Tuesday, March 15, 2011

Ika - 150 Banat

Kung sino mang nagpauso ng "Radiation Text": Tunay na Astig na Barako !!!



BBC News: Japan government confirms radiation leak at Fukushima nuclear plant. Asian countries should take precautionary measures. Remain indoors first 24 hours. Close doors and windows.

Swab neck skin with betadine where thyroid area is, bc radiation hits thyroid first. Radiation may hit the Philippines starting 4pm today [March 14]

PAALALA: 4:30 in the afternoon sumabog ung isang nuclear power plant sa Fukumi Japan. Kapag umulan daw mamaya at bukas, wala daw lalabas. Kung nasa labas, pls do use an umbrella and rain coat dahil kpag naulanan kayo, delikado, my tendency na masunog ang balat, pwedeng makalbo o magka cancer. --Pls pas

Ang sinumang dahilan kung bakit nawalan ng pasok sa PUP ay tunay na astig na barako


Gawain ng Tunay Na Astig na Barako: Mamalo ng martilyo kapag binawalang magyosi

basahin mo na lang ito...........



Driver, minartilyo ng pasahero
Ni Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) Updated March 14, 2011 12:00 AM

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang jeepney driver matapos na mar­tilyuhin ng isang pasahero na una nitong pinababa dahil sa pagyoyosi at pakikipag-away sa iba pa niyang pasahero sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Biyak ang noo ng biktimang si Ferdinand Melanio, ng Pasig City, matapos na hatawin ng martilyo sa ulo ng suspect na si Marvin Ramos, 20, binata,.

Sa reklamo ng biktima, lumilitaw na madaling-araw ng Linggo nang maisakay niya ang suspect na nagsindi ng sigarilyo na sinita naman ng kanyang mga kapwa pasahero hanggang sa mauwi sa mainit na pagtatalo.

Dahil sa pagmamatigas ng suspect, isa umano sa mga pasahero ang sumampal dito, kaya’t namagitan na umano ang biktima upang hindi na lumala pa ang gulo.

Isinauli umano ni Melanio ang pamasahe ng suspect, at saka ito pinababa upang makalipat ng ibang jeepney.

Sa pag-aakalang tapos na ang gulo ay ipinagpa­tuloy na ng biktima ang pamamasada, ngunit pag-ikot umano nito ay biglang tinawag ng suspect at pinukpok ng martilyo­.

Tangka pa umano siyang hatawin ulit ng suspect, ngunit natigil ito nang dumating ang mga miyembro ng Pasig Ordnance Police. Sasampahan ng kasong frustrated murder ang suspect.


A Star In Born (More than 2,500,000 views on Youtube as of this writing.)



Sobrang daming nag-react nung naging sikat sa Youtube ang music video na 'to. Karamihan negatibo ang reaksyon dahil panget na nga daw ang boses, 'e sobrang panget pa ng lyrics. Masyado tayong nagiging marahas sa paghuhusga. Pag may nagtatagumpay sa pangarap nila umiiral ang inggit at madami ang umaapila. Sa mga pagkakataon na ganito dapat nga hangaan natin ang mga ganyang tao. Mahirap gumawa ng kanta. Mahirap din gumawa ng music video. Madami naman ang panget na kanta pero nauuso dahil sikat na ang kumanta. Pero ngayong hindi masyado kilala ang gumawa ng ganyan, siksik, liglig, at umaapaw na panlalait ang pinaligo sa kanya. Wag naman ganyan. Pagbigyan natin sya. Kung tutuusin mahirap din naman ang ginagawa nya. Sa tingin mo ba madaling gayahin ang boses ni Spongebob Squarepants?


2 birds with one joke



Baket type ni Piolo Pascual si KC Conception?

Baket?

Dahil kamuka ni KC si Gabby


Erotica...



Paalis na ako nang bigla syang kumatok... tok tok tok. Hindi ko namalayan pero bigla na lang nasa likod ko na ang estranghero. Pipigilan ko sana sya sa binabalak nya pero mabilis ang kanyang mga kamay. Bigla syang nagsalita... "sige, sige pa."... Nilingon ko sya sa likuran ko at nakita kong patuloy parin sya. Nagsalita ulit ang estranghero... "sige!". Ayaw ko ang ginagawa nya pero wala akong magawa. Paulit-ulit at sunod-sunod na ang mga sigaw nya... "sige! sige! sige!". Nang matapos ang lahat, napilitan akong bayaran ang kanyang serbisyo. Hayup na parking boy yan, nakunan pako ng limang piso.


Mazaraf na fulutan



BATA: Pangit! Pangit ! pangit! Pangit! Pangit
LALAKE: Sabihan mo pa ko ulit na pangit, papatayin kta!...


Next day...
BATA: psst!
LALAKE: ano (galit)?
BATA: alam mo na!






Na-lock.
Aliya: Uy mare may kilala ka bang pwedeng kunin maging driver?

Dixie: May driver ka naman 'a.

Aliya: Sus! Ayoko na don! Slow yung utak 'e!

Dixie: Grabe ka naman magsalita mare.

Aliya: Kanina tinawagan ko sa cellphone yung driver, magpapasundo na dapat ako. Hindi daw sya maka-alis kasi na-lock yung pinto ng kotche, hindi daw nya makuha yung susi.

Dixie: Hindi naman sinasadya yon. Nangyare na rin sa akin yan. Na-lock ko yung pinto nasa loob pa pala yung susi. Kinailangan ko pang ipadala yung duplicate.

Aliya: 'E mare naman, yung driver ko hindi daw nya makuha yung susi 'e sya yung nasa loob ng kotche, nasa labas yung susi.


Yung iba nga pumapatol sa reverse-mermaid e




Estatwa ng tunay na Astig na Barako


Yan ang estatwa ng tunay na astig na barako si Ramon Revilla Sr., ama ng 45 na anak (nasa 6 years old ang pinakabata). Ipinakita ito sa kanya noong pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong Martes. Belated hapi bertdey, idol.


Si Paquito Diaz yan eh huhuhuh

Gintong Aral




Tunay na Astig na Barako Kodak Moment !!!





Ang mga poser ay Di Tunay Na Astig na Barako !!!



Di Tunay Na Astig na Barako Kodak Moment !



Punisher seat

No comments:

Post a Comment