Tuesday, August 17, 2010

Ika - 74 Banat

Kababalaghan o Kathang isip lang?



Naniniwala na kami na malas ang Friday the 13th. Dati, hindi kami naniniwala na malas ang araw ng Biyernes kapag tumapat ito sa ika labing tatlong araw ng kahit anong buwan. Pero nung nakaraang Friady, habang nag-iinuman, hindi namin alam kung pano, kailan, at baket, pero bigla na lang namin napansin na ang palabas sa TV ay "Ang Titser Kong Pogi." Nung matapos yung pilikula, napaisip kami kung baket namin pinanuod yun? Wala kaming ibang maisip na dahilan kundi ang kamalasan na dala ng Friday the 13th.


"Yodeleyheyhey, yodeleyhoohoo, umawit tayo, umawit tayo."

Kung gusto mo ding malasin, i-search mo sa Youtube ang "Ang Titser Kong Pogi"



Nagrereklamo ang mga babae... Baket daw kapag babaero ang lalake, tinatawag na astig, pero pag lalakero ang babae, tinatawag na pokpok.


Kasalanan ba ng mga lalakle yan? Mga babae din naman ang kusang tumatawag sa kapwa babae ng pokpok kapag nanlalalake sya. Bakit hindi nyo sya tawaging astig? At sino ba ang nagsabi na tinatawag ang mga lalake ng astig ng kapwa lalake kapag nambababae ito? Ang tinatawag sa mga babaero ay gago. Alam nyo din naman yan, pero nagrereklamo ba ang mga lalake kapag tinatawag silang gago?

Hindi nanggaling ang reklamo na yan base sa mga nasasaksihan ng mga kababaihan. Ang reklamong yan ay hugot mula sa kung ano ang iniisip ng mga babae. Mga babae mismo ang naaastigan sa mga lalakeng babaero, dahil sa tingin nila, "magaling" ang lalakeng yon. Mga babae din ang tumatawag ng pokpok sa kapwa babae kapag madami itong lalake, dahil naiirita sila sa taong gumagawa ng gusto nilang subukan pero hindi nila kaya.

Gusto nyo lang din bang tawagin na astig?
'O gusto nyo lang din kaming matawag na pokpok

Kung ano ang magpapasaya sainyo jan, sabihin nyo lang.


Mas superficial ang mga babae kesa lalake...
Dahil kapag nanlalake ang mga babae, mas payat, mas maporma, at mas pogi sa boyfriend nila.
Pero kapag nambababae ang mga lalake, kadalasan mas panget sa girlfriend nila.



"Hindi naman kurakot lahat ng politiko. Nadadamay lang yung iba dahil sa 99.99% ng politiko na nangungurakot."





"PUGA" (Relasyonship)



4:45PM... sa loob ng selda...

Delfin: Mukang masaya ka 'a.
Tonyo: Ha? Hindi naman...
Gaston: "Hindi naman", pero nakangiti!
Brando: Oo nga. Share mo naman yan, para masaya tayo lahat.
Tonyo: Hindi, wala.. hehe
Brando: Parang gago 'to, magsisikreto ka pa ba samin?
Gaston: Oo nga. Ano na kasi yon?
Tonyo: Wala may naalala lang ako. (sabay ngiti ulit)
Delfin: 'O ano na nga yun? Kwento naman...
Tonyo: Naalala ko lang nung may nagkiss sakin...
Brando: Wushuuu!
Delfin: Hahaha! Hayup naman chickboy pala 'to 'e!
Tonyo: Syeeemps! Pogi 'e!
Gaston: Ulul! Kapal ng muka mo gago! Bulag ba yung babae? O panget? Nyahaha!
Tonyo: O' bahala kayo, hindi ko na ikukwento.
Delfin: Hahaha! Hindi na, hindi na. Ok game kwento.
Tonyo: Wala nung una kase hindi ko naman sya napapansin. Unang beses ko syang nakausap nung tumabi sya sakin. Hindi ko alam kung baket sya tumabi sakin nun, pero napansin ko na tumitingin sya sakin habang magkatabi kami.
Brando: Naks naman! Parang teenager ang dating ah! 'O tapos?
Tonyo: Tapos tumingin na din ako sakanya. Mejo nahihiya pa ako nung una, pero una naman syang nagsalita kaya nagkwentuhan na kami. Pagkatapos ng mga halos isang oras ng pag-uusap, niyaya nya ako.
Gaston: Saan?
Tonyo: Kahit saan daw na wala masyadong tao. Magkaholding hands na nga kami nung naglalakad. Tapos nung makahanap kami ng mejo madilim na pwesto, dun na kami umupo ulit.
Delfin: Teka, teka. May nangyari ba sainyo???
Brando: Patapusin mo kasi magkwento! Nakarinig ka lang ng madilim na pwesto na-excite ka na!
Delfin: E' syempre, hindi naman kayo pupwesto sa dilim kung wala kayong gagawin diba? O' sige na tuloy mo yung kwento!
Tonyo: Yun nga. Naisip ko makakaiskor ako, ayos! Nilapit nya yung muka nya sa pisngi ko, tapos hinimas yung dibdib ko. Tapos dun na nya ako hinalikan.
Gaston: Torrid ba?
Tonyo: Gago sa pisngi nga lang 'e. Masarap bang mahalikan ng torrid yung pisngi mo?!
Brando: O' tapos? Ano na?
Tonyo: Basta tapos nun, naramdaman kong bumababa yung kamay nya. Inisip ko, eto na!
Delfin: O' tapos? Tapos?!
Tonyo: Tapos may mga dumating na tao. Booyset!
Brando: Tang*na bitin! Hahaha!
Delfin: Walang kwenta!
Gaston: Hahaha! Badtrip yun a'! Edi paglaya mo dito tsaka mo lang matutuloy yung romansahan nyo? Matagal-tagal ka pang mag-iimagin! hahaha!
Brando: Gagu, pag laya ni Tonyo dito malamang may ibang dibdib na yun na hinihimas hahaha!
Tonyo: Mga gago! Baket ko kailangan lumaya para makita sya ulit??? Abnormal ba kayo?! Mamaya nga magkikita kami sa CR, buti nga wala tayong plano ngayon pumuga.
Delfin: Magkikita sa CR???
Gaston: CR dito sa loob ng bilibid??? San mo ba nakilala yang chick mo???
Tonyo: Nakilala ko kanina sa may field. Inmate din dito. Sabi ko nga sakanya, sa susunod na plano nating tumakas, itatanong ko sainyo kung pwede syang sumama. Sya na kasi ang pinaka magandang babaeng nakilala ko.
Gaston: Inmate din dito?!! Pinaka magandang babaeng nakilala mo??? Babae???
Tonyo: Oo.
Gaston: BABAE???
Tonyo: Oo nga! Baket ba?
Brando: Ehem... Ahhh Tonyo... May tanong ako sayo...
Tonyo: Ano yun?
Brando: Napansin mo ba na walang pangbabaeng CR dito sa bilibid?
Tonyo: Hmm Hindi. Pero kung iisipin ko ngayon, oo nga parang walang pangbabaeng CR dito... Ano ngayon?
Brando: Ahhh... wala lang.
Delfin: Tonyo, mahilig ka pala sa hotdog 'no? Hahaha!
Tonyo: Sa hotdog? Ok lang, hindi naman masyado.
Brando: Hindi mo parin ba magets?
Tonyo: Ang alin ba??
Gaston: Wala, wala. Anong oras ba kayo magkikita nung "chicks" mo? Puntahan mo na sa CR para maumpisahan nyo na ang "sabong."
Tonyo: Baket sabong??? Leche! Makaalis na nga! Iskor na 'to haha! Kwento ko nalang sainyo mamaya. Mamatay kayo sa inggit!

After 5 minutes...

Brando: 'O, bat nandito ka na ulit?
Tonyo: Ah eh ano kase... ahhh inantok ako bigla. Sige tulog nako. Good night.
Delfin: Tonyo...
Tonyo: ...Baket?
Delfin: ...Umiiyak ka ba?
Tonyo: Hinde! Leave me alone!!!



May mga kainan na "Unlimited ulam and Rice all you can."


Bobo pinahaba nyo lang ang tawag sa buffet


Pakiusap...


Paki siko sa Adam's apple ang mga lalakeng nagta-type ng "huhuhu" sa text o chat para maglungot-lungutan at magpacute.

Kung gawain mo yan at hindi mo kayang sikuhin ang sarili mong Adam's apple, tuhurin mo nalang ang noo mo.



Ang damit na pa-hard to get..


No pain, no gain.
Yes pain, no egg.



"Tubog Lang Sa Kasosyalan"



Wala kang kapaguran, social climbing na naman
Pambihirang akyatan, baka malaglag ka, ingat lang
Mapagpanggap sa kaaway, mapagpanggap sa kaibigan
Magbabanggit ng pangalan para makasabit sa kasikatan

Umaastang imported kahit tubong Pilipino
Kung ano ang uso sa iba, gusto mong pausuhin dito
Kung makapagsalita pa, akala mo kung sino
Pero pasensyahan tayo, magnet ka lang ng insulto

Tigilan mo na yan, masyado ka nang nagmukang tanga
Hindi ka dapat pinapatulan, kaso sukdulan kang atribida
Pinagyayabang ang bag, may "Chanel", may "Prada"
Kukunan pa ng picture, Ano yan, para ipakitang sosyal ka?

Sosyal din kami, hindi lang pansin
Katunayan luluhod ka sa sobrang kasosyalan namin
Lagi kaming naka-air plane, at ginto lang ang kinakain
At ang mga tulad mo ang kukunin naming sagigilid na alipin



Sabi nila, oiliness is next to ugliness...

"Oiliness is next to ugliness."










Halika, dito nyo sa amin ibalandra lahat ng panget na yan


Original DVD


Kahit piratahin mo, original parin 'to.
Metal Man pala ha..



Dora: Can you say “vibrar”?

You: Vibrar!
Dora: Louder!
You: VIBRAR!!!
Dora: Muy Bien!!! Delicioso!
Wahahahahahahaha!!!


Cesar Hernando: Di Tunay Na Astig na Barako !!!


tulad ni raymond red, si cesar hernando ay maraming nalalamang kung anu-anong shit


Roxlee: Tunay Na Astig na Barako (+1000) !!!

ang tunay na Astig na Barako, puro gawa, konti lang ang salita.
di tulad ng ibang marami pang nalalamang kung anu-anong shit.



Spot the Tunay Na Astig na Barako Kodak Moment !!!





Tunay Na Astig na Barako Kodak Moment !!!


ang matulog sa trabaho ay gawain ng isang tunay na Astig na Barako !!!

Eden Aberjil: Tunay Na Astig na Barako !!!

ang magpa-picture sa tabi ng bihag ay gawain ng isang tunay Astig na Barako !!!

Hacienda Luisita: Tunay Na Astig na Barako !!!

matapos ang ilang taong pagbabanat ng buto sa loob ng hacienda, nabiyayaan din si lola ng P282 pambili ng gin!

Jessica Zafra: Di Tunay Na Astig na Barako !!!

"Drug addicts deserve a kick in the face." --- hindi ito kailanman sasabihin ng isang tunay na Astig na Barako !!!


SoKor Special Forces: Di Tunay Na Astig na Barako !!!

sa tingin nyo ba ito ay trabaho lang?

Tunay Na Astig na Barako Kodak Moment !!!


Raymond Red: Di Tunay Na Astig na Barako !!!

ang tunay na Astig na Barako, beer ang iniinom. saka walang maraming nalalalamang kung anu-anong shit

Tunay Na Astig na Barako Kodak Moment !!!


Gawain ng isang Tunay Na Astig na Barako !!!



Tunay Na Astig na Barako Kodak Moment !!!


Tambayan ng Tunay Na Astig na Barako !!!


Trabaho ng
Tunay Na Astig na Barako!!!


Tamang diskarte ng
Tunay Na Astig na Barako!!!


Who cares ?@#$!





Diskarteng abusado

Sumikat ang issue na bawal na gumamit ng "wang wang" ang mga private/government vehicles. Simula nung pinagbawal ni Pres. Noynoy ang pag-gamit ng "wang wang" madami na ang nahuli at nagsuko ng mga sirena nila. Kahit mga government officials ay nahiya na gumamit nito dahil mismong ang presidente ng Pilipinas ay hindi gumagamit ng "wang wang" SA NGAYON. Pero nadiskartehan ng ibang politiko ang "no wang wang law" at nakaisip sila ng paraan para makaiwas sa traffic.

Makikita sila ngayon na may mga escort vehicles na humaharang sa mga intersection na dadaanan nila. Minsan iistorbohin ka pa sa lane mo at patatabihin ka ng mga abusadong 'to para maangkin nila ang buong kahabaan ng lane na kailangan nila. Tinatawag ngayong "traffic sweepers" ang mga escort na 'to dahil winawalis nila patabi ang ibang sasakyan sa kalye.

Winawalis natin ang basura, pero sa ginagawa nitong mga politiko na 'to, BASURA ANG NAGWAWALIS. Yan ang diskarte... kung gano kakapal ang traffic, ganun din kakapal ang muka.


Lie and lie until you succeed

Noel: Ser bakit nyo ako pinahinto? May problema ba?
Junior Traffic Police: Beating the red light ka brad. Akin na yung lisensya mo.
Noel: Sorry ser hindi ko ho napansin na pula na yung stoplight.
Junior Traffic Police: Hindi pwedeng pasensya lang. Akin na yung lisensya mo!
Noel: Pasensya na ho wala akong lisensya, kinuha na kasi dati nung may binangga ako.
Junior Traffic Police: Aba dagdag sa kaso mo yan. Driving without license ka.
Noel: Baka pwede nyo na akong palusutin, nagmamadali kasi ako. Baka abutan ako nung may-ari nitong kotse 'e.
Junior Traffic Police: Hindi ba sayo 'tong kotse na 'to?!
Noel: Ah hindi ho. Ninakaw ko lang 'to. Kailangan ko kasi ng sasakyan para madeliver ko yung 50 kilos ng shabu. Nanjan yung shabu sa likod ng kotse.
Junior Traffic Police: Teka lang ha... wag kang aalis.

After 10 minutes...

Junior Traffic Police: Dito sir! Eto yung kriminal!
Senior Officer: Brad, pinapunta kami nung junior traffic police ko dito dahil kailangan daw nya ng backup. Pwede bang bumaba ka muna jan sa kotse.
Noel: Ah sige ser, walang problema.
Senior Officer: Pwede bang paki bukas nung likod ng kotse.
Noel: Opo, eto ho.
Senior Officer: Wala namang laman ah! Sayo ba 'tong kotseng 'to?
Noel: Oho, eto may registration papers ako dito.
Senior Officer: Oo nga 'no... Patingin nga ng lisensya mo...
Noel: Eto ho.
Senior Officer: Pasensya ka na brad ha. Sabi kasi nung junior traffic police ko wala ka daw lisensya, ninakaw mo daw 'tong kotse, at may 50 kilos ng shabu ka daw sa likod ng kotse.
Noel: Nako malamang sinabi din nung sinungaling na yun na beating the red light ako 'no?


"Masarap alalahanin ang mga luha, at matawa. Pero mas masarap alalahanin ang mga tawa, at maluha."

No comments:

Post a Comment