Tuesday, February 15, 2011

Ika - 138 Banat



'Poppy' love
AKSYON NGAYON Ni Al G. Pedroche



MAY bagong rebelasyon si Senate Majority Leader Tito Sotto: Na ang ilang mga bakery, grocery at restaurant umano ay gumagamit at nagbebenta ng pinatuyong buto ng poppy na alam na nating pinagmumulan ng opium. Diyan din nanggagaling ang morpina at iba pang uri ng regulated o bawal na droga.

Hindi kaya iyan ang dahilan kung bakit kapag may natikman kang masarap na putahe sa restaurant ay binabalik-balikan mo? Iyan ba ang tinatawag na “poppy love?” Hindi naman siguro. Mahirap iyan. Baka kumakain tayo niyan nang di natin alam at kapag nagkaroon ng biglaang drug test ay magpositibo tayo.

Napakinggan ko ang isang panayam sa telebisyon sa isang opisyal ng Food and Drug Administration. Aniya, ang pinatuyong buto ng poppy ay wala nang taglay na narkotiko. Wala nang masamang epekto kahit kainin. Naku, bagong topic na naman ito na pagkakaabalahang busisiin ng Senado “in aid of legislation.” Matapos ang masusing pagbusisi sa carjacking at katiwalian sa military, heto na naman ang bagong isyu na nakatakdang isalang. Hehehe.

Pagpapaliwanagin daw ng Senado ang FDA kung bakit nangyayari pala ito nang wala tayong kaalam-alam. Sabagay, maaaring totoo na wala nang taglay na narkotiko ang pinatuyong buto ng poppy. Pero may batas na nagbabawal sa pagpapasok sa bansa ng poppy o ano mang by-product nito maliban na lang yung ginagamit for medical purposes. Wala namang sinasabi sa batas na kung tuyo na ang binhi ng poppy ay puwede nang ipasok sa Pilipinas. Ayon kay Senador Sotto, dapat magpaliwanag ang FDA kung bakit nakalulusot ang mga poppy seeds na pinagmumulan ng opium sa mga pamilihan.

Nauna rito, ibinunyag ni Sotto sa kaniyang privilege speech na may mga restaurants, groceries, at bakeries na nagbebenta ng poppy seeds. Eh ano ba silbi nito kung wala namang epek-tong pampa-high? Pandekorasyon lang daw. Naku ha, wala bang ibang maipan-dedekorasyon sa pagkain at poppy pa ang napili?

Ayon kay Sotto ipinag­babawal sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang importasyon ng mga “illegal substance and essential chemicals” kasama na ang species ng opium.

Ani Sotto, trabaho ng FDA na tiyaking ligtas sa mga delikadong kemikal ang pagkain sa pamilihan. Naku FDA ha? Better do your job well baka mag-personal appearance ang inyong mga opisyal sa Se-nate at maging instant cele-brities. Sabagay okay lang iyan basta’t huwag lang magsu-suicide. Alam niyo naman kung paano manggisa ang ilang Senador.

Nakaka-depress.He-he-he!


Valentine's Day Shadow


Meant to be?

Magkakaron daw ng iPhone application na pwedeng gamitin para mag-confess ng mga kasalanan mo.


Oo, dahil may iPhone si Lord 'no?
Put*ng ina nyo umayos-ayos kayo.


Madami ang hindi nakakaalam...

Madami ang hindi nakakaalam na mutant coconut talaga ang english term ng macapuno.


Kaya macapuno ang official dessert ni Wolverine, ni Cyclops,
ni Gambit, ng Ninja Turtles, at ni Vice Ganda.



Canceled na ang "Shoutout"?! Baket? Baket?? Bakeeet?!!
Baket ngayon lang?



Justin Bie-BALD



Nag-guest si Justin Bieber sa Jimmy Kimmel Show. Nung una syang lumabas, normal lang. Pero after commercial, pinapakita na lang na may hawak na electric razor si Jimmy Kimmel at kalbo na si Justin Bieber. Malamang 'e peke naman yan, pero sobrang pinag-usapan parin ng mga tao.Madami ang nagsabi na hindi pala bagay sa kanya ang kalbo. Awkward daw tingnan. Hindi namin alam kung baket madaming nagulat na hindi pala bagay kay Justin Bieber magpakalbo, 'e kung tutuusin hindi naman talaga bagay sa babae ang walang buhok.



Popoy: February na wala parin akong natatanggap na regalo galing kay Santa Claus. Inisip ko nung Christmas, baka madami lang syang binibigyan ng regalo kaya na-late yung saken. Pero mukang nakalimutan na nya ako.

Niko: Para kang tanga, 14 years old na tayo, naniniwala ka pa kay Santa Claus? Yung mga regalo na nakukuha natin noon na kunyare galing kay Santa, bigay lang ng parents natin yon! Ang tanda mo na naniniwala ka pa kay Santa Claus! Bobo mo naman!

Popoy: Kaya pala tuwing Christmas, medyas, brip, at school supplies ang ragalo sakin ni Santa! Buti ka pa, laging mamahaling laruan ang regalo sayo. Malamang daddy mo yung nagpapanggap na santa sa inyo. Politician daddy mo 'e, daming nakukurakot na pera non.

Niko: Hoy! Honest na politican tatay ko!

Popoy: 'E mas bobo ka pala 'e! Ang tanda mo na, naniniwala ka pang may honest na politican!

Mo Snoking!


"Bawal mamigarilyo."

Epal. Mas Epal. : Valentinos

Epal: Wow, pogi ng porma 'a.

Mas Epal: Syempre, valentine's 'e...

Epal: Naks naman! May date ka? Kapal ng muka! Hahaha!

Mas Epal: Ulul, kala mo ikaw lang may date? Ako pa?!

Epal: Sino ka-date mo?

Mas Epal: Si Martha, yung dentista sa kanto. Late na nga ako 'e. Baka magalit yun.

Epal: Papunta na din ako sa date ko 'e. Sabay ka na kung gusto mo, idaan na lang kita kanila Martha.

Mas Epal: Sige. Tulungan mo muna ako dito para matapos nako.

Epal: Ano ba kase yang ginagawa mo???

Mas Epal: 'E bibigyan ko kasi si Martha ng chocolate.

Epal: Naaaks, may shoookoleyts! Anong chocolate yan?

Mas Epal: M&M's, paborito nya daw 'to 'e. Buti nga hindi sobrang mahal. Kaso ang hirap piliin.

Epal: Baket, anong pinipili mo? Gusto mo puro pula 'no. Para color ng valentines? Baduy mo!

Mas Epal: Gago! Pinipili ko yung mga damaged. Inaalis ko. Gusto mo sayo na lang?

Epal: Ano ba yung damage nya?

Mas Epal: Bwiset kasi... yung iba "W" yung nakasulat!

Epal: Gago ka ba?

Mas Epal: Baket?

Epal: Wala-wala. Saken na lang yung damaged diba? Ito damaged 'o. Eto pa... Eto "W" din yung nakasilat 'o...

Mas Epal: Tangina dumami yung damaged 'a.





Si Manny, Juma-Justine Bieber



Energy Drink ng Tunay Na Astig na Barako ngayong Valentine's Day



Tara, kwentutan tayo



Extreme Tranformation !!!!







Pimp my Ride !!!







Tang Ina this @#$%^&*






















No comments:

Post a Comment