Proclamation palang naman, hindi pa inauguration.
Hindi naman namin pinagkakait sa mga supporters ni President elect Noynoy Aquino ang selebrasyon ng official proclamation nya, pero sana sa inauguration nalang kayo magkasiyahan dahil may mga bagay pa na mas dapat i-celebrate kesa jan...
...tulad ng despedida ni Arroyo sa MalacaƱang.
Sukdulan
Sukdulan ang pagkalalake mo kung wala kang pakialam sa itsura mo, basta't kumportable ka.
Sukdulan ang appeal mo kung nakakakuha ka parin ng chicks.
Sukdulan ang pagkababae mo kung ginagawa mo lahat kahit masakit na para makaporma lang. Sukdulan ang kahinayangan kung walang nanlalandi sayo dahil nakakaintimidate ang porma mo.
Sukdulan ang pagka-immature mo kung nakikipag-asaran ka sa bata.
Sukdulan ang pagka-loser mo kung napaiyak ka nung bata.
Sukdulan ang pagkababaero mo kung pati kapatid ng girlfriend mo, diniskartehan mo.
Sukdulan ang pagkabading mo kung lalake ang kapatid na yun.
Sukdulan ang talino mo kung madami kang natatapos na crossword puzzle.
Sukdulan ang pagkaboring ng buhay mo kung madami kang natatapos na crossword puzzle.
Sukdulan ang kahibangan mo kung naniniwala ka parin kay Sta. Claus.
Mas sukdulan ang kahibangan mo kung ngayon mo lang nalaman na walang Sta. Claus.
Pinaka sukdulan ang kahibangan mo kung ayaw mong maniwalang walang Sta. Claus.
Sukdulan ang swerte mo kung nanalo ka sa lotto ng 100 million pesos.
Sukdulan ang malas mo kung 100 million na tao ang kasabay mong nanalo.
Sukdulan ang pagkabakla ng mga lalakeng na-iinlove sa kapwa lalake.
Sukdulan ang kitid ng utak mo kung iniisip mong mali yon.
Sukdulan ang kaalaman na napulot mo dito.
Sukdulan kang sumangayon kung ayaw mong sukdulang masaktan.
“Para sa friendship na binubuo ng tunay na respeto at tiwala, pagkakaroon ng sariling panlasa at sa mahaba-habang inuman… kaibigan, itaas mo!” –
SMB Pale Pilsen
“Sa friendship na todo lakas at di kinakalawang!” –
COLT 45
“Sa friendship na may dagdag sipa, ito ang tama!” –
RED HORSE
“Sa friendship na walang lokohan, dito na tayo sa totoo!” –
EMPERADOR
“Sa friendship na walang kaplastikan at habang tumatagal, lalong sumasarap!” – TANDUAY
“Sa friendship na walang iwanan hangga’t bilog ang mundo!” –
GINEBRA GIN
“Sa friendship na wala nang pera!” –
TUBA
Usapang lasing muna tayo.
May survey kami diyan sa kanan, ito ang nakalagay:
May dumating na diwata. Sabi niya magiging syota mo si Christine Reyes, pero kailangan mong pumili ng isang kapansanan.
Anong mas trip mo:
a. Titi sa noo
b. Betlog sa lalamunan
Ngayon lang kami nagpa-survey na dikit na dikit ang laban.
GOOD NEWS! To all GLOBE susbscribers, maaari na kayong tumawag nang hindi nababawasan ang inyong load.
Oo, simple lang… gumamit kayo ng LANDLINE.
Importance of design placement...
"Handle with care", dahil maselan ang nasa handle.
Grace: Nagbago ka na, dati pinagbubuksan mo ako ng pinto. Hindi ka na gentleman.
Joseph: Tingnan mo nga yan... kapag ako ang nagbukas nyang pinto, gentle nga ako, pero hindi na ako mukang man... Put*ng in*ng design yan.
Kainan ng mga Tunay Na Astig na Barako !!!!
ang tunay na Astig na Barako, kumakain kahit madamo
Maraming tunay na Astig na Barako sa Barangay Hall na ito !!!!
Itigil mo na ang panonood ng Agua Bendita. Pumunta ka na lang sa...
Dito uminom si tunay na Astig na Barako !!!!
Gerald Anderson: Di Tunay Na Astig na Barako !!!!
ang tunay na Astig na Barako ay walang mga ganitong shit.
Mga sinkhole kayo!
Dahil napabalita ang pagkakaron ng sinkhole sa Guatamala, sinasabi ng mga "experts" na baka magkaron din ng sinkhole sa Pilipinas.
Eto na naman, makiki-uso na naman ba tayo? Lahat nalang ng meron ang ibang bansa na pinag-uusapan ng buong mundo magkakaron dito? Lagi nalang.
Pag may pumutok na bulkan sa ibang bansa... may posibilidad na pumutok ang isang bulkan sa Pilipinas.
Pag nagkaron ng flush flood sa ibang bansa... magkakaron din ng flush flood ang Pilipinas.
Pag naglindol sa ibang bansa... lilindulin din daw ang Pilipinas.
Kapag nagkaron ng outbreak sa ibang bansa... magkaka-outbreak din daw sa Pilipinas (kahit na hindi pa nila alam kung ano yung outbreak).
Kapag niregeluhan ni Sta. Claus ang mga bata sa ibang bansa... nakakatanggap din ang mga bata sa Pilipinas.
Kapag may bumagsak na bulalakaw sa ibang bansa... lulutang ulit ang bulalakaw na yun, at babagsak din yun sa Pilipinas.
Kapag nauso ang U-KISS sa ibang bansa... mauuso din ang WE-SUCK sa Pilipinas.
Kapag nag snow storm sa ibang bansa... may posibilidad din na mag snow storm sa Pilipinas.
At ngayon na may pinag-uusapan na sinkhole sa ibang bansa... magkakaron din ang Pilipinas.
Mga inggitero.
Sa Tagaytay, dinadayo ang...
Mascot: Tunay na Astig na Barako !!!!
Desktop ng Tunay Na Astig na Barako !!!
Mouse ng Tunay Na Astig na Barako !!!
Puke-puke: Pagkain ng Tunay Na Astig na Barako !!!
pagkasarap-sarap na lutong ilokano
Plate number ng tunay na stoner !!!
Kung ang babae ay lababo, at ang lalaki ay tubo… ang bakla naman ang siyang tubero.
Tuberong hihigop sa baradong tubo
Kung ang kalalakihan ay hotsilog, at ang kababaihan ay tapsilog… ang kabaklaan ay chicksilog… chicks na may itlog!
Sa panahon ngayon, bihira na ang may matalik na kaibigan.
Mas madalas… may katalik na kaibigan
“Matapos akong mabuo at ilabas sa mundong ito, ikaw lang pala ang sisira at babasag sa kinabukasan ko!” – ITLOG, nag-iinarte… ayaw paluto
Hindi porke ma-appeal… eh… AKO na!
Isipin n’yo rin naman ‘yung iba
Walang exemption para hindi ka magmahal muli.
Kung nabigo ka sa una at nasaktan sa pangalawa, malay mo, sa susunod… mamatay ka na!
Huwag kang matakot kung kulay pula na ‘yung dingding at kisame paggising mo… wala ka sa impiyerno.
Andito ka sa puso ko!
Hindi lahat ng nangyayari ay may dahilan…
Minsan, baliktad!
Nagdadahilan ka para lang may mangyari.
Hindi mo lang alam kung gaano ako kasuwerte at naging kaibigan kita…
Nang dahil sa ‘yo, natuto akong MAGTIYAGA!
In short, pinagtiyagaan lang kita!
BAKIT daw mahahaba ang buhok ng mga multo at aswang?!
Kasi, kung kalbo sila… baka matawa ka lang!
After JEJEMONS, ipinanganak na ang papalit sa kanila… ang BEBEMONS!
“Ayoto teyo, di tita bate. Gayet ato teyo! Bebebe!”
Nakakainit batahin.
Baby talk pa lang ato
JOJO: Ate, pabili po ng orange juice na litro pack.
TINDERA: ‘Yung powder?
JOJO: Hindi! ‘Yung bareta! May bareta bang juice?!
Gusto mo ba ng T.S.U.P.A.?
T-inapay
S-inangag
U-lam
P-ansit
A-mpalaya juice?
Kung gusto mo, sige, bibigyan kita ng masarap na T.S.U.P.A.
BALITANG ENGOT!
Balita kahapon, ngayon ang broadcast! Dahil tutulug-tulog ang tagapagbalita, ginigising naman kami ng pasaway na kapitbahay 24 oras!
Isang reporter, itinumba… tumayo uli, lasing lang pala!
Manny Pacquiao, nakahandang bagyuhin ng suntok si Mayweather!
Isang reporter, nahuling natutulog… ZzZzZz ZzZzZz ngork ZzZzZz ngork
Doctor's order...
Doktora Suarez: Lyn nakunan mo na ng test si Mr. Agno? Normal ba ang blood sugar level nya ngayon?
Nurse Lyn: Ay hindi ko po alam Doktora.
Doktora Suarez: Ano ba Lyn? Hindi mo na naman ginawa ang utos ko! Pinagsabihan na kita na don't try my patience again!
Nurse Lyn: Doktora, kaya nga hindi ko kinunan ng test si Mr. Agno.
Doktora Suarez: At baket?
Nurse Lyn: 'E kasi nga sabi nyo "Don't try my patients again..."
Doktora Suarez: Aba 'e gaga ka pala 'no!?
"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa ang amoy sa mabahong isda na ulam sa kanin na hindi hinugasan ng mabuti bago sinaing na pinakuluan gamit ang tubig kanal na nahaluan ng katas ng basura na galing sa dirty kitchen, at hindi pinasingaw yung kanin nung naluto tapos napanis."
Epal. Mas Epal.
Epal: Sa wakas natapos din ang eleksyon.
Mas Epal: Oo nga. Masaya ako nanalo yung binoto ko.
Epal: Ako talo yung sakin 'e. Si Noynoy pala binoto mo...
Mas Epal: 'E syempre. Binuwis nya yung buhay nya para lang sa bayan. Kahit alam nyang may planong assassination sakanya umuwi parin sya sa Pilipinas.
Epal: Hindi ko alam yun 'a. Baket san ba sya galing?
Mas Epal: Sa America. Umuwi sya dahil sabi nya "The Filipino is worth dying for."
Epal: Siraulo! Si Ninoy yun! Anak si Noynoy, tatay nya si Ninoy! Hindi mo ba nakita na hindi sya yung nasa 500 pesos?!!
Mas Epal: Ahhh ok, akala ko sya yun, tatay pala nya... 'e baket mukang mas matanda si Noynoy?
Epal: Leche, magsama kayo ni Vicki Belo.
"Birds of the same father flocks together."
Syampre, magkapatid 'e...
Gago ang mga C.R. na may bayad!
Gumastos ka na nga ng pangkain at pang-inom, gagastos ka pa ulit para lang ilabas yon?!
Para siguradong hindi babahain ang bahay mo...
...tumira ka sa boat.
Nakakaasar 'no?
"Kung may tiyaga, may nilaga. Pero ang may koneksyon, naka-lechon." -Wala tayong magagawa ganyan talaga...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment