Tuesday, November 2, 2010

Ika - 102 Banat

Natural sa masisipag na tao na mag-uwi ng trabaho sa bahay


Pero may isang propes-yon na hinding-hindi dapat gawin ito: Embalsamador


Pakainin man ako ng pinakamasarap na pagkain sa mundo… labi pa rin niya ang pipiliin ko




Kapag nagalit sa ’yo ang minamahal mo at ayaw tumigil sa kasusumbat sa ‘yo, huwag kang magalit… huwag kang su­mabay…



Yakapin mo siya at ibulong mo sa kanya, “Kulang ka na naman sa sex, ‘no?! Sige, hubad na!”

Teachers call it CHEATING


But for us students, we call it TEAMWORK.
“The students that cheat together, graduate together.”



Motto ng mga magdyowa:


“Don’t do unto others… what we did last night!”


Kung wala kang ba­lak na mahalin ako, huwag kang magbigay ng dahilan para mahalin kita… para sa huli, maiwan man akong mag-isa, naaalala ko pa rin ang pinaggagawa natin sa kama.




Bakit mahirap pansinin ang ex?


Galit ka. Kasi, nasaktan ka?
Galit ka. Kasi, niloko ka?
Galit ka. Kasi, iniwan ka?
O nahihiya ka lang… kasi, grabe ang halikan ninyo noong kayo pa?!



‘Pag tiningnan kita, puwede bang tingnan mo rin ako?



Para may pagtitinginan tayo sa isa’t isa

Tang Ina this !!!! (Pipol, places, moment ETC ..#$@%^)















Mr. Perdible



Ride on Baby



Ganito mag-tagay ng alak ang isang Tunay na Astig na Barako !!!



Relo ng isang Tunay na Astig na Barako !!!



Gawain ng isang Tunay na Astig na Barako !!!







Tunay na Astig na Barako Kodak Moment









ESTER: Bakit ipinagtitirik mo ng kandila ang asawa mo eh buhay pa siya?
DOLORES: Hmph! Buti pa kasi ang kandila at tumitirik… ‘yung kanya ay matagal nang patay!
ESTER: Mare naman! Bakit naghahanap ka pa samantalang pareho ka­yong lagpas 80 na ang edad?
DOLORES: Masarap kasi ang huling hirit, eh! Kaya lang, frustrated ako!

POKPOK: Sex tayo?!
BUMBAY: Sige! Doble bayad ko pero Indian style.
(Pumayag ang pokpok. Matapos magchorvahan…)
POKPOK: Ano ba ‘yung sinasabi mong Indian style?
BUMBAY: 90 days to pay!

SENDER: Hi… balita ko, masarap kang ka-sex. Try ko sana if ok sa ‘yo.
REPLY: Oo, bah! Kita tayo mamaya sa Sogo Cubao. Patitirikin ko ang mga mata mo! Sino ka nga pala?
SENDER: Gago! Mi­sis mo ‘to! Humanda ka mamaya pag-uwi mo! Paduduguin ko ang mga mata mo!

May limang butiki sa kisame. Tumambling ang isa.
“Hindi ba kayo impressed sa akin?” tanong ng tumambling na butiki.
“Siyempre naman, oo!” sabay-sabay na sabi ng apat na butiki.
“Eh bakit hindi kayo pumalakpak?” panunumbat ng tumambling na butiki.
Sagot ng apat na butiki, “Gago ka pala, eh! Gusto mo ba kaming malag­lag?!”

Ang buhay, parang sigarilyo lang.
PHILIP kitang hinanap, nasa MARLBORO ka lang pala. HOPE huwag kang tatakas, CHAMPION ka talaga!
‘Di ba, sabi ko na sa ‘yo, eh!

Sa isang jeep…

PASAHERO: Manong, para ho!
DRIVER: Bababa?
PASAHERO: Ay, hindi ho! Aakyat! May 2nd floor kayo?

Kung LOW BATT o NO BATT na ang cellphone, huwag i-charge ang cellphone nang nakatihaya, nakataob o nakatayo.
I-charge ito nang paba­ligtad na nakatayo. Mas mabilis dadaloy ang power sa ganitong posisyon dahil sa LAW OF GRAVITY.
Subukan mo!
SIRA!
Hindi ang cellphone… ikaw mismo!

Hindi ko akalaing affected din ako ng econo­mic crisis…
Akalain mong pati ako… nagmamahal na?!

“Hindi lang daan ang puwedeng tawiran.” -- GUTOM

Kung lagi kang nagdududa sa mahal mo lalo na ‘pag hindi mo siya kasama… painumin mo siya ng LACTUM. Para 100% panatag ka!!!

Ikaw ba ‘yung nagte-text sa anak ko? Mama niya ito. Puwede ba, tigilan mo na ang pagte-text sa kanya! Wala kang idinudulot na maganda sa anak ko!
Wala na lang siyang ginawa kundi pindot nang pindot para sa mga tulad ninyong walang kuwenta! Dahil sa lintek na cellphone na iyan, napapabayaan na niya ang kanyang pag-aartista.
Fan ka ba niya?

Hirit ng BROKEN HEART, “Ako ‘yung nag-iisang tao na nagmahal sa ‘yo nang sobra-sobra! Sa ating dalawa, ikaw ang hi­git na nawalan dahil isang araw, magmamahal akong muli tulad ng pagmamahal ko sa ‘yo pero hindi mo na mararanasang mahalin tulad ng pagmamahal na ginawa ko!”

Sagot ng HEART BREAKER, “Hindi nga ako makakatagpo ng magmamahal sa akin nang sobra-sobra tulad ng ginawa mo pero isa lang ang sinisiguro ko sa ‘yo, mamahalin ko siya sa paraang pinapangarap mo na mahalin kita!!!”


Nanganak na si Judy Ann Santos.

Dahil tatay si Ryan Agoncillo at nanay si Judy Ann Santos, para sa bagong baby nilang lalake, gusto namin i-suggest ang pangalan na...
Rudy Ann Santos-Agoncillo

Erotika

Isang malamig na gabi, ginapang nya ako. Nilasap nya ang balat ko. Tinakam sya sa mainit-init kong likido. Pinasok nya... nasaktan ako. Nung nakuha na nya ang gusto nya sakin, bigla na lang syang umalis. Gagong lamok talaga yan.

Minsan, ang pagkukulang ay wala na sa taong nagbibigay… kundi sa isip na lang ng taong binibigyan

BAKIT kaya may taong ayaw kang mawala pero hindi ka kayang mahalin nang tama?”

ANG pinakabonggang pa­raan upang lagi kang maalala ng iyong mga kaibigan… ay utangan mo sila!

Unsolicited Advice

Kung walang nagbabago at sinasaktan ka parin nya, pisikal man o emosyinal, baket ka manghihinayang hiwalayan sya dahil lang matagal na kayong nagsasama? Kung hindi ka na masaya at nagawa mo na lahat para subukang ayusin ang relasyon nyo, wala ka nang dapat panghinayangan pa kundi ang oportunidad na makakilala ng taong magpupursiging alagaan ka.

Kapag uminom ka ng alak… makalipas ang ilang oras, wala na ang tama.
Kapag nag-take ka ng drugs… makalipas ang ilang araw, wala na ring tama.
Pero kapag natikman mo ako… ay sus!!! Tulog ka na, nakangiti ka pa!!!

Kung ang PLDT ang gumawa ng TELE-ti­pid, TELE-sulit at TELE-babad, naisip ko lang… sila rin kaya ang gumawa ng TELE-tubbies?
Tingnan mo: P-o, L-ala, D-ipsy, T-inky winky

"Nakakalungkot pag hindi natin nagagawa ang mga bagay na sinabi nating gagawin natin. Mas nakakalungkot pag yung mga bagay na sinabi nating hindi natin gagawin ang nagagawa natin." -MgaEpal

Bakit ang mga problema ni PNoy, nag-ugat sa mga bus?
Bus na nahulog sa ba­ngin… mga bus na nagbanggaan… bus na umararo ng kotse… at bus na na-hostage.
Kasi, sa inaugural speech niya, ang pangako ni PNoy sa sambayanan, “KAYO ANG BUS KO!”

Huwag kang ASSUMING na type ka niya dahil lang sa nag-txt siya…
Minsan, naghahanap lang siya ng kausap dahil walang load ang mahal niya.

AANHIN mo ang babaeng makinis, maputi, matangkad at sexy… kung mahaba naman ang buhok sa kili-kili?

No comments:

Post a Comment