Saturday, August 28, 2010

Ika - 79 Banat

Empleyada sinibak dahil sa feng shui



Ni Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) Updated August 28, 2010 12:00 AM

MANILA, Philippines - Pinagbabayad ng Supreme Court ng back wages at iba pang benepisyo ang isang kilalang spa center dahil sa ibinatay lamang nito sa feng shui ang pagsibak sa empleyado nila.

Inatasan ng SC ang Wensha Spa Center sa Quezon City na bayaran si Loreta Yung at ang lahat ng back wages at benepisyo nito na dapat na tinanggap bukod pa ang P95,000 na moral at exemplary damages.

Sa record, pinag-leave ng isang buwan si Yung ng director ng Wensha Spa na si Xu Jie Shie makaraang sabihin umano ng isang Feng Shui master
na ang zodiac sign ng empleyadong si Yung ay ‘mismatch’ sa employer na si Xu.

Ipinayo ng Feng Shui master na huwag munang pumasok si Yung sa tanggapan sa loob ng isang buwan o mula August 10-Sept. 10, 2004 upang maitama umano ang jinx o malas na dala ni Yung, habang naka-leave ito.

Pinangakuan naman ito na tuloy pa rin ang kanyang sahod at pinagbilinan pa ito na huwag munang papasok sa ibang trabaho.

Nang bumalik si Yung ay hindi na ito tinanggap at sinabihan na may karapatan din naman ang kumpanya na sibakin ito dahil sa hindi ‘match’ ang aura nito sa work environment ng massage services kayat pilit na rin itong pinagsumite ng resignation letter.

Sinabi ng SC na hindi batayan ang feng shui para patalsikin sa trabaho ang isang empleyado lalo kung mabuti nitong nagagampanan ang kanyang trabaho.



MMK (Malala na Kuya)



Dear kuya Chico,

Itago mo na lang ako sa pangalang Ambet. May tatlong taon na mula nung grumadweyt ako ng college. Nagtapos ako ng course na nursing sa isang hospital na naki-uso at naging nursing school para pagkakitaan ang mga taong tulad ko na nag-akala na magiging in demand ang mga nurse hanggang sa ibang planeta. Nung grumadweyt ako, naghanap agad ako ng trabaho dahil agawan sa bakanteng spot ang mga bagong nurses. Sa kabutihang palad, napasama ako agad sa listahan ng mga under consideration para maging resident nurse sa isang hospital. Pang 472 daw ako sa listahan at tatawagan daw nila ako agad pag nagkaron ng opening. Pag siniswerte ka nga naman.

Habang nag-aantay ako na matawagan, hindi ako lumalabas ng bahay. Iniisip ko kasi na baka magkaron ng opening dun sa hospital, at pag tinawagan nila yung 471 na nauna sa akin baka busy lahat ng land line nila, at sana low bat ang cellphone nilang lahat. Pero makaraan ang 2 days, nawalan na ako ng pag-asa. Sinubukan kong maghanap ng trabaho sa internet. May mga opening na nursing position sa ibang bansa kaso ang gusto nila ay yung may 2 years experience. Naisip ko tuloy maging volunteer nurse sa mga hospital na nang-e-exploit ng mga nurse na nangangailangan ng experience para makapagtrabaho sa ibang bansa. Sinuwerte naman ako dahil ok ang napasukan kong hospital bilang volunteer nurse. May libreng bananacue tuwing Thursday, at walang bayad gumamit ng CR.

Isang araw, habang on duty ako sa hospital, tumawag ang mama ko. Ibebenta na daw nila ang bahay at lupa namin sa Laguna at gagamitin nila ang pera sa pagreretiro. Gusto daw kasi nilang ma-enjoy ang buhay. Naging mabait at mapagmahal ang mama at papa ko. Nag-iisa akong anak kaya spoiled ako. Ngayon na malaki na ako, panahon na siguro na sila naman ang magpasarap. Kaso wala akong mamanahn, badtrip.

Every month, nagpapadala ang mama at papa ko ng mga postcard kung saan na sila nagbabakasyon. May post card galing Mexico, Australia, Jamaica, Quiapo, London at iba pang lugar. Kahit naiinggit ako sa kanila, natutuwa din ako dahil muka silang masaya. Hinihiling ko gabi-gabi ang kaligtasan nila at pinagdarasal ko na sana ay pinagdadasal din nila ako.

Nung makuha ko ang 2 years experience na kailangan para makapag-nurse sa ibang bansa, akala ko madali na. Pero dahil hindi na ganon ka in demand ang nurses at madami na din ang bansa na nagmamanufacture ng nurses lumipas ang isang taon na wala akong ginagawa. Napagpasyahan ko na magtrabaho sa call center para matustusan ang pangangailangan kong magpost sa Facebook ng pictures na nagbabakasyon ako at gumigimik. Akala ko magiging routine na ang buhay ko at wala na akong ibang gagawin kundi magtrabaho nang biglang...

Tumawag si mama. May promo daw ang susunod nilang bakasyon. Buy 2 tickets get 1 free. Baka may kilala daw ako na gustong sumama sa kanila. Muntik ko nang murahin si mama. Sinabi ko na ako na lang ang sasama. Natuwa si mama at sinabing bukas na bukas din ay ipapadala nya ang ticket. Nung dumating ang ticket, nakita ko na sa Tibet pala kami pupunta. Nag-empake ako agad at nagpaalam sa opisina.

Pagdating sa Tibet, sinalubong ako ni mama ng yakap, si papa, apir lang daw dahil ayaw daw nya ng affection in public. Pero hindi ako nakatiis at niyakap ko si papa. Niyakap din naman nya ako bago nya ako sinikmurahan. Doon sa Tibet, enjoy lang kami. Kain sa labas. Kuhaan ng picture para sa Facebook. Punta sa mga tourist spots. Sa huling araw ko sa Tibet, niyaya ako nila papa sa isang temple. Madaming turista sa temple, at sa labas ay may nakita akong matandang nagbebenta ng mga lumang libro. Mga libro daw ito ng self awakening at realizations. Binili ko agad dahil libre naman ni papa.

Pag-uwi ko sa Pilipinas, balik trabaho na naman ako. Isang madaling araw, kararating ko lang sa inuupahan kong condo, nakaramdam ako ng gutom. Pandesal lang ang nakita ko at para mapasarap, nagtimpla ako ng kape. Nung matapos akong kumain, naalala ko na hindi pala ako dapat uminom ng kape dahil hindi ako makakatulog. Naisip kong magpaantok muna sa may terrace. Nagyosi muna ako, at para mapasarap, nagtimpla ulit ako ng kape. Lumipas ang dalawang oras at hindi parin ako inaantok. Naalala ko yung librong binili ko sa Tibet. Inisip ko na sana boring yung libro para antukin ako. Pero mali pala ang ginawa ko dahil sobrang nagustuhan ko ang pagbasa nung libro. Sinimulan ko sa simula, at natapos ako nung nasa katapusan na. Madami akong natutunan sa libro. Pero ang pinaka tumatak sa utak ko ay ang pagiging praktikal. Hindi daw mabubuhay ang tao kung pura materyal na bagay lang ang gugustuhin nya.

Lumipas ang ilang araw Kuya Chico. Pinag-iisipan ko parin ang mga nabasa ko. Naisip ko na ang dami kong ginagastosan na hindi ko naman kailangan. Naisip ko din na yung mga sinaunang tao naman ay hindi naman maluho pero kinaya naman nila mabuhay. Alam kong kaya ko din mamuhay ng simple kaya nagkaron ako ng idea para sa isang life-changing experience. Magiging caveman ako.

Hindi na ako magtatrabaho at manghuhuli na lang ako ng hayop para kainin. Mamimitas na lang ako ng mga prutas at gulay. Hindi na din ako bibili ng mga damit, at bahag o kaya balat ng hayop na lang ang isusuot ko. Pwede kong gawing damit ang balat ng wolf, cow, lion, bear, o kaya bangus. At titira lang ako sa cave. Madami na ang nagsabi na kalokohan ang kagustuhan kong maging caveman, pero sigurado na ako na ito ang gusto ko. Kailangan ko lang ng tulong mo Kuya Chico. Saan ba merong pwedeng upahan na kweba? Kahit 2 bedroom lang, basta may parking. Sana ay mabigyan mo ako ng sagot sa lalong madaling panahon.

Lubos na gumagalang,
Ambet

Title: Tibet



Human Grease



Ito ay galing lang sa isa sa amin dahil sya lang ang nagkaron ng PERSONAL na encounter sa "taong grasa". Ito ay mula kay "Boss Chip"...

Kwento ito. Pasensya na. Nangyare years ago nung magpapapicture ako sa studio malapit dito sa amin, dahil akala ko kailangan magdala ng picture sa LTO pag kukuha ng lisensya (Mga 17 years old siguro ako non.) Tapos na akong kunan ng picture at antayin ko na lang daw. Nagyosi muna ako sa labas. Sa tabi ng studio, may kiosk na nagbebenta ng mga balls (fishballs, squidballs, chickenballs, kikiamball at samalamigballs) . May umupong taong grasa sa may tabi ng kiosk...

Tahimik lang yung taong grasa na nakaupo sa sahig. Mukang nagpapahinga lang dahil pagod sa kakalakad.

Tindera sa kiosk: Hoy! Umalis ka nga dito! May mga customer na kumakain!

Hindi ako makapaniwala na sinigawan nya yung taong grasa. Nasa sahig lang naman yung tao at walang ginugulo. Hindi din naman sya mabaho dahil mejo malapit ako sa kanya, wala naman akong naaamoy.

Sumigaw ulit yung tindera...

"Hoy! Ano ba! Wag ka dito!"

Naaawa na ako dun sa taong grasa. Hindi ko na nahihithit yung yosi ko dahil natulala na lang ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung baket, pero naramdaman ko na bumibilis yung tibok ng puso ko. Mukang sumisipa yung adrenaline ng katawan ko dahil naiinis ako sa tindera nung kiosk. Nakatingin ako nun sa tindera pero wala akong magawa. Pero nung nakita ko yung muka nung taong grasa na nahihiya at mukang nag-iisip kung saan sya pwedeng magpahinga na hindi sya mapapahiya, hindi na umandar yung utak ko. Bigla na lang ako napatayo.

"Boss Chip": Miss dalawang kikiam para sa kanya.

Kasya lang para sa dalawang kikiam yung pera ko non, sukli lang sa bayad ng pagpapicture ko. Alam kong hindi sya mabubusog sa dalawang kikiam. Binilihan ko lang sya ng kikiam para hindi na nya kailangan tumayo ay lumipat ng pwesto para pakapagpahinga. Hindi na sya pwedeng paalisin nung gagong tindera dahil customer na sya.

Hindi ko na alam kung ano yung naging reaksyon nung tindera at nung ibang customer dahil hindi ko na sila tiningnan. Nagsindi ako ulit ng yosi tapos inantay ko lang umalis yung taong grasa. Hindi sya nag-thank you, tinapik lang nya yung tuhod ko nung aalis na sya tapos tumungo lang. Tumungo lang din ako, hindi ko kailangan ng thank you, madami nang nasabi ang tunguan namin na yon. Umalis na din ako agad sa tapat ng kiosk dahil ayaw ko ng mga eksenang pabida. Tapos kinuha ko yung pictures ko para sa LTO na hindi naman pala kailangan.

Tuwing nakakakita ako ngayon ng mga taong grasa, minsan nag-aabot ako ng barya, minsan hindi. Sa tingin ko, ang pinaka masarap na tulong na pwede nating ibigay sakanila ay ang hindi sila pandirihan... hindi sila tingnan na mukang takot tayo... IPARAMDAM NA NAIINTINDIHAN NATIN YUNG KALAGAYAN NILA. Hindi na siguro natin kailangan ng matabang bulsa para magawa yan.

Kung iisipin ko ngayon, mali pala yung ginawa ko nung pinapaalis yung taong grasa sa may kiosk. Hindi ko na pala dapat inantay na sigawan sya ng pangalawang beses.



Welding

"Ang pag-ibig na bakal ay hinihinang at pinag-iisa ng matinding init na namamagitan sa dalawang nagmamahalan. Pero kung ang pag-ibig ay yari sa plastik, at ang matinding init ay nagmumula lang sa laman, malulusaw lang ito sa oras na ito ay hininang."


Sige, i-marinate mo muna ang utak mo jan.


Old School Bolahan



Lolo: Mining, na-heart attack ako.
Lola: Hoy Lucio wag kang nagbibiro ng ganyan! Ayaw ko ng ganyan!
Lolo: E' anong magagawa ko? Totoo namang inatake mo ang puso ko. Binihag mo pa for 53 years.
Lola: Korni!
Lolo: E' ba't ka naka ngiti?
Lola: E' baket ba? Anong pakelam mo?


10:00 AM

Loid: 'O pare mukang stressed ka 'a.
Henry: Namumrublema kasi ako pare...
Loid: Ano bang problema mo? Baka makatulong ako.
Henry: Tuwing 10:00AM kasi napapaginipan ko na nakasakay ako sa kabayong lumilipad.
Loid: Anong problema dun?
Henry: Hindi lang yun. Sa panaginip ko, nililibot namin ang buong mundo. Tapos kumakain kami sa ulap ng cotton candy.
Loid: Ang ganda naman nun... Tuwing 10:00AM yan ang panaginip mo?
Henry: Oo.
Loid: Ano namang masama don?
Henry: Pare 8:00AM pa lang, gising na ako.



Tatoo ng Tunay na Astig na Barako !!!



Kung ano-ano pang shit...Inuman na



Pagkain ng Tunay na Astig na Barako !!!






Ano ang kasarian ng kagamitang ito?

BAKIT nga ba may kasabihan na kung nahulog ang kutsara sa hapag-kainan ay magkakabisita raw na babae, at kung tinidor naman ay lalaki? Papaano ba nagkaroon ng kasarian (gender) ang mga gamit pangkain? Nag-survey ng mga college students; tinanong kung ano ang kasarian, babae o lalaki, ng mga sumusunod pang karaniwang kagamitan:
• Photocopier: babae raw, kasi kapag na-turned off, matagal bago ma-warm up muli. Epektibo sa pagpaparami kapag pinindot ang mga tamang buton. Pero kung namali ka ng pindot, maari itong gumawa ng gulo.
• Gulong: lalaki, kasi mabilis makalbo, at madalas sobra ang hangin.
• Ziploc plastic bag: lalaki, kasi kayang-kaya ilulan lahat, at kitang-kita ang niloloob.
• Sponge: babae; malambot, masarap pisil-pisilin.
• Tren: lalaki; ‘yun na lang nang ‘yun ang ginagamit ang linya para pang-pickup ng tao.
• Webpages: babae; malimit pagmasdan at silipin.
• Martilyo: lalaki, dahil sa nakaraang 5,000 taon ay halos walang pinagbago sa anyo, at paminsan-minsa’y mainam meron nito sa bahay.
• Remote control: babae. Akala n’yo lalaki, ano? Pero isipin: nagbibigay kasiyahan ito sa lalaki, hilo siya kapag wala ito, at kahit madalas hindi alam ng lalaki ang tamang buton na pipindutin, patuloy lang siyang sumusubok at nagbabaka-sakaling merong mangyari.
• Swiss Army knife: lalaki; akala mo’y maraming kayang gawin, pero mahusay lang na tagabukas ng bote.
• Kidneys: babae; parating pares kung tumungo sa palikuran.
• Sapatos: lalaki; malimit madungis at lawit ang dila.
• Hot air balloon: lalaki; kailangan apuyan sa ilalim para umandar.
• Hourglass: babae; sa paglaon ng panahon bumibigat sa ibaba.

No comments:

Post a Comment