Tuesday, November 16, 2010
Ika - 107 Banat
Fly like an ipis, sting like a lamok
Grand proof of faith on his 8th
Masigabong apir para kay Manny Pacquiao sa pang-walong division title nya!
Gano kaganda na sa laban kung saan nagmukang maliit si Pacquiao dun sya nakapagpakita ng isa sa mga pinaka dominanteng performance nya sa ring? Hindi na namen ico-compare ang laban nila kay David and Goliath dahil laspag na ang linyang yan, sa tingin namin magandang ihambing sa lion at hybrid na lamok-ipis ang nangyaring labang Pacquiao kontra Margarito. Lion si Margarito dahil bukod sa kamuka sya ng lion, mabangis at malakas ang Meksikanong yan. At hybrid lamok-ipis si Pacquiao para kay Margarito dahil malikot, mahirap hulihin, tinatamaan pero parang ipis na matindi ang buhay at mahirap diktahin ang direksyon ng lipad. Naging moving target si Manny para kay Margarito, moving target na bumobomba ng mga kombinasyon ng sapak. Sa puntong 'to binura ni Pacquiao ang duda sa mga detractors nya na kaya nyang pagperform sa highest level kahit madami syang activities (artista, politiko, singer, etc.) na sya ang mas angat kay Mayweather, at karapat-dapat syang i-consider na isa sa top 3 (kung hindi pinaka) magaling na boksingero sa history ng boxing.
Kailangan i-acknowledge din natin ang ginawa ni Antonio Margarito sa laban. Hindi sya naging tuod, mas naging matapang sya kay Cotto dahil nakipagsabayan sya kay Manny. Walang duda naman na mas naging matapang sya kay Clottey. Sabihin na nating nagkalamat ang pangalan ni Margarito dahil sa "plaster issue" nya nung nakaraan, pero para sa mga boxing fans, tapos na yon. Para sa mga Pilipino, mas madali pa sa atin na kalimutan ang issue na yan dahil si Margarito ang tinalo ni Manny para sa (malamang hindi na magagawa ulit) historic, epic, at astig na pang-walong division title nya.
Bago natin tapusin 'to, hindi pwedeng hindi mabanggit ang magandang trabaho na ginawa ng team Pacquiao, lalo na syempre ni Freddie Roach.
Napaghandaan talaga nila ang laban na 'to. Magaling ang diskarte, sakto para sa fighting style ni Margarito. Ang galing nyo team Pacquiao, mag-group hug kayo.
Ulit, salamat sa binigay ni Pacquiao na sobrang lupit na pangyabang ng mga Pilipino SA BUONG MUNDO.
May mga nagsasabing si Manny Pacquiao daw ang Michael Jordan ng boxing. Mali. Si Michael Jordan ang Manny Pacquiao ng basketball.
Nitong nakaraang bisita ni Bill Clinton sa Pilipinas, nabastos si Binay ng aide ni Clinton.
Sinigawan daw sya nung bebot na aide ni Clinton at pinapalabas sa VIP area. Hindi naman pumalag si Binay at naiclear sya ng US secret service ng maayos. Sabi lang ni binay na hindi naman daw dapat pang sumigaw. Nung nagpakilala si Binay na Vice President sya ng Pilipinas humingi daw ng sorry yung bobong aide.
'E tarantado pala yung babaeng yun 'e. Nung hindi nya alam na Vice si Binay sinigawan nya. So normal sakanya manigaw? Nasa Pilipinas ka bitch. Umayos ka.
Racist ata yang aide ni Clinton. Gago pala sya muka lang namang negro si Binay.
Hindi ba nya alam na yan ang kulay ng totoong lalake? "Totoong" ha, hindi "tutong".
Saludo kami kay Binay sa paraan kung pano nya hinandle ang situation. Very honorable.
Sabi ni Pope Benedict XVI, nalalayo daw sa realty ang mga tao dahil sa mga bagong technologies na nadedevelop. Ngayong dumadami daw ang gumagamit ng makabagong teknolohiya, dapat daw mag-alala ang mga tao dahil nagiging malabo ang linyang naghihiwalay sa riyalidad at ilusyon.
So masama maniwala na sa tulong ng technology kaya nating magawa ang mga inakala nating imposible? Pero ok lang maniwala na nakipag-usap si Moses sa halaman dahil nirepresent ng halaman si God? Wow, galeng.
Hindi kami kontra sa kahit anong religion. Anti-makitid na utak lang kami.
Ano ang pinaka badtrip na pangbara sa joke? Ang hindi ka payagan makasakay sa eroplano.
May kawawang OFW na hindi pinayagan makasampa sa flight nya sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa paghirit na "Wala naman pong bomba." habang dumadaan sa X-ray ang bag nya.
Sa panahon ngayon naniniguro lang ang mga airlines at may protocol silang sinusunod. Bawal banggitin ang salitang "Bomba" o "Bomb" sa loob ng airport o eroplano. Badtrip lang dahil mahina ang effort na gawing "public knowledge" ang bagay na yan.
Sa pagkakataon na 'to isang babaeng OFW at kanyang anak ang nabiktima ng kakulangan sa pagpapaalam ng information sa madla. Kung alam lang nung OFW na yon na ang simpleng pagbanggit ng salitang "Bomba" ay magiging perwisyo hindi naman nya gagawin yon. Parang nangyari kay Jay Manalo na nadelay din ang flight dahil sa joke nya na may bomba daw sya (Nagpalusot pa na bomba diyaryo o magazine ata daw ang sinabi nya.) Kung maayos na ini-inform ng mga airlines ang lahat na bawal sabihin ang salitang "Bomb" sa loob ng airport, pati si Gaylord Focker hindi naperwisyo.
PRO-procrastination
Yung procrastination, eto yung pagpapaliban sa pag-gawa ng mga bagay-bagay. Kung madalas kang nagdedesisyon na "sa susunod" mo na lang gagawin ang mga gawain kahit hindi ka naman busy procrastinator ka. Kung susumahin, masama ang kaugalian na ganyan, dahil nagdedevelop sayo ang pagkawala ng sense of personal productivity.
Totoo na kung gagawin mo agad ang mga bagay-bagay, magkakaron ka ng opportunity na gumawa ng ibang bagay. Pero may mga bagay na mas mabuting i-procrastinate.
Mahirap maging creative kung wala ka sa mood. Ang pagsusulat ng tula, pagcompose ng kanta, pagpe-painting, mga bagay yan na pag pinilit mong gawin kahit wala kang gana, panget ang kinalalabasan. Sa mga ganyang bagay, hindi parin nagiging positive ang procrastination, pero may karapatan kang ipagpaliban ang pag-gawa ng mga yan kung gusto mong maganda ang produkto. Kailangan lang magkaron ka ng gana para dumaloy ang artistic juices mo, kaya swerte ka kung alam mo ang mga kailangan mong gawin bilang artist para malagay ang sarili mo sa creative mood. Kaya kung artist ka at wala kang gana makipagsex, wag kang mambubuntis kung ayaw mong maka-create ng panget na anak.
Anong Section mo ???
Sabi ng PANGIT na inaapi, “What is beauty if your brain is empty?”
Umepal si MAGANDA, “What is knowledge if your face is damaged?”
Car Orgy !
Huwag kang mag-alala sa dyowa mo na hindi nagte-text.
Natural lang ‘yan sa nagloloko
Ang TRUE LOVE ay pareho sa konsepto ng MULTO.
Maraming naniniwala pero konti pa lang ang nakakita
Isa sa mga taong may simpleng hiling
"Sana baliktaran ang mga microphone."
Year 2099: Philippines
Greenwich billboard nung 2008-2009. Isa sa mga pinaka maangas na LOCAL billboard...
Eto ang mga klase ng advertising na pinaparangalan. Mukang ginamitan talaga ng utak.
Hoy Greenwich, pa-pizza ka naman.
Use Your Illussion !!!
Overloading hmmm @#$%
Samahan walang Iwanan !!!!
Natutulog din ang Tunay Na Astig na Barako !!!!
basta sa maka-barakong paraan
Love Letter ng Tunay Na Astig na Barako !!!!
Gawain ng isang Tunay Na Astig na Barako !!!!
Mga mata ni Manoy !!!
Kendi ng Tunay Na Astig na Barako !!!!
Side dish ng Tunay Na Astig na Barako !!!!
Tower ng Tunay Na Astig na Barako !!!!
Inumin ng Tunay Na Astig na Barako !!!!
Inumin ng Di Tunay Na Astig na Barako !!!!
Frying pan ng Di Tunay Na Astig na Barako !!!!
Coffee table ng Di Tunay Na Astig na Barako !!!!
Pagkain ng Di Tunay Na Astig na Barako !!!!
Bilihan ng Tunay na Astig na Stoner !!!
Tang Ina this @#$%^&
"Reward"
Isang araw, may matandang multi-milyonaryo na nabobored. Nag-isip sya kung ano ang pwede nyang gawin. Sa dami ng pera nya, halos lahat nagawa na nya. Lahat din ng pwedeng paglibangan, nagawa na nya. Habang nanunuod sya ng Animal Planet, nagkataon na tungkol sa mga pating ang pinapalabas sa TV. Nakaisip ngayon ng trip ang matandang multi-milyonaryo at tinawag ang alalay nya.
Matandang multi-milyonaryo: Berting! Barting!!!
Berting: Baket po sir?
Matandang multi-milyonaryo: Linisin mo yung swimming pool. Tapos humanap ka kung saan pwede makabili ng pating.
Berting: Pating sir? As in shark?
Matandang multi-milyonaryo: Oo. At maghanap ka ng limang tao na malakas ang loob. Yung matapang talaga ha. Bukas ng umaga gusto ko nasa swimming pool na ang mga pating, mga tatlong pating. Dapat nandito na din yung limang tao na pinapahanap ko sayo. Tandaan mo, gusto ko yung matatapang na tao.
Hindi na nagtanong si Berting kung ano ang plano ng amo nya dahil alam naman nya na matrip talaga ang madanda. Kinabukasan, pagkagising ng matandang multi-milyonaryo handa na lahat ng inutos nya kay Berting.
Berting: Good morning sir. Ready na yung inutos nyo. Sila ho yung limang tao na pinahanap nyo sakin.
Matandang multi-milyonaryo: Good morning Berting. San mo ba nakuha 'tong mga 'to?
Berting: Eto hong isa, lion tamer 'to. Eto naman, sa bomb squad nagtatrabaho. MMA fighter ho itong isa. Tapos ito naman matador 'to. Itong isang 'to kilalang siga sa buong Batangas.
Matandang multi-milyonaryo: Muka nga silang patatapang. Sige simulan na natin 'to. Punta tayo sa may swimming pool area.
Pagdating nila sa pool area...
Matandang multi-milyonaryo: Nakikita nyong may tatlong pating sa pool. Kung sino man ang maglakas loob na languyin ang buong haba ng pool at makaabot sa kabilang dulo. Bibigyan ko ng reward. Isang milyong piso! Sige simulan nyo na.
Nagtinginan lang ang lima. Halatang walang may gustong pumatol sa hamon ng matanda.
Matandang multi-milyonaryo: Sige, gagawin kong three million pesos ang reward! Game!
Napakamot lang ng ulo ang iba, halatang pinag-iisipan kung papayag. Pero pag tinitingnan nila ang pool na may tatlong malalaking pating, nangingibabaw ang takot sa kanilang lahat.
Matandang multi-milyonaryo: Huling tawad ko na 'to ha. Bahala na kayo. Walong milyon para sa makakagawa ng hamon ko!
Wala paring gumusto. Nafu-frustrate na ang matanda.
Matandang multi-milyonaryo: 'O eto... kung sino man ang lalangoy papunta sa kabilang dulo ng pool na may pating... Ibibigay ko kahit anong gusto nya! Kahit ano!
Biglang may narinig na lagapak sa tubig. May lumalangoy sa pool! Natuwa ang matandang milyonaryo. Naexcite sya habang pinapanuod sa pag-iwas sa pating yung lumalangoy sa pool. Mabilis ang kampay sa tubing, halos nagwawala yung mga paa at braso para mas mabilis makaabante papunta sa kabilang dulo ng pool. Nacurious yung matanda kung sino sa lima ang tumalon sa tubig. Tiningnan nya ang mga katabi. Kumpleto sila! Nandun silang lahat sa tabi ng matanda.
Matandang multi-milyonaryo: Sino yon???
Tiningnan mabuti ng matanda yung lumalangoy...
Matandang multi-milyonaryo: Si Berting???.... Berting! Hahahaha! Astig ka!
Nagcheer ngayon ang matanda para sa alalay nito. Muntik pang makagat si Berting ng pating pero nasipa nya sa nguso yung pating. After ilang seconds pa, umabot na sa kabilang dulo ng pool si Berting! Hingal na hingal.
Berting: Haaa... haaa.. Put*ng inang yan! Haaaay!
Matandang multi-milyonaryo: Ang galing mo Berting! Anong gusto mong reward? Kahit ano! Sabihin mo lang kung anong gusto mo!
Berting: Gusto kong ipapatay kung sino man yung tumulak saken sa pool! Put*ng ina talaga!
SABI na nga ba, matatalo si MARGARITO! Sa pangalan pa lang, malalaman mo na.
MAGA ang mukha! Maga rito! Maga roon!
“Hindi lahat ng margarine, malambot. Tulad ng mukha ko, matigas nga, ginawa namang palaman sa kamao ni Pacman!” – MARGARITO
Tijuana Tornado, hindi gumana sa pakyawang rapido ni Manny!
Akalain mo, pati tornado, napatahimik ni Manny?!
It’s a miracle, Father!
Merry Xmas in advance sa inyong lahat!
Napatunayan na naman ni Manny ang kasabihang, “It’s better to give than to receive.” [
Yehey! Congrats, Manny Pacquiao!
Maga-rito, Maga-roon… mukha ni Anton, parang tinamaan ng kanyon!
MARGARITO: Ay! Ay! Ay! Ya! Ya! Ha! Ha!
MAGAROON: Ma-Ma-Manny Pek Pek Pekyaw! Ha! Ha! Ha!
PACMAN: Hey! Don’t you insulting my kowt or I’m gonna fight both of you! Now you know!
Sabi ni Manny, ang sport na boxing ay mahirap lalo na sa training at pag-akyat mo sa ring ay bubugbugin ka pa.Ay! Teka! Siya pala ang mambubugbog!
BATA: Pabili po ng lugaw!
TINDERA: May laman o wala?
BATA: Syempre po, meron. Pwede po bang kainin ‘yung mangkok?
JUAN: Kumusta ‘yung advertisement mong WANTED: WIFE? Marami bang nag-reply?
MARIO: Oo! Galing sa mga lalaking ipinamimigay ang asawa nila!
Nag-enrol ako sa Heartbreak University… kung saan bawal ma-in love, bawal magbago, bawal magseryoso, bawal maging stick to one, bawal magpakatotoo sa mahal mo.
Kaya eto… na-kick out ako!
Kasi, ginawa ko ba naman lahat ng bawal para lang sa mahal ko.
JOJO: Anong GAS ang masakit sa katawan?
MIKE: Ano?
JOJO: Gastos!
MIKE: Ano namang ART ang masakit sa katawan?
JOJO: Ano?
MIKE: Arthritis!
Love Story ng PLANTS vs ZOMBIES
ZOMBIE: Why do you keep on striking me with your peas that will eventually shoot me to death when I only wanted to be near you?
PEASHOOTER: Because you’re only interested with my brain… how about my heart?
Nilalaro ng batang lalaki ang kanyang ari habang siya’y nasa bath tub.
Pumasok ang kanyang daddy at nahuli siya.
Babala ni daddy, “Anak, pag hindi mo itinigil ‘yan, mabubulag ka!”
Sagot ng batang lalaki, “Daddy, wala ako d’yan! Andito ako!”
Mga bagay na ikakainis mo…
MINOR SUBJECT na feeling major.
IPIS na ayaw mamatay-matay.
BATTERY low.
MAGSYOTANG naglalandian sa harap mo.
TAGGED PHOTOS na wala kang pakialam.
REFRIGERATOR na tubig lang ang laman.
PINSAN na sumbungero/a.
LOAD na mahirap i-unli.
CLASSMATE mong sipsip.
PASAHERO na ayaw iabot ang bayad mo sa jeep.
At CHAIN MESSAGE na walang paki kung mamatay ka pag hindi mo na-send sa 25 na tao.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment