Tuesday, August 24, 2010

Ika - 77 Banat

Sisihan



Ang image sa taas ang front page ng CNN.com nung binisita namin ito kanina. Click mo yung image kung gusto mong makita ang kabobohan na nagpasikat sa Pilipinas ngayon.

Put*ng ina, umiksena na naman ang Pilipinas sa mundo. Sikat na naman tayo sa pagiging inutil. Salamat sa mga pulis.

Kung hindi ka self absorbed na bobo, alam mo na nagkaron ng hostage situation dito sa Pilipinas involving a tourist bus, a dismissed former police, at madaming inutil na pulis. Ayaw sana naming lahatin ang mga pulis, pero dahil walang umapila sa kanila para i-handle ang situation ng mas ligtas para sa hostages, damay-damay na. Dating PULIS ang nanghostage na si Rolando Mendoza. Mga PULIS ang gumawa ng eskandalo sa pag aresto sa kapatid ni Mendoza. PULIS din ang inarestong kapatid ni Mendoza. mga PULIS din ang umatake sa bus kahit hindi nila alam kung may buhay pa na hostages o wala na. Kaya wag nyong sasabihin na wag isisi sa mga PULIS ang kadiring kabobohan na 'to.

Isa pa, walang bystander na tatamaan ng ligaw na bala kung hindi pinayagan ng mga PULIS na magkaron ng mga bystander sa area.

Hindi na namin kailangan idiin na ang nagpainit ng ulo ni Mendoza ay ang nakita nyang pag-aresto sa utol nya. May TV sa loob ng tour bus, at pinakita ng media ang footage na dinadampot ng mga pulis ang kapatid ni Mendoza at pumapalag ito. Alam nyo na yan. Hindi nyo dapat sisihin ang media dahil trabaho nila yon. Kung may gusto kayong murahin tunkol dun, murahin nyo yung mga hindi pumigil sa media.

Tinimbang nila...
Option 1: Mag-news blackout tayo para hindi makita ng hostage taker ang mga plano natin at ang mga gagawin natin.

Option 2: Wag tayong mag-news blackout dahil baka magtampo ang media at magalit sa atin.

Pinili nila ang option 2... para makisama sa media. Baket hindi nila pinakisamahan ang buhay ng mga hostage?

May mga sinisisi din ang driver ng tour bus dahil nagsisigaw daw ito ng "Patay na lahat!" nung makatakas ito. Hindi namin alam kung gusto lang magmarunong nung bus driver o na-troma sya pero hindi nya kasalanan na umatake ang mga pulis. Baket hindi muna nag-confirm ang mga pulis kung wala na nga bang natitirang buhay na hostage sa bus?

Kung susumahin, mahirap husgahan ang mga pangyayari. Nakakabur*t dahil napahiran na naman ng tae ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo. Nakakapang-init ng ulo dahil kawawa ang mga kamag-anak ng mga biktimang pumanaw. Pero kung ang mga kamag-anak ng mga nakaligtas ang tatanungin, malamang pasasalamat ang nararamdaman nila para sa mga PULIS.

Nangyare na ang hindi dapat nangyare. Tingnan ang mga kabobohan na nangyare, at utang na loob, wag nang pabayaan mangyare ulit. Sisantehin ang mga dapat sisantehin. Pwedeng matuto ang mga pulis. Pwedeng mapagsabihan ang media. Pwedeng maging mas effective ang sistema. Pero ang mahalaga ngayon ay maimbistigahan kung ano ang pinagmulan ng lahat. Ugat ang tutukan. Alamin ang TOTOONG DAHILAN kung baket nanghostage si Rolando Mendoza.



Tunay na Astig na Barako Heads-up Battle: Binayug vs. Mendoza

sino sa dalawa ang mas tunay na astig na barako?


Senior Inspector Joselito Binayug:



1. walang paki-alam sa human rights
2. sanay sa torture
3. nasibak sa trabaho dahil sa video scandal
4. walang awa sa mga "kriminal"
5. kung anu-ano pang shit



Ex-Senior Inspector Rolando Mendoza



1. nangho-hostage
2. pumapatay ng turista
3. mula sa pamilyang may sayad
4. nasibak sa trabaho dahil sa mga katiwalian
5. center of the universe
6. kung anu-ano pang shit



SWAT: Di Tunay Na Astig na Barako !!!

ang tunay na Astig na Barako ay madiskarte sa mga ganitong shit


"Fruit ng ina mo."

Ang mga prutas ay uso sa mga gustong magpapayat dahil mataas ang vitamin content nito at mababa sa calories. Pero hindi naman dapat mga nagpapapayat lang ang kumain ng iba-ibang prutas dahil nakakatulong din ang mga yan sa pagpapaganda ng balat, pagregulate ng digestive track, at may mga anti-oxidants ang mga prutas na kailangan ng katawan para makaiwas sa sakit. Kaya ugaliin kumuha ng sustansya sa mga prutas tulad ng...


Mangga at Saging...



Orange at Mansanas...



Kamatis at Melon.




Nagtipid lang naman sila sa translator para mas madaming mabigay na donasyon...




Filipino Ninjas

Tunay na ninja lang ang may lakas ng loob na mag-racing pababa ng Banaue, Ifugao gamit lang ang scooter na yari sa kahoy, at hindi nakukuhaan ng lisensya kahit walang helmet.



Wala na sigurong kapares ang pakiramdam ng pag-i-iscooter habang nakabahag.

Ifugao Bikers: Scooter Ninja





Singkwenta sentimos lang, magic atmosphere ka na... san ka pa?



Gilbert: Arnel! Bilisan mo jan sa CR! Kanina pako namamagic atmosphere!
Arnel: Tangina wag kang maingay hindi ako maka-concentrate! Nagmamagic atmosphere ako!

Tambayan ng mga Tunay Na Astig na Barako !!!




Para sa mga Tunay Na Astig na Barako na di dumaan sa pagkabata !!!




Have a break, have a--



"Like a virgin, touched for the very 2,378th time." -Madonna




Gusto ka ng babae kung... Ayaw ka ng babae kung...



Gusto: Nung umamin ka na gusto mo sya, umamin din sya ng pagtingin nya.
Ayaw: Nung umamin ka na gusto mo sya, nagdilim ang paningin nya.

Gusto: Tuwing dadaan ka, hindi nya mapigilan mamula.
Ayaw: Tuwing dadaan ka, hindi nya mapigilan magmura.

Gusto: Nung nagswimming kayo, nag-two piece bikini lang sya.
Ayaw: Nung nagswimming kayo, nilunod ka nya.

Gusto: Natigil ang kwentuhan nyo sa telepono dahil nakatulog sya.
Ayaw: Natigil ang kwnetuhan nyo sa telepono dahil tumawag ka.

Gusto: Pag bibisita ka sakanila, tinatali nya ang mga aso nila.
Ayaw: Pag bibisita ka sakanila, pinakakawalan nya ang mga tigers nila.

Gusto: Simula nung makilala ka nya, naniniwala na sya sa destiny.
Ayaw: Simula nung makilala ka nya, naniniwala na sya sa sumpa.

Gusto: Kinikilig sya tuwing dumadating ka.
Ayaw: Kinikilig sya tuwing nahuhulog ka sa hagdanan.

Gusto: Nung bigla mo syang halikan, namula ang pisngi nya.
Ayaw: Nung bigla mo syang halikan, nangitim ang mata mo.


"Liberated"



Sandy: Alam mo Tristan paprangkahin na kita. Matagal na kitang type. Kung sasabihin mo sa akin na gusto mo din ako, hindi mo na kailangang manligaw. Magiging girlfriend mo ako agad.
Tristan: Paprangkahin din kita Sandy. Maganda ka at sexy, kaso hindi kita type.
Sandy: Dahil ba liberated ako? Gusto mo ba yung tipong mahinhin?!
Tristan: Hindi naman. Liberated din naman kase ako.
Sandy: Liberated ka. Liberated din ako. So ano pa bang kailangan kong gawin para gustuhin moko???
Tristan: Maging tall, dark, and handsome.



Pinoy “Toughten” Tanongs



1. Kung papalitan ang balat mo sa buong katawan, Ano’ng ipapalit mo, balat sa siko o balat sa talampakan?

2. Kung tatlo na lang ang buhok mo sa bumbunan, Gusto mo ba sama-sama ito, o hiwa-hiwalay?

3. Maliban sa buhok at kuko, anong parte ng iyong katawan ang nais mong patuloy na humahaba?


4. Bestfriend na may bad breath, o Boyfriend na may B.O.

5. Kung ikaw ay magiging materyal na bagay, ano ka? Toilet paper o sanitary napkin?

6. Meron kang six-inch na makapal na buhok sa kilikili, Ano’ng gagawin mo dito? Rebond? Dreadlocks? O Afro?


7. Kung ikaw ay magkaka-girlfriend, gusto mo ba may chest hair O may balbas?

8. Isa na lang ang kilay mo, saan mo ilalagay? Sa kaliwa o sa kanan?

9. Magkaroon ng isang malaking pimple sa ilong forever O tuwing magkakaroon ng pimple eh may kasama itong ilong?

10. Babae at lalake: Kung papalitan ang nipple mo, Ano’ng ipapalit mo? Mata, Ilong o Daliri?


Malas sa her, swerte sa him




Ayon sa feng Shui (Pungsoy), malas daw ang maglagay ng salamin sa may paahan o kaya sa gilid ng kama nyo. Mag-a-attract daw ito ng third party sa relationship ninyo.

Pero kung pantasya mo ang threesome,
alam mo na kung saan ipupwesto ang mga salamin sa kwarto.




Heart to Heart

Mommy: Ron-Ron anak, iligpit mo na yang mga laruan mo.

Ron-Ron: Si yaya na lang...
Mommy: Baket, yaya mo ba ang naglaro nyang mga yan?
Ron-Ron: Hindi.
Mommy: So ikaw ang magligpit nyang lahat. Tapos you bring your plate sa kitchen ha. Bilisan mo, baka langgamin pa dito sa room yan.
Ron-Ron: Si yaya na lang...
Mommy: Baket? Si yaya ba ang nagmirienda ng cookies jan?
Ron-Ron: Hindi.
Mommy: So ikaw ang magdala ng plato mo dun. And then wash mo yang slippers mo, ang dumi-dumi na. Ayaw ko ng may putik sa floor ok?
Ron-Ron: Si yaya na lang...
Mommy: Baket, si yaya ba ang nagsuot nyan?
Ron-Ron: Hindi.
Mommy: So ikaw ang maghugas nyang tsinelas mo. After that, ilagay mo sa labahan yung towel na ginagamit nyo ni daddy pag pinapaliguan ka.
Ron-Ron: Si yaya na lang...
Mommy: Baket? Si yaya ba ang pinapaliguan ng daddy mo?
Ron-Ron: Yayaaaa! Tawag ka ni mommy! Ilagay mo daw sa labahan yung towel...

No comments:

Post a Comment