Tuesday, June 1, 2010

Ika - 44 Banat

"Husgadero"

Kadalasan kapag nakakakita ka ng magshota na isang pangit at isang maganda o gwapo, ang unang reaksyon natin ay "uy jackpot!" o kaya "lugi!".




Kapag maganda o gwapo ang shota mo at panget ka...

* May takot kang baka may manglandi sa shota mo.
* Hindi ka kampante tuwing lalabas sya ng hindi ka kasama dahil baka may makilala syang iba.
* Nahihiya ka minsan dahil isip mo tingin ng iba hindi kayo bagay.
* Nagmumuka kang alalay / alaga.
* Nagseselos ka dahil madaming tumitingin sakanya.
* Nag-aaway kayo dahil ayaw mong kasama nya ang mga "kaibigan" nya dahil alam mong may
gusto sakanya ang mga yun.

* Hindi naniniwala ang mga tao na shota mo sya kahit nagsabi ka na ng "swear, promise, mamatay
man ako, hope to die, tamaan man ako ng kidlat, liars go to hell."




Kapag panget ang shota mo at gwapo o maganda ka...

* Kompyansa ka dahil alam mong walang nanlalandi sakanya.
* Muka kang mabait at hindi superficial.
* Hindi ka tataba dahil wala kang gana kumain tuwing kaharap mo sya.
* Muka kang sosyal dahil muka syang alalay.
* Muka kang animal lover dahil muka syang alaga.
* Alam mong loyal sya sayo kahit hindi nya sinasadya.


Mababaw ang tingin natin sa mga naaakit sa panlabas na itsura. Pero ang malupit na katotohanan, ang panlabas na anyo ang unang kukuha ng atensyon mo at interes na kilalanin ang isang tao. Ang mga nakalista sa taas ay ang malabong basehan at produkto ng mapanggago naming utak. Pero sa mas malalim na paghihimay, masasabing sa pagtanda natin.., sa pagkulubot ng balat at paglabo ng mata ng dalawang taong nag-ugnayan, dun lang natin malalaman ang totoo... dun lang natin malalaman kung sino ang malaki ang "nalugi", at sino ang tunay na "jumackpot".





Statuetory Rape !!!!!!


Miryenda para sa Utak !!!

"Ang laging nakatingin sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan"



Quit Facebook Day!!!!



Kahapon ang tinakdang Quit Facebook Day ng mga taong may reklamo sa privacy policy ng Facebook.

Kung hindi din pala ignorante 'tong mga taong 'to, baket nila iisipin na madami ang gagawa nyan. Ikaw, lalampas ba sa 2 ang kakilala mong nag-quit ng Facebook kahapon? Sa kasalukuyan ay wala pa kaming kilala na nag-quit dahil sa "Quit Facebook Day" na yan.

Hindi kami anti o pro Facebook. Ang basehan lang namin kung baket ALAM NAMIN na gatuldok lang SA NGAYON ang may itlog na mag-quit ng Facebook account nila ay dahil wala pang makakatapat na networking site sa interest level na binibigay ng Facebook.

Meron kang plurk, pero may Facebook ka rin. May tumbler ka, pero may Facebook ka rin. May Twitter, o Blogger, o Wordpress, o baka may Friendster ka parin pero meron ka ring Facebook. Kahit mga taong walang personal Facebook account ay merong Facebook page. Parang mga taong may dalawang cellphone lang yan na merong Smart o Globe pero laging may Sun.

Hangga't walang tumatapat sa networking / activity interest na binibigay ng Facebook sa mga taong mahilig magpapansin, mang-stalk, makisosyalan, maki-update, makiepal, mang-usisa, at manglandi, hindi mawawalan ng patron ang Facebook kahit marami ang nagrereklamo. Alam ng Facebook na kailangan ng mga tao ang serbisyo nila kaya hindi sila nababahala. Parang MERALCO na malakas ang loob magtaas ng singil sa koryente dahil alam nilang walang ibang pagkukunan ng electricity ang mga taong kinonektahan nila. Sa tingin mo ba magiging ganyan kataas ang halaga ng koryente kung may competitor ang MERALCO? Hindi ka ba nagtataka kung baket hindi pinapayagan ng gobyerno na magkaron ng kalaban na kumpanya ang MERALCO?

Mabalik tayo sa Facebook...
Wag na nga.


Shorty...



Pasyente: Doc, may problema ho ako.
Doc: Ano yun?
Pasyente: Yung ano ko ho kasi... ano 'e...
Doc: Ano?
Pasyente: Doc ipromise nyo na hindi kayo tatawa ha...
Doc: Alam mo, professional ako. At wala nang gugulat sakin. Sige, promise hindi ako tatawa.

Naghubad ng pantalon ang pasyente at nakita ng doktor ang pinakamaliit na bird na nakita nya sa buong buhay nya. Pumikit ang doktor at nagconcentrate para mapigilan ang tawa bago nagsalita.

Doc: Ehem... ahh... ano bang problema?
Pasyente: Namamaga ho 'e.
Doc: Hindi ako tumatawa ha.. smile lang 'to!




Tunay Na Astig na Barako with Angel Locsin !!!!!!



Ombudsman Merceditas Guttierez: Tunay Na Astig na Barako !!!!!!

ang tunay na Astig na Barako, pinawawalang-sala ang lahat ng tropa niya. tropa muna bago ang bayan para sa tunay na Astig na Barako.


Gawain ng Tunay Na Astig na Barako !!!!!!

ang pagdidilig ng damo sa pamamagitan ng pagdyingel ay gawaing pang-tunay na Astig na Barako lamang.


Ronald McDonald: Tunay Astig na Barako !!!!!!


'Di Tunay Na Astig na Barako Moment !!!!!!


Parking Area ng Tunay Na Astig na Barako !!!!!!


Tunay na Pose ng Tunay Na Astig na Barako !!!!!!


Kuya Germs: Tunay Na Astig na Barako !!!!!!

bagama't ang motto ng show niya ay 'walang tulugan', at malinaw namang natutulog siya sa larawan, tunay na lalake pa rin si kuya germs kase oras naman to ng trabaho.

Pedicab ng Tunay Na Astig na Barako!!!!


Tamang Pose ng Tunay Na Astig na Barako!!!!



5 DAHILAN KUNG BAKIT NAGKAKAUBUSAN NA NG LALAKI!

KASI YUNG IBANG LALAKI PUMAPASOK SA SEMINARYO
hindi natin maikaka-ila na malaki rin ang bawas nito sa populasyon ng mga kalalakihan dahil una makakarinig sila ng calling tapos papasok sa seminaryo at paglabas nila FATHER na sila, at mahirap na silang kunin kay LORD




MAS MARAMING LALAKI ANG NAKUKULONG AT NAGIGING PRESO
aminin na natin na mas malaki ang populasyon ng nakukulong na lalaki kesa sa mga babae at nakakalungot dahil minsan na nga lang makakita ng mamahalin ang girls kaso KRIMINAL naman





DAHIL SA MGA BABAENG MALALANDI
sila ung mga babaeng tatlo-tatlo, apat-apat ang lalaki. sila kadalasan ung kinaiinggitan ng iba dahil hindi man lang marunong magshare.. lahat ng lalaki sinuswapang nila...





DAHIL SA MGA MATRONA
sila naman ung mga matatandang babae na tuyo na ang matres ay sobra pa rin ang landi na pakiramdam yata nila sila ay isang sariwng bulaklak na ngaun pa lang madidiligan





DAHIL SA MGA BAKLA
aminin na natin na sa hirap na nga humanap ng lalaki, matyetyempuhan mo pa na may sapi ang makikita mo, ang nakakapagtaka pa hindi naman nanganganak ang mga bakla pero dumadami sila. at parang nakakahawa pa kaya naman mas mabilis ang pagkaubos ng tunay na lalaki



"Abilidad"















No comments:

Post a Comment