Dear Mahal,
Kumusta na kayo diyan? As expected, magulo dito sa Libya. Nakakatakot dito. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi rin ako makalabas ng building. Binabaril nila kahit sino. Nagliliparan ang mga bala. Sigaw nang sigaw ang mga tao sa labas.
Walang sinabi yung mga aktibista sa Mendiola. Dito sunog nang sunog ng kung ano-ano. Siyempre hindi namin maintindihan yung nakasulat sa mga placard. Pero hindi mo malalaman kung kalaban o kakampi. Basta ilag ka na lang.
Gustong gusto ko nang umuwi talaga. Ambabagal ng mga taga embahada natin. Bakit ngayon lang sila kumilos? Buti pa yung ibang mga Pinoy. Ang suwerte naman. Siguro nagdu-Duty Free na sina Pareng Tonyo. Pero sila Pareng Fred…balita ko stranded sa Malta. At wala raw makain. May report sa TV Patrol na pati aso at pusa daw tsinitsibog na nila. Teka, asan nga ba ang Malta? Marami bang aso dun?
Ang hirap lang kumilos dito. Ang laki-laki ng bansang ‘to--- puro disyerto. Oy, take note ha? Ang Libya ay nasa Africa, hindi sa Middle East—sabihin mo sa ibang brodkaster diyan sa Pinas na tanga-tanga. Buti pa yung bagong acting secretary ng DFA… ang suwabe-suwabeng mag-Ingles. Sosyal na sosyal ang accent. At bedroom voice pa.
Yung employer namin, malabo. Tinakasan kami. Mga hayup sila. Buti pa yung mga Briton at mga Instik naming kasama sa trabaho. May mga barko at C-130 na sumundo na sa kanila. Paano naman yung sa atin? Panahon pa yun ng Vietnam War di ba? Yan kasi, imbes na ipambili ng mga eroplano, pinambabaon sa mga heneral. Sabi ng chief of staff ng AFP mahal daw masyado pag ginamit ang mga eroplano nila dahil aabutin daw ng P35 million. Naku. P35 million? Barya lang yun. Tanong mo kay Gen. Carlos Garcia.
Si Gaddafi…siyempre, baliw pa rin. Actually nababaliw na kaming lahat sa pag-ispelling ng pangalan niya. Hindi ko alam kung “Gaddafi o Qaddafi o Kaddafi o….ano ba talaga kuya? Basta. “The Glory of Libya” daw siya. At mahal pa rin daw siya ng mga tao. Pero hindi naman daw siya presidente.
Hindi ko rin maintindihan ang japorms niya. Ibang klase ang fashion sense nitong si Kaddafi. Ang hirap ipaliwanag pero funky na funky talaga. Minsan, mukhang sasayaw sa Club Mwah. Minsan naman parang nag-overdose sa panonood ng Saturday Night Fever. Minsan naman parang bumili ng mga tiring balat ng hayup sa zoo at ginawang balabal. Hayup din ang buhok. Tumitira siguro ng acid at PCP ang stylist nito.
Screen cap of Qaddafi Fashion Gallery in Vanity Fair's
Hindi ko alam kung ano yung hinihithit nitong pinuno ng Libya. Langis na ata eh. Mas sabog pa ‘to sa sabog. Forty-one years na kasing namumuno eh. Kung ano-ano na iniisip. Nilalagyan daw ng droga ang kape kaya kung ano-ano iniisip—pati na rebolusyon. Pero mapapababa ba nila yan? Ano bang magagawa ni Obama kahit sabihin niyang “Leave.” Kung sila Reagan nga eh walang nagawa. Forty one years. Sabay sila ni Macoy na naging presidente. At gaya ni Macoy, meron din siyang mga crony na humaharbat mula sa kaban ng yamang-bayan. (BTW, alam mo bang nahumaling siya kay Imelda noong ‘70s. Oo, tumawid si Madam sa milya-milyang disyerto para amuhin si Glory of Libya para dun sa Tripoli Agreement. Ewan, basta may kinalaman ata yun sa MNLF).
"BTW, alam mo bang nahumaling siya kay Imelda noong 70s?"
Gusto ko nang mag-Facebook pero walang computer at walang Internet dito. Hindi ko na rin ma-update ang status ko. Hindi ko like ang nangyayari dito sa akin. Nami-miss ko na kayo diyan.
Ewan ha. Kung ang mga tao nga sa Pilipinas, hindi maalagaan ng gobyerno, pano pa kaya yung nasa ibang bansa. Kung bakit ba kasi nauso pa yang People Power-People Power na yan kasi eh. Gusto lang naman naming magtrabaho at kumita. Bukod sa bumbunan ni P-Noy at katawan ni Rachel Lobangco, wala na ba talagang ibang pagkukunan ng langis diyan sa Pilipinas?
“Bagong bayani” nga kami. Dapat ba kaming matuwa? Di ba mga bayani binabaril sa Luneta? O kaya binibitay sa Singapore?
Haaay… gusto ko na talagang umuwi. Buti pa yung ibang mga kababayan ko dito… nandiyan na sila. At may libreng cap pa sila. Mas maganda yung orange. Bagay na bagay sa maong kong jacket at gold necklace at bracelet.
Sige. Hanggang dito na lang muna. Shower tayo pag-uwi ko ha?
Nagmamahal,
Jun
P.S.
Use “Libya” in a sentence. “Darleng, ‘wag kang magkakaroon ng kabit ha. Or else, I’m gonna Libya.”
Use “Libya” in a sentence. “Darleng, ‘wag kang magkakaroon ng kabit ha. Or else, I’m gonna Libya.”
Dante Jimenez: Tunay na Astig na Barako !!!
1. Minumura ang mga hurado ng korte suprema
2. Kamukha ni rico j puno
3. Tigpipiso ang ipinambayad sa P30,000 na piyansa........Pero
4. Ipinaliwanag niyang ang kanyang ginawa ay "expression of emotion without malice"
2. Kamukha ni rico j puno
3. Tigpipiso ang ipinambayad sa P30,000 na piyansa........Pero
4. Ipinaliwanag niyang ang kanyang ginawa ay "expression of emotion without malice"
Si Bill: Tunay na Astig na Barako !!!
Ang sinumang kinu-kontak ng mahigit 5,000 na babae ay isang tunay na astig na barako.
Thank you Cebuanas for the past year of supplying all the wonderful ladies (over 5,000) who contacted me. I now have found my true love, the woman who will love me for the rest of my life on this exciting website. I wish your staff peaceful enjoyment, and all the women still searching - good luck - don't ever give up - don't ever give up.
Mahal Ko,
Bill
Bill
Imbalido: Tunay Na Astig na Barako !!!
Ang sinumang nakahilata lang, pinagsisilbihan at walang pakinabang ay Tunay na astig na barako
Gawain ng isang Tunay Na Astig na Barako !!!
Mga Mata ni Manoy
Marc Abaya: Di Tunay na Astig na Barako !
Bagama't puwedeng idepensa ng Di Tunay na Astig na Barako ito na ang lahat ng shit na ginagawa niya ay Trabaho Lang......Ayon parin sa Poser rule, si Marc Abaya ay Di Tunay Na Astig na Barako
Jovit Baldivino: Di Tunay Na Astig na Barako !
Poser = Di Tunay Na Astig na Barako
Rico Blanco: Di Tunay Na Astig na Barako !
Si Rico Blanco ay isang Poser
Tunay na Iha
Ang Tunay na Iha, hinde ni-lilike ang lahat ng fanpage na makita nya sa facebook. She uses the ‘Like’ button sparingly kasi tinitipid nya ito para sa mga bad-ass na pages.
Ang Tunay na Iha, may kinahuhumalingang 80s rockband.
Ang Tunay na Iha, hinde nahihiyang magsabi ng ‘estudyante’ sa jeep.
Ang Tunay na Iha, hinde namimili ng lalaki ayon sa estado sa buhay.
Ang Tunay na Iha, hinde nag-wowollow in self-pity. Alam nyang okay lang ang malungkot pero at some point, she has to stop crying at start solving things out. People are miserable because they choose to be miserable.
Ang Tunay na Iha, hindeng-hinde makakalimutan ang kanyang Highschool friends, kahit ano pa man ang mangyari.
Ang Tunay na Iha, hinde tumatanggap ng manliligaw para lang gawing atchay or maka-pagpalibre dito. You don’t have to suck a dick to be a slut.
Ang Tunay na Iha, artistahin pag naka-shades.
Ang Tunay na Iha, hinde grade-conscious. Hinde sya nangheheram ng test paper para lang pag-kumparahin ang mga ito.
Ang Tunay na Iha, nag-eextra rice pag gutom pa.
Ang Tunay na Iha, tapat sa kanyang boyfriend.
Ang Tunay na Iha, hinde gumawa ng twitter account para lang mang-stalk ng celebrities.
Ang Tunay na Iha, nahumaling dati sa mga boybands.
Ang Tunay na Iha, hinde angas na angas sa dami ng lalaki na gustong umi-score sa kanya. They want you not because you’re pretty; They want you cause you’re easy.
Ang Tunay na Iha, professional recording artist pag nasa banyo.
Do You Believe in Reincarnation?
Confucius and Malicious
Janet Jackson Live In Manila
No comments:
Post a Comment