Tuesday, December 14, 2010

Ika - 117 Banat

Hubert Webb: Hayop na Tunay Na Astig na Barako !!!


ang tunay na astig na Barako ay INOSENTE at NAPAGBINTANGAN LANG. ayon sa tunay astig na Barako supereme court.
Kay Hubert: ngayong malaya ka na, tara batak tayo!


Maluha-luha si Oprah Winfrey nung nagreact sya sa mga usap-usapan na lesbian daw sya, at lovers daw sila ng kaibigan nyang si Gayle King..



Sobrang buting kaibigan daw nya si Gayle at nalulungkot lang daw sya dahil may mga hindi naniniwala na hindi sya tomboy. Sila parin naman daw ng longtime life partner nya na lalake kung tomboy daw sya, hindi naman daw nya itatago.

Wala namang masama kung tomboy si Oprah. Marami parin naman siguro ang manunood ng palabas nya kahit nagkaganon. Kay Ellen nga, madami namang nanunuod, at alam ng mga tao na tomboy sya. Nasa modern society na tayo na tanggap na ang 3rd sex. Pero sabi nga ni Oprah, nalungkot lang sya dahil may mga hindi naniniwala sa sinabi nyang hindi sya lesbian.

Hindi nya siguro matanggap na may sinabi sya at may mga hindi naniwala, dahil sa loob ng ilang libong taon, ang salita ni Oprah ay "batas" para sa mga fans nya. Napagkamalan lang siguro na lesbians si Oprah at ang best friend nya dahil Gayle King ang pangalan ng kaibigan nya... GAYle na tapos King pa, dapat Queen. Pero seryoso, sa tingin namin hindi tomboy si Oprah, muka lang syang lalake.


All is fair in love and war



Mahirap humusga base sa isang video lang. May mga nagsasabi na mali ang ginawa nung misis dahil iskandalo ang ginawa nya. May mga kumakampi din sa "kabit" dahil maputi sya (tang*na ang babaw). Pero kung sa mas hinimay na basehan, kailangan hugutin ang ugat. Nambabae si mister, dahil ba may pagkukulang si misis. Sinubukan bang ayusin ni mister o kausapin ni mister yung asawa nya kung may pagkukulang man yon. Kung hindi nya sinubukang ayusin ang relasyon nila, gago sya.

Kung sinubukan nang ayusin ni mister pero hindi nagbago si misis gaga sya. Sa "kabit" naman, alam ba nyang may asawa na yung lalake? Kung hindi nya alam, wala syang kasalanan. Pero kung alam nyang may asawa na at pinatulan parin nya yung lalake, karapatdapat talaga syang masabunutan, at masipa sa muka ni misis. Pero kung base lang sa video, eto yan...

Misis: Galit. Malakas ang grip. Magaling mang-hunting.
Mister: Supot. Walang nagawa. Inutil. Bobo magtago ng baho.
Security Guards: Hindi naturuan kung ano ang dapat gawin sa ganyang sitwasyon.
Kumuha ng video: Tunay na kaibigan. Epal.
Kabit: Sexy. Siguradong hindi naka-wig.


Epal. Mas Epal.



Epal: Ano na naman yang mga yan?
Mas Epal: Mga souvenir galing sa 2nd K-POP convention.
Epal: Pumunta ka don?!
Mas Epal: Oo.
Epal: Gay-POP ka pala 'e.
Mas Epal: Ang pinunta ko dun, yung mga chicks. Daming naka-costume na sexy. Mukang masarap.
Epal: Hindi nga?
Mas Epal: Oo. Ganda pa nung K-POP group na babae. Hindi ko lang maalala kung anog grupo yung mga yon, basta sexy.
Epal: Wala, basta kadiri ka.
Mas Epal: Nakakuha naman sila ng 500,000 pesos na ibibigay sa charity. Sa Gawad Kalinga.
Epal: 500,000 pesos??? Tangina, dami palang mahilig jan sa gay-pop na yan.
Mas Epal: Oo. Kahit ikaw, gusto mo din naman yan 'e.
Epal: Gago ka ba?!
Mas Epal: Ayaw mo ba sa mga Korean?
Epal: Hindi naman.
Mas Epal: So gusto mo yung mga Korean?
Epal: Siguro, basta sexy na Koryana. Pwede, oo sige. Ano ngayon?
Mas Epal: Gusto mo din ng pop music diba?
Epal: Oo.
Mas Epal: Kung gusto mo ng Korean at gusto mo ng POP... Gusto mo ng K-POP.
Epal: Bawiin mo yan... Tangina mo seryoso ako, bawiin mo!


"O" you're, odorable. "B" you're so bahoful...



Mama: Putik na kabahuan naman yan! Baket ba ang lalakas ng amoy ng mga pawis nyo?!
Jefferson: Nagbasketball po kasi kami kanina mama.
Onin: Panalo kami kahit mas malalaki yung kalaban namin ma. Nanalo kami ni kuya dahil sa hard work!
Mama: Oo na panalo na kung panalo. Pero mga anak naman, utang na loob, wag na kayo magbabad sa amoy ng hard work nyo! Magluluto na ako, at dapat bago maghapunan nakapagpalit na kayo ng suot.

After 45 minutes...

Onin: Ma, luto na ba?
Jefferson: Gutom nako!
Mama: Hoy! Lintik na mga batang baho! Sinabi kong magpalit kayo bago maghapunan diba?!
Jefferson: Mama naman, nagpalit na kami.
Onin: Oo nga mama. Ako yung nakablue kanina, kay kuya 'tong yellow na t-shirt, mejo maluwag nga saken pero ok lang.
Mama: Paluin ko na ba kayo ngayon, o pagkatapos na lang kumain?


Anak, anong gusto mong maging paglaki mo?



Inom lang ng Inom



Accident prone area






All I want for X-mas is .....



Booooooooooooooooooooooooooooooooobssssssssssssssssssss






It's a bird



Tunay na Astig na Barako Kodak Moment !!!!



Gawain ng isang Tunay na Astig na Barako !!!!





Tang Ina this @#$%^&*






















Pimp my ride !!!





No comments:

Post a Comment