Sunday, February 27, 2011

Ika - 144 Banat

'Word war' ni Gringo, Jim Paredes sumiklab
Ni Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon)




MANILA, Philippines - Hindi lamang sa pagitan nina Pangulong Aquino at Sen. Bongbong Marcos nagkakaroon ng ‘word war’ kaugnay sa ika-25 selebrasyon ng EDSA People Power 1 kundi maging sa pagitan nina Sen. Gregorio “Gringo” Honasan at Jim Paredes ng APO Hiking Society.

Mistulang binuweltahan kahapon ni Honasan si Paredes dahil sa tweet nitong “They joined EDSA to save their asses against Marcos. When it was safe again, they launched their coups,” na hindi nagustuhan ni Honasan.
Ayon kay Honasan, hindi na sana niya gustong patulan si Paredes pero hindi na maganda ang sinasabi nito sa mga itinuturing na “key players” ng EDSA People Power 1.

“Twenty years na ang batikos sa akin eh kaya napuno na ako,” sabi ng senador.

Sa tweet pa ni Paredes halata umanong si Honasan ang pinasasaringan nito dahil sa sinasabi nitong naglunsad ng sunod-sunod na kudeta ng wala na ang mga Marcoses.

Binanggit pa umano sa tweet ni Paredes, “Serial coup plotters who never accepted the people’s will except when they won in elections. They owe the people an apology. They were plain users without the nations good in mind,” ani Paredes.

Pero sinabi ni Honasan na hindi maituturing na opportunism ang ilang taon niyang paglalabas-pasok sa kulungan, pitong taon na nasa underground, at 17 taon na pagiging sundalo.

Wala anyang karapatan si Paredes na kuwestiyunin ang kaniyang naging partisipasyon sa EDSA 1 dahil miron lang.
“Miron lang siya noong EDSA Revolution eh kami kung sumablay kami, todas kami,” sabi ni Honasan.

Pinasaringan pa ni Honasan si Paredes na nagtungo umano sa Australia nang manamlay ang career dito sa Pilipinas at nagbabalik ngayon upang sabihin na isa siyang makabayan.

“Eh noong malaos siya, umalis papuntang Australia dahil sa personal reason. Tapos ngayon bumalik siya, sinasabi niyang makabayan siya?” pahayag ni Honasan.


Sampung Utos Ng Manginginom New Testament




1. Huwag kang inarte. Huwag kang mapili. Kung anong nasa mesa para inumin – yun na yun.

2. Huwag kang adik sa yosi. Pampaalis ng umay yan at hindi yan lollipop.

3. Para bumilis ang tagay – tadtarin ng maraming sili ang pulutan.

4. Ang tanggero ang tanging makapangyarihan sa inuman. Ang may pera dapat nilalasing para gumastos ng gumastos. Kaya’t huwag gawing tanggero ang gagastos.

5. Hindi dapat sa tiyan o ulo inilalagi ang iniinom. Dapat iniihi mo para mas matagal kang malasing.

6. Kung hindi ka rin naman pala iinom – huwag ka nang pumunta sa inuman.

7. Laging tatanungin ang sarili habang umiinom: Kaya mo pa bang uminom? Or kaya mo pa bang umuwi?

8. Dalawang bagay lang ang iisipin kapag medyo marami-rami na ang nainom: Susuka or Susuko? Sumuko ka na at sayang ang ininom mo.

9. Siguruhing may palusot ka kinabukasan kung sa ibang bahay ka natulog after ng inuman.

10. Inspeksyunin ang buong katawan bago umuwi at baka may tsikinini ka sa leeg. Patay kang lasenggo ka



INDAY: Ang guwapo ni sir, ano kaya ang gagawin ko para mapansin ako? Ah
ilagay ko nga sa mesa ang panty ko.
SIR: Kaninong panty to?
INDAY: Akin po.
SIR: May tae





Barbir shap


Tirti pisus lang. Solit na solit


WTF!! Maria Ozawa in Phils????




You can never change the past nor control the future but you can change the mood of the day by touching someone’s “Private Organ”


….......... “THE HEART!”


Life is UNJUST





Gawain ng isang Tunay na Astig na Barako !!!



Kainan ng mga Tunay na Astig na Barako !!!



Kainan ng mga Di Tunay na Astig na Barako !!!



Confort room ng mga Di Tunay na Astig na Barako !!!



Tang Ina this !@#$%^


















Joke Lang.

Fred: Dad, pahiram cellphone.

Dad: Baket?

Fred: May ite-text lang ako. Sige na, sandali lang.

Dad: Ba't ka ba nagmamadali? Mukang may dinidiskartehan ka 'ah.

Fred: Oo na, pahiram na ng cellphone, baka makatulog na yun 'e!

Dad: Kaklase mo?

Fred: Hinde, ka-schoolmate lang.

Dad: Mabait ba naman?

Fred: Hindi ko alam, basta cute.

Dad: Nako naman anak, hindi pwedeng puro panlabas lang ang titingnan mo. Dapat yung makakasundo mo. Dapat kinikilatis mo muna.

Fred: 'E pano ko makikilatis, 'e ayaw ako pahiramin ng tatay ko ng cellphone?

Dad: Oo na, oo na. 'O eto.

Fred: Yun! Thanks.

Dad: Mukang malakas ang tama mo dyan anak 'ah, hindi mo pa naman masyado kilala. Ano bang una mong nagustuhan dyan?

Fred: Wala, nakasabay ko lang umihi sa CR, nakita ko ang laki ng bird.

Dad: Ano?! Anak ng pu..

Fred: Hahaha joke lang!

Dad: Loko ka, kala ko seryoso ka 'eh!

Fred: Hindi, joke lang... hindi naman talaga malaki bird nya 'e.

Thursday, February 24, 2011

Ika - 143 Banat

Happy Epifanio de los Santos Avenue Revolution day


Internationally, pula ang kulay ng katapangan at dilaw ang kulay ng kaduwagan. Pero nung 1986, sa revolution na tumakbo mula February 23 hanggang February 25,lumubog ang pula sa dagat ng dilaw. Natigil ang Martial Law, natigil ang power trip ng isang diktador, at nagkaron ng dahilan para dagdagan ang araw na walang pasok.
Salamat EDSA Revolution.


Pssst...Na-Mi-Miss Niyo Ba si Marcos?
Lourd de Veyra | Published: February 22, 2011
(Borrowed from SPOT.PH)



Don’t get me wrong. Eleven years old lang ako nung lumayas si Marcos. Pero naaalala ko pa nung naputol ang broadcast ng Channel 9 ng oath-taking dapat ni Marcos sa MalacaƱang. Eto yung nasa balcony ang buong Marcos family (naka-fatigue si Bongbong na kala mo talaga lulusob sa digmaan). Ilang linggo ang lumipas at sunod na nakita si Macoy na nakasuot na Hawaiian shirt. Namamaga ang mukha niya. Si Imelda, Imeldific pa rin, siyempre, kahit may mga naghuhula-dancing na mga puno ng niyog sa likod nya.

Naaalala ko rin yung ermat kong Marcos Loyalist na praning na praning at nagtatatakbo mula sala hanggang dining room at sumisigaw: “Wala na, anak! Wala na! Mahuhulog na tayo sa kamay ng mga Komunista!” Siyempre, pag praning ang ermat, praning ka din. Nung Snap Elections, ang pambungad na imahe ng mga ad campaigns ni Apo Macoy ay ang mga nakapilang rebeldeng kasapi ng NPA na may hawak na pulang bandila na may maso at karit (“Hummer en sikol,” ika nga ng kasambahay namin). Sabi ng Grolliers International Encyclopedia—na sinegundahan naman ng mga magulang ko— na ang mga Komunista daw ang walang diyos, walang awa, at pinapakulong at pinagtatrabaho ang mga tao sa mga palayan, “parang sa Killing Fields!” Puta, siyempre, naihi ako sa takot. At iyon nga ang panakot ng Malacanang nung mga panahong yun: pag nagwagi sila Cory, magiging Komunista ang Pilipinas. I weeeesh.

Onse anyos lang ako nun. Hindi ko pa lubos na nauunawaan ang mga bagay-bagay. Ang mga problema ko lang ay komiks, panonood ng mga cartoons, at pagkolekta ng mga cards ng Garbage Pail Kids. Malay ko ba sa politika? Malay ko ba kung sino ang bida at kontrabida? Malay ko ba noon sa human rights violations, Martial Law, crony capitalism, hidden wealth, edifice complex, tuta ng Kano, at kung ano-ano pa? Naaalala ko lang na sobrang na-badtrip kami ng mga pinsan ko nung nawala si Voltes V sa ere.

Nakakatawa lang na kung kelan 25th anniversary ng EDSA, saka pa lumutang ang usap-usapang ilipat ang mga labi ni Apo sa Libingan ng mga Bayani (Note: ang bangkay ay kasalukuyang naka-preserve na parang popsicle sa isang mauseleo sa Ilocos). Ninety-two years old na siya dapat ngayon. Ang unang nag-ungkat ng isyu ay si Sen. Bongbong Marcos—at siyempre, naturalmente, sentimyento yun ng isang anak. Sinegundahan naman ni Sen. Juan Ponce Enrile, isa sa mga may pakana ng EDSA ’86, dahil gusto niya, happy ka. Nakakaloka lang kung papaanong nauwi dun ang naratibo ng mga pangyayari: kung iisipin na ang pinagmulan naman talaga ng lahat ay ang imbestigasyon ng senado sa plea bargaining agreement ni Gen. Garcia. Tapos napunta sa trahedya ni Gen. Angelo Reyes. Tapos, eto na nga.

Magse-celebrate ang EDSA ng 25th anniversary. Waw, meyn. Twenty-five years. Kung ako, halos walang ka-malay-malay nung panahon ng People Power, paano pa kaya ang mga bata na pinanganak nung ‘87 pataas (Hindi counted yung Edsa Dos ha, dahil pekeng rebolusyon yun, pang-Kulit Bulilit. At lalong hindi ang Edsa Tres)? Lahat nang kaalaman at pag-unawa nila sa mga pangyayari nung ‘86, siguro nakuha na lang nila sa mga textbook (ano nga ba tinuturo nila 'dun?) o kaya sa mga taunang replay ng “Magkaisa” at “Handog ng Pilipino sa Mundo.” Inaamin ko, noong unang umere itong “Handog ng Pilipino” ay nakaramdam ako ng pagbabasa ng mata at kirot sa lalamunan na sigurado akong hindi sore throat (Hindi ko masyadong trip yung “Magkaisa” dahil puro “Magkaisaaaaaaaaa” lang ang naririnig ko hanggang matapos ang kanta). Naaalala ko rin kung paano ka-super big deal ang unang anniversary ng People Power na televised halos buong araw—kasama ang makalaglag-placard na performance ni Freddie Aguilar nung kinagabihan na.

Pero ang mga People Power anniversary celebration nitong mga nakaraang taon? Naku. Napakalungkot. Si FVR, at siguro si Heheheherson Alvarez, lang ang nagtiya-tiyagang dumalo. Binubuksan lang ng mga tao ang TV para tingnan ang rerouting ng trapik. Napaka-perfunctory ng mga ritwales, mga speech na narinig mo ilang dekada na, at kung hindi pa dahil sa mga hakot ng government employees—na kating-kati na matapos ang mga seremonyas para makapunta sa Megamall—eh siguradong lalangawin ito.

Nga pala, napapansin ko lang, pag pinanood mo yung mga footage nung ’86, hindi mo mapigilang matanong: bakit parang ampapayat ng mga tao nun? Lahat payat, from Macoy to Enrile to Gringo Honasan pati na rin ang mga sundalo at ang mga rallyista. Sila Imelda lang at Cardinal Sin ang medyo mukhang naparami sa extra rice. Bakit kaya? Dahil kaya konti lang ang Jolibee at McDo noong araw?

Balik tayo sa tanong sa title. Sa isang raket ko sa Channel 5, nag-interview kami ng mga “ordinaryong tao” at nagtanong: “Mas okay ba ang buhay mo nung panahon ni Marcos?” Ninety percent ng sagot ay “oo.” Nung hiningan naming ng paliwanag kung bakit, halos pare-pareho ang hinaing: “Kasi noon, mas mababa ang presyo ng mga bilihin eh.” May mga mukhang adik namang humirit na “Kasi noon, at least, yung mga rebelde nasa bundok. Ngayon nakakababa na dito sa siyudad.” Eto ang mga karaniwang maririnig sa mga bibig nila: “Magaling,” “matalino,” “maraming nagawa.” “The greatest President this country never had,” sabi ng isang nobelista. Magaling nga at matalino, pero parang sinabihan mong magaling at matalino yung isang lalaking nahuli mong ninenenok ang mga gamit mo pagkatapos banatan ang misis mo sa sarili niyong kuwarto… at biglang nakatakas sa bintana. At wala kang masabi kundi, “Wow, ang galing nun ha.”

Twenty-five years na. Napatawad na nga ba ng taumbayan ang mga Marcos? Tingnan: Senador na si Bunsoy. Si Mommy, Congresswoman ng Ilocos at icon pa rin—ang level ng mitolohiya niya ay parang kena Michael Jordan at Bruce Lee. Every time na may diktador na napapatalsik kahit saang parte ng planeta, siguradong may eleganteng misis na maihahambing kay Imelda. (e.g. Imelda Marcos ng Tunisia, Imelda Marcos ng Kenya, Imelda Marcos ng Romania, etc).

Napatawad na nga ba natin ang mga Marcos? Ipagtanong mo na lang—‘wag sa mga aktibista, ‘wag sa mga intelektuwal at akademiko, at ‘wag din sa gaya nila Oliver Lozano, Kuya Germs, at Amay Bisaya. Itanong mo sa mga ordinaryong mamamayan—mga nagmamaneho ng dyip, nagwawalis sa kalye, nagbebenta ng yosi, nagtitinda sa karinderia na may edad 45 pataas. Baka masabi mo rin sa sarili mo: “Wow, ang galing nun ha.”

The 1986 People Power Revolution

































Hay, buhay: Parang isang tasang kape
SAPOL Ni Jarius Bondoc




NAGTIPON ang grupo ng alumni, pawang mga establisado na sa kani-kanilang propesyon, para bisitahin ang dating propesor sa pamantasan. Agad nauwi ang usapan nila sa stress sa trabaho at sa buhay.

Inalok ng propesor na magkape ang mga bisita. Naglabas siya mula sa kusina nang malaking takore ng kape, at iba’t ibang klaseng tasa: Porselana, plastic, glass, crystal, bakal; ilan ay simple ang disenyo, ilan ay mamahalin, at iba ay magarbo. Aniya magkanya-kanya silang kuha ng kape.

Nang makakuha na lahat ng alumni ng tasang kape, nagwika ang propesor: “Kung mapapansin niyo, lahat ng mamahalin at magagarbong tasa ay nakuha. Naiwan ang mga simple at mumurahin.”

Nagtinginan ang mga bisita. Alam na nila ang kasunod. Bibigyan sila ng propesor ng malalim na leksiyon sa buhay.
At nagpatuloy nga ang pantas: “Normal lang naisin ang pinaka-maganda para sa sarili. Pero ‘yan ang ugat ng inyong stress at problema.

Tiyak tayo na ang tasa mismo ay walang naidadagdag sa quality ng kape. Mas mahal o marikit lang ang ilang tasa, o naitatago ang iniinom natin. Lahat kayo ang gusto lang ay kape, hindi ang tasa. Pero sadyang kinuha niyo ang pinaka-magagandang tasa. Saka ninyo pinansin ang tasa ng bawat isa.

“Pakaisipin ito: Ang buhay ay parang kape; ang trabaho, pera, posisyon sa lipunan ang mga tasa. Mga pamamaraan lang sila para ilulan ang Buhay. Pero hindi nauukit o nababago ng uri ng tasang meron tayo ang tunay na quality ng ating buhay.

“Kung minsan, sa kapapansin sa tasa, nakakalimutan natin enjoy-in ang kape. Nam­ namin ang kape, hindi ang tasa. Ang pinaka-masasa­yang tao ay wala nang pina­ kamagagandang gamit. Marunong lang sila lubusin ang buhay. Mamuhay nang simple. Magmahal nang sagad. Makipag-kapwa-tao nang matindi. At magsalita nang marahan.”

Inumin ng Tunay Na Astig na Barako !!!





Ganito sumagot ang isang Tunay Na Astig na Barako !!!



Malabong image. Malabong sign


Kung ganyan ba naman itsura ng motor cycle mo 'e bawal talaga

Tang Ina this #$%^&*