tangina this ....
Meryenda para sa utak
"Baket ba hapunan ang tawag kung gabi mo naman kinakain?"
Ang question mark lang ang punctuation na nagbubunga ng kaalaman.
Mas pipiliin mo bang magtanong at magmukang tanga panandalian? O wag magtanong at maging tanga habang-buhay?
Epal: 'O pano ka nakapasok?
Mas Epal: Inakyat ko yung gate nyo... kanina pako nagdodoorbell hindi mo binubuksan 'e.
Epal: Wala, sira yung doorbell.
Mas Epal: Tara na. 10:30 yung last full show, baka hindi tayo umabot.
Epal: Oo, tinatapos ko lang 'tong mga pinaplantsa ko. Baka mawalan na naman ng kuryente bukas, wala na akong polo pamasok sa trabaho. Last na polo na 'to, i-hahanger ko lang tapos alis na tayo.
Mas Epal: Baket puro kahoy yang mga hanger mo? Diba mas mahal yan?
Epal: Oo, pero mas matibay daw 'to 'e. Kahit mas mahal mas hindi naman nababali.
"Pak!"
Epal: ANONG GINAWA MO?!!
Mas Epal: Nabali...
Epal: Nabali??? Nakita ko BINALI mo 'e!!
Mas Epal: Sabi mo kasi matibay, sinubukan ko lang, sorry.
Epal: Putik, bat' mo kailangang subukan?!
Mas Epal: Nacurious kasi ako 'e...
Epal: Nacurious ka???
Mas Epal: Oo...
Epal: Sabi nila kapag dinikit daw ng gago yung muka nya sa plantsang mainit hindi daw mapapaso yung gagong yun. Subukan mo nga! Curious ka diba??? Dali subukan mo...
Sabi din nila, kapag hinulog mo daw sa hagdanan ang tanga, hindi daw masasaktan. Curious din ako 'e, pwede ko ba subukan sayo???
Mas Epal: ...Libre kita sa sine.
Weakness
Misis: Hayop ka! Wala ka talagang kwentang asawa!!!
Mister: Hoy tumahimik ka nga! Naririnig ka ng mga kapitbahay!
Misis: 'E ano kung marinig nila??! Bahala ka jan! Pupunta nako sa nanay ko!
Mister: Wala akong pakialam! Pumunta ka sa nanay mo kung gusto mo!!!
Misis: Tapos isasama ko sya dito! At dito ko sya patitirahin!!!
Mister: Sorry na hun mali ako, ikaw ang tama... Wala akong kwentang asawa 'no? Sorry na ha, sige na tulog ka na... Good night.
"Practice what you preach."
Tatay: Melvin anak, wag kang nagagalit sa amin ng nanay mo kapag pinagsasabihan ka namin na mag-aral mabuti. Iniisip lang naman namin ang kapakanan mo. Kailangn mong magpursigi para maiahon ang sarili mo, at hindi ka pwedeng umasa sa swerte. Madaming tao ang nag-aantay ng swerte nila, pumuputi nalang ang buhok nila kakaantay sa swerte pero wala naman silang nahihita. Wag mong gagayahin yung mga ganung tao anak, dahil ang umaasa sa swerte ay nababaon sa pangarap at walang pinatutunguhan... Anong oras na ba? Paki lipat nga ng channel yung TV anak at paki tingnan kung may tinamaan akong numero sa lotto, kahit balik taya lang.
Better Than Drugs
Sa buhay, marami tayong pagdaraanan… Ang masaktan, lumuha, mga away, problema, pag-aaral, trabaho at pera! Pero kahit gaano kahirap ang buhay, huwag kang mag-shabu. SEX IS BETTER THAN DRUGS!
Heart to Heart
Dad: Anak, disappointed ang mommy mo sayo...
Brent: Baket???
Dad: Hindi daw nya gusto si Hannah ang mapangasawa mo.
Brent: Pero dad matagal na kami ni Hannah. Sya talaga ang gusto ko.
Dad: Tsk tsk... Madami daw naririnig ang mommy mo tungkol sa babaeng yan.
Brent: Tulad ng?
Dad: Nakikita daw ng mga kaibigan ng mommy mo si Hannah sa mall, na halos kita na ang panty sa iksi ng suot nyang palda. Totoo ba yun?
Brent: 'Eh baka dahil mainit kasi ngayon. At dun kasi sya komportable...
Dad: So totoo pala. Totoo din ba na kapag lumalabas kayong dalawa 'e halos lumuwa na yung dibdib nyang babaeng yan dahil sa sobrang baba ng suot nya???
Brent: 'Eh siguro proud lang sya sa katawan nya dad. Pero kung gusto nyo pagsasabihan ko si Hannah.
Dad: May nakapagsabi din daw sa mommy mo na vain at madalas gumastos yang si Hannah para sa mga pangpaganda.
Brent: Opo. Totoo din po.
Dad: So totoong mahilig syang magsuot ng maiiksi, masyado nyang pinapakita ang katawan nya, at mahilig syang magpaganda??? So totoo pala ang mga naririnig ng mommy mo tungkol sa babaeng yan?!
Brent: Totoo po, dad...
Dad: Ang swerte mo naman...
Swerte is in the eye of the beholder !!!
Ang swerte mo kung panget ang mister mo. Dahil siguraduhin mo lang na hindi aabot ng 150 pesos ang dalang pera nyan, hindi na yan magkakaron ng pagkakataon na makipagsex sa iba. Oo, sa halagang 150 pesos may makukuha pa yan
For better skin...
Balat ng adobong manok: Kadiri. Balat ng nilagang manok: Kadiri. Balat ng manok sa lugaw: Kadiri.
Kung hindi mo din naman piprituhin ang manok, tanggalin mo nalang ang balat at prituhin mo nalang.
Sayang 'e...
Sayang talaga...
Sayang... talaga...
Talaga...
Talagang talaga...
Kung magluluto ng manok, prituhin o ihawin...
kung gusto mo lang ng sabaw, bumili ka ng Knor.
Sayang naman talaga diba?
Diba?
Happy Mother's Day ng ina mo
Kahit hindi ka sanay... kahit nakokornihan ka... at kahit makornihan sila... yakapin mo ang nanay mo ngayong araw.
Ngayong Mother's Day, isang masarap na yakap ang magsasabi sa babaeng nag-ire sayo kung gaano ka nagpapasalamat na parte sya ng buhay mo.
Isuot tuwing kutob mong magyayaya pumunta ng mall si babae
Panatang makaputo, iniibig ko ang mga puto, ito ang puto ng aking lahi...
Kung kaya mong gumawa ng makabayang obra na kasinglaki ng pader gamit ang mga puto, ninja ka
For emergency use only?
Hanggat' hindi ka namimilipit sa kakapigil, hindi ka pwedeng pumasok
Jejemon Ballot !!!!
Jejemon Resume !!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment