Friday, December 3, 2010

Ika - 114 Banat

Sen. Lacson : Tunay na Astig na Barako !!!!


Ang Tunay na Astig na Barako hindi magpapahuli ng buhay


Dahil lahat ng tao may karapatan maging bobo

Umaatikabong kwentuhan ang nangyari habang lumalaki yung Grand Lotto jockpot nitong nakaraan. Syempre mas pinag-usapan nung may solo winner na nakakuha nito. 741.2 million pesos ang nakuha nung swerteng lokong yon. Hindi pinagkakalat ng PCSO ang mga pangalan ng mga nananalo sa lotto, siguro naman mas poprotektahan nila ang privacy kung ganito kalaking pera ang pinanalunan. Kung may nakakaalam man kung sinong nanalo, hindi na din nila pinagkalat ang pangalan para sa safety nung taong yon. Common sense lang naman yun 'e. Kaso, hindi nakapagbaon ng common sense si Tim Yap habang nagti-tweet sya ng...



“Eto na, PCSO confirms one winner—his name is Miko Morelos. He gets to take home the P741.2M peso Grand Lotto 6/55 Jackpot! #magtagokana!” - Tim Yap

Una, hindi Miko Morelos ang pangalan ng nanalo, sya lang ang nagreport na may nanalo na sa para sa Philippine Daily Inquirer. Natakot daw si Miko Morelos dahil delikado nga naman kung may mga siraulong makaalam na may ganon sya kalaking pera. Nakakaparanoid yon 'a. May mga nagtanong daw sakanya kung totoo ang balita, pati sa mga kamag-anak nya may mga nagtanong din. Nilinaw na ni Miko Morelos na hindi nga sya ang nanalo, pero may mga nag-iisip parin na baka ayaw lang mamigay ni Miko ng balato.
Nagsorry na si Tim Yap sa pagkakamali nya. Nilinaw na nga din daw nya na hindi nga si Miko Morelos ang nanalo. At hindi daw nya sinasadyang may mga mahasel.

May kutob kaming hindi nilabas ang buo at TOTOONG kwento. May sarili kaming theory dahil matalino kami. Pero hindi na namin sasabihin dahil nga matalino kami. Wag mo nang pansinin yon. Ang masasabi lang namin bobo si Tim Yap. Kahit sino pa ang nanalo sa Grand Lotto nung nakaraan, hindi talaga dapat ipagkalat ang pangalan nung taong yon. Konting utak lang ang gagamitin mo para maisip yun. Seryoso, nabobohan kami kay Tim Yap. Hindi namin sinasabing salbahe sya, muka naman syang mabait. Hindi din namin sinasabi na tanga sya sa lahat ng oras dahil hindi nya maabot ang estado nya ngayon kung sinwerte lang sya. Ang sinasabi lang namin, malaking kabobohan ang ginawa nyang yan, ang laking kabobohan talaga, kasing laki ng airplane.


Maraming bumabatikos at umaayaw sa balak ng Department of Tourism na baguhin ang slogan ng bansa na WOW PHILIPPINES at gawing PILIPINAS KAYGANDA.



Para hindi na kayo mag-away-away, mas maganda na ang gawin nating slogan ay LOTTO-CRAZY PHILIPPINES


“Kahit anong ganda ng mga teleserye nila, tayo pa rin ang highest rating at #1 sa primetime!” – LOTTO




Kung hindi mapipigilan ang harutan ng North and South Korea at mangyari nga ang kinatatakutang World War III secured tayong mga Pilipino.


Dahil sa Philippine Army, kumpleto ang training


MGA ADVANTAGES NG PAGIGING GWAPO

1. Sinasabihang “ mukhang mayaman” kahit wala namang pera
2. May lisensyang maging babaero (o kaya lalakero)
3. Madaling maka-utang at madali DAW pagkatiwalaan. (ganito maririnig mo:”Sige, gwapo ka naman eh……..”)
4. Pwedeng magwantutri sa bus o dyip ng hindi mahahalata
5. Lahat ng trabaho bagay sa kanya
6. Lahat din ng kulay ng damit bagay din
7. Isang matinding pa-kyut lang ang kailangan, tyak pauunahin na sya sa pila o kaya libre na sya ng miryenda at gupit.
8. Okay lang maging bobo, kasi may kasabihan daw “Aanhin mo ang damo kung mukha kang kabayo, mabuti pa ang bahay kubo sa paligid ligid ay puno ng linga”
9. Pwedeng maging artista o di kaya humanap ng mayamang matronang duktora para humingi nng kotse , bahay at pera. Saka i-video kasama ang maraming model at artista. Tyak magiging sikat ka pa
10. Okay lang na hindi magreview tuwing exam kasi tyak papakopyahin ka ng katabi mong babae(o bading) o di kaya ipapasa ka ng titser mong babae (o bading)



MGA DISADVANTAGES NG PAGIGING GWAPO

1. Hindi pwedeng lumabas ng bahay ng di naliligo o nagpapabango
2. Habulin ng mga matrona, babae at nagpipi-feeling babae
3. Hindi pwedeng mangulangot o maghihinunuli sa harap ng maraming tao
4. Sinasabihang “bakla”
5. Laging sinisiksik sa loob MRT/LRT kahit maluwag naman
6. Hindi pwedeng tumawad sa palengke kung ayaw marinig ito”Kay gwapo-gwapo wala namang pera”
7. Sinasabihang mayabang at suplado.
8. Walang karapatang magkaroon ng tinga sa ngipin, tumulo ang laway pag natutulog at magkaroon ng muta sa umaga.
9. Akala nila mabango rin pati utot mo
10. Laging natsan-tsansingan sa dyip, bus, MRT/LRT, gym, sinehan at kung saan saan pa.


MGA ADVANTAGES NG PAGIGING HINDI GWAPO

1. Nagiging komedyante kaya kahit di nagpapatawa mukha pa ring nakakatawa

2. Okay lang lumabas ng bahay ng di nag-aayos at naliligo (kaya may lisensyang magkaroon ng putok at bad breath)
3. Hindi sinusundan ng makukulit na Saleslady dahil otomatiko na raw na hindi sila bibili
4. Pwedeng maging boksingero dahil hindi raw panghihinayangan ang mukha
5. Mabenta tuwing “Halloween”
6. Kahit magkaroon ka ng sex video walang gaanong papansin.
7. Hindi na kailangan mag-ubos ng pera para sa facial, eskinol, glutathione at kung ano ano pang pampagwapo.
8. Pwedeng mangulangot, umutot, dumighay at dumura sa harap ng maraming tao.
9. Madalas katakutan sa looban at kanto, dahil mukhang kakain ng tao.
10. Hindi malilito o lilingon pag may tumawag na “Hoy!Pogi!” sa likod.



MGA DISADVANTAGES NG PAGIGING HINDI GWAPO

1. Laging napagbibintangang magnanakaw, rapist, snatcher, akyat bahay ,shoplifter at kung ano ano pang krimen sa iyo ituturo.
2. Kahit maligo ng handred tayms mukha pa rin daw mabaho. Hindi rin sya pwedeng magselan kasi di raw bagay.
3. Hindi pwedeng maging artista, pulitiko lang (then saka lang pwedeng maging artista)
4. Laging kontrabida sa pelikula, o di kaya binabambo ng binilot na dyaryo at sinasabuyan ng ihi sa arinola.
5. Sinasabihang manyak ng katabing babae kahit mas matigas pa sa iyo ang mukha nya.
6. Kailangang maging matalino at mabait , kung hindi................. malamang sinasabihan ka ng “kaawa-awang nilalang”
7. Kahit branded ang damit at sapatos mukha pa rin daw galing “ukay-ukay”
8. Lahat ng bagay kamukha na nya at sinasabihang “mukhang palakol”, “mukhang tsinelas” “mukhang basket” at kung ano ano pa (hayop din kasama sa listahan)
9. Paboritong batuhin ng titser ng eraser, chalk at aklat. Sya rin ang pinagbibintangang kumain ng yema at pulburon na di pa nagbabayad.
10. Pag napasagot nya ang magandang babae sinasabihang “GINAYUMA LANG DAW “ pag kapwa panget naman ang napasagot nya - “NO CHOICE” daw ang tawag dun.




“Masarap ba ‘to?”
“OO!”
“Kinakain?”
“OO!”
“Tumitigas?”
“OO!”
“Lumalambot?”
“OO!”
“Malaki?”
“PUWEDE!”
“Gusto ng mga babae na iregalo ng boys sa kanila?”
“OO!”
“Nag-uumpisa sa T?”
“OO!”
SAGOT: Tsokolate



“Ngatz bhe… mhuax!”


Sabi ng NGONGO na bumibili ng gatsby Wax


Pinaka-masarap daw ka-sex ang babaeng sakang?


Totoo ba ‘yun?


Mahigit 100 supot ng donasyong dugo ang nadiskubreng kontaminado ng HIV. Hinihinalang sanhi ito ng marumi at kontaminadong karayom.


Mag-ingat kayong mga mahilig magpatusok.
Maliit man o mala­king karayom na mahaba… mataba man o punggok


MATAMLAY ang lovelife ko


Ihi na lang ang nagiging dahilan para kiligin ako


It might not be our responsibility to make others happy, but if you think about it, we can derive tremendous happiness from simply making others happy despite of our own inequities in life!





"May Matututunan"



May matututunan ka sa masa
May matututunan ka sa sosyal
May matututunan ka sa gago

May matututunan ka sa banal
May matututunan ka sa hayop
May matututunan ka sa sa tao

May matututunan ka sa tanga
May matututunan ka sasa henyo
May matututunan ka sa hirap

May matututunan ka sa yaman
May matututunan ka sa kaaway
May matututunan ka sa kaibigan

May matututunan ka sa sarili
May matututunan ka sa iba
May matututunan ka sa gantimpala

May matututunan ka sa parusa
May matututunan ka sa bahay
May matututunan ka sa lansangan

May matututunan ka sa paaralan
May matututunan ka kahit saan.

May matututunan ka kahit saan, pero ang pagpili ng gusto mong matutunan
ang kailangn mong matutunan.


Without romance, love gets dry.
Without respect, love gets lost.
Without caring, love gets boring.
Without honesty, love gets unhappy.



Without sex… ahhh, BREAK na ‘yan!!!

PINOY Nga !!!

How sweet naman Pangga !!!!








































Tang Ina this @#$%^&















Ooopppss may dumungaw !!!!






Ang Pagwawala ni Inday @#$%%^&















IQ TEST. Sagutin nang matino at matapat ang mga tanong:

1 Magkaaway kayo ng best friend mo. Ano ang gagawin mo para mawala ang sigalot sa Mindanao?
2 Naiwan mo ang ID mo. Ano ang sasabihin mo sa security guard para i-add ka niya sa Facebook?
3 Sa kalagayan ng gobyerno ni PNoy, may pag-asa pa bang lumaki ang pasas?
4 OO o HINDI… ano ang nararamdaman mo ngayon?
5 Libing ng lolo mo eh may outing ang barkada mo. Alin ang una mong isusuot, pants o t-shirt?

BALITANG ENGOT!

Sunog sa QC, pinaba­yaan ng bumbero!
Ligaw na bala, tumama sa isang residente!
Isang hinihinalang pusher, umaming siya’y nagtutulak!

Narito ang mga de­talye…

Sunog sa QC, pinaba­yaan ng bumbero. Narito po ang bumbero…
BUMBERO: Pinaba­yaan namin ‘yun dahil kay Aling Metring lang pala galing ang sunog na sinaing!
Ligaw na bala, tumama sa isang residente. Narito po si misis…
MISIS: Tinamaan sa ulo ang batugan kong anak na sa sobrang tigas ng ulo, nayupi ang bala!
Isang hinihinalang pusher, umaming siya’y nagtutulak. Bagama’t siya’y basurero, wala raw masama sa pagtutulak ng kariton. Oo nga naman!

SALAWIKAIN ng high school students:

“Aanhin pa ang 90 kung ang uso na ay 70?”
“It’s better to cheat than to repeat.”
“No need to review, kodigo will do.”
“Aanhin pa ang libro kung scholar ang katabi mo?”
“Ang hindi maru­nong lumi­ngon pag exam, bagsak ang kalalabasan.”
The word MISS is also part of the word LOVE.
So, when someone says, “I miss you,” it also means that he/she loves you.
Do you know why I text you?
It’s simply because… may load ako!

GERALD: Hu! Hu! Hu! Hu! Hu!
CHRIS: Bakit ka umiiyak?
GERALD: Na-snatch ‘yung cellphone ko sa Quiapo…
CHRIS: Umiiyak ka dahil naagawan ka ng cellphone? Tama?!
GERALD: Hindi! Hu! Hu! Hu! Hu! Hu!
CHRIS: Eh bakit ka umiiyak?
GERALD: Kasi, kalo-load ko lang du’n ng all text unlimited… Hu! Hu! Hu! Hu! Hu! Hu!

NANAY: Bakit ngayon ka lang?! Anong oras na?!
ANAK: Bakit ako pa ang tinatanong ninyo?! Grabe ka naman, ‘Nay! Wala kang initiative na tingnan ‘yung wall clock?! Ang laki-laki kaya nu’n?! Hinintay mo pa talaga ako para itanong kung anong oras na?! My God! Matutulog na ako! Nakakasira ka ng mood, ‘Nay!

GIRL: Bawal mo na akong mahalin! Kasi, may mahal na akong iba!
BOY: Bawal-bawal ka d’yan?! So what if may mahal kang iba?! Mamahalin kita kung gusto ko, ‘no?! Hindi pa naman kayo kasal! So, puwede pa ring maging tayo! Kung ako na lang kaya ang mahalin mo?! Ang sarap ko kaya?! TRY MO!

“Dear LOVE… Una sa lahat at hindi sa huli, sumulat ako dahil may ballpen at papel ako. Alam mo, crush kita. Hindi crush ng eroplano kundi crush ng puso. Hindi puso ng saging kundi puso ng tao.

“Kaligayahan mo, kaligayahan ko. Kalungkutan mo, kalungkutan ko. Kamatayan mo… solohin mo. Ano ako, TANGA na sasama sa ‘yo?”

T: Bakit masarap magmahal ang college student?
S: Kasi, matiyaga, hindi boring, magaling makipag-usap, super lambing at mabilis sa kama… pag matutulog na, puyat kasi sa kaaaral, eh!

No comments:

Post a Comment