Tuesday, November 30, 2010

Ika - 112 Banat

Huwag na sanang lumala ang away ng North Korea at South Korea

Kakampi kasi ng South Korea ang mapwersa na U.S.A. at kakampi naman ng North Korea ang China na malakas din ang pwersa. Pag nagkataon, baka kumampi ang North Korea at China sa Iraq dahil kaaway din ng U.S.A. ang Iraq. Baka magkaron ng World War III, madadamay ang Pilipinas dahil kaalyado din namin ang U.S.A. Kaya sana talaga tigilan na ng dalawang Korean countries ang gamundong iskandalong ginagawa nila ngayon.



Tuwing nagkakaron naman ng pangdaigdigang gulo, mga maliliit na bansa o mga bansang hindi gaanong developed ang mas nagiging kawawa. At pag natuloy ang mas malaking gera ng North at South Korea baka mawala ang "K-Pop" music, baka mawalan na din ng Korean novela. Teka... aba 'e ituloy na nila yang gerang yan.


Dito lang ang TAMA pag-aaral




Ang sarap tingnan ng langit, ‘no?
Pero nakakangawit tumingala.



Buti na lang, I’m here.
Isang lingon mo lang… langit na!



Filipino First




Nahuhuli daw ng isang araw sa global updates ang Pilipinas, Sa fashion naman huli daw ang mga Pilipino ng anim na buwan kumpara sa mga western countries. Huli din daw tayo sa technology. Kahit saan daw, nahuhuli tayo lagi. 'E gago pala sila 'e. Nangunguna naman ang Pilipinas sa paramihan ng Pilipino.

Nangunguna din tayo sa uso pagdating sa mga tagalog na kanta. At kung tutuusin, lagi tayong una ng tatlong buwan sa buong mundo. Dahil dito sa Pilipinas, September pa lang Pasko na. Kaya nga pagdating ng December sa mga mall, nauumay na tayo sa "We wish you a merry Christmas", "Christmas in our hearts.", at "Jingle Bells".



Kumakalat sa kwentuhan ng mga labandera sa Hollywood, na nagkakamabutihan daw si Charice at David Archuleta.



Sa isang event, natanong si Charice kung meron bang nadedevelop na relationship sa kanila ni David Archuleta. Tinanggi naman agad ni Charice at sinabing magkaibigan lang sila ni Archuleta. Kadalasan sa showbiz, tinatago ng mga sikat ang mga relationships nila, pero sa pagkakataon na 'to, naniniwala kaming nagsasabi ng totoo si Charice.

Sa tingin kasi namin, hindi magugustuhan ni Charice si David Archuleta sa ngayon, dahil sa ngayon, priority ni Charice ang pagkanta at pag-aaral. At hindi din siguro magugustuhan ni David Archuleta si Charice sa ngayon, dahil sa ngayon, babae si Charice.



Inspirasyon ng mga Barako sa Gym



Here comes the Bride.....
3 months inside



"Kapag nagmahal ka at nabigo, may tatlong bagay na kailangan mong matutunan. Matuto ka sa pagkakamali mo. Matuto kang kalimutan ang nakaraan. At matuto kang magmahal ulit."





I know almost all kinds of candies and chocolates are sweet… but nothing can compare to the sweetness of my lips.




If you want to admire the rainbow after the rain… you should try to love again after the pain



Shaina ayaw makatrabaho si John Lloyd!

Kung tutuusin, hindi naman panget na balita yan. Gusto lang namin ipakita na pwedeng gawing mas kontrobersyal ang kwento sa pagmamanipulate ng words at paglalagay ng exclamation point.

Subukan pa nating gawing mas kontrobersyal 'to ha...

"Shaina Magdayao, tinatanggihang makatrabaho si John Lloyd Cruz?!."

Shaina chooses not to work with John Lloyd
By Chuck Smith – November 26th, 2010
For Yahoo! Southeast Asia




Shaina Magdayao opts not to work with boyfriend John Lloyd Cruz in any showbiz project. Although she says she is happy with their relationship, Shaina disclosed that she would rather keep her personal life separate from her career.

Just work

“Mahahaluan ng showbiz news. Di pa nga po kami nagtatrabaho, ito na, nabakbak na. Paano pa kaya? So masaya naman po kami ng ganito. And, so far, nag-wo-work s’ya for us and for the relationship na meron kaming kanya-kanyang buhay (It’ll become showbiz news. We haven’t worked together yet and we’ve already been swamped with controversies. Imagine what would happen if we worked together. We’re happy with the way things are. It works for our relationship. It’s good that we have different interests),” she said.

With all the intrigues she had to face this year—including that malicious issue that involved her and boyfriend John Lloyd—Shaina admitted 2010 is indeed a tough year for her. But the actress says she didn’t come out empty-handed from the experience.

Challenging year

“Pinatibay ako ng taon na ito (This year has made me stronger),” Shaina said during the during the “Shake, Rattle, and Roll 12” press conference last November 25 at the Imperial Palace Hotel in Quezon City.

She added, “I can say na parang ito yung pinakamahirap na taon for me pero napakarami ko pong natutunan ngayong taon na ito. At ngayon mas napapahalagahan ko yung mga tao around me. Ang aking pamilya, ang aking trabaho. So kahit ganoon siguro ka-negative ng mga napagdaanan ko, ang positive ho ng balik sa akin as a person. Kaya nagpapasalamat po ako (I can say that this has been the most difficult year for me, but I also learned a lot. Now, I appreciate the people around me more. I appreciate my family and my work more. Even if I had to deal with a lot of negative things, there were many positive developments in my life that made me a better person. That’s why I’m very thankful).”

Blessings after the intrigues

It wasn’t easy, Shaina said on the time she had to face the intrigues. In fact, Shaina said she almost lost hope in the midst of the issues However, the solid support of her friends and family helped her deal with everything.

Shaina was referring to her hit ABS-CBN afternoon soap opera “Alyna” and her two Metro Manila Film Festival movies, “Shake, Rattle, and Roll 12” and “Ang Tanging Ina Mo: Last Na ‘To.”

Another blessing she gained for the experience: all the intrigues made her relationship with John Lloyd stronger.

She explained, “Well, kasi sa bagong relationship, usually masaya pa kayo, dapat wala pa kayong problema pa, di ba? Pero with us, naging opposite. Binigyan agad kami ng problema na surprisingly kinaya namin. Kaya nakakatuwa, kasi isa s’ya (John Lloyd) sa mga tao na di bumitaw at di nang-iwan sa akin (Well, when a relationship is new, you’re usually happy since you don’t have any problems yet. With us, it was the opposite. We got hit by problems right away. Surprisingly, we were able to handle it. That’s why it makes me happy, that he was the one person who didn’t let go or leave me).”

Shaina also said dealing with controversies helped her gain more confidence to face problems, now that she knows she has people around her who will support her no matter what happens.

Nitong nakaraan lang, naging topic of conversation sa mga sari-sari store at barber shop ang pag-atake ng North Korea sa South Korea.



May mga singkwentang artillery shells nga daw ang sinasabing bumagsak sa South Korean island ng YeongPyeong-do. Bumawi din naman ang South Korea at nagpakawala ng mga 80 na artillery at fighter jets nila. Madami sa buong mundo ang umaasa na hindi matuloy sa pagsiklab ng mas malaking global na kaguluhan ang ginagawa ng dalawang Korea na yan.

Sabi ng North Korea, nauna naman daw ang South Korea tumira sakanila. Sabi naman ng South Korea, may mga drills nga daw silang ginagawa sa dagat ng Yeonpyeong pero wala naman daw malapit sa North Korea. May mga nagsasabi naman na ang totoong dahilan ng pag-atake ng North K, ay dahil nagpapapansin ito at nagpapasiklab ng mensahe sa South K. at mga kakamping bansa nito (Particularly U.S.A.) dahil hindi DAW gaanong inaasikaso ang request para sa isang usapan na may kinalaman sa ekonomiya ng North Korea. Usap-usapan din na baka ginagamit ng North Korea ang "Korean War" para maging united ang mga citizens nito dahil hinahanda nila ang pag-turnover ni North Korean Supreme Leader Kim Jong-il sa leadership ng North K. sa anak nitong si Kim Jong-un.

Magulo talaga at mahirap maniwala kung sa sabi-sabi lang. Magkaiba ang sinasabio ng North Korea at South Korea, tapos may mga speculations din ang ibang tao. Mahirap pag nagising na naman ang mejo nanahimik na "Korean War" na yan dahil dalawang power players ang papasok. Kakampi ng America ang South Korea, sa North Korea naman 'e China. Sana wag magpabaya ang mga leaders ng mga damay na bansa.

MgaEpal topic theory
Posible ding nang-away ang North Korea dahil napapagkamalan ng iba na galing sakanila 'tong mga South Koreans na 'to.



Bukas, pagmulat mo ng mata mo, at langit ay nakatwa... nasa Batibot ka.


Matagal na panahon na din mula ng nawala yang iconic na palabas na yan. Kung kasing-ok parin ng bagong Batibot ang original, irerekuminda naming panoorin ng mga bata yan, para meron silang nostalgic na pag-uusapan ng mga kainuman nila paglaki nila.

Magkakaron daw ng guest appearances si Kuya Bodjie at Ate Sienna. Kaso sa nabalitaan namin, wala daw si Pong Pagong at Kiko Maching dahil nakalisensya ang rights nila sa iba. Kung magagawan nila ng paraan para malagay si Kiko at Pong, malaking bagay yon. Sila ang Batman and Robin ng Batibot, at iba ang Batibot na walang tabachoy na pagong at unggoy na laging may plema sa lalamunan.

Kahit wala si Kiko at Pong, nanjan parin naman daw ang ibang classic na characters ("mupets") tulad nila Kapitan Basa, Manang Bola, Ningning at Gingging. Ang magiging main host naman ay mga hindi namin kilala. Si Kakki Teodoro at Abner Delina. Interesting din dahil may mga celebrity daw na bibisita paminsan-minsan sa Batibot.

Madaming aabangan sa Bagong Batibot. Guest appearance ni Ate Sienna at Kuya Bodjie, mga bagong batang batibot. Aabangan din namin kung kamusta ang comparison ng bago at lumang Batibot. Makukuha ba nila ang interes ng bagong generation ng bata ngayon na puro cartoons ang hilig. Kung swertehin, mame-maintain ba nila ang interes ng mga bata? At sino-sino ang mga celebrity na susulpot sa Batibot?




Sa lahat ng yan, may dalawang hiling lang kami. Una, hindi sana panget ang bagong Batibot, para hindi masira ang magandang naiwan na imahe ng unang Batibot. At pangalawa, sana mag-FHM si Kakki Teodoro balang araw.


Sa kubetang anti-gago...



Bawal titigan ang toilet bowl.
Bawal sumuka sa toilet bowl.
Bawal tungtungan ang toilet bowl.
Bawal mangisda sa toilet bowl.
Bawal i-dog style ang toilet bowl.



Hindi nga namin alam na may sakit sila...


Ginagamot nila ang FEU mula 7 ng gabi, hanggang 7 ng umaga.


Madaming nagulat nung may chihuahua na natanggap bilang police dog sa Japan



Kinuha daw police dog ang aso na si "Peach" dahil kahit anong aso naman daw 'e pwedeng matrain maging police dog. Makakatulong din daw si Peach kung sakaling may mga rescue operations na may masikip na daan na hindi kakayaning pasukin ng usual na police dogs na mas malalaki.

Kahit maliit ang chihuahua police dog na si Peach makikita naman na disiplinado at matapang sya. CUTE pero ASTIG... parang Japanese porn.



Kanya-kanyang trip nga talaga


"Kung may nagsabi lang sana sakanya na hindi nya ikapapayat yan..."


Magpa-bugber ka naman




Bakas ng Tunay Astig na Barako !!!!


Anak, bakit amoy clorox na naman sa kuwarto mo?


Tambayan ng mga Tunay Na Astig na Barako !!!!



Tunay Na Astig na Barako Kodak Moment !!!



Mondomanila: Pelikula ng Tunay Na Astig na Barako !!!!




Body Scanner Operator: Tunay Na Astig na Barako !!!!



Si Ate: Tunay na Astig na Barako !!!!



Tang Ina this !!! @#$%^&*



















Anak: Tay ! Tignan mo abs ko! 6 pack yan
Tatay: Wow! Machong macho na anak ko! Paano nagawa yan, anak?
Anak: Belly dancing, tay!

PAALALA sa mga lalaki:
Hugasang mabuti ang inyong mga kamay matapos umihi para maiwasan ang paglaganap ng BIRD FLU!


T: Ano ang tawag sa kuto na nasa ibabaw ng ulo ng kalbo?
S: Homeless

T: Ano ang pinakamalambot na parte ng katawan ng bading?
S: Baba. Di ba, ‘yung itlog, hindi nababasag kahit bumabangga roon?


T: Bakit binaril ng la­laking BOBO ang kanyang unang girlfriend?
S: Kasim gusto niyang malaman kung totoong ‘First love never dies.’

LOLO: Apo, anong araw ngayon?
APO: Miyerkules po. Kasi, natuloy ang Martes kahapon!

HOLDAPER: Pare, holdap ‘to! Itaas mo ang mga kamay mo, kung hindi…
WILLIAM: Kung hindi… ano?!
HOLDAPER: Kung hindi… ahhh… ehhh… ‘Wag mo ‘kong lituhin! Baguhan pa lang ako!

TOTOY: Lolo, kung kayo po si Adan, kakainin po ba ninyo ang mansanas ni Eba?
LOLO: Hindi.
TOTOY: Bakit po?
LOLO: Wala kasi akong ngipin

MISIS: Hon, sagutin mo ako in all honestly… am I pretty or ugly?
MISTER: Pareho!
MISIS: Anong ibig mong sabihin?
MISTER: You’re pretty ugly!

Nangumpisal si Rafael, “ Father, nais ko pong ikumpisal na halos lahat ng babae sa bayan natin ay naka-sex ko na…”

Sagot ni Fr. Damaso, “Sige nga, iho, magsasabi ako ng pangalan at pag naka-sex mo, magsabi ka ng AMEN.”

“Sige po,” sabi ni Rafael.

Tinuran ni Fr. Damaso ang mga pangalan ng mga babae sa kanilang bayan, “Emilia, Amanda, Isabel, Lorena, Raquel, Victoria, Rebecca, Katrina, Melissa, Cristina, Ana, Andrea, Olivia, Monica, Miranda, Natalia, Vanessa, Julia, Emma, Angela, Sabrina, Lea, Margarita, Brenda, Patricia…”
Puro AMEN ang sagot ni Rafael.

“Ang tindi mo, iho!” bulalas ni Fr. Damaso.

Pagtatapat ni Rafael, “Sa totoo lang po, Father, ang hindi ko lang po naka-sex sa ba­yan natin ay ang nanay ko.”

“Sino ba ang nanay mo?” usisa ni Fr. Damaso.

“Si Aling Orang po na magpuputo,” sagot ni Rafael.

Bulalas ni Fr. Damaso, ”AMEN!”


NOON…

MISTER: Hon, alam mo bang bagay tayo? Lagi nga kitang napapana­ginipan at ikaw ang anghel ng buhay ko!
MISIS: Ang sweet talaga ng hon ko!

NGAYON…

MISTER: Hoy! Alam mo bang hayop ka?! Lagi nga akong binabangungot at ikaw ang demonya sa kabilang buhay ko!
MISIS: Ang kapal mo! Bakit buhay ka pa?!

LOLO: Dok! Hindi po ako makatulog pag gabi dahil sa amnesia!
DOK: Lolo, baka ang ibig ninyong asabihin eh insomnia?!
LOLO: Amnesia talaga, dok! Nakalimutan ko kung paano matulog!

May kausap si Rose sa cellphone…

ROSE: O, sige! Bye! I love you!
GEORGINA: Sinong kausap mo?
ROSE: Si Waldo, kami na!
GEORGINA: Si Waldo?! Eh ang baho ng hi­ninga nu’n, ah?!
ROSE: Kaya nga sa cellphone ko lang siya kinakausap, eh!

PEARLS OF WISDOM

1 Money can’t buy happiness. Pero mas comfortable na lumuha sa loob ng BMW kesa sa loob ng tricycle.
2 Forgive your enemy. Pero huwag mong kalimutan ang pa­ngalan niya.
3 Help a man in trouble. At matatandaan ka niya kapag may trouble na naman siya.
4 Many people are alive… dahil illegal na patayin sila.
5 Alcohol doesn’t solve any problem. Ganu’n din naman ang gatas, di ba?

No comments:

Post a Comment