Friday, November 19, 2010

Ika - 109 Banat



DOT (Department Of Tourism) SLOW-gan

Mula sa dating "WOW Philippines" na slogan ng Depatment of Tourism, ngayon "Pilipinas Kay Ganda" na ang pasisikatin na linya ng DOT.

Seryoso?!!! Department of LOCAL Tourism ba yan? O tatargetin lang natin ang mga Pilipinong nasa ibang bansa para bumisita dito? Hindi ba tinamad lang ang nag-isip ng slogan na yan?

Oo, totoong maganda ang Philippines, at importante na gamitin ang sariling wika, pero kung foreigners ang target para dumayo dito, english parin ang dapat gamitin dahil most used language sa mundo yon. Hindi na kame mag-e-elaborate kung gano kami na-disappoint sa diskarte ng DOT na yan.

Kung kami, suggestion lang... Cool destinations... Hot Spots... Warm Smiles... "Feel The Philippines"

Basta. Palitan nyo yang "Pilipinas Kay Ganda".


Sinabi ng lead actor ng Harry Potter na si Daniel Radcliffe na big fan daw sya ni Manny Pacquiao.


Sa interview ni Danny Buenafe ng ABS-CBN news kay Daniel Radcliffe sinabi nya na...

"I'm a huge fan of Manny Pacquiao, and I can't wait for the day when he destroys Floyd Mayweather on the ring."

Nagbigay pa ng message para kay Manny...

"Hello, Manny Pacquiao! I think you're fantastic and you seem to be an absolute gentleman as well as being an absolute warrior. And I'm pleased to be able to speak to you even if through a camera,"

Astig na nadadagdagan ang international celebrities na nagpapahayag ng paghanga kay Manny Pacquiao. Nakakatuwa ding malaman na kahit mga international-sikat 'e narerecognize at nagagalit sa kaduwagan ni Floyd Mayweather Jr.


Post Scriptum:



May kutob kaming gagamitin na namang palusot ni Mayweather ang bagay na 'to para makaiwas na labanan si Pacquiao. Baka ibintang naman nya ngayon na nananalo si Pacquiao sa laban dahil tinutulungan sya ni Harry Potter. At kung drug test ang hinihingi nya noon, baka magic test naman ang ipagawa nung sira ulong yon kay Manny.



Hindi in favor si Senate President Juan Ponce Enrile na maging peace negotiator si Manny Pacquiao ng Armed Forces of the Philippines para sa Moro Islamic Liberation Front at Communist Party of the Philippines-New People’s Army.



Hindi daw sya tiwala sa kakayanan ni Manny na maging peace negotiator at mas kaya daw nyang magtiwala na kayang maging bodyguard ni Pacquiao.

"I can trust him to gain a good reputation for the country in the field of boxing (but) I cannot entrust the interest of the country to him. Maybe I can entrust myself to him as a bodyguard," -Enrile

May punto naman si Enrile dahil SA NGAYON, totoong kulang ang kaalaman ni Manny Pacquiao sa issues ng Armed Forces of the Philippines at ng mga nakakasagupa nila. Pero walang inatrasan si Pacquiao na challenge at willing matuto ang taong yan. Sa pagdating ng panahon, baka... baka mas maging equipped si Manny maging peace negotiator.

Sa kabilang banda, paulit-ulit namang napatunayan na tuwing may laban si Manny Pacquiao, sobrang bumababa ang crime rate sa Pilipinas. Kung tutuusin, malaking bagay na ang nagawa at patuloy na nagagawa ni Pacquiao kung pambansang kapayapaan ang pag-uusapan.

Baka pwedeng tuwing may kaguluhan, makipagsuntukan na lang si Pacquiao.


Hello Miriam



Nagalit si Miriam Defensor-Santiago nung may nagring na cellphone sa Senate hall nung nakaraan. Hindi alam kung kaninong bastos ang cellphone na nagring pero pinagsabihan ni Miriam ang lahat. Sabi ni Miriam...

"Sheer courtesy dictates that when you are in a hall and important and respected people are speaking, you should not interrupt their line of thought,"

"What the heck is so important (with your phone)? Is it going to change the configuration of the physical, astrophysical universe,"

"This is the last warning, I will cite you for contempt.. and I'll send you to jail today kapag ginawa mo pa yan"

"You're always criticizing your public officials but you yourselves don't know how to behave so that your public officials will respond accordingly."

Konting utak lang naman ang kailangan para maisip na patayin mo muna ang telepono mo o i-silent pag in session ang Senate hall. Parang mga bobo sa sinehan lang yan na walang pakialam sa ibang nanunuod. Pambabastos sa ibang nanunuod, at pambabastos sa pinapanuod. Parang sinehan din kasi ang Senate hall, lalo na pag si Miriam Defensor-Santiago ang nagsasalita. Maaksyon , madrama, may suspense, at comedy.


Ano ang popular, ano ang tama?
SAPOL Ni Jarius Bondoc



NAGLALARO sa dalawang riles ang mga bata --isa doon sa hindi na dinadaanan, ‘yung iba doon sa ginagamit pa. Paparating ang tren; nasa gilid ka ng track interchange. Maililiko mo ang tren patungo sa riles na luma upang mai-ligtas ang karamihan ng mga bata. Ngunit ibig sabihin noon ay isasakripisyo mo ang nag-iisang batang naglalaro doon. O hahayaan mo na lang ang tren na tumuloy nang kusa?

Karamihan ng kumuha ng test na ito ay piniling iliko ang tren at isakripisyo ang nag-iisang bata para sa nakararami. Para sa kanila, ‘yun ang makatuwirang desisyon.

Pero isipin: Bakit ang nag-iisang batang nasa abandonadong riles ang kailangang managot? Di ba’t tama siya na doon sa ligtas na lugar maglaro? Ganunpaman isinakripisyo siya dahil sa maling asal ng hindi nag-iisip na mga kaibigan, na doon naglaro sa mapanganib.

Nangyayari sa atin ang ganitong nakalilitong sitwasyon. Sa opisina o komunidad, sa pulitika, at lalo na sa demokratikong lipunan, madalas isinasakripisyo ang minorya para sa kagustuhan ng mayorya, gaano man kamali o kapulpol ang huli, at katalas o katino ng una.

Isinaisantabi ang batang humiwalay sa mga kalarong nasa gilid ng peligrosong riles. At nang isakripisyo siya, wala ni isang lumuha.

Anang batikang kritikong Leo Velski Julian, na gumawa nitong kuwento, hindi niya ililiko ang tren. Katwiran niya, dapat alam ng mga bata na ginagamit pa ang riles kaya delikadong maglaro roon, at dapat din lumayo sila nang bumusina ang tren. Kung kusang lumiko ang tren sa lumang riles, mabubundol ang nag-iisang bata dahil hindi niya akalaing dadaan pa ito roon. Dagdag ni Julian, kaya hindi na ginagamit ang riles ay dahil malamang sira-sira na, kaya kung da­anan ‘yun ng tren ay maa-ring mapahamak ang mga pasahero. At sa aktong pagligtas ng ilang bata, mas marami pang sakay ang masasakripisyo.

Hindi lahat ng tama ay popular, hindi lahat ng popular ay tama.


Turbo grip...




"Brad, alam kong muka akong kotche sa suot ko, pero wag mo naman akong kambyohin."


Gusto daw ng four-time defensive player of the year na si Ben Wallace maging abogado pagkatapos ng career nya sa NBA.

Aba 'e, sa tangkad na 6'9 at sa maskuladong bigat na 240 pounds,
mukang magiging convincing na abogado 'to.




“That’s my ultimate goal,” Wallace said. “It’s always been one of my dreams. I think I can argue a pretty good case. I think I can convince a couple of people to see things my way." -Ben Wallace



Kung sya ang abogado, at ikaw ang hahatol, nakakatakot nga namang komontra at biglang mabutata sa muka.



"Matuto sa nakaraan. Mangarap para sa kinabukasan. Kumilos sa kasalukuyan."




Bakit mas magaling mag-advice ang walang love life ?



Kasi, hindi nila alam ang feeling ng nasasaktan at sila ang mga taong natuturing mong MATALINO.


Di porket SWEET sya sayo, MAHAL ka na nya
Di porket CONCERNED sya sayo MAHALAGA ka na sa kanya
Di porket may TIME sya para sayo LAGI syang nandyan
Di porket MABAIT sya sayo GUSTO ka na nya
Di porket KAILANGAN ka nya eh IMPORTANTE ka na sa kanya


Bakit ? Sigurado ka bang
SAYO LANG SYA GANYAN ???



Gawain ng isang Tunay Na Astig na Barako !!!!



Ang pag-inom sa oras ng trabaho ay gawain ng isang Tunay Na Astig na Barako !!!



Ganito ang Last Supper ng mga Tunay Na Astig na Barako !!!




Negosyo ng Tunay Na Astig na Barako !!!




Barbero ng mga Tunay Na Astig na Barako !!!



Bombilya ng mga Tunay Na Astig na Barako !!!



Tunay na Astig na Stoner !!!



Sasakyan ng Di Tunay Na Astig na Barako !!!!



Di Tunay Na Astig na Barako Kodak Moment !!!



Pinoy Nga !!!



Let there be ROCK !!!!



Kusa silang haharap sa iyo, pag na solved mo ang computation sa likod nila



Sige, sipsip lang at higop



Kampai !!!



Kapayapaan muna bago laplapan



Oh Guys ano pa hinihintay ninyo, paputukin nyo na



Tang Ina this #$%&@









Pimp my Ride !!!







Epal. Mas Epal.
Epal: 'O kamusta, may nag-iinuman ba sa may kanto nyo?. Pag naghahanap ng pulutan yung mga kakilala mo sabihin mo dito na saken bumili ha.
Mas Epal: Naglagay ka pala ng pwesto dito sa labas ng bahay nyo. Ok na sideline yan 'a.
Epal: Oo, para pag walang pasok may income parin.
Mas Epal: Sige ako ang magiging publicist mo. Ipagkakalat ko na nagbebeta ka dito.
Epal: Ayos... 'O ano bibili ka ba?
Mas Epal: Oo, tamang-tama naghahanap ako ng mamemeryenda 'e. Ano ba yang mga yan?
Epal: Balot, penoy, tapos may chicharon din.
Mas Epal: Sige-sige, magkano balot?
Epal: Kinse.
Mas Epal: Fifteen pesos??? Yung penoy na lang, magkano?
Epal: Dose lang yan.
Mas Epal: Mahal naman! Yang chicharon mas mura yan diba? Chicharong hangin lang yan 'e.
Epal: Oo mas mura yan.
Mas Epal: Magkano?
Epal: Sampu.
Mas Epal: Sampung piso???
Epal: Sige, eight pesos na lang para sayo.
Mas Epal: Mahal parin!
Epal: Binigyan na nga kita ng tawad. Wala nang tubo yun gago!
Mas Epal: 'E wala, kulang pera ko 'e.
Epal: Magkano ba pera mo?
Mas Epal: 1.25, ano bang pwede mong ibigay saken para sa 1 peso and 25 cents?
Epal: Ahh, karate chop sa muka.... Kahit libre pa kung gusto mo.

No comments:

Post a Comment