May mga bagay na hindi nakukuha sa "sorry"
Pag may nakabanggaan ka habang ng balikat dahil nagtetext ka habang naglalakad, pwede mag-sorry. Pag may nabundol ka ng sasakyan mo dahil nagtetext ka habang nagda-drive, hindi pwedeng sorry lang. Pag may napatid ka dahil nakausli ang paa mo habang nakaupo ka, pwedeng mag-sorry. Kung waiter na may dalang mga order ang napatid mo, lalo na kung may natalsikan o natapunan ng dala nya, hindi pwedeng sorry LANG. May mga sitwasyon talaga na hindi pwedeng palampasin sa simpleng sorry. Kailangan mong i-take into consideration kung baket ka nagkamali at kung ano ang resulta ng pagkakamali mo. Kung wala namang nasaktan, sige "sorry" yan. Kung may ibang napahamak, kahit hindi mo sinasadya, take responsibility sa nagawa mo. Pero applicable lang yan sa mga bagay na HINDI MO SINADYANG GAWIN. Kung sinadya mo at alam mo ang posibleng mga resulta ng gagawin mo, hindi pwede ang "sorry".
Kung nambabae o nanlalake ka? Hindi ka pwedeng mag-sorry. Dahil sinadya mong mangbabae, at alam mong masasaktan ang partner mo kung lolokohin mo sya. Pag nahuli ka, dun ka lang naman nagsosorry. 'E kung hindi ka nahuli, tangina magso-sorry ka ba? Ulol. Hindi kami nagmamalinis, kung mambababae ka, bahala ka sa buhay mo. Ang point lang 'e wag ka nang magpanggap na "sorry" ka pag nahuli ka. Man up, at tanggapin mo lahat ng consequences. Kailangn mong tanungin sa partner mo kung ano ang kailangan mong gawin para makabawi. Pwede kang magmakaawa, pero sa huli, swerte mo na lang kung patawarin ka nya nang hindi sya gumaganti. Pag nandaya ka sa eleksyon, hindi din pwede ang sorry lang. Gago ka ba? May sanctions na dapat ipatupad sa ganong klaseng kalokohan. Hindi na kami mag-e-elaborate dyan dahil ayaw naming mapunta ang issue kay "nunal".
Malaking bagay ang nagagawa ng "sorry". Kung tatanggapin mo lang ang pagkakamali mo, haharapin mo ang consequences, at kung babawi ka sa nagawa mong kalokohan. Wag mong abusuhin ang "sorry". Wag mong laspagin yan sa mga bagay na hindi mo naman talaga pinagsisisihan. Kung tutuusin dalawang statement ang importante sa magandang pakikisama, "Sorry" at "Thank you."Madaling gamitin sa tamang sitwasyon ang "Thank you." o "Salamat." pero madami sa atin ang wala pa sa kalahati ang awareness sa tamang pagputak ng "Sorry." Tandaan mo, sa punto na sinadya mo, at alam mo ang mga pwedeng resulta ng kalokohan mo, wala kang karapatan ipilit sa tao ang "Sorry."
Sangguniang Kabadingan
BarangGAY
Tunay na Astig na Barako Motorcycle Anti-Theft System
Ganito ng mag-sinop ng kanyang Motor ang Tunay na Astig na Barako !!!
CABUCO TODA: Di Tunay na Astig na Barako !!!
Mabuti na yung malinaw
Gintong Aral
Honest Logo
AquaBoy
Boy Tuko
Tang Ina this !@#$%^&*
No comments:
Post a Comment