sa paghingi ng tawad ni Jerzon, may mga gumaan na ang loob. May mga humirit pa ng laspag na banat na "Kung ang Diyos nga nagpapatawad..." Powerful ang Diyos, at malakas na force ang kailangan para magpatawad. Pasensyahan tayo, hindi kami Diyos, at personaly (kami lang) mapapatawad lang namin si Jerzon pag hindi na sya nagli-lipstick.

Sa totoo lang, may mga animal abuser na hindi nila alam na hayop din sila mang-abuso ng aso. Halimbawa, yung mga binibihisan ng damit ang mga aso nila. Masaya sila. Masya ba yung aso? Kung sila naman ang bihisan para magmuka silang aso, ok lang sa kanila?


Yung mga "dog carriers" na nakabitin lang naman yung aso, muka bang kumportable yan? Kung ayaw mong hawakan ang aso mo, iwanan mo sa bahay gago.


At para sa "training" ng mga aso, baket may mga gumagamit pa ng Shock Collar? Makatao ba koryentehin sa leeg ang aso mo? Ni hindi yan makahayop tanga.
Eto ang mga sample ng "kiliti" ng shock collar


Ms. Gay Pageant: Questionality and Answeration portioning.

Top 3 answers:

3) "To make to the people happy, and to make out world coolerful" -Bading number 1

2) "First love never die, because first love never sty is the first impression of every someone who which in everyone that you could never expect and beyond" -Bading number 2

1) "My parents make proud of me. Because I support them... wisely. I believe in the saying that one man... is love... for the rest... of the life." -Bading number 3


Gawain ng isang Tunay na Astig na Barako !!!



Billiard ng isang Tunay na Astig na Barako !!!


Ivan Ruiz: Di Tunay Na Astig na Barako !

Bagama't ang pananaksak ay gawain ng tunay na astig na barako, ang tunay na astig na barako ay hindi nagpapahuli ng buhay.

Basahin mo ito :

Actor-director Rivero’s case ‘closed’ with attacker’s arrest—police
INQUIRER.net

MANILA, Philippines – The stabbing of actor-director Ricky Rivero Monday is a closed case with the arrest of his assailant, Quezon City Police District director Chief Superintendent George Regis said Tuesday.

“We are considering it as a closed case since the suspect has been apprehended. Rivero has identified his attacker as Hans Ivan Ruiz. [Rivero] said that he was stabbed several times by the suspect when he tried to protect his valuables,” said Regis.

A wounded Rivero drove himself to the Philippine Heart Center Monday morning after he was stabbed by Ruiz, who told the media that he was asked by the actor-director to stay in the apartment Sunday night. Karen Boncocan


Jose Rizal: Di Tunay Na Astig na Barako !!!
ang tunay na astig na barako ay umaalis nang walang paalam


Paper bag na matikas


Misis: Iinom ka na naman?!
Mister: Hoy babae! Muka lang case ng beer 'to, pero paper bag lang yan!
Misis: Ay! Hehehe sorry.
Mister: Ok lang, we all make mistakes.
Misis: Ano bang laman nyan?
Mister: Gin.

T-shirt na petiks lang...



Public Annoucement


Gintong Aral


Kapag nahuli ka ng Taong gusto mo na nakatingin sa kanya............lagi mong tandaan
Hindi ka niya mahuhuli kung hindi ka din niya tinitignan


Anong Basa mo rito ?


Taken for granted


Kainan ng Di Tunay Na Astig na Barako !!!


Eto nangyayari pag sobrang lasing.......



















No comments:

Post a Comment