Tuesday, March 29, 2011

Ika - 154 Banat

Tunay na Iha



Ang Tunay na Iha, nabasa na ang all 7 Harry Potter books before the film adaptations came out.

Ang Tunay na Iha, puts a substantial amount of effort into her studies. Hinde nya minamasteral ang first/second year college kasi nag-aaral sya.

Ang Tunay na Iha, marunong mag-minesweeper.

Ang Tunay na Iha, nag-susuot ng wristwatch.

Ang Tunay na Iha, 35-40 wpm ang average typing speed.

Ang Tunay na Iha, walang ‘extra padding’ ang bra. She’s proud of her body, whatever bust size ang meron sya.

Ang Tunay na Iha, hinde psychopath. Alam ang mga salitang ‘personal space’, ‘guy time’ at ‘alone time’. Alam din kung kelan titigil sa pangungulit at natatakot dapat sa mga restraining orders ng korte.

Ang Tunay na Iha, mahilig sa mga aso pero not those annoying rat-faced breeds na super liit at binibihisan pa, gusto nila yung mga malalaki tulad ng golden retrievers or siberian huskies.

Ang Tunay na Iha, hinde nagpaparinig sa mga statuses sa facebook. Kung may problema, wallpost or private message ang katapat. Retarded na lang ang nagiiskandalo sa cyberspace.

Ang Tunay na Iha, either Windows 7 or Mac OS ang operating system.


Pisil dyan, pindot don, himas dito


Dadating ang panahon na magkakaron ng ganitong massage parlor.
Yung pwede kang magbabayad para magmasahe ng sexing babae.
Tatawagin itong "Lamasahe."


Wonder Kid Contest



Question and Answer portion.

Host: Magiging ano ka pag tanda mo?

Contestand #1: Sundalo.

Host: Magiging ano ka pag tanda mo?

Contestand #2: Abogado.

Host: Magiging ano ka pag tanda mo?

Contestant: Matanda.

We have a winner!

Epal. Mas Epal. : Refill



Epal: Huy!

Mas Epal: 'O, dyan ka pala. Tulungan mo nga ako.

Epal: Baket may dala kang mga bote?

Mas Epal: Papa-refill ko dun sa kanto. Nawalan na naman ng tubig 'e.

Epal: Baket sa kanto pa? Meron namang water refilling station sa tapat ng bahay nyo 'a.

Mas Epal: Ayoko don!

Epal: Baket?

Mas Epal: 24 hours refilling station daw sila 'e.

Epal: Anong masama sa 24 hours refilling station???

Mas Epal: Gago ka ba? Baket ako maghihintay ng 24 hours 'e yung dun sa may kanto 5 minutes lang tapos na.

Epal: Simula ngayon pag gusto kong malasing hindi nako iinom ng alak, makikipag-usap na lang ako sayo ha. Tang*nang utak talaga yan.


Spectator's Sport



Cleavage at pwet, tanging dahilan kung baket may nanunuod ng laban sa bilyar ng mga babae.


"Sexy, tanging dahilan kung baket may lalakeng nanonood sa TV ng babaeng nagbibilyar."

Isipin mo nga, Kung lalake ka at walang sexy at magandang naglalaro, may lampas limang beses ka na bang nanood sa TV ng dalawang babaeng naglalaban sa bilyar? Hindi naman sexist ang mga lalake. Obserbasyon lang yan. Pwedeng komontra ang iba, pero in reality, society ang gumagawa talaga nyan, nagkataong pinuna lang namin. Pero kung makitid ang utak mo, wala na kaming magagawa.

Ganyan din naman ang mga babae, kung puro panget ang naglalaro sa PBA, manonood ba sila? Subukan mong tanungin kung sinong PBA o NBA player ang idol nila, ipupusta namin ang kaliwang itlog namen, mga poging ang isasagot ng mga yan. Kahit hindi magaling basta "gwapo", "cute", o "pogi" idol na nila yan. Ayaw mo paring maniwala? Sige eto... Sa tingin mo ba may lalakeng idol sa basketball si Chris Tiu?


\
Dahil sobrang daming fans ng K-Pop at J-Pop dito sa Pilipinas , narealize namin na kahit hindi nila naiintindihan ang lyrics, basta uso, magugustuhan ng mga Pilipino ang isang kanta. Kaya naisip namin gumawa ng isang kanta para sa mga fans ng K-Pop at J-Pop. Enjoy.

"Bvkefbvabvwbvj"

bwtocjd bvcsbv jksd bvkjsdbv
iuey cdsbkj vbsjb vjsvb jsbua
ncakn uwehfb jdbcjzd dcjzbdkj
danjdndas bcjkdsgiuek enfoisyfoin

busbuiw ewbfbdjbf jjfbfbjsbcjbcj
bdjbfwefwuj bfdbsf wbefbwjb edjb
bkjwdebfjcwb bjbkj wbjwb wybyd
dsjbdsi ejwfwebfwb fwebfuwbfbw fw

Chorus:
bsfdj fsdufhsr frshfsvsnbnfs frwshr
fsjsfoh frhfr erhgiorhsd fhofhrifwiwp
erhorh fsh frhgforh froehgoirhgoi reigh
fhroh frhgohroi foriywege agfdik

odovijb geotjgptj ajfgdri vnvoijepgepo
fkrb frheoigwv affoy btyorhb hort
htoinr orjprj rohbre sdgerbkgbn
brp hpyrjpn gtrhuiwsbjs vegobjbbpbe

Ngayong meron na kaming kantang hindi naiintindihan ng mga Pilipino,
kailangan na lang naming magmukang bading.
Malapit na naming maagaw ang mga fans ng K at J Pops!


Sa Ikaaayos ng Mundo, 'Wag Mag-Sando!
Borrowed from Spot.ph


Ayon sa pananaliksik ng Spot.ph, dalawang klase ang lalaking Pinoy na nagsasando: isang nagsusuot nito dahil sobrang naiinitan, at isang nagsusuot nito dahil gusto lang ipagmayabang ang mga braso nila. Oo nga naman, di ba? Magkakaluslos ka na sa pagwe-weights tapos hindi mo ipagmamalaki sa buong sangkatauhan? Tama?

Leche!

Ang pagsuot ng sando sa mga pampublikong lugar—gaya at lalo na ng mga restaurant—ay nagdudulot ng matinding alibadbad sa iyong kapwa. Hindi nakakatuwang makakita ng mabuhok na kili-kili at sandong nagmamakaawa na sa sobrang sikip.

Sa kalagitnaan ng banta ng lindol at tsunami at kasama ang gulo sa Middle East, isang isyu ang kailangan nating talakayin. Ito ang salot na matagal nang naghahatid ng lagim sa puso ng ating magulong lipunan: mga lalaking nagsusuot ng sando sa mga mall at restaurant.

RULE #1. PAG NASA PUBLIKONG LUGAR, ‘WAG MAGSUSUOT NG SANDO

Pero may mga exceptions:

• Basketball player, boksingero, mixed-martial arts fighter, at ikaw ay nasa laro o lugar ng ensayo

• Gym instructor

• Rapper

• Mangangalakal ng diyaryo-bote

• Tambay sa kanto

•Matador sa palengke

•Small-time na drug pusher sa Tondo at Culiat

• Sidewalk vendor sa Divisoria

• Construction worker

•Call boy

• Freddie Mercury (R.I.P)

RULE #2. Eto lang ang mga lugar na puwede kang magsando:

•Gym

•Bahay

• Lansangan— Provided na hindi ka sasakay sa anumang uri ng public transport— exception:pedicab at kuliglig, pero dapat solo ka lang at walang kasakay na ibang pasahero. Sa loob ng jeep, malaking kasalanan ang ibuyangyang ang kili-kili mo sa napakasikip at napaka-init na espasyo.

Hindi uubra ang palusot na, “Eh athlete ako eh!”

Tol, kahit nga si Michael Jordan na pinakamagaling na basketbolista sa buong mundo ay hindi nagpapa-interview sa press sa loob ng locker room na nakasuot lang ng tuwalya. Haharap siya sa media sa isang pormal na presscon na naka-Amerikana. May koneksyon ba ang pagiging disente sa pananamit sa galing sa sports? Baka meron. Baka wala. Pero sa bilyon-bilyong dolyar na kinikita ng taong ‘to, kung tutuusin mo, ang dali-daling mambalasubas sa pananamit. Di ba? “Pakialam ko sa inyo? Ako si Michael Jordan!” Si Jordan na yun. Ano pinagmamalaki mo? Nakaka-bench press ka ng 300?

Kahit sino ka man, wala ka pa ring karapatang magsando pag pumasok na sa Robinson’s Galleria, Mall of Asia (Starmall o kaya Farmers’ Plaza baka puwede pa) o kaya sa restaurant— sosyal man o pinaka-jologs. May dahilan kung bakit may aircon ang mga lugar na ito: hindi lang para magbigay-lamig, kundi upang pigilan ang mga tulad mo sa pagsuot ng walang kadangal-dangal na damit na ito. Alam ng mga sosyalin na mall and club owners ‘yan: kaya nga may sign sa pinto na NO SANDO, NO SLIPPERS ALLOWED. Pansinin: laging nauuna ang “NO SANDO.” Pero ang malupet na kombinasyon ng sando at chipanggang tsinelas ang ganap na magbubura ng anumang bakas ng respeto sa iyong pagkatao.

Puwera na lang kung: ikaw ay nasa Boracay. In which case, wala akong pakialam kahit nakalabas ang itlog mo habang humihigop ka ng mango shake sa Station One.

RULE #3. KUNG DI MAKAYANANG MAGSANDO, MAMILI KA NAMAN NG MAAYOS-AYOS.

Lalong lalo na ang square neck na sando, o ang tinatawag nilang “fetuccine” straps— ang nakakatawang uri ng sando na imbes na pabilog ang kuwelyo ay puro diretso lang. Kaya mukhang tanga—mukhang apron. Kailanma’y hindi ito magiging kasuotan ng tunay na lalaki. Hindi lang ‘yun. Ito talaga’y masakit sa mata. Lalo na kung kulay kalawang ang buhok mo. Puwera na lang kung ang trabaho mo’y mag-abang ng parokyano sa kanto ng elliptical road sa kadiliman ng gabi.

Basketball jersey? Sando pa rin yun, kahit na sabihin mong imported at mamahalin ang suot mong Miami Heat na jersey. Kahit pa mukha ka nang pawnshop sa sobrang dami ng bling. Sasabihin mo: “Eh hiphop ako eh.” Baka mapatawad pa siguro ng taong bayan kung medyo maluwag ang suot mo— sa isang baduy na club sa Tomas Morato sa QC.

RULE #4. KUNG TALAGANG IKAMAMATAY MO PAG DI KA NAGSANDO, SIGURADUHING WALANG ASIM ANG KILI-KILI

Self-explanatory.

RULE #5. PUCHA. 'TOL, KUNG MAPIPIGILAN MO, WAG KA NANG MAGSANDO

Napapansin mo na minsan hindi ka ginagalang ng security guards ng ilang establisyimento? Ang respeto sa sarili ay nagmumula sa iyong kasuotan. Mababaw ba masyado?

Punyeta, HINDI! Una kang pupunahin ng kapwa mo sa iyong panlabas na anyo. Tama na yang pa-jeproks-jeproks na yan.

Mahirap sabihin na dalisay ang iyong kalooban kung nakikita naming ang kili-kili mo na may mga tinga-tinga pa ng mumurahing deodorant.
Naiintindihan ko na mainit talaga sa Pilipinas, at kadalasan ang mahabang manggas ay walang naidudulot para ibsan ang problemang ‘to. Pero, ‘dre, marami nang paraan ng pagpapalamig ngayon— kaya nga tayo binigyan ng diyos ng utak. Mainit? Kumain ng halo-halo. O kaya, maligo ka.



Kung tayo’y matanda na
Sana’y di tayo magbago
At kailan ma’y, nasaan ma’y
Ito ang pangarap ko

Makuha mo pa kayang
Ako’y hagkan at yakapin ooh
Hanggang pagtanda natin
Nagtatanong lang sa `yo
Ako pa kaya’y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko

Small Penis Syndrome



Posser Moment





Greenbelt: Tunay Na astig na Barako !!!



Rep. Jules Ledesma IV: Tunay Na astig na Barako !!!


ang tunay na astig na Barako ay walang panahon para umattend ng session sa kongreso

Cong. Manny Pacquiao: Tunay Na astig na Barako !!!



Floyd Mayweather Jr.: Di Tunay na astig na Barako


Ang sinumang nagdadahilan ng kung anu-anong shit para makaiwas sa sapakan ay hindi tunay astig na Barako.

Tang Ina this @#$%^&





No comments:

Post a Comment