Sunday, July 11, 2010

Ika - 60 Banat

Ang tunay na kasiyahan ay hindi makukuha sa bulsa na puno ng pera...

...................................Ito ay makukuha sa puso na puno ng pagmamahal...

...............sa isip na puno ng maliligayang ala-ala...



..............................at sa bibig na puno ng alak!


Minsan, pakiramdam ko, wala na akong ginagawang tama. Lahat, may mali.
Lahat, may puna.




Pero ‘pag naisip kita, masaya na ako. Dahil sa dinami-dami ng kalokohang nagawa ko… sigurado, mas marami sa ‘yo!


Si Cesar Montano na ang bagong host ng Wowowee! May Wowowee pa pala!

Pagkatapos ni Robin Padilla, si Cesar Montano naman ngayon. Susunud-sunurin ba nila na gawing host ang mga action star? Nung si Robin Padilla ang host, baket hindi ginawang "Robrobin". Ngayong si Cesar na ang host, papalitan na ba ang pangalan ng show ng "Bububoy"? Kukunin ba nila sa susunod si Bong Revilla Jr. para maging "Bobobong"? Ayaw ba nila kay Monsour del Rosario at gawing "Monmonsour"? Susubukan din ba nila si Joko Diaz para maging "Jojoko"? Gagawin din ba nilang host si Jinggoy at magiging "Jingjinggoy"?




Kukunin din ba nila si Mikey Arroyo at gagawing "Mikemikey"? Baket ba naging action star si Mikey Arroyo?!!!!!



Tell me who your friends are, and I’ll tell you who my friends are…para barkada





















Huwag mong ikalungkot kung hindi siya para sa ‘yo…
Kasi, baka para sa akin ka!
























































JUNIOR: Tatay! Sabi ng teacher ko, vegetarian daw ako!
TATAY: Ha?! Bakit niya nasabing vegetarian ka?
JUNIOR: Kasi, lagi raw KALABASA ang grade ko! Tapos, NANGANGAMOTE pa ako sa test!


Sa school…
GURO: (galit) Tonyboy! Bakit ikaw lang ang mali sa spelling ng REMITTANCE? Bakit LBC ang sagot mo?
TONYBOY: Kayo nga po, ma’am… mali ang turo ninyo! Hindi naman ako nagagalit…
GURO: Alin ang mali sa turo ko?
TONYBOY: ‘Yun pong computation ng presyo ng noodles.

ERIC: Coach, pwede ba akong sumali sa basketball team ninyo?
COACH: Mabilis ka bang tumakbo at mang-agaw ng bola?
ERIC: Aba, oho! Dati ho akong snatcher, eh!

MARK: Laarni, ingat ka! Nangangagat ang mga aso d’yan!
LAARNI: Alam ko! Sa tanda kong ito, wala pa akong nakitang aso na nanununtok!


Ang Pagbagsak ng J3j3­mon
Isang araw, nagkasalubong si J3j3mon at Pokemon…
J3J3MON: 3ow pfouwh mUsxt4h k4n4 pfouwh
POKEMON: ¿¥N ¥>| ¥tznw H0d ‘W¥>| !0>|¥ H0d NWN !3>|0
J#J#MON: (tuliro) Ah, ok

Baligtarin mo ang dyaryo para malaman mo ang sinabi ni Pokemon

LEE: Pare, jejemon pala u?!
SEAN: Oo, pare! Malufet me mag-txt!
LEE: Txt lang pala, eh!
SEAN: Bakit, saan ba u malufet?
LEE: Sa sex! Tawag nga sa akin, JERJERMON!

BOY: Miss, ketchup ka ba?
GIRL: Hindi, eh! Bakit?
BOY: Kasi, ikaw ang hanap ng hotdog ko…

BOY: Hay, naku! Mahirap talagang maging pogi!
GIRL: Oo nga, eh! Pasa­lamat ka, hindi mo naranasan!

DADDY: Ang laki ng PLDT bill natin dito sa bahay! I don’t use this phone naman. I use my office home.
MOMMY: Same here. I use my work phone.
SON: Me, too! I use my own phone!
INDAY: So, what’s the problem? We all use the phone in our work place, ‘di ba?

Walang maputik at madilim na daan… kung inuman ang pupuntahan

I love U
Ikaw, anong love mong letter?

Sana, ulan ka na lang at ako ang lupa…
Para sa ayaw o gusto mo… anuman ang mangyari… sa akin pa rin ang bagsak mo!

Ang pag-ibig ay parang imburnal.
Kapag nahulog ka, it’s either by accident or tanga ka lang talaga

No comments:

Post a Comment