Monday, July 5, 2010

Ika - 58 Banat

NAG-SEX SA KOTSE, NAMATAY SA USOK !



Hindi basbas ng pagpa­pala kundi basbas ng kama­tayan ang sinapit ng dalawang magkasintahan na natagpuang hubo’t hubad at wala nang buhay na pinapaniwalaang na-suffocate sa loob ng kotse sa Quezon City kamakalawa.
Ang mga biktima ay isang 18-anyos na lalaki at ang nobya nitong 1st year college at kapwa taga-Novaliches, Quezon City.

Base sa ulat ni P/Chief Insp. Benjamin Elenzano Jr. hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Homicide Unit, nadiskubre ang bangkay ng dalawa ganap na alas-8:45 ng gabi sa garahe ng bahay ng binatang biktima.
Bago umano ang insi­dente ay nakita pa ng mga kasambahay ang magka­sintahan na nagkukuwentuhan sa terrace bandang alas-tres ng hapon.

Ilang oras umano ang nakalipas ay biglang nawala ang magkasintahan.
Alas-siyete na umano ng gabi ay hindi pa umano makita ang magnobyo kaya inikot ng mga kaanak ng binata ang kabahayan hanggang sa magawi ang tiyahin nito sa garahe.

Nagtaka umano ang tiyahin ng binata dahil naka­bukas ang makina ng kotse nilang Toyota Corona gayung mayroon itong rubberize na car cover.

Nang tanggalin ang talukbong ng kotse ay nagulantang umano ang tiyahin ng binata sa bumungad sa kanya.
Kapwa umano hubo’t hubad ang magkasintahan sa likurang bahagi ng sasakyan at wala nang buhay.
Naniniwala ang pulis­ya na na-suffocate ang magkasintahan dahil kulob ang kotse kaya’t nalanghap nila ang carbon monoxide na ibinuga ng kotse.

Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya ang carbon monoxide ay nala­langhap nang hindi namamalayan dahil wala itong a­moy at ang epekto nito ay aantukin ang nakakaamoy hanggang sa malason.

Posible rin umanong matapos magtalik ay mahimbing na nakatulong ang magsyota kaya nang ma­gising sila ay makapal na usok galing sa tambutso ang kanilang nalanghap, ayon naman sa pagpapa­tuloy ng imbestigasyon ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO).



Pangmulat-mata sa mga lalakeng nagiging overtime-bihag ng panliligaw.....



Isa sa heritage nating mga Pilipino ang ligawan. Parte na 'to ng kultura na hindi gawain ng ibang bansa. Talagang iba ang kahulugan ng "courting stage" sa ibang bansa. Dito sa atin, parte ng ligawan ang panunuyo, pagdalaw sa bahay, pangbobola, at pagbibigay ng regalo. Sa ibang bansa, ang courting ay simpleng "getting to know each other phase".

Ang pinagkapareho lang siguro ng "courting" natin at ng ibang bansa ay ang pakiramdaman, pero dun na nagtatapos ang pagkakapareho. Sa ibang bansa ang dating stage, courting stage, at "getting to know each other stage" ay halos parepareho lang. Pagkatapos nito ay "going steady" o kaya "go our separate ways" na. Samantalang dito sa Pilipinas, mas matagal ang proseso dahil ang ligawan ay may average na 2 months. Hindi naman gaano katagalan ang 2 months kung tutuusin kaso dahil sa mahilig ang mga Pilipino sa bolahan at pakiramdaman, bago pa umabot sa ligawan nagkakaron ng average na tatlong buwan na puro paramdam lang. Walang nagsasabi na gusto nila ang isa't-isa. Minsan, aabutin ng ilang buwan sa pagpaparamdam ang lalake, pero pag nagtanong na sya kung pwedeng manligaw, ayaw ng babae. Isipin mo nga yung oras na nasasayang dahil sa extrang pasikot-sikot ng ligawan dito sa Pilipinas. Kung may gusto kang babae, magparamdam ka ng mga dalawang linggo. Siguraduhin mo na sa loob ng dalawang linggo ay makikita nya ang mga assets mo na magugustuhan nya. Pagkatapos ng 2 weeks, magpaalam ka na na manliligaw ka.

Kapag sa loob ng 3 months, hindi ka sinagot, sabihin mo na titigil ka na sa panliligaw dahil mukang ayaw naman talaga nya. Kapag sinabi nyang "sige." o kaya "OK.", itakwil mo na sa buhay mo ang taong yon (Hindi totoo ang let's just be friends.) Kung gusto ka nung babae, sa oras na sabihin mong titigil ka na manligaw dahil mukang ayaw naman talaga nya, aamin sya sayo na gusto ka na nya. Sa ganitong paraan, hindi ka nagsayang ng sobrang habang oras sa pagpaparamdam na wala ka naman palang mapapala. At sa ganitong paraan, mas malaki ang opportunity na makita mo ang taong para sayo, at hindi mo sasayangin ang oras mo sa taong nagpapaasa.



Coconut... Coconut fruit or Coconut nut?




Madalas na panandaliang aliw ng mga Pilipino ngayon ang larong "Pinoy Henyo", na pinauso ng Eat Bulaga. Ilang beses na namin nakitang nilalaro ito kung saan-saan. May pagkakataon na nasaksihan ni "Kulturantado" na nilalaro ito ng mga barbero habang nagpapagupit sya. Nakita na din ni "Boss Chip na nilalaro ito ng isang grupo ng estudyante na nasa mall habang naglalakad.

Ang apat na authors ng MgaEpal ay madalas din maglaro ng "Pinoy Henyo". Bukod sa masarapna pangpalipas oras, nakakahasa din ng logical at strategical thinking ang larong ito.

Isang madaling araw, habang nakikipag-inuman si "Boss Chip" at nakikipaglaro ng "Pinoy Henyo" pinahulaan sakanya ang salitang "Buko Salad". Nahulaan nya na pagkain ito. Nahulaan nya na matamis, malamig, at dessert ito. Pero hindi nya nahulaan ang salita at naubos ang dalawang minuto. Tiningnan nya ang salitang nakasulat at mejo napakunot ang nuo nya.

"Hindi naman prutas 'to 'e!"

Nung tinanong ni "Boss Chip" kung "prutas ba to?", sinagot sya ng "Oo." dahil kadalasan naman talaga ay prutas ang tingin ng tao sa buko. Hindi naman nagreklamo si "Boss Chip" pero nung nagkita-kita ang mga authors ng MgaEpal.com naitanong nya, "Diba nut, yung buko?... Kaya cocoNUT." Hindi din sigurado ang ibang authors dahil hindi nila alamkung seryoso si "Boss Chip" nang-gagago lang. Simpleng bagay na nakakaintriga.

Kinunsulta si Google...

Ayon sa mga pilosopo na tulad ni "Boss Chip", nut ito dahil "coconut".

Ang sabi naman sa kanta ng Smokey Mountain:

The coconut nut is a giant nut
If you eat too much, you get very fat
Now, the coconut nut is a big, big nut
But its delicious nut is not a nut

It’s the coco fruit (it’s the coco fruit)
Of the coco tree (of the coco tree)
From the coco palm family

Pero ang scientific at tumpak na kasagutan ay SEED. Ang buko ay isang seed, pero tanggap parin na tawagin itong fruit... pero hindi talaga nut.



Ang mga nahulihan ng "wang wang"

Pagkatapos idiklara ni President Noynoy Aquino na bawal gumamit ng "wang wang" ang public, /private cars, sundalo, pulis, at civilian, patuloy parin ang pag-gamit ng "wang wang" ng mga abusado.



















Tim Yap .....tang-ina yan na pagmumukha !




















Tatoo ng Tunay na Astig na Barako !!!!




Labandare ng Tunay na Astig na Barako !!!!



Ito ang orihinal na "dick head"




Tunay na Astig na Barako Kodak moment !!!!




Tunay na Astig na Barako !!!!


dahil kahit walang maayos na unan, nakakatulog parin ng mahimbing


Mensahe ng Tunay na Astig na Barako !!!!




Pagkain ng Tunay na Astig na Barako !!!!






Sweat shirt ng Tunay na Astig na Barako !!!!




SPA ng Tunay na Astig na Barako !!!!




Pagkain ng Di Tunay na Astig na Barako !!!!




Inumin ng Tunay na Astig na Barako !!!!




Kung ano-anong shit ng Tunay na Astig na Barako !!!!




Di Tunay na Astig na Barako moment !!!!




Ang Pagbabalik ng mga JheJhemhon at isang nahahamon na Jejebuster.....











1 comment:

  1. gusto ko ung pix na may nakahubad na mga babae

    ReplyDelete