SAPOL Ni Jarius Bondoc
MULA sa butas sa dingding ng bahay, sinisilip ng daga kung ano’ng pagkain ang nasa kahon na inuwi ng magsasaka sa misis. Nabahala siya nang makita na hindi pala kakanin, kundi panghuli ng daga, ang laman. Dali-dali tinungo niya at binalitaan ang manok sa bakuran: “May mousetrap sa bahay.” Sagot sa kanya ng manok: “Gan’un ba? Tiyak, ikaw ay mag-aalala, pero e ano sa akin kung may mousetrap?”
Nababahala pa rin tinungo ng daga ang baboy sa tangkal. “May mousetrap sa bahay,” ibinalita niya. Patuloy lang ngumuya ang baboy bago sumagot: “E ano sa akin kung may mousetrap? Baboy naman ako.”
Tinungo ng daga ang baka sa pastulan para sabihan din tungkol sa mousetrap. Gan’un din ang sagot, balewala sa baka ang balita.
Kinagabihan ding ‘yon, kumalabog ang mousetrap. Bumangon ang misis at inalam kung ano ang nahuli. Ahas pala, na naipit ang buntot sa mousetrap, at sa galit ay tinuklaw ang misis.
Kinaumagahan nilagnat ang misis. Naisip ng magsasaka ang karaniwang lunas sa lagnat: chicken soup, kaya kinatay at isinabaw ang manok.
Miski tinignan na ng doktor, lumala pa rin ang lagnat ng misis. Naghalinhinan ang mga kapitbahay sa pag-aalaga sa kanya. Para mapakain sila, kinatay ng magsasaka ang baboy at inulam.
Sa kasawiang-palad yumao ang misis, at nagsidating ang mga kanayon para makiramay. Kinatay ng magsasaka ang baka para may makain ang mga nag-aabuloy.
Mula sa butas niya sa dingding, malungkot na sinaksihan ng daga lahat ng nangyayari.
Aral: Ang problema pala ng isa ay problema ng lahat. Ang peligro sa isa ay peligro sa iba. Magkakasama tayo sa lakbay ng buhay, kaya’t alalahanin, alagaan ang isa’t isa.
Safety bullshit
May mga taong sa sobrang pangangalaga nila sa kaligtasan natin, sila mismo ang nagiging mapanganib.
Bakit mo kakapkapan ang 6 years old na batang babae? Kung may tumunog na bakal habang ini-iscan mo yung bata, hindi ba pwedeng hanapin nyo yung mga bakal at ipatanggal sa kanya, tapos i-scan nyo sya ulit?
Kung sila ang mga taga-protekta laban sa terorista, sino naman ang magpro-protekta saten laban sa kanila?
"Technical Foul"
Madaming badtrip ngayon kay Kobe Bryant dahil sa hindi sinasadyang nahuli sya sa camera na nagbitaw ng gay slur dahil sa booyset nya sa isang referee. Ang derogatory term na ginamit nya ay "fa*g*t" (Bahala kang magtanong sa iba kung ano yan kung hindi mo alam yan.) Ang buong sweet words ni Kobe ay "Fuc*ing fag**t!"
Mabilis namang nagpaliwanag si Kobe at nagsabi na:
"What I said last night should not be taken literally. My actions were out of frustration during the heat of the game, period. The words expressed do NOT reflect my feelings towards the gay and lesbian communities and were NOT meant to offend anyone."
Naniniwala kaming totoo ang sinabi ni Kobe.Yun nga lang 'e hindi porke nagsabi ka ng totoo, excuse na yon sa ginawa mo. Sa non-moralista point of view namen, society ang nag-embed ng thought sa utak natin na hindi normal maging bading. Yun siguro ang dahilan kung baket mabentang punchline ang kabadingan. Kahit mismo mga bading, ginagamit na pang-hirit o pangbanat ang kabadingan. Kung ganon ang kaso, ayos lang siguro yon. Pero kung gagamitin mong pang-degrade yan, at sasabayan mo pa ng kilalang degrading na term ng bading, medyo madami talagang tao ang mahihirapang lunukin ang ginawa mo.
"What I said last night should not be taken literally. My actions were out of frustration during the heat of the game, period. The words expressed do NOT reflect my feelings towards the gay and lesbian communities and were NOT meant to offend anyone."
Naniniwala kaming totoo ang sinabi ni Kobe.Yun nga lang 'e hindi porke nagsabi ka ng totoo, excuse na yon sa ginawa mo. Sa non-moralista point of view namen, society ang nag-embed ng thought sa utak natin na hindi normal maging bading. Yun siguro ang dahilan kung baket mabentang punchline ang kabadingan. Kahit mismo mga bading, ginagamit na pang-hirit o pangbanat ang kabadingan. Kung ganon ang kaso, ayos lang siguro yon. Pero kung gagamitin mong pang-degrade yan, at sasabayan mo pa ng kilalang degrading na term ng bading, medyo madami talagang tao ang mahihirapang lunukin ang ginawa mo.
Naiintindihan namin si Kobe dahil nag-react sya based on anger at sa bobong perception na tinanim ng society sa utak natin. Pero wala talaga syang karapatan gumamit ng gay slur dahil... Una, insensitive sa gay community ang ginawa nya. Pangalawa, sikat sya at madaming nakikinig sa kanya at ginagaya ang mga ginagawa nya. At ang pinaka dahilan kung baket wala syang karapatang mang-alipusta ng kabadingan ay dahil...
"This guy's in love with you pare."
Sabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bumaba daw ng 20% ang air pollution reading sa Metro Manila.
Mula daw kalagitnaan ng 2010 hanggang ngayon, lumabas sa resulta ng monitoring nila na mas lumilinis ang hangin sa Metro Manila. Gobyerno daw ang dapat pasalamatan dahil mas pinatutupad na daw ngayon ang emission testing at mas hinigpitan ang paghuli sa mga smoke belchers. Sa tingin namen, kaya mas malinis ang hangin ngayon 'e dahil madami nang alternative fuel/energy source para sa mga sasakyan. Kung noon 'e gas at diesel lang, nitong mga nakaraang taon, nauso ang LPG, bio fuel, at electric cars. Pero ang pinaka dahilan kung baket. Hindi kami naniniwala na dahil lang mas agresibo sa emission testing ang gubyerno kaya luminis ang hangin. Malaking tulong dyan 'e dahil malakas humingi ng lagay ang mga nanghuhuli sa smoke belchers. Kesa nga naman magbigay ka ng lagay sa isang buong barkada ng traffic officers na manghuhuli sayo, ipaayos mo na lang yung kotche mo. Isa ding tingin namin na malaking dahilan sa pag-improve ng kaledad ng hangin sa Metro Manila, ay dahil kumonte ang gumagamit ng sariling kotche nila.
Sa mahal ng gas ngayon, kung malayo ang trabaho mo at nagdadala ka ng kotche tuwing papasok ka, wag ka na lang magtrabaho. Sa gas lang mapupunta yung malaking portion ng sweldo mo 'e. Baka nga kailanganin mo pang mangutang, para maka-pagpagas ka, para makapasok ka sa trabaho, para magkaron ka ng sweldo, para lang may pangpa-gas ka. Teka lumalayo na pala tayo sa topic. Basta ang point dito, salamat sa gobyerno dahil luminis ng konti ang hangin natin, dahil pinabayaan nilang tumaas ang presyo ng gas. Gago 'e 'no?
Isang 15 months old na baby ang nabigyan ng alcoholic drink sa Applebee's restaurant.
Nag-order daw ng apple juice yung nanay para sa baby nya. Nalaman lang daw nya na margarita ang nabigay sa bata nung bigla itong nakatulog saglit, tapos naging maligalig nung nagising. Honest mistake naman ang nagyare at wala naman daw seryosong injury na nagyare sa baby. Ginawan na din ng Applebee's ng paraan para hindi na malito ang mga taga-serve ng drinks nila.
Sa tingin namen, wala naman talagang dapat ireklamo. Nakatulog yung bata, tapos maligalig nung nagising. Hindi ba yan naman ang gustong mangyare ng mga magulang sa mga anak nila?
Boy Honest
Gerry: Boy, pahiram ng suklay dali! Ganitong oras dumadaan dito si Vina, syempre dapat pogi. Dali na pahiram suklay.
Boy Honest: Magsusuklay ka para pogi?
Gerry: Oo, baket?
Boy Honest: Sinusuklay mo yung muka mo?
Gerry: Boy, kung lalaitin moko deretchahin mo na lang. Mas masakit ka magpahapyaw 'e.
News News News News !!!!
Tunay na Iha
Ang Tunay na Iha, hinde nagpapa-awa para pansinin ng iba.
Ang Tunay na Iha, very artistic. She can either sing,dance, write, paint or play a musical instrument. Basta may outlet ang kanyang mga creative juices.
Ang Tunay na Iha, hinde talkshit.
Ang Tunay na Iha, hinde back-fighter.
Ang Tunay na Iha, hinde dinadamay ang ibang tao sa init ng ulo nya.
Ang Tunay na Iha, hinde nanghahampas sa braso pag nagkwekwento.
Ang Tunay na Iha, hinde nilulunok ang kuko pag nagnanail-bite sa mga tense na situation.
Ang Tunay na Iha, mayroong guy bestfriend na pinagkakamalan ng ibang tao na boyfriend nya dahil sa kasweetan sa isa’t-isa.
Ang Tunay na Iha, hinde naglalabas ng sama ng loob sa facebook; may tropa at tumblr siya para dito.
Ang Tunay na Iha, hinde dinadamay ang ibang tao sa init ng ulo nya.
Ang Tunay na Iha, hinde nanghahampas sa braso pag nagkwekwento.
Ang Tunay na Iha, hinde nilulunok ang kuko pag nagnanail-bite sa mga tense na situation.
Ang Tunay na Iha, mayroong guy bestfriend na pinagkakamalan ng ibang tao na boyfriend nya dahil sa kasweetan sa isa’t-isa.
Ang Tunay na Iha, hinde naglalabas ng sama ng loob sa facebook; may tropa at tumblr siya para dito.
Ang Tunay na Iha, kayang mag-cartwheel pag may period.
Ang Tunay na Iha, naiyak nung pinanood ang Lion King.
Ang Tunay na Iha, hinde lang ‘misyonaryo’ ang alam.
Ang Tunay na Iha, may kinalokohang MMORPG nung highschool.
Ang Tunay na Iha, marunong pumili ng tamang ISO settings sa digicam. Hinde naka AUTO at bahala-na-ngiti-agad system.
Ang Tunay na Iha, walang bigote; kung meron man, hinde noticeable pag sa malayo.
Ang Tunay na Iha, ayaw sa cheese-flavored ice-cream.
Ang Tunay na Iha, hinde angas na angas sa mga post nilang ‘mobile web’ at ‘update via iphone’.
FAILED Parenting
Tang ina this @#!$%^&*
No comments:
Post a Comment