Thursday, August 26, 2010

Ika - 78 Banat

Bastusan


Kung taga Hong Kong ka, ano ang mararamdaman mo?



Kung kamag-anak mo ang biktimang pumanaw, ano ang mararamdaman mo???




Kung sa pakapalan ng muka, walang tatalo dito sa mga 'to.

Kumakalat sa internet ngayon ang mga pictures na yan.

Sa tingin nyo ba walang internet sa Hong Kong???


Adding insult to injury yan! Mga gago talaga kayo!


Nakakahiya put*ng ina. Nakakahiya.



Major-major Congratulations Venus Raj.
Mag-FHM ka na




Masaya na sa pagkapasok sa huling lima.

Sa Binibining Pilipinas Contest pa lang, umangat na ang exotic na ganda nitong si Venus Raj. Hindi lang namin alam sa ibang portion kung magaling sya dahil hindi namin pinanuod, pero dito sa swimsuit category, panalong panalo ang hubog nitong si Venus.

Alam namin na malaki ang chansa ng Philippines na makuha ang korona.
Pero pagkatapos panuorin itong susunod na video, nagpapasalamat na lang kami at nadala ng looks at appeal ni Venus ang sarili nya sa top 5 ng Miss Universe pageant.

Hindi lang siguro alam ni Venus na dapat may kinalaman ang sagot nya sa tanong ng judge.
Siraulo kasing William Baldwin yan tatanong-tanong pa.



MORALISTANGA - Mga taong nagagalit sa joke kapag sinabi ng religious leader nila na masyadong bastos, bulgar, o mapanglait yung joke, kahit alam naman nila sa sarili nila na hindi.


Kung sa tingin mo, hindi alam ni Lord pag nagbibiro ka,
minamaliit mo ang kakayahan nyang umintindi.



Estupido lahat ng bata...



Likas na mabait ang mga bata. Kahit may kapilyuhan yang mga yan, natural ang purity ng mga utak nila. Kaso istupido sila. Karamihan sa atin ay nagkaron ng kaklaseng "annoying" o yung kinaiinisan ng buong klase. Ok lang sana kung naiinis tayo sa kanya noon dahil sinasaktan nya tayo, o inaasar. Kaso kadalasan, tayo ang nananakit sa kaklase nating yun. Sinasaktan natin sila emotionally. Alam mo kung ano ang sinasabi namin. Ito yung bata noong elementary tayo na sapilitang naging "iba".

Wala syang kadikit sa classroom. Hindi tayo nahihiyang humiram sa kanya ng school supplies (lapis, papel, liquid paper, etc.) pero pag sya ang nangangailangan manghiram, walang nagpapahiram. Eto yung batang hindi sinasali sa mga laro, at pag sya ang nag-umpisa ng laro at sinabi ng "cool" na kaklase nyo na wag na kayong sumali sa laro nya, wala nang nakikipaglaro sa kanya. Walang gustong makipagkaibigan sa kanila dahil natatakot ang iba na baka asarin din sila kapag kinaibigan nila ang batang yun. "Peer pressure" ang umiiral, at kung ano ang gawin nung "popular kid" sa classroom nyo, yun din ang gagawin ng lahat.

Kawawa ang mga batang nagiging target ng pang-aasar na 'to dahil lang may nagpauso ng pang-asar sakanila. Estupido talaga ang mga bata dahil kabobohan ang maling pakikisama, katangahan ang magpaapekto sa peer pressure, kaignorantehan ang awayin o ayawan ang isang tao dahil lang sabi ng iba. Ganon talaga pag bata, hindi na yata maiiwasan yan. Lahat tayo ay naging estupidong bata, pero nasa sayo na kung gugustuhin mong maging estupidong matanda.


Favorite



Misis: Hun, baket hindi mo sinusuot yung regalo ko sayong t-shirt?
Mister: Anong t-shirt?
Misis: Yung pink na may heart sa likod. Yung may flower sa may kwelyo.
Mister: Ahhh yun ba? Ano kasi 'e.... ahh..
Misis: Ayaw mo yung regalo ko?
Mister: Hindi ah! Baket ko naman aayawan ang pink na polo shirt na may heart sa likod at butterfly sa kwelyo?
Misis: Flower yun hun, hindi butterfly...
Mister: Oo nga, flower sa kwelyo. Baket ko naman aayawan yun diba?
Misis: 'E baket hindi ko nakikitang sinusuot mo?
Mister: Ahh ano kasi... ahh favorite ko yun. Hindi ko sinusuot para hindi agad maluma.
Misis: Awwwww... sweet naman.
Mister: Ay syempre. Sino ba namang lalake ang hindi matutuwa sa pink na polo na may heart sa likod at flower sa kwelyo.
Misis: Sige hayaan mo, ibibili kita ng madaming ganon para kahit maluma ang isa, meron ka pa.
Mister: Wow! Talaga?! Bibilihan mo ako ng madaming pink na polo na may heart sa likod at flower sa kwelyo?! Bibilihan mo din ba ako ng makeup at high heels? Baket hindi mo na lang ako bilihan ng dress? Tapos ipatanggal mo na din itong itlog ko.
Misis: Hun, are you being sarcastic?
Mister: Ay hindeee.



Employee of the month




Saka na muna ang kung anu-anong shit!

Tunay na Astig na Barako Kodak Moment muna!




Sasakyan ng mga Tunay Na Astig na Barako !!!



"Pop" corn



Para sa mga taong may pantasya na isexual harassment ang sarili gamit ang mais.

Mukang masarap nga namang isabay ang mais sa tahong.


MAN: Hmn. Wala ka namang singaw sa dila!
WIFE: Eh, bakit kaya masakit?
MAN: Siguro sa sobrang bungangera mo, nag-overheat.
Haha!
BOY: Miss, para kang chicharon.
GIRL: Bakit naman?
BOY: Ang sarap mong papakin, eh!
(Bakla umepal)
BAKLA: Ako rin, parang chicharon.
BOY: Oo, gago ka! Nakakahighblood ka.
Sabi ng isang payat sa akin,
"Bakit ang taba mo?"
Sabi ko,
"Syempre, para pag wala na tayong makain,
Ikaw mamamatay na,
Ako, papayat palang.."
Tama!
MRS: Lasing ka na naman?!
MR: Sorry, hon. Inimbita ako ng mga officemates ko. Konting inuman.
MRS: Tanga! Anong officemate? Tricycle driver ka, gago!

No comments:

Post a Comment