Wednesday, November 17, 2010

Ika - 108 Banat

MNK (Malala Na Kuya)

Dear Kuya Chico,

Itago mo na lang ako sa pangalang Christopher. Pero pwede mo din akong itago sa pangalang Christoph, for short. Kung gusto mo, kahit itago mo ako sa pangalang Chris, ok lang. May kakaibang sakit ako. Masayahin akong tao pag Mondays, Wednesdays, and Fridays, pero sa ibang araw sobrang depressed ko. Wala namang dahilan para ikalungkot ko, basta sobrang lungkot ko lang tuwing Tuesday, Thursday, Saturday, at Sunday. Sinubukan kong uminom ng sleeping pills tuwing malungkot na araw ko para itulog ko na lang ang depression, kaso ang lungkot naman ng mga panaginip ko.

Mas maraming araw na malungkot ako kaya natutunan ko nang mag-adjust sa mga sitwasyon na ganon. Bumabawi na lang ako tuwing mga araw ng kasiyahan ko. Natutunan ko ding wag manuod ng comedy sa sine tuwing mga araw ng kalungkutan ko dahil sayang ang bayad. Dahil mas wala akong gana gumawa ng mga bagay-bagay pag malungkot ako, nililista ko na lang ang mga kailangan kong gawin, at ginagawa ko na lang sila pag masaya ako. Tulad ngayon, kaya ako nakasulat sayo dahil masaya ako. Habang tumatagal, natututunan kong tanggapin ang malabong kalagayan ko. Pero sobrang naapektohan ako nung simulan kong ligawan si Patrice.




Si Patrice ay kapitbahay namin. Nakay Patrice na lahat ng hinahanap ko sa isang babae. Maganda sya, mabait, masipag, hindi tulo laway pag natutulog, matalino, understanding, at higit sa lahat, masayahin. Natuwa ako nung pumayag syang magpaligaw. At nung sinagot niya ako, ang saya ko siguro dapat nun, kaso Sunday yun. Sinabi ko agad kay Patrice ang kalagayan ko at naunawaan naman nya. Ang problema ko ngayon kuya Chico, mas gusto ni Patrice pag malungkot ako. Tuwing masaya ako, naiirita sya sa akin. Pag malungkot naman ako mas malambing sya at mas natutuwa. May pagka-sadista ata yung babaeng yon. Hindi tuloy kami magkasabay na masaya.

Natatakot ako na baka maging dahilan yon ng paghihiwalay namin. Sinubukan ko na ngang magpanggap na malungkot ako palagi, at nagpractice akong sumimangot. Nanuod ako ng Going Bulilit dahil magandang pangpractice ng kalungkutan ang mga jokes nila. Naging ok naman ang plano ko dahil tuwing nagpapanggap lang akong malungkot, in reality, pareho kaming masaya ni Patrice. Sa ngayon tinutuloy ko lang ang pagpapanggap at pinipigil ko kapag natatawa ako, para kahit Mondays, Wednesdays, and Fridays lang, masaya kami pareho. Pero gusto ko paring malaman Kuya Chico, may gamot ba sa ganitong sakit? Kung wala, anong gagawin ko sa sitwasyon namin ni Patrice? Sana ay mabigyan mo ako ng sagot agad, dahil nagyayaya si Patrice manuod ng Justin Bieber concert sa DVD, at hindi ko alam kung kakayanin kong pigilin tumawa.

Lubos na gumagalang,
Christopher, o kaya Christoph for short, pero pwedeng Chris lang



On Antonio Margarito, Roach had this to say:

"I pity Margarito for he is coming direct into a trap. He’ll be walking into a storm that will destroy him "




Pacquiao ‘di puwedeng peace negotiator
abante-tonite.com
issue nov1810
Dindo Matining




Tutol si Senate President Juan Ponce Enrile na maging bahagi ng negotiating peace panel ng gobyerno si Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Bagama’t maaaring maging tulay si Pacquiao para makipag-usap sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), sinabi ni Enrile na hindi umano pwedeng maging miyembro ng government peace panel dahil hindi naman nito alam ang puno’t dulo ng naturang isyu.

“Mahirap ‘yun eh. The people who must be in the panel are people who are technically qualified to evaluate the total area of this national concern, consti law, security, and so forth and so on,” ani Enrile.

Pwede umanong ma­ging adviser si Pacquiao subalit hindi naman ito kwalipikado para maging miyembro ng government peace panel.

“That’s going to be a little difficult. You are putting a responsibility on the guy who has no sufficient immersion and knowledge about the problem as far as the country is concerned,” giit pa ni Enrile.

Sinabi pa ni Enrile, maaari niyang ipagkatiwala ang kanyang kaligtasan kay Pacquiao at gawin itong bodyguard subalit hindi niya ipagkakatiwala ang interes ng bansa sa kanya.

“I cannot entrust the interest of the country to him. Maybe I can entrust myself to him as a bodyguard,” sambit pa ni Enrile.

Para naman kay Senador Juan Miguel Zubiri, kailangan umano ni Pacquiao ng matinding pag-aaral para maging isang epektibong peace negotiator.

“Alam mo hindi madali ang maging negotiator ng peace panel. Very, very difficult. Kailangan ng ma­tinding pag-aaral ‘yan. But he’s very much welcome to be part of it,” giit naman ni Zubiri.


SEPARATED@BIRTH?

VENUS RAJ & LANI MISALUCHA



Parehong pride of the Philippines sina LANI MISALUCHA at VENUS RAJ. Hopefully, makamit ni Venus ang koronang magtatanghal sa kanya bilang MISS UNIVERSE 2010 sa Las Vegas. Which incidentally ay ang mismong lungsod-aliwan kung saan todo-todong umani ng tagumpay bilang singer si Lani. Hawig sila sa ilang anggulo at hugis ng mukha, although medyo may mga rinetoke kay Lani, masasabi nating iisa lang ang template nila. Meron rin kayang Indian blood si Lani? Baka, parang.




PIA GUANIO & STEPH HENARES



Parang batang Pia si Steph. Si Steph Henares ay isang sumisibol na vj at host ng XLife sa Qtv; samantalang sikat na sikat na si Pia Guanio hindi lamang bilang host kundi dating girlfriend ni Vic Sotto. Syempre, superfresh looking ang younger version ni Pia; pareho ang hugis ng fez nila at deep-seated eyes. Actually, bata pa rin naman si Pia pero dahil nga naging syota siya ng isang matandang lalake, natural na ma-absorb niya ang ‘mature’ outlook nito; seguro naman this time ay muling manumbalik ang freshness ni Pia!



INA FELEO & ALYSSA ALANO



Pareho silang refreshing, although mas exposed si Alyssa Alano dahil sa kanyang lingguhang exposure sa STARTALK, pero itinuturing namang the next DRAMATIC ACTRESS si Ina Feleo. Si Ina ay isang showbiz ‘royalty’ dahil sikat at mga batikang artista/direktor ang kanyang mga magulang na sina Johnny Delgado at Laurice Guillen. Si Alyssa ay half-Australian naman. Marahil masyadong hawig ang kanilang mga mata kung kaya masasabi mong halos magkamukha sila. Pati sa buhok at pag nakatalikod sila hindi mo agad matutukoy kung sino ay sino. Sweet ang dating nila at malamang sa malao’t madali magsasama sila sa isang frame ay lalo nating mapansin ang kanilang kakatuwang pagkakahawig!



IRENE MARCOS-ARANETA & BALLSY AQUINO-CRUZ



Hindi man sila mga artista, nakasampay ang kanilang mga mukha at pangalan sa ngala-ngala ng mga Pinoy. Kapwa nagmula sa dalawang pinakamatinding angkan sa pulitika. Hindi ko lang maiwasang mapansin ang labis nilang pagkakahawig , kumbaga ay ‘uncanny’ ang likeness nina IRENE MARCOS-ARANETA at MARIA ELENA ‘ BALLSY’ AQUINO-CRUZ. Although masasabing mas maganda si Irene, mas charming naman si Ballsy; na ngayon ay lantad na lantad na sa publiko dahil nasa poder muli ang kanilang apelyido.



ANTOINETTE TAUS & MARIAN RIVERA



Ngeh? Habang nagba-browse ang virginal beauty ko sa mga lumang magazine at nasulyapan ang isang larawang medyo kupas na bigla kong naisip na ang tindi pala ng hawig ng dalawang babaeng may kaugnayan kay Dingdong Dantes! Si ANTOINETTE TAUS , ang sinasabing childhood sweetheart ni Dong at si MARIAN RIVERA ay kapwa pareho ang hugis ng fez at lalo’t higit na identical ang silhoutte nila. Mas chinita nga lang ng two days si Toni, pero kung tutuusin, maari mong isiping iisa ang hulmahan nila. Kaya naman pala na-attract agad si Dong kay Yan-yan dahil malamang ay nakita niya ang dating syota sa kanya.



GELLI DE BELEN & IWA MOTO



Actually (tama bang start ng sentence ang ‘actually’? hihihi) , halos kambal ang timbre ng boses ng dalawang itech. Pati tipo ng pananalita na yon bang parang ‘no-nonesense’ kung makabanat at laging bottomline ang tinutumbok. But then, kung pagmamasdan ang kanilang features, mapapansing si IWA MOTO ang chinitang GELLI DE BELEN! Ang katarayan facial lines nila ay tunay namang almost identical (labi, hugis ng mukha, ilong at kilay). Pati kaseksihan ni Iwa namana niya kay Gelli! Perfect formula for fame si Iwa dahil kahit hindi man matukoy ng fans kung sino ang kamukha niya, feeling nila sanay na sila sa itsura nito.



JIRO MANIO & EDGAR ALLAN DE GUZMAN



Pangkiliti lang after the election fever… dalawang kyutipayeyeng kalalakihan na sumikat sa kalangit-langitang palara nating mga gulibol na lahi! Si JIRO MANIO, dating child star at kasalukuyang di mahagilap matapos na chugihin sa isang teleserye sa dos dahil raw sa unprofessionalism, na ngayon raw ay superpahads na sa mababang halaga kasi naman raw eh jutayfri ang kanotahan. Si EDGAR ALLAN DE GUZMAN naman naging MR. POGI sa EATBULAGA, at malimit na lang na pansahog sa mga panoorin sa syete at singko ngayon. Hawig sila ng CHARM. Chinito pareho at ang sarap i-baby… pareho ring simpatiko ang ngiti at hindi rin malayong mapagkamalang magkapatid o kambal?




ANG TELEVISION… NOON



1958 siya ipinanganak at ang natatandaan niya noong magka-isip siya ay apat lamang sa mga kilala niyang bata ang may television (TV) sa buong kapaligiran.

First ay sina Ate Baby na kapatid ni Rita. May TV sila pero lagi namang sarado ang pinto nila kaya bihirang makasilip si GTM sa TV nila. Parang Sta. Zita and Mary Rose yata ang lagi nilang pinapanood sa gabi. Drama yun.
Second ay doon sa kabila ng kalsada. Mayroon ring may TV doon. Kaya lang ay mahigpit ang mommy at daddy ng mga bata kaya hindi nakakanood doon si GTM pag nandoon ang parents ng mga bata.

May isa pa sa compound na may TV pero hindi na rin matandaan ni GTM ang pangalan nila. Sila ang third.
At si Mark na anak ni Mister Norona na isang dentista. Sila ang fourth.

Sa aming pagkakatanda, ang apat na ito na may TV ay parang mayroon ring telephone (PLDT—yan pa lang naman noon ang telepono). Status symbol po noong araw ang may TV at may telepono. Pag mayroon ka ng dalawang iyan, malamang sa malamang, mayroong kaya ang family mo. Kadalasan ay sinusundo at hatid ng school bus ang mga batang nag-aaral sa mga families na may TV at telepono noon.

Taong 1965 siguro iyon or earlier, ng lumipat sila GTM sa isang compound na maluwang sa may bandang 15th Avenue Murphy, Quezon City . Norona compound yata iyon. Isang dentista si Doctor Norona at ayon sa aming pagkakatanda, siya ay mayroong dugong Kastila.

Matangkad siya, maputi. At pag mayroong tinatanong (kinakausap) na tao, siya ay nakapamewang sabay salita ng katagang…”Por que?”

Dalawang lalaki ang anak niya, at hindi na namin matandaan ang pangalan ng panganay, pero sure kami na Mark ang pangalan ng pangalawa dahil siya ang kalaro ni GTM.

Addict sa TV si GTM. Monday to Friday ay inaabangan niya ang pag dating ni Mark from school para manood sila ng TV sa taas. At sa Sabado at Linggo naman, kung walang lakad ang family nina Mark ay sinusuwerte si GTM sa maghapong panonood ng TV kila Mark.

During those times, ang palabas ay Popeye with sweetheart Olive Oyl, si kontrabidang Brutus and a can of Spinach. Iyan ang pinakasikat na palabas na natatandaan ni GTM. Kung minsan ay mayroon ring iba na tulad ng Betty Boop, Heckle and Jeckle (dalawang ibon na kulay itim…magpies daw) at iba pa.

Pagkatapos ng cartoons ay sisingit naman ang Flash Gordon. Isa itong series kaya talagang Monday to Friday ay gumagawa ng paraan si GTM para mapanood niya ito. Pag wala si Mark, pipilitin niyang humanap ng bukas na TV sa paligid at titignan kung Flash Gordon ang palabas.

After that, ito naman ay susundan ng mga super heroes na cartoons. Captain America, Mighty Thor, Submariner, Iron Man at iba pa. At pagkatapos noon, uuwi na si GTM sa bahay. Balita na yata o drama ang kasunod. At saka gabi na rin yun.

Pero somewhere sa taong 1963, gabi noon, halos lahat ng TV ay bukas. Balita ang pinanonood ng mga tao. Namatay o binaril daw ang presidente ng Amerika. Ngayon ay alam na natin na siya ay si John F. Kennedy. Big news nga naman.

Ang isang kaibigan naming bata na si Jess na nagtitinda ng dyaryo ay kasing taas daw niya ang tumpok ng dyaryong naibenta niya sa mag-hapon. Halos tumulo ang kanyang laway habang nagkukwento.

Taong 1968 ng lumipat sila GTM sa likuran ng Camp Crame, San Juan. Mas lalong mahirap dito sa lugar na ito ang TV. Grade five na noon si GTM. Sa buong Barrio ay ta-tatlo lang yata ang may TV na pwedeng manood ang may gusto. Doon kina Baclig, kina Rapista, at sa pinsan nilang sina Dalingay. Ok na sana dahil pinsan, kaya lang, medyo malayo naman sila sa bahay nila GTM.

Grabe sa gabi. Punong-puno ang mga bahay na nagpapapasok ng tao para manood ng TV. Isang tambak ang tsinelas sa labas. Halos isang sako. Kaya feel na siguro ninyo ang sari-saring smell ng tao. At pag oras na ng uwian, naku po, kanya-kanya ng hanapan ng tsinelas.

Then one day, may narinig na balita si GTM. Bibili daw ng TV ang tatay niyang si Pablo dahil sa nalalapit na pag landing ng Apollo 11 sa buwan. 1969 yun. Tuwang-tuwa naman ang addict sa TV na si GTM.

Noong araw, pag gusto mong magkaroon ng TV, o-order ka muna. At pagkatapos, after sometime (siguro two weeks?) ay mag de-deliver sila ng trial unit sa inyong bahay. Hindi pa iyon ang inorder mo. Aantayin mo pa iyon. In the meantime, manood ka muna sa isang trial unit na TV. At saka iba pa ang korte ng mga TV noon, parang cabinet na parihaba. Kasya ang isang tao sa loob kung aalisin ang TV.

Sa sobrang tagal ng pagdating ng TV nila GTM, mukhang nakalanding na yata sa moon sila Neil Armstrong bago napalitan ang trial unit na TV ng tunay na unit para sa kanila.
Ganyan ang TV noon.


BOLD STAR OF THE 80s


SARSI EMMANUELLE


“Sarsi Emmanuelle worked as a go-go dancer in several beerhouses around the city before she became a movie star. During those hungry years, she was paid P3,000 a month or an average of P100 a day. Now her asking price per movie, in less than a month’s work, is P300, 000.” This item appeared in a column in 1985, the year Sarsi was on the top of her career and a hot property in the industry.

Part of the so-called ‘softdrink beauties’ (the two others- Pepsi Paloma and Coca Nicolas), Sarsi reached its peak in 1984 and 1985 when she did ECP’s (Experimental Cinema of the Philippines) Boatman and Peque Gallaga’s Virgin Forest. Though she achieved that popularity by baring her body before the camera, Sarsi proved to all that she could also act. She was nominated in 1984 in the Gawad URIAN for Best Actress in the movie Boatman and was a standout in Mario O’ Hara’s Bed Sins (1985), Lino Brocka’s White Slavery (1985) and Elwood Perez’s Silip (1986).

Jacklyn Jose


The young Jacklyn Jose was tapped by Director Lino Brocka for the role of Lynette, one of the three barrio lass recruited for jobs in the city. But instead of landing a good job, the three were forced into prostitution. The movie, White Slavery (1985), earned Jose an Urian Best Actress nomination. In 1986, Jose turned in another incredible performance as a young lass working as a “torera” in live shows. The movie, Private Show earned her another URIAN nomination, but it was in the movie Takaw Tukso, also released that year, that won for her the URIAN Best Actress Award. Takaw Tukso also went on to win five other awards including Best Picture and Director.

A good start for the young actress who started her movie career with a big break in 1984 in the movie Chikas. As everyone knows she matured into a fine and respected dramatic actress.


BARBARA MILANO : ANG TOTOONG LOVE, LOVE, LOVE, NI PNOY!



BUONG PAGMAMALAKING SINABI ng aming source na mas “pinagpala” pala si Barbara Milano kesa kay Shalani Soledad, dahil ang dating sexy actress ay niyayang pakasalan ni Noynoy Aquino.
“Totoo! Niyaya talaga si Barbara, pero tutol ang family noon ni Noy kaya hindi na rin natuloy ‘yung relationship nila,” pahayag iyon ng aming source.

Samantala, malaki ang pagkakahawig nina Barbara at Shalani. Pareho silang may maamong mukha. “Actually, since nang maghiwalay sina Noynoy at Barbara, never na nag-boyfriend uli si Anabelle (palayaw ni Barbara sa mga taga-Talavera Nueva Ecija),” sey pa ng aming source.

Mula nang maghiwalay nga raw ng landas sina Noynoy at Barbara, hindi pa muling nagsalubong ang kanilang landas. Paano kaya kung magkita ang dalawa at mapagtanto nilang mahal pa rin nila ang isa’t isa?


JOLLIBEE APPEARS ON “GLEE”!



In a move that has left the global online Pinoy community quite amused –and the rest of the world quite bewildered– the popular US television show Glee featured a background cameo of what may well be one of the most recognized icons of pinoy pop culture: a Jollibee fastfood restaurant.


Crispy outside, but Chewy inside

Mas mabuti nang ma­libog kesa naman malibag!










Wiper ng Tunay Na Astig na Barako !!!





Ang Tunay na Astig na Barako ay malabong kausap !!!




Pangarap ng Tunay Na Astig na Barako: Bumaha ng beer



Gawain ng isang Tunay Na Astig na Barako !!!



Mga mata ni Manoy !!!





“Hindi tayo tao, hindi rin hayop… bagay tayo!”
LUMA na, di ba? Ito ang bago…



“Bagay na sana kami… kaso, hayop siya!”

Pag natalisod ka… pag nadapa ka… pag nahulog ka… pag natumba ka… at nakita mo silang pinagtatawanan ka…....Nasa likod mo lang ako!


Halos mamatay na rin sa katatawa sa ‘yo!


"Ang magaling na tao, kapag nadapa, tinatandaan kung ano ang pumatid sa kanya at iiwas mapatid ulit ng bagay na yon. Ang mas magaling na tao, aalisin ang pumatid sa kanya para wala nang mapatid na iba."




Sana, naging SIBU­YAS na lang ang puso ko… para kahit sugatan at durugin ito ng ibang tao… sa huli, sila pa rin ang iiyak nang husto



OO nga naman hmmm



Bakit ba ang syota, kung bago pa lang, pag minasda’y KAHALI-HALINA?
Subali’t kung luma na’y hindi na kailangang titigan… samyuhin lang, tila ang PANGHI-PANGHI na!!!




10 PAINFUL THINGS



1 Bringing back the feeling you’ve learned to forget.
2 Reminiscing the good times.
3 Trying to hide what you really feel.
4 Loving someone who loves another.
5 Having commitment with someone that you know wouldn’t last.
6 Shielding your heart to love somebody.
7 Loving a person too much.
8 Right love at the wrong time.
9 Taking the risk to fall in love.
10 Bihis na bihis ka na pero hindi ka pala kasama…



Tangina This @#$%^









CUTE NA QOUTES

Hindi lang pang-artista kundi pang-sports din. When asked kung sinong artista ang may appeal sa kanya, Arnie Tuadles replied, “Si Jen.” Then Arnie clarified, “Si Jen Saburit.”

Atoy Co a.k.a the Fortune Cookie has his own contribution. After winning a very close game, tinanong ni Joe Cantada si Atoy Co kung ano sa tingin niya ang nagpanalo. Ang sagot ni Atoy ay “The ball is around.”

Asia’s sprint queen Lydia De Vega was asked for some remarks after her winning against PT Usha of India in the 1984 Asian Games. Ang sagot ni Lydia, “Opo nga, mabilis siya, but you know, I ran and I fast.”

Do you remember Ana Margarita Gonzales? Siya ang sister ni Kring-Kring at anak ng dating matinee idol at congressman, Jose Mari. During Janice De Belen’s debut celebration in Germspecial, Ana Margarita Gonzales asked, “Ilang taon ka na ngayon, Janice?”

Isang ironic na cute quote ang binitawan ni Madam Auring. Sa kanyang prediction for Stella Strada, eto ang sinabi ng intriguing manghuhula. “Lalo siyang sisikat sa darating na taon at malalampasan niya ang kasikatan ni Alma Moreno.” On the next day, naka-headline: Stella Strada commits suicide.

One of the latest in my collection is the cute quote of Mommy Dionisia, the mother of Manny Pacquiao. Favorite singer pala niya si Imelda Papin. Pero nang tanungin siya kung ano ang masasabi niya kay Imelda, ang sagot ni Mommy Dionisia ay isang tanong na “Buhay pa ba siya?”

MAGPAPATAYO si Pacquiao ng sariling pamantasan mula sa kinita niya sa laban nila ni Margarito.
Tatawagin niya itong Pacquiao University. In short, PAC U.
Ang mga estudyante ay tatawaging PACQUERS.
Ang magpapatakbo ng pamantasan ay si Mommy Dionisia, at kikilalanin siya bilang MOTHER PACQUER

Business Newsflash!

Facebook, YouTube, MySpace and Friendster have merged!
Ang bagong social networking site ay tatawaging FacYouMyFriend!
Love just one person… and taste the rest.
Ay! Take the risk pala!
T: Bakit kapag nalaglag ang TINIDOR, may lalaki raw na darating? At kung KUTSARA ay babae?
S: Kasi, ang lalaki, nanunusok. Ang babae, nanunubo!

GIRL: Aray! Ang sakit!
BOY: Ikaw kasi! Sabi mo, kasya! ‘Yun pala, hindi!
GIRL: Malay ko ba?! Eh ang tagal nang hindi ito nasusuotan!
BOY: Tiisin mo na lang! Masasanay ka rin pag nagtagal.
GIRL: Eh ano pa ang magagawa ko? Ay! Nakasuot na!
BOY: Gusto mo, hugutin ko?
GIRL: Paano? Eh ang hapdi!
BOY: Kumuha ka ng sabon! Lintek na singsing ‘yan, naibigay ko pa sa ‘yo!


No comments:

Post a Comment