Cheers let's Welcome D ' Year 2011
Christmas terror
Sa pagbomba sa isang chapel sa Jolo habang ginaganap ang Christmas mass, napatunayan lang na may mga taong lihis ang paniniwala. Hindi religion ang tunay na issue dito. Respeto ang anggulong binaliwala. Ginagamit lang ng mga put*ng inang terorista ang religion para utuin ang mga tao. Walang kinalaman ang religion sa terorismo. Kahit kailan, wala kaming religion na kinampihan. Kahit sa pangyayari sa chapel bombing sa Jolo, ang may kasalanan ay ang mga bobong tao na nagmamagaling mag-utos, at mga bobong tao na nagpauto.
Wag mong husgahan ang isang grupo, religion, o lahi base sa ginawa ng isa o maliit na portion ng miyembro nito. Sa kahit anong samahan, pag sobrang lumaki at dumami ang kasali, dadating talaga sa punto na may magpapauso ng paniniwala na hindi naman katiwa-tiwala.
Wala na lang pakialamanan ng trip kung alam mong may mapapahamak.
Respeto lang. Tang *na naman, respeto lang.
Respeto lang. Tang *na naman, respeto lang.
Double Standard Malas
Pumasok si Ritchie sa isang bar. Umupo sa isang sulok at tahimik na tinitigan ang inumin nya. Halos 20 minutes na syang tulala sa inumin nya nang biglang may pumasok na siga.
Siga: Akin na 'to! (Sabay lagok sa inumin ni Ritchie.)
Biglang umiyak si Ritchie.
Siga: Brad! Sorry na! Pinagti-tripan lang naman kita. Eto bibilhan na lang kita ng bagong inumin. Parang yan lang, iiyakan mo na. Kahit dalawang inumin pa ipalit ko para lang tumahan ka na!
Ritchie: Hindi naman yun yon 'e. Buong araw ako minalas. Nawalan ako ng trabaho kanina dahil pinalit sa posisyon ko yung anak nung boss ko. Nung pauwi na ako naubusan ako ng gasulina. Nung naglalakad ako para bumili ng gas, nakita kong papasok ng motel yung asawa ko kasama yung best friend ko. Pag-uwi ko sa amin, naabutan kong nasusunog yung bahay namin. Nung papunta na ako dito sa bar, naholdap pa ako! Tapos ngayon, balak ko nang tapusin ang paghihirap ko, ininom mo pa yung lason ko. Booyset na buhay talaga 'to!
Aangal ka pang konti lang ang regalo mo nitong pasko?
Baket, ikaw ba ang may birthday?
“Ay, Bohay Pa Pala si Emilda Papen!” – Dionesia Pacquiao
Grandmaster Arroyo
Hindi na nga talaga pinayagan ng Supreme Court na magpatuloy ang Truth Commission ni Noynoy. Ang apila lang ni Noynoy, baket nga daw nung panahon ng ermat nya (Cory Aquino) pinayagan naman daw magkaron ng PCGG (Presidential Commission on Good Government), at nung panahon naman ni Erap, nagkaron ng Saguisag commission para imbistigahan ang isang kaso ni former president Fidel V. Ramos. Pero ngayon na sya ang may gustong imbistigahan, ayaw ng Supreme Court.
Madaming reklamo kay Gloria noon nung presidente sya, at kahit ngayon, tuloy ang pagkapikon ng mga tao sa kanya. Pero ang hindi maitatanggi, ay mautak ang pandak na yon. 14 sa justices ng Supreme Court ay pinusisyon don ni Arroyo nung presidente pa sya. Napaghandaan talaga nya ang future nya. Kaya kung akala ng iba noon na magiging mabilis ang pag-iimbistiga sa mga kakupalan ng nakaraang administration, well sorry na lang tayo, dahil sa ngayon, ahead parin sa "chess game" na 'to si Gloria. Ahead sya ng 14 moves.
Pag nangamoy tae sa classroom, at may gustong mang amoy ng pwet sa classroom para malaman kung sino ang tumae, sino lang ba ang aapila? Diba yung may tinatagong baho?
Hulaan mo nga kung sino ang pinaka masaya dito ?
Hirap hulaan 'no?
Paki iwan na lang yung mga braso nyo sa labas
Hurtful
Elmer: Fredo, physical therapist ka diba?
Fredo: Oo. Baket, may kilala kang magpapatherapy?
Elmer: Hindi, wala. May itatanong lang ako. Baka matulungan mo ako.
Fredo: Ano ba yon?
Elmer: Masakit kasi pag yumuyuko ako, sabay taas ng paa ko, tapos masakit din pag biglang tayo ko ulit ng diretso. Ano bang dapat kong gawin?
Fredo: Sus! Edi wag mong gawin yung mga yon. Masakit pala gawin tapos nagmumuka ka pang tanga.
Elmer: Baket ikaw, pano ka ba magpantalon? Gago ka pala 'e.
AANHIN ang kama na yari sa narra, kung ang katabi ay walang kagana-gana? Mabuti pa ang mahiga sa damo, kung ang katabi ay magaling mangabayo
Ano ba ang pananaw ng mga taong nagmamahalan pero walang commitment? Simple lang…..... alagaan ang isa’t isa hanggang maging handa na sila
Tang Ina this @#$%^&
No comments:
Post a Comment