Tuesday, June 29, 2010
Ika - 55 Banat
Bakit hindi maugong ang kamatayan ni Conrad Poe?
Hindi kataka-taka na walang pumansin sa kamatayan ni Conrad Poe, ang aktor na nagbida sa maraming pelikula bukod sa pagiging kapatid sa ama ni Fernando Poe, Jr.
Walang kaalam-alam sina Butch Francisco, Lolit Solis, Cristy Fermin, Rey Pumaloy, Kris Aquino, KC Concepcion, Ricky Lo, Pia Guanio, John Lapus, Rufa Mae Quinto, Ruffa Gutierrez, Pete Ampoloquio, Jr., Raymond Gutierrez, Dolly Anne Carvajal at iba pang TV at radio host na namatay na si Conrad.
Pero kung si Mary Grace Poe ang may masamang nangyari o kaya ay si Susan Roces ang may trahedya, hindi maaaring hindi makarating agad sa mga peryodistang pampelikula ang ulat na ito.
Bakit kung gayon walang ugong ang kamatayan ni Conrad samantalang siya ay artista at bituin din?
Dahil si Conrad Poe ay kapatid lang ni FPJ.
Kapatid na bunso lang.
Kapatid pa sa labas dahil ang kanyang ina ay iba, ang batikang aktres na si Patricia Mijares na nakatambal ni Fernando Poe, Sr. kaya nagkaroon sila ng relasyon ng ama ni FPJ.
Kay FPJ kasi nakasentro ang atensyon ng publiko, siya ang pinaboran nang mas mainit, mas lamang, kaysa sa kanyang mga kapatid.
Kahit na nga ang namayapa ring si Andy Poe, ang tunay na Fernando Por, Jr. ay hindi rin nakapantay sa kasikatan ni FPJ.
May ibang panghalina si FPJ na wala sa kanyang kapatid at maging sa kanyang kapatid sa ama na si Conrad.
Para rin sa mga nangyari sa kasaysayan ng pelikulang Filipino kung saan ay hindi kapantay ng kasikatan ni Susan ang katanyagan ni Rosemarie Sonora o kaya ay hindi kaparis ng kasikatan ni Gretchen Barretto ang katanyagan nina Claudine at Marjorie Barretto bagamat nakakapagsolo si Claudine pero ang kamisteryuhan ng pagkatao ni Gretchen ay wala sa persona ni Claudine.
Hindi man lang narating ni Kier Legaspi ang pagkabida ni Zoren Legaspi o kahit ang pagsisimula ni Brando Legaspi ay hindi nakaariba para makapantay man lang kay Zoren.
Gayundin, hindi pa man umapailanglang ang bituin ni Woody Cruz ay namatay agad siya at patuloy namang pumaimbulog ang bituin ni Tirso Cruz III.
Noon ay nanguna si William Martinez sa kanyang utol na si Albert Martinez pero pagkatapos ng ilang taon, nabaligtad ang pangyayari dahil naging mas mabili si Albert kaysa kay William.
Pati si Bing Loyzaga ay makapagsasabing hindi man lang nakasabay sa kanyang kasikatan si Teresa Loyzaga.
At si Kathleen Hermosa, hindi man lang nangalahati sa paglalakbay sa pagkabituin sa pagpalaot ni Kristine Hermosa sa showbiz.
Kahit na si Gabby Eigenmann ay parang nawawala sa pakikibaka kasabay ang mga kapatid sa ama na sina Sid Lucero at Andi Eigenmann.
Pati na sa kaningningan ay nananatiling bunso si Alex Gonzaga sa kanyang ateng si Toni Gonzaga.
At si Ricky Davao, milya-milya ang layo sa kanyang mga kapatid na sina Bing at Charlon Davao.
Nananatiling nasa supporting role si Daisy Romualdez sa Sampaguita Pictures noon kaysa sa kanyang kapatid na bunsong si Blanca Gomez na nagbibida bilang kasapi sa Stars ’66 ng Sampaguita-VP Pictures kasama sina Pepito Rodriguez, Rosemarie, Gina PareƱo, Edgar Salcedo, Loretta Marquez, Bert Leroy, Jr., Dindo Fernando, Ramil Rodriguez at Shirley Moreno.
Marami pang istorya ng magkakaputol ng pusod na malalayo ang agwat ng popularidad sa isa’t isa.
Pero popularidad lang naman ‘yan.
Kahit na may karibalan o kaagaw sa kasikatan at paninibugho sa kapropesyon, mas matimbang ang dugo kaysa tubig, sa kalaunan.
Dahil ang pamilya ang isa sa mga puso at pusod ng tunay na kasikatan ng isang tao sa kanyang mga mahal sa buhay sa likod ng kamera.
At ito ang katotohanan sa buhay ni Conrad.
Kahit na siya ay bida rin sa maraming pelikula, mas maraming tagasubaybay si FPJ.
Pero sa loob ng angkan ng Poe, pantay lang sina Conrad at Fernando kahit na magkapatid sila sa labas.
Dahil ayon kay Conrad nang siya’y nabubuhay pa, nagkukuwento siya tahanan ng bagong mang-aawit na si Dexter Encarnado, na nang mamatay si Fernando Poe, Sr., ipinahanap agad ng mga lehitimong anak nina FP, Senior at Bessie Kelley Poe si Conrad at ipinisan na sa mga Poe sa Del Monte.
Hanggang ngayon, bago mamatay si Conrad, siya pa rin ang namamahala, s autos ni Roces, ng FPJ Productions.
Tanggap na tanggap ni FPJ na parang tunay at kumpletong kapatid si Conrad.
Kaya lang nga ay hindi taglay ni Conrad ang mga katangiang panghalina sa mas nakararaming Filipino ni FPJ.
Ang merkado ni Conrad ay hindi lumawak.
Pero sa pamamagitan ni FPJ, sa personal na lebel, ang merkado ni FPJ ay merkado at tagatangkilik din ni Conrad sa ibang gawain na umaayuda sa panganay na kapatid kaya ang ang mga tagahanga ni FPJ ay fans din niya sa abot ng kanilang makakaya.
Iniaangkas nila si Conrad sa pagmamahal kay FPJ.
Naipit na kasi si Conrad sa imahen ng pagiging kontrabida o character actor dahil sa kanyang hitsura at pagdadala sa sarili.
Nakipagbarkada pa si Conrad sa mga ekstra at kontrabida kaya nahanay na rin siya sa mga ito kaya ang tingin sa kanya ng tao at publiko ay kontrabida na rin sa pelikula.
Pinabayaan lang kasi n Conrad na si FPJ ang pumapel at nasa likod lang siya ng kapangyarihan na siya naman niyang pinapelan at sa kalaunan ay nagustuhan na rin pero kung bibigyan sana ng isa pang pagkakataon ay nais din niyang may sarili siyang identidad at nangunguna rin sa labanan sa pagkahari ng pelikula pero marami pang babaguhin si Conrad.
At sa estado ng kanyang buhay bago siya pumanaw, marami at susun-suson na ang kanyang kailangang bakahin para makamtan ang inaasam-asam na pagiging hiwalay sa anino ni FPJ.
Alam ba ninyo na noong Biyernes ng madaling araw ay nagkita pa sina Conrad at ang kanyang common-law wife na si Zeny Poe?
Nasa FPJ Studio noon si Conrad at nag-aasikaso ng mga produksyon ng kumpanya at iba pang opisyo na may kaugnayan sa pelikulang kaugnay sa FPJ Productions.
Ayon kay Zeny, disin sana’y silang mag-asawa ang pupunta sa Nueva Ecija para magninong at magninang sa isang kasal doon pero ang pinapunta na lang ng aktor ay ang kanyang misis.
“Basta ang sabi lang niya ay ako na lang ang mag-anak sa kasal. Pero ang ipinagtataka ko, yakap siya nang yakap sa akin. Halik nang halik. Sabi, ‘heart, ingat ka. Take care of yourself.’ Tapos, hahalik na naman siya sa akin. Tapos, yayakap siya nang mahigpit akin.
“Bawat minuto, bago ako umalis, yakap siya nang yakap. Balik siya nang balik sa akin bago ako sumakay sa kotse bago kami tumuloy sa Nueva Ecija,” sabi ni Zeny, hilam na hilam ang mga mata sa luha.
Sabado ng umaga nang tawagan si Zeny ng isang character actor na kaibigan ni Conrad, si Rey Roldan.
Hindi makapaniwala si Zeny sa kanyang narinig.
Gusto niyang sabihing nagsisinungaling lang si Rey.
Pero tunay ang ulat na ibinalita ni Roldan.
Nais maglupasay ni Zeny pero kinontrol niya ang kanyang sarili.
Bastat lumuha lang siya nang lumuha at nagpahatid na sa kanyang tsuper sa Maynila.
Hindi na nakadiretso sa Meycauayan, Bulacan si Zeny kung saan nakatira si Conrad.
Doon din binawian ng buhay ang batikang aktor dahil sa sakit sa puso.
Dumiretso na si Zeny sa Arligton Memorial Chapels sa Araneta Avenue kung saan ngayon nakalagak ang mga labi ng bituin.
Etiquette Sa Inuman - Basahin at Matuto
Mga tamang gawin at mga di dapat gawin sa inuman:
Sa Inuman:
1. Pag abot ng baso- 3 minutes ang pinakamatagal na pag hintay. Magbigay ng konsiderasyon sa mga ibang umiinom- sundin ang gintong kasabihan
2. Pag tapos tumagay - ibalik sa tanggero ang baso- tinaga...yan ka na, baka naman pedeng ibalik mo sa kanya. hindi ka prinsipe.
3. Ang chaser ay panawid lasa- hindi panawid uhaw. dun ka sa gripo lumaklak kung kakatapos mo lang mag gym.
4. Iwasan ang magtapon ng alak. binabayaran yan. Di ka pa nga ata nag ambag...aaksayahin mo pa..tigas ng mukha mo tlga ever..hehe..
5. Siguraduhing magaambag ka sa inuman- tigas mo naman kung makiki-inom ka ng libre- pede ka lang malibre kung nilibre ka nila o niyaya ka kahit sabi mong wala kang pera
Sa Pulutuan:
1. Una sa lahat, ang pulutan ay panawid pait, hindi panawid gutom- kumain ka sa inyo kung gutom ka. wag kang kung-fu kid! haha
2. Pag ginagamitang tinidor, huwag mong kakamayin- para kang walang pinag aralan.
3. Pagkain ng isda, hindi binabaliktad- sabi nila sa mga marino galing ang istilo na to para hindi tumaob ang barko.
4. Huwag mag reklamo kung ano ang nakahain. tandaan hindi to fiesta, inuman to.
5. Ang tinik,buto at mga parteng hindi makakain ilagay sa tabi- huwag kang baboy.
6. Kung hindi ka tanggero, guitarista at birthday boy/girl- pede kang magluto at tumulong sa iba pang gawain sa inuman. hindi ka pinanganak na senyorito, kung pakiramdam mo hari ka- dun ka sa kaharian mo maginom
Asal sa Mesa :
1. Kung isa lang ang tinidor, huwag mag inarte- Koboy dapat. inuman to- hindi sosyalan,
2. Sa kuwentuhan, alam na namin na kayo ang pinaka-siga, maraming chicks, mayaman, maporma at pinaka magaling sa lahat ng bagay. Huwag mo ng ikuwento.
3. Pagbisita ka, makitawa sa mga joke nila- makihalubilo, aalukin ka nila ng ilang beses pero huwag mong abusuhin- hindi ka sanggol.
4. Huwag rin masyadong pasikat- ok lang magkuwento pag dayo ka- huwag ka lang kupal.
5. Huwag na huwag mambabara kung bisita ka. Pede lang mambara kung kupal ang binara.
6. Irespeto ang opinyon ng iba, tulad ng pagrespeto mo sayo.
7. Pag hindi na kaya- pwedeng pumas- huwag maging pasikat - kupal ang dating mo non.
8. Magpatawa ka para masaya- kung mang aasar ka sa tropa sigraduhin nakakatawa, hindi panlalait. Konsiderasyon sa bisita. Ang pagiging siga ay hindi masaya sa inuman.
9. Huwag makipag sabayan. Buraot ang alagaing lasing.
10. Bigyan ng pugay ang nagpainom at may birthday - wag kang agaw eksena.
11. Goodtimes lagi.
After ng Inuman:
1. Ugaliing tumulong magligpit.
2. Kung di na kaya humiga sa isang tabi
3. Kung di tumutulong magligpit - huwag makulit.
4. Huwag kalimutan magpaalam sa nag painom at mga kainuman.
5. Kung aalis sa kalagitnaan ng inuman, gawing habit ang magiwan ng pangambag.
Suka Tips:
1. Pag naduduwal na, kumuha ng matamis para may pangsabay sa bibig pag naglalaway na.
2. Huwag magyoyosi pagnasusuka na, iba ang epekto ng usok sa tyan pag nakainom.
3. Pag nakakaramdam na ng suka, tumayo agad at dumiretso sa pinakamalapit na sukahan- (banyo, inodoro.)
4. Magmumog lagi pagkatapos sumuka- kadiri bibig mo brad.
5. At kung plano pang bumalik sa mesa- siguraduhing malinis ang itsura. Para di ka itaboy.
Tanggero Tips:
1. Bilang punong naatasan sa pag pasa ng tagay, siguraduhing kumpleto ka ng gamit tulad ng: tabo ng tubig (pangbanlaw ng baso pag beer ang iniinom) pambukas, at lighter.
2. Ang obligasyon mo ay ipasa ang tagay sa lahat ng manginginom, mga nagambag - alukin ang lahat ng bisita.
Sa Mga Manginginom:
1.Pakunsuwelo sa mga nagpainom at tanggero, alalayan sila tulad ng pag replenish ng yelo, pulutan, pagbili ng pulutan at pagpapalit ng music kung walang nakaatasang dj.
2. Ipanatiling masaya ang inuman, makinig sa sasabihin ng iba kung drama, at mag saya para makalimot sa problema.
Sa Yosi:
1. Kung walang dalang yosi, ugaliing maki-usap at humingi ng maayos sa taong may dalang yosi. Huwag kang kuha-kuha sa kaha ng may kaha.
2. Kung mag yoyosi ka at ang katabi mo hindi nag yoyosi ugaliing huwag siyang bugahan sa mukha ng usok. Hindi naman makikipag-sabong yang katabi mo. Maging magalang at pataas ang buga ng usok.
3. Huwag ugaliing sabay-sabay mag yosi, para hindi tayo ma-suffocate. Kung meron nang dalawa o tatlong nag yoyosi maki-hits ka na lang para makatipid at iwas polusiyon.
4. Kapag na-ubusan ng yosi mag ambag lahat ng nag yoyosi. Kung ikaw bibili huwag kang gahaman at siguraduhing nakabalik ka na sa mesa bago ka mag yosi. Ikaw lang bumili niyan pero hindi mo pera yan!
5. Huwag maging brand conscious. Kung anong yosi ang nakalapag sa mesa wag nang mag hanap ng iba. Hindi ka artista para masunod ang gusto mo.
6. Kung marami kang yosi mamahagi sa mga kapos palad. Huwag madamot
Multi - purpose Phone !!!
Heart to Heart
Papa: Lin-lin, anak wag ka muna dito sa garden nagsisigarilyo pa si papa, pumasok ka na muna sa bahay susunod na din ako.
Lin-lin: Pa, wag ka nang magsigarilyo. Sabi nung teacher ko bad daw yan sa health.
Papa: Ay totoo yan anak. Bad sa health ito. Kaya ikaw wag mo gagawin 'to pag laki mo ha.
Lin-lin: 'E baket ikaw papa nagsisigarilyo ka?
Papa: Ahh eh.. 'e kasi nga bad ang smoking.. galit ako sa sigarilyo.. kaya inuubos ko silang lahat.
Baket ganyan ka makatingin? Totoo yun!
Sequel ng May Bukas Pa !
Tang-Ina This !!!!!!
Para makasiguradong hindi ka late...
...wag kang pumasok
Inumin ng tunay na Astig na stoner !!!!
Trabaho ng Tunay Na Astig na Barako: Sperm Donor
Yoko Ono: Tunay Na Astig na Barako !!!
Book shelves !!!
Isang babaeng "klepto" ang nahuling nag shoplifting ng de lata sa isang supermarket. Siya ay humarap sa korte, kasama ang kanya asawa for moral support.
Dahil napatunayan siyang nagnakaw, siya ay hinatulan ng judge.
"Ginang, dahil sa ikaw ay napatunayang nagnakaw ng isang de lata ng kamatis, ikaw ay hinahatulang makulong ng isang araw sa bawat kamatis na laman ng latang ito. Kung lima ang laman nito, limang araw ka ring makukulong. Sang ayon ka ba sa rito?" ang hatol at tanong ng judge.
"Opo", sagot naman ng ginang habang mangiyak-ngiyak.
Biglang tumayo ang asawa at nagsalita, "Your honor, pwede po bang lumapit sa inyo?".
"Dahil sa misis mo ang makukulong, pagbibigyan kita. Lumapit ka rito", sagot ng judge.
Mabilis namang lumapit sa judge ang asawa at nagsalita ng pabulong, "Your honor, nagnakaw din po siya ng de lata ng green peas!"
Lasing: Hoy! Sinong matapang diyan?! Labas!
Bruno: Ako! Bakit? Lalaban ka?!
Lasing: Pare, ihatid mo naman ako sa bahay namin… baka mapag-tripan ako!"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment