SAKRISTAN: Father, ano po ang dahilan ng arthritis?
PARI: Abuso sa katawan. Paglalasing. Pagsisigarilyo. Pambababae. Pagpupuyat. Bakit mo naitanong?
SAKRISTAN: Nabasa ko po kasi sa diyaryo na may arthritis ang Santo Papa
The rules of practicing “ugaling langit, ugaling kaaya-aya”
#1 Ang naunang magalit ang may karapatang magalit. Pag naunahan ka na ng galit niya, tumahimik ka na lang muna.
#2 Walang taong nag-aaway mag-isa. Pag hindi kayo sumagot o pumatol, titigil din daw ang taong nakikipag- away sa inyo.
#3 Ang taong galit, ‘bingi.’ If someone is angry, wala raw pinakikinggan, so, don’t try to explain and fight back. Hindi ka niya iintindihin dahil wala siyang naririnig kundi ang sarili nya.
#4 Ang taong galit, ‘abnoy.’ Ayon sa pastor, Biblical daw ito? because the Lord said when He was crucified, “Father, patawarin mo sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” Modern term for these kinds of people are abnoys, so you better not get angry para huwag kang matawag na abnoy.
You should also know and realize that the persons who make your day bad are jewel, because you need them for you to mature.
Hangga’t andyan daw sila at kinaiinisan mo, ibig sabihin, immature ka pa. God will not take away those people; it’s for you to take away your bad feelings towards them. You’ll know na mature ka na pag dumating ‘yung time na hindi ka na naiinis sa mga taong ito because you have learned to accept them and to have patience with them.
#5 Finally, the best part of this is to tell yourself na, because of this person, “I will grow mature,” and that DAHIL SA CONTRIBUTION NIYA SA MATURITY MO, KUKUNIN DIN SYA NI LORD.
Sa panliligaw ni Erap, mahilig siyang sumulat ng coded love
messages tulad ng:
ITALY – I truly adore and love you
SASAYA – Stay as Sweet as you are
Para lalong bumilib and kanyang nililigawan, sinikap niyang
gumawa ng “love letter” na gamit ang alphabet:
ABC – Always be careful
DEF – Don’t Ever forget
GHI – Go Home Immediately
JKLM – Just Keep Loving Me
NOPQRSTUVW – No One Perfectly Quite Romantic Should Treat U Very Well
Napa-whew at pinagpawisan si Erap. Tatlong titik na lang and
natitira…XYZ.
Pinag-isipan ito nang husto ni Erap. Makalipas ang oras,
napangiti siya at pinalakpakan ang kanyang sarili bago
sinulat ang:
XYZ – Xee You Zoon!!
Kumain sa isang sosyal na restaurant sina Erap at FVR.
“Give me Swiss Steak and French Fries”
order ni FVR sa ingles.
“And you Sir? tanong ng waiter.
“The same, Give me sweepstake and first prize, too”
sagot ni Erap.
Erap was asked if a group of birds is called a flock
of bird, and a group of fish is called a school of
fish, and a group of wolves is called a pack of
wolves, then what do you call a group of dogs?
Erap: Madali lang yan, anong akala ninyo sa akin tanga!
Di anser is “asociation”
“Ang gatas ko noong baby ako, Lactum,” kuwento ni Marcos sa ibang
presidente.
“Ah ako, Enfalac, ‘yun ang mahal, eh,” sagot ni Cory.
“Ako, Lactogen, kaya ganito ako katalino,” sabi ni Ramos.
“Ikaw, Erap, ano ang iniinom mo noon?” tanong ng tatlo.
“Ano yata Lactacyd.”
In a cabinet meeting ERAP (galit na galit) :
THERE HAS BEEN A LOT OF ALLEGATIONS THESE DAYS AND
I WOULD LIKE TO KNOW WHO THE “ALLIGATORS’ ARE
Na-interview si Cong. Mikey Arroyo…
Reporter: Eh, sir, bakit ayaw niyo na po tumakbo na Congressman sa Pampanga?
Mikey: Hay, naku! Mahirap na! Baka pa ako madaya ng nanay ko!
Noynoy in a conversation with Gibo:
Gibo: I'm a bar topnotcher.
Noynoy: My father is Ninoy.
Gibo: I have a Masters degree at Harvard Law School.
Noynoy: My mother is Cory.
Gibo: I'm a graduate of UP.
Noynoy: My sister is Kris, with Josh and Baby James
PINK SISTERS: Bukod sa amin, may nauna ka bang kinunsulta sa pagkandidato mo?
NOYNOY: Meron po, si Kris.
PINK SISTERS: Anung katarantaduhan ang ipinayo naman sa ‘yo?
NOYNOY: Magpunta daw po ako sa inyo!
Presidential Theme Songs:
Villar: The Long and Winding Road
Noynoy: Mama
Gibo: Fly Me to the Moon
Erap: To All the Girls I Loved Before
Jamby: Wish I had a Bird
Kanino ka magtitiwala?
May isang lolo. Kasama nya ang anak nyang si Juan at apong si Juanito na 10 years old.
Lolo: Ikaw ba apo, halimbawa may peborit kang tinapay na lagi mong binibili sa canteen nyo. Naging friends na kayo ng panadero dun pagkatapos ng ilang taon na lagi kang bumibili kasi alam mong magaling syang magluto. Magtitiwala ka ba sa kanya na sya ang magluto lagi ng tinapay mo?
Juanito: Aba opo naman!
Lolo: Biglang isang araw may lumapit sa yo na lalaking hindi mo kilala. May inoffer sya na libreng tinapay na kamukhang kamukha nung binibili mo sa canteen. Pero mas maganda ang pambalot. Madami pang design. Mukhang mabait naman yung lalaki. Sabi nya may free ka pang lobo pag tinanggap mo yung tinapay. Tatanggapin mo ba?
Juanito: Syempre hindi po! Stranger po yun e. Malay ko ba kung may lason o drugs na kasama yung tinapay. Dun na lang ako bibili sa friend ko na panadero. At least yun kahit hindi libre alam kong safe kainin.
Juan: Eng0t naman pala tong anak ko. Libre na nga at may libre pa ulit, hindi pa kukunin. Tsk ... tsk ... Hindi ka naman siguro lalasunin nung lalaki. Narinig mo naman di ba? Mukha naman daw mabait sabi ni Lolo mo.
Lolo: O ikaw naman Juan, since nagmamagaling ka, ikaw naman ang tatanungin ko. Halimbawa merong isang kandidato na maganda ang track record. Natutupad nya nang mahusay ang kanyang tungkulin kahit saan man sya ilagay. At nahihigitan pa nya ang expectations ng mga tao. Magtitiwala ka ba sa kanya?
Juan: Aba oo naman!
Lolo: Biglang isang araw, may isang kandidato na humingi ng boto mo kapalit ang pangako na tatapusin nya kahirapan ng buoooooong bansa. At! Hindi lang yan. Binigyan ka pa ng libreng appliances. At nagpa-concert pa ng peborit mong banda. Iboboto mo ba sya?
Juan: Syempre OO! Tinatanong pa ba yan? Kayo naman o. Sinabi nyang tatapusin nya ang kahirapan di ba? Syempre dapat maniwala tayo dun!
Juanito: Sino kayang eng0t sa tin? Tay, pano kung patibong lang yun? Buti pa ako kahit tinapay lang yun, hindi pa din ako tataya. Pero kayo itataya nyo ang kinabukasan ko.
Juan: Shhh! Wag ka ngang mas marunong sa kin!
Epal: Kahit papano swerte parin tayong mga Pilipino.
Mas Epal: Oo naman.
Epal: Isipn mo kung pinanganak tayo sa North Korea, sobrang higpit, sobrang strikto dun. Halos walang kalayaan.
Mas Epal: Nakakatakot ah.
Epal: Kaya pasalamat ako na hindi ako pinanganak sa North Korea.
Mas Epal: Oo nga, pinaka masarap parin maging Pilipino.
Epal: Tama.
Mas Epal: Ako pasalamat ako na hindi ako pinanganak na Amerikano.
Epal: Baket?
Mas Epal: Hindi ako marunong mag-english
Siguradong hindi lang sa pag-ihi ito ginamit ng mga malisyosong tao
Wag ka nang magmaang-maangan. Alam mo kung ano ang sinasabi namin dahil malisyoso ka din
In just 2 weeks...
Super Signal
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment