1. Ang matamis ang dila, inubos ang asukal sa kusina –kadalasan, ang mga mahilig mangako ay sanay na sa ganyang style. Praktisado kumbaga.
2. Mag-imagine at magtikol para sa sariling kapakanan –pagtitikol ng kaisipan kumbaga, antawag dyan sa inggles, intellectual masturbation. I-exercise paminsan-minsan ang utak. Wag manging tanga.
3. Ang mga bagay na di ginagamit, lumiliit. –evolution kaya ang maysala rito? Ehem, inde yun ang tinutukoy ko. In time, lahat ng bagay ay sisikip kapag hindi ginagamit. Yun ang tinutukoy ko, kung ano man yun.
4. Ang letrang pinakamahirap kalimutan ay ang letrang X –ehem ehem ehem, pahingi ng formula44. sino ang tututol? Hehehe
5. Sosyal man ang facebook, jojologin din ng mga taga-friendster. –walang permanente sa mundong ito. Lahat ay nababago, at magbabago.
6. Hindi nakukuha sa pagsisimba ang pinto sa langit –ito ay nakukuha sa tabi-tabi at may kasama pang massage! Do good. Period. No erase. No liquid paper. Disturbing lose one turn.
7. Lahat tayo ay pantay-pantay pag-upo ng inidoro. -Si Britney Spears ka man o si Pope. Lahat ay pantay-pantay sapagkat tayo ay tao lamang at may kinikimkim na galit sa loob ng tiyan.
8. Walang maitim na siko, sa taong mahal mo. –Parang isang masamang tao na namatay at nagiging “mabait na anak, asawa, kapatid, at kaibigan –walang kaaway” kapag na-interview sa tv ang nanay. Lahat ay nabubulag ng pag-ibig.
9. Mas maingay ang pipi kaysa tsismosang may sore throat –lahat tayo ay may hangganan. Hindi tayo si superman. Hindi lahat ng oras ay naroon tayo sa tuktok. Minsan nasa punong aratiles lang at nagduduyan-duyan.
10. Delayed man daw ang ticket at magaling, makakauwi rin!
Warning: If you're a fan of Kris Aquino please don't view this post!
10 Things to Think About:
1. What if Noynoy was not the son of Ninoy and Cory?
2. What if Kris Aquino is not an actress?
3. The role of Congress is to legislate laws. If you're part of it but wasn't able to legislate any law, what do you call yourself?
4. (on number three) Trying maybe good. Trying to pass the reproductive Health Bill is good? (It is important to note that whereas the general tone of
the bill appears to be positive and health promoting in style, upon closer scrutiny it contains deeply tricky principles, impositions and subtexts).
5. If character, competence, etc. are inherited, why do great people have prodigal sons?
6.'Sa Ngalan ng Tubo'? (film on Hacienda Luisita) is a good film.
7. Why did Erap win? He was popular. He was not corrupt. He was service-oriented. (Until he became President) Noynoy is? Popular. Not
corrupt. But not service-oriented. (What if he becomes President). This is my favorite argument.
8. Let's talk about platform. (Someone answers: What platform? Let's talk about our parents)
9. Why not really think about these?
10. Truth hurts doesn't it? Why not share these.
A: “Kung wala lang ‘yang security aide mo, inupakan na kita.”
B: “Akalain mo ‘yun?! Inabot ka ng nine years samantalang ako, ‘di man lang nakatatlo.”
C: “Sige, ngiti ka lang. Tingnan ko lang kung makangiti ka pa ‘pag nanalo si Noynoy.”
D: “Shabi ko na nga ba eh! After nine yearsshh, after nine long yearss, bitter ka pa rin.”
E: “O, may newsh crew. ‘Wag sishimangot unlessh gushto mong pag-ushapan tayo.”
BATIBOT:
salitang may tatlong pantig na binubuo ng apat na katinig at tatlong patinig.
isang inonesenteng programa na naglalayong mag-aliw at magbahagi ng karunungan sa mga kabataang pilipino noong dekada 80. (10am sa channel 9 na may replay sa channel 4 tuwing 3pm)
subalit sa kabila ng mga halakhak, hagikhik at tawanan ng mga karakter sa programang ito ay may di maikakailang malungkot na kwento sa likod ng bawat nagsisiganap.
Si Kuya Bojie: isang mama na tila napagkatian ng normal na kabataan. inaaliw ang sarili sa pagkukuwento tungkol sa mga higante at mga bulateng nagsasalita o di kaya ay nalulunod sa mga istorya ng mga planetang gawa sa matamis na bao.
Si Ate Sienna: kapansin-pansin ang kanyang mga malagkit na sulyap kay Kuya Bodjie na kailnma'y hindi nasuklian ng tunay na pagmamahal. Ang kanyang dating una't na buhok ay naging kulot sa pagkasawi at ang huli kong balita ay humuhuni ng mga katagang "Ako ay kapitbahay, kapitbahay nyo, pero bakit hindi nyo ako dinadalaw? huhuhu"
Si Ningning at Gingging: natutong mamuhay ng walang pagkalinga ng mga magulang. bagamat naglipana nung 1980's ang mga kalbong kumukuha ng mga batang hindi natutulog sa tanghali, ay hindi nagpadaig ang magkapatid na ito sa kanilang takot. Bagkus, ay pinagibayo ni Ningning ang kanyang pagiging nanay/ate kay Gingging.
Si Kiko Matsing: Hindi natin siya masisisi kung bakit madalas syang nagtatago sa likuran ng isang tabla. Ayaw man niyang ipaalam, ngunit mga giliw kong mambabasa. Si Kiko matsing ay isang lumpo! Ni hindi nga niya makuhang makapunta sa liwasang bayan upang makabili ng mga damit. At ang tangi na lamang niyang pananggalang sa init at lamig ay ang makapal niyang balahibo.
Si Pong Pagong: Ulila na rin ngunit madalas ay napapagkamalang palaboy sa kalsada. Isa si Pong na biktima ng kahirapan. Maliit pa lamang siya ay natutuhan na nyang pasanin ang daigdig sa kanyang balikat (bahay sa kanyang likod). Payak lang ang kanyang kasiyahan - ang makakain ng kangkong. Subalit sa bawat kagat ng mga dahon nito ay pagsusumamo sa Maykapal na sana... sana balang araw ay magkaroon siya ng ilong upang maamoy at malasahan ang kanyang kinakain.
Ilan lamang sila sa mga karakter na nagpasaya sa atin noong ating kabataan. Ang birhen na si Manang Bola, ang adik na si Kuya Dwight, ang palaging baradong ilong na si Kapitan Basa, at marami pang iba. Subalit wag kalilimutan na sila ay tao lamang (yung iba puppet at mascot), normal, natutuwa, natatakot, nasasaktan, at lumuluha
Dear Ate Charo,
Ang aking kwento ay di na bago sa mga nakakapanood ng iyong palatuntunan. Bagamat gasgas na at nagpeklat na ang mga langib ng aking istorya ay sumulat pa rin ako sa inyo upang humingi ng payo. Alam kong alam ko rin ang sagot sa mga katanungan ko ngunit mas mainam na ito ay marinig mula sa iyo dahil lubos ang aking tiwala sa nagmumura mong nunal na sa aking pakiwari ay ang pinagmumulan ng iyong angking kakayahan na magpayo.
Hindi ako marunong manligaw, Ate Charo. Ang alam ko lang ay nagkaka-gelpren ako ng di ko namamalayan. Nung bagong tuli nga ako at nagbakasyon sa aming probinsya sa Laguna noong tag-init, ay hindi ko lubos akalain na ang paninda ng aking pinsan na snowball ang syang magdudulot sa akin ng aking kauna-unahang pag-ibig. Isang araw, habang nagduduyan kami at pinagmamasdan ang namamaga at mapupula niyang labi habang dumadampi sa baso ng kinaskas na yelo, ay di ko inaasahan na sasagutin nya ng buong tamis na may halong arnibal ang tanong na “wudjubi my gelpren?”
Ngunit ate charo, simula lang pala yun ng kawil-kawil na kamalasan ko sa pag-ibig. Sa probinsya sya nag-aral at ako naman ay sa Maynila. Hindi pa uso noon ang text at ang tanging paraan lamang namin ng komunikasyon ay sa pamamagitan ng mga makukulay at nakakahilo sa bango na stationery na iniaabot namin sa aking tiyahin na paroo’t parito mula Laguna hanggang Maynila. Ako naman ay sumasagot sa pamamagitan ng papemelroti o di kaya ay sa pinagbalutan ng pandesal kapag walang-wala talaga. Pareho lang naman e.
Kasabay ng paglipas ng taon ay ang pagdausdos din pababa ng aming libog sa isa’t isa. Sa madaling salita, hindi naging matagumpay ang aming long distance relationship. May isa pa akong nabola nakasiping nakarelasyon na nauwi rin sa isang bigong pangarap. February 14 noon at galing ako ng ibayong dagat. Akin sana syang sosorpresahin ng isang surprise valentine gift – isang house and lot (parang wowowee lang no). Lingid sa aking kaalaman ay ako pala ang masusurprise sa halip na sya.
Nakahanap na sya ng panibagong syosyotain, aamuy-amuyin pag gabi at ipaglalaba ng karsunsilyo na may downy. Bigo na naman ako Ate Charo. Ipina-raffle ko na lamang ang bahay at lupa sa programang Chibugan Na sa Channel 9. Nitong huli kong bakasyon naman ay may naturnok nakita akong muli na akala ko’y sya na ngang pag-aalayan ko ng matamis kong punla. Ngunit wala pang isang linggo buhat ng ako ay lumisan sa Pilipinas ay nagpasya syang wag na lamang naming ipagpatuloy ang aming naunsyaming sayaw na lambada. Hirap daw sya sa sitwasyon na magkalayo kami. Naisip ko naman na may punto sya at marami pa siguro syang makaka-eyeball este makikilalang lalaki na di hamak na mas pogi sakin (although I know it’s impossible) at yung di sya iiwan tulad ng ginagawa ko every 3mos.
Ang isa pa, halos siyam na taon ang agwat ng aming edad kung kaya’t napaka-alangan ko na para sa kanya. Kumbaga, parang isa akong College student na may syotang Grade 2 na sa tuwing magde-date ay ibibili ko sya ng Kiddie meal na may kasamang de-susing plastic na laruan na Made in china. Kaya Ate Charo, ito ang aking tanong: Bakit masarap papakin ang bigas sa palengke? Ay mali. Hindi pala yan. Ipagpatuloy ko pa nga ba ang kahibangan ko at ligawan syang muli o humanap na lamang ako ng nakakaintindi sa aking sitwasyon na paalis-alis ng bansa?
best tagalog jokes
ReplyDelete