Tuesday, August 31, 2010

Ika - 80 Banat

Bakit Mura Ang Cebu Pacific!


Sampung dahilan kung bakit mura ang pamasahe ng Cebu Pacific:



1) OJT ng PATS lahat ng piloto nila.

2) Walang libreng pagkain. Kahit mani. Kahit Boy Bawang. Kahit ano.

3) Hindi maganda ang makeup ng cabin crew. Pati nang mga boys.

4) Sosyal ang soap dispenser nila.

5) Umuusok ang aircon.





6) Binabawi nila ang natipid mo sa pamasahe sa presyo ng Chippy.

7) Sponsored ng Bench ang uniform nila hahaha

8 ) Me butas ang mga life vests. LOLz!

9) Pwedeng sabit parang jeep.

10) Mas sosyal pa ang resibo ng Starbucks kesa sa boarding pass nila! Wahahahaha!





Ito ang TAMA pag sobra Malala















Bisyo ni Lola





Avatar The Last Air Vendor Made In Philippines




No matter how crazy and funny the scenes around you,
it is useless without the person you want to laugh with




Pagtatapat na Addict:

Boy Addict : adik man ako sayong paningin. subukan mong tumingin sa akin maadik ka rin!





Photo op: Sexy?... Ninja?


SEXY!


NINJA!


SEXY!


NINJA!


SEXY NINJA!



Patience for her virtue



Carl: Salamat nga pala dahil pumayag kang makipag-date saken ha.
Joanna: Ano ka ba, wala yun. Enjoy ka naman kasama 'e.
Carl: Baka gusto mong magkape mamaya. Dun muna tayo sa condominium ng parents ko, wala namang tao ngayon dun.
Joanna: Hey I like you ha, pero didiretsohin na kita Carl. Even if I like someone, nag-aantay ako ng at least 3 months before I go to bed with him.
Carl: Alam mo Joanna, dahil jan sa sinabi mo, mas tumaas ang respeto ko sayo. Pwede ba kitang yayain mag-date ulit?
Joanna: Oo naman. Kailan?

Carl: Mga after 3 months.



Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang




Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman buhay ay di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam
Uminom ka na lang, uminom ka na lang...

Buti na lang hindi masarap ang beer sa panlasa ng bata.
Kung hindi, kaagaw pa natin yang mga yan..




Tunay na Astig na Barako Kodak moment !!!!





Pimp my Bike



Pekyur Pekyur



G-cave





Garage Sale



ONE boy took a girl to a motel. The girl was so hot! She was wearing a transparent dress through which everything was visible.
The girl laid on the bed and spread her legs.
The boy went near.
To be continued… SHARELOAD P5 for the next episode!

Bumili si Totoy ng sabon sa tindahan ni Aling Nena…
TOTOY: (pasigaw) PABILI PO NG SAFEGUARD!
ALING NENA: (galit na sumigaw) Huwag kang sumigaw, TARANTADO! Hindi ako bingi! Anong SIM CARD? Globe o Smart?!

Nagkumpisal si Emerald kay Father Damaso…

EMERALD: Sobrang hot po ang boyfriend ko! Kahit sa dagat, ginagamit ako!
FR. DAMASO: Parang isda, ah?!
EMERALD: Minsan po, sa itaas ng puno.
FR. DAMASO: O! Parang ibon?!
EMERALD: At minsan, sa may simbahan…
FR. DAMASO: Ay, sus! Parang pari!

MARCO: Madam, malapit na ang Pasko. Magpapahula po ako.
MADAM VUHALA: Ho! Ho! Ho! Merry Christmas and A Happy New Year! Tama ka, ito lang ang alam sabihin ni Santa Claus!


“Ang dami kong kotse! Inggit ka, ‘no?!” – PARKING LOT

Para ma-solve ang labor problems ng PAL, nakipag-merge ito sa CEBU PACIFIC.
Ang pangalan ng mer­ger… PAL-PAC!

May MAJOR MAJOR question po ako.
Kung ANNULED na po ba ang kasal, kailangan pa ba ang DIBORSYO?
Kung in-ANAL,m ground po ba ito ng ANNULMENT o DIBORSYO?

Kung may pinagdadaanan kang problema, daa­nan mo lang.
Huwag mong tamba­yan!

Ayokong may mangyari sa ‘yo!
Pero… ayos lang kung may mangyari sa atin.

Having a cold drink on a hot day with a few good friends is good…
But what about ha­ving a hot friend on a cold night after a few drinks?

Umuwi ng bahay si Pedrito…
PEDRITO: Nanay! Pinapatawag ka sa Principal’s Office!
NANAY: Bakit?! May ginawa ka na namang katarantaduhan?!
PEDRITO: Ako ba?! Baka ikaw?! Ikaw ang ipinapatawag, di ba?!

ANGELA: Demonyo! Hestas! Barabas! Anak ka ng tipaklong! Tigilan mo na ang panliligaw sa akin at ayaw kong mag-asawa, animal!
AMBO: Bakit naman ayaw mong mag-asawa?
ANGELA: Gusto ko kasing matupad ang pa­ngarap ko, buwisit!
AMBO: Ano ba ang pangarap mo?
ANGELA: Gusto kong magmadre, tarantado!

Bahagi ng sermon ng isang obispo, “Masama ang sugal, magpasugal at ang magsugal. Pinagnanasaan mo ang pera ng iyong kapwa…
“Syanga pala, rain or shine, tuloy mamayang 7:00 PM ang ating Bingo Social.”


Ang pinaka ginagamit na password sa buong mundo ay "123456"
Meron sa inyong makakabasa nito na mababadtrip at magpapalit ng password.
"Tatanga-tanga kase."


Epal. Mas Epal.

Epal: Oh anong nangyari sayo?!

Mas Epal: Wala. Baket?
Epal: Anong wala??? Ba't wala kang kilay?!!
Mas Epal: Ah eto? Inahit ko.
Epal: Baket? Uso ba yan sa mga gago?!!
Mas Epal: Leche! Para sa pag-ibig 'to!
Epal: Ano? Baket?!
Mas Epal: Nililigawan ko kasi yung pamangkin ni Aling Baby. Si Kim.
Epal: Kaya ka nag-ahit ng kilay??? Cute ba yan?!
Mas Epal: E' ayaw daw kasi ni Kim ng lalakeng may facial hair.
Epal: Ay gago...
Mas Epal: Baket?
Epal: Halika dito... May i-e-explain ako sayo tungkol sa facial hair ha... mag-ready ka nang umiyak.


Kung mahina kang dumiskarte, eto sa'yo boss, Pamatay Banat!

2 grade two students ang naiwan sa classroom

girl: bakit ka nakatitig sa nameplate ko?
boy: inantay ko kasi malipat ung apelyido ko eh.


mas matindi kung ito maririnig mo sa crush mo:

alam mo parang tumataba ka...
bumibilog...
at unti-unting...
nagiging mundo ko.

boy: tapos na ba mga exams mo?
girl: bakit mo naman tinatanong yan?
boy: para ako naman sagutin mo!


GF na selosa: napakadami mong babae! Sabihin mo nga sa aken, sino ba talaga ang laman ng puso mo?
BF: Malay ko, kaw laging may dala eh...


a sweet fight

gf: ayoko na talaga! dadalhin ko na lahat ng sa'kin. hindi na ko babalik!
[paglabas ni gf sa pinto]
bf: hoy! babae! may nakalimutan ka!
gf: ano?
bf: hindi ano! AKO!

boy: ang ganda ng mundo.
girl : bakit mo naman nasabi?
boy: (sabay tingin sa girl) dahil ikaw ang mundo ko!


boy: excuse me miss? may lahi ba kayo ng kuto?
girl: wala naman bakit?
boy: hindi ka kasi mawala sa ulo ko...

Boy: Ahhhmmm.. Siguro ang galing mong mag-puzzle noh?!
Girl: Hala?! Ano?! Bkit?!
Boy: Kasi umaga palang... Binuo mo na ang araw ko...

Boy: Ako na ang mag'babayad ng tuition fee mo.
basta ang pag'aralan mo lang ay ang mahalin ko.

Pinaglihi ka ba sa keyboard? Kasi type kita eh.

Noong minahal kita, daig ko pa na'traffic sa EDSA.
I can’t move on.

boy: 'kala ko ba malakas instinct ng mga girls.
girl: syempre naman, madali kaming makaramdam kung may nangyayari na.
boy: ganun? eh bakit di mo nararamdaman na mahal na kita?

boy: alam mo isa na lang ang kulang sa buhay mo.
girl: pano mo naman nasabi yan?
boy: simple lang. hindi pa kasi tayo eh.

boy: teacher ka ba?
girl: sorry hindi, bakit naman pumasok sa isip mo yan?
boy: uhm, wala lang, tinuruan mo kasi akong magmahal.

boy: hindi ka ba hinahanap sa inyo?
girl: bakit naman?
boy: kc lagi kang nasa isip ko

palusot ng bobong manliligaw:

bobo: hindi naman totooang sinasabi nila na bobo ako. May isip din naman ako at Ikaw lang lagi ang nandun.
boy: kung sakaling maging dalawa ba ang puso mo. maari bang ako naman ang mahalin non?

girlfriend: HOY! Bakit 1/100 ka lang sa exam????
Boyfriend: Ikaw lang kasi ang TAMA sa buhay ko...

Toss coin tayo!
Pag tao, sa akin ka na, ha?!
Pag hindi… sa ‘yo na ako.

Kung ini-SMALL ka nila, huwag kang mag-alala…
Inii-BIG naman kita!

Kapag nagmahal ka, huwag mong ibigay lahat…
Magtira ka para sa akin!

Kapag ako’y namatay, ayokong RIP ang ilagay sa aking lapida.
Ang gusto ko, ISR…
I Shall Return!

You may not be perfect in many things… but many things cannot be perfect without you.Continue being a blessing

If I were your exponent, I’ll give you powers.
If I were your variable, I’ll give you solutions.
But I’m only a friend to subtract your worries, add joy, divide grief and multiply your happiness!

If a person is single, it doesn’t mean that she/he knows nothing about love.
In fact, being single is a lot wiser than being in a wrong relationship.

Hindi lahat ng pag-iwas ay pagsisimula ng paglimot.
May mga bagay lang na dapat pagsanayan muna bago tuluyang iwa­nan

Kapag nalaman mo na pinagtitripan ka lang ng mahal mo, hawakan mo ang kamay niya, kamayan mo siya, tapos, sabihin mo…
“Nice game, huh?! Sana, sinabi mo, laro lang ‘to! Para nakapandaya rin ako!”

Nakukulitan na ako sa Facebook!
Lagi na lang itinatanong, “What’s on your mind?”
Eh ikaw lang naman lagi ang nasa isip ko!

Not by water alone nabubuhay ang PETCHAY.
Dapat ding i-fertilize ng fat allowances upang yu­mabong.

“Mabait lang akong tingnan!”
In ENGLISH, “I’m just good-looking!”

Isang araw, magugulat ka dahil makikita mo ako sa tabi mo.
Ikaw at ako, tumatawa…
Ikaw at ako, umiiyak…
Ikaw at ako, nanga­ngarap…
Ikaw at ako, nagkakasayahan…
Ikaw lang at ako… sa mental hospital!
Ako, doktor! Ikaw, pasyente!

No comments:

Post a Comment