Tuesday, May 11, 2010
Ika - 22 Banat
1. Kung nahihiya kang manligaw sa kanya, hindi mo siya mahal. Mahal mo ang sarili mo. Dahil kadalasang rason kung bakit ka nahihiya’y dahil may takot kang baka pintasan ang suot mo, mapupuna na pango ang ilong mo, o baka wala kang masabi kapag nasa harapan mo na siya. Ang nakikita mo’y ang kahinaan mo, ang sarili mo at hindi siya.
2. Kung umiibig ka nga, siya at siya lagi ang laman ng utak mo. Kaya ka tinutubuan ng tigyawat, laging tulala, at walang ibang mahalaga kundi sya. Huwag kang kabahan, normal lang talaga ‘yun.
3. Walang eksperimento sa Pag-ibig 101. Kung pinapakiramdaman mo lang kung sasagutin ka niya o hindi, kalimutan mo na ang eksperimentong ‘yan. Kadalasan, hindi nagtatagal ang relasyong nagsimula sa subok lang.
4. Hindi mo kailangan ng tulay para masabi sa kanya na mahal mo siya. Ang tunay na umiibig, binabale-wala ang mga sagabal para makamit ang pag-ibig na inaasam. Huwag mo nang antayin ang kaibigan mo para siya ang magsabing mahal mo siya, puntahan mo na’t baka maunahan ka pa.
5. Ang pag-ibig na nararamdaman mo’y hindi lang ikaw ang nakakaramdam, lahat tayo’y may kakayahang umibig. Kaya’t huwag ka nang magtaka kung ang kaklase mo’y iniibig din niya ang iniibig mo. Kaya’t kung gusto mong malaman niyang mahal mo siya talaga, ipakita mo, ligawan mo siya, kausapin mo, sunduin mo at ihatid sa kanilang bahay.
6. Kung binasted ka niya, huwag mong ipagpilitan ang sarili mo, hindi niya maramdaman ang nararamdaman mo. Tanggapin mo ‘yun.
7. Saka ka lang mag-antay ng isang taon para sa matamis niyang OO kung pinakitaan ka ng dalawang bilog ng Fita sa harapan mo. Ang ibig sabihin nun ay torpe ka lang talaga, kailangan mo lang basahin ang mga galaw niya para malaman mo ang hindi niya kayang sabihin ng harapan sa ‘yo.
8. Kung ibinigay niya sa ‘yo ang matamis niyang OO, hindi yun ang final exams ng Pag-ibig 101. Ibig lang sabihin nun, pumasa ka sa prelim exams.
9. Ang pag-ibig, parang halaman yan, mula sa butil na itinanim mo, kailangan mong diligan at alagaan araw-araw. Hindi ‘yun nagtatapos sa pagtubo niya, kailangan mo siyang ingatan para di malanta.
10. Dalawang tao ang kailangan para mabuo ang isang pag-ibig. Komunikasyon sa pagitan niyong dalawa ang kailangan para mapanatili niyo ang alab ng pag-ibig na ‘yan.
Lourd De Vera
Simple at maiksi lang dapat ang balota, pero humaba ang lintek— halos 25 inches, to be exact– dahil sa haba ng listahan ng mga tumatakbong party list. Alam mong hindi prinsipyo ang pinaninindigan ng mga hindot dahil sa paglagay ng mga 11111111111-AAAAAAAA sa mga pangalan nila—senyales na gaguhang diskarte at tarantadong taktika ang magiging labanan, imbes na maayos na diskurso at plataporma.
Depende na lang siguro sa mga tatatanga-tangang botante na mamarkahan na lang ang unang bilog na hugis itlog makita sa balota. Dahil siguro yun lang ang turo ng Sex Bomb sa kaniya—at hindi ang tunay na diwa ng party list, na medyo mahirap atang ipaliwanag sa pamamagitan ng gumigiling na balakang at pagsigaw-sigaw ng “Aawwww!”
Kaya ganun na lang kung tarantaduhin ng mga taong nasa puwesto ang party list system, na dapat ay magbibigay representasyon sa mga marginalized sectors ng lipunan (a.k.a mga olats, mga walang boses, mga naiitsapuwera). Iilang aktibista at miyembro ng civil society lang naman ang nakakaintindi niyan, di ba? Kaya, okey lang na maging nominado si Kuya Mikey bilang kinatawan ng grupo ng mga security guards. O si Angelo Reyes na maging representative ng party list ng mga tricycle drivers.
Tandaan na ang utol ni First Gentleman na si Ma. Lourdes Arroyo ay miyembro ng party list na diumano ay kumakatawan sa mga magbabalot. Nung isang taon, may nag-apply sa Comelec na grupo ng mga sabungero. Ano’ng susunod—party list ng mga lasenggo’t sugarol?
Pero ‘wag ismolin.
Siguro para sa nakararami, parang minor issue lang ang party list. Pero medyo nakakatakot ito sa harap ng nangyayari ngayon na tila yatang may maitim na hangarin si Misis Arroyo sa Kongreso (correction: “kongreso” with a small ‘K’—‘ika nga ni Shakespeare, mutherfuckers don’t get no caps).
‘Wag din ismolin ang kakayahan ni Ate Glo na maghasik ng mas matinding lagim—dahil kung kahayupan lang naman ang pag-uusapan, daig pa ng administrasyong ito ang National Geographic channel.
Tutal, nagkakagaguhan na rin naman sa mga nominado ng party list system, meron akong ilang mungkahi.
Dahil tatakbong kongreswoman si Gloria Arroyo at—kung hindi siya biglang kidlatan harinawa—marami siyang puwedeng mabuong lupon, maliban sa naghihingalong Lakas-KAMPI (na parang lumulubog na barkong tinatakasan ng mga nagpapanic na daga). Andiyan yung Gloria Arroyo’s Governmental Organization (GAGO), na ang mga adhikai’y kabaligtaran ng ginagawa ng mga NGO, at siguradong sigurado ako na walang kinalaman sa term extension.
Puwede ring gabayan niya—kasama na rin siguro ang First Gentleman at ang panganay na anak– ang mga kabataan tungo sa proyektong may kabuluhan, sa pagbuo ng Building Advocacy and Better Opportunities for the Youth (BABOY). Pero dahil maliit lang siya, siguro mas bagay ang Bagong Inisyatibo para sa Inspirasyon at Kalinisan o BIIK, isang quasi-spiritual renewal movement na ang focus ay sa panloob na pagpapabuti.
And speaking of families, hindi lang pala mga Arroyo ang puwedeng magkaroon ng sariling party list. Kahit ang mga kaawa-awang mga Ampatuan ay kailangan na ring i-organisa ang kanilang mga sarili dahil pinagtutulungan na sila ng lahat. Karapatan ng mga Ampatuan Tungo sa Aksyon at Integridad (KATAI) ang maaring itawag nila dito. Kung ayaw nila, mungkahi ko ang MASSACRE o Maguindanao Society for Alternative Causes, Charities, Rights, and Education na tutulong sa paghahanap ng mga makabagong programa para mapaunlad ang naturang probinsiya at para mawala ang imahe ng pamilyang Ampatuan na mga warlords.
Kailangang mabawi ni Hayden Kho ang kanyang dangal pagkatapos ng matinding scandal, at isa sa mga paraan ay ang pagtulong sa mga importanteng miyembro ng hospital staff at ang mga duktor ng mga buntis. Puwede siyang maging founding president ng Philippine Organization for the Rights of Nurses and Obstetricians o PORNO. Kung hindi man tungkol sa medisina, marahil bilang isa sa mga kilalang personalidad sa lipunan ngayon, baka naman makatuong siya sa mga manggagawa ng sining na kailangang kailangan ng tulong-pinansiyal, gaya ng mga stage hands, theater staff, production assistants, at iba pang maliliit na tao. Karamihan dito ay walang health benefits, walang pabahay, at walang pinagkakakitaang permanente—lagi na lang silang umaasa kung may raket. Sa ilalim ng Cultural Management Service, Housing, and Trade (CuMSHoT), baka magamit niya ang kanyang katanyagan para makalikom ng pondo para sa mga taong ito.
Ang Pambansang Kamao? Dapat hindi na siya tumakbo para sa pagka-kongresista ng Saranggani. Mas makakatulong pa siya sa mas maraming tao—lalong lalo na sa mga manggagawa ng transport sector na maliit lang ang kinikita– sa pamamagitan ng Kilusan ng Republikang Itaas ang Sahod ng Transport Alliances (KRISTA).
Si Kris Aquino naman dapat nagtatag din ng kanyang sariling party list. Sa kanyang walang-kupas na star power, siguradong panalo ang grupong tutulong lalo sa karapatan at kalinangan ng kabataan– ang JOEY (Justice, Order, and Excellence for the Youth). Maari niya ring gamitin ang kanyang kasikatan para mailuklok sa kongreso ang mga dakilang inhenyerong hindi lang gumagawa ng mga tulay sa probinsya, pero kaakibat din sa paggagamot ng mga may sakit sa mga malalayong baryo. Eto ang grupong Health Operations for Public Engineers o HOPE.
Siyanga pala, dahil marami na rin ang Arroyo sa House of Representatives, puwede na rin silang magtayo ng sarili nilang grupo: ang Kapisanan ng mga Arroyo sa Lehislatura a.k.a KAPAL. Puwede rin itong tawaging The Arroyo Enterprise pero baka masyado na yatang bulgar, masyado nang unfair, masyado nang nakakahiya—sa ebak.
Pisong Bangus at Pisong Sardinas
Sana ganito na lang kamura ang mga bilihin, ito ang una kong nasabi nung nakita ko ang mga chichiriang ito sa mga paninda sa tindahan (sari-sari store) ng mama ko. Natutuwa ako kasi meron na palang nabibiling pisong bangus, pisong tilapia, pisong chicken joy, pisong lechong manok, pisong lumpia, pisong mais at akalain mong may pisong sardinas! Minsan binibiro ko ang mga bumibiling bata kapag sinabi nila, “Pabili nga po ng bangus!”, sasabihin ko naman, “Ilang kilo?” Madalas sabihin ng mga bata at ng mga bumibili na masarap gawing ulam ang pisong sardinas at bangus. Isawsaw lang daw sa pisong suka o di kaya pisong toyo, solve na ang hapunan. Kung gusto mo naman na medyo makatikim ng tanghaliang “chicken joy” o di kaya lechong manok, bili ka lang ng pisong” chick’ n joy” at pisong lechong manok. Ayokong bigyan ng malalim na kahulugan ang mga ito, sapagkat obvious naman ang simpleng mensahe nito, mahirap pa rin ang buhay sa Pinas. Ngunit dahil sa sadyang madiskarte at malikhain ang mga Pinoy, hindi ito hadlang upang makaimbento ng kung ano-anung mga bagay at makatikim kahit man lang kahit papaano ng mga pinapangarap nilang matikmang pagkain. Ngunit sa kasamaang palad, gustuhin man natin minsan makatikim ng sariwang bangus o tilapia, hindi tayo makabili dahil sa mataas na presyo na sinabayan pa ng kawalan ng perang pambili. Kaya madalas nagtitiis na lang ang marami, sa pisong “tilapia-flavored” snack mairaos lang ang pananghalian at meryenda.
Kafalaran
ARIES (March 21 – April 19) Mabilis ang karma sa iyo. Makakapulot ka ng pera ngayon, kaso madudukot ang wallet mo.
TAURUS (April 20 – May 20) Maaga kang makakauwi ngayon mula sa opisina. Masarap ang inyong ulam, kaso walang itinira para sa iyo.
GEMINI (May 21 – June 20) Pagagalitan ka ng isang madurukot, sapagkat walang laman ang wallet na nakuha niya sa iyo.
CANCER (June 21 – July 22) Hindi ka makakaligo ngayon sapagkat naubusan kayo ng tubig, pero mababasa ka naman ng ulan. Kaya ok lang.
LEO (July 23 – August 22) Mag-ingat sa mga aso sa daan. Makakatapak ka ng kanilang tae ngayon.
VIRGO (August 23 – September 22) Maaga kang makakasakay ng jeep ngayon, kaso makakaranas ka ng trapik at male-late ka sa trabaho.
LIBRA (September 23 – October 22) Uulan ngayong araw na ito. Mapalad ka at nakapagdala ka ng payong at hindi ka mababasa ng ulan. Pero mababasa ka pa rin sapagkat matatalsikan ka ng tubig ng makakasalubong mong sasakyan.
SCORPIO (October 23 – November 21) Magkakaruon kayo ng surprise quiz bukas. Ngunit huwag mag-alala sapagkat sasabihin ito ng instructor mo ngayon.
SAGITTARIUS (November 22 – December 21) Makakatanggap ka ng libreng load ngayong araw na ito. Pero mai-snatch ang cellphone mo.
CAPRICORN (December 22 – January 19) Magkaka-brownout sa inyong lugar mamayang gabi. Makakareceive ka ng text mula sa iyong guro na magkakaruon kayo ng quiz bukas. Hindi ka makakareview.
AQUARIUS (January 20 – February 18) Makakagat ng inyong alagang aso ang nililigawan mong babae.
PISCES (February 19 – March 20) Ikaw ang babaeng kinagat ng aso, sapagkat ikaw ang nililigawan ni Mr. Aquarius. Kung mamamatay ka, bakit hindi na lang ngayon.
MAGPANGGAP O MAGPAKAPRAKTIKAL?
1. Kung ayaw sa iyo ng mahal mo wag mong ipagpilitan ang sarili mo, dahil di ka rin namn nia pinilt na pakamahalin mo cia..Ikaw ang may gusto kaya wag kang magreklamo kung nasasaktan ka nia ng di nia nalalaman lalo at di ka naman talga nia mahal.
2. Wag mong pakiaalaman ang bagay na hindi mo naman dapat pakiaalaman lalo pa at wala naman kapahintulutan ito sa mga taong nais pakiaalaman. Buhay nila yun hindi sa iyo.
3. Kung may gusto kang gawin at di mo alam lalo na sa trabaho, magtanong ka sa may alam mainam na yung nagtatanong kesa sa nag-aalam-alaman lalo lang maraming nadadamay.
4. Kung alin lang kaya yun lang gawin at pagkasyahin dahil mahirap ipilit ang wala at di puede, o di maari.
5. Wag kang magpretend na alam mo ang isang bagay kung di naman kasi the more na nagmamagaling ka lalo lang lumalabas na ignorante ka sa harap nila.
6. Ngumiti ka naman kahit paminsan-minsan, siguraduhin mo lang na may nginingitian baka kasi mag-isa ka lang mapagkamalan ka pang kulang-kulang.
7. Ang pagkalungkot, pagsaya, pagluha at pagtawa ay mga parte ng ating buhay wag mong ikahiya kung ano man ang iyong nararamdaman, mas masama kasi pag wala ka ng pangdama o pakiramdam.
8. Di masamang maging mahilig sa gwapo wag lang barumbadong gwapo, bugbugero at walang trabaho dahil di ka mabubuhay ng panlabas na anyo lang ng isang tao.
9. Kung di ka naman simpatiko wag ka na lang magpaka-antipatiko.
10. Di bale raw na walang permanenteng trabaho basta ba sangkaterba ang raket mo, sa abilidad minsan daig mo pa ang pumapasok sa opisina araw-araw, basta siguraduhin lang legal ang raket na yan.
11. Kayod ng kayod wala namang ipon, ipon ng ipon wala namang pinaglalaanan.
12. Kung may nagsabi sa iyo na ang ganda/gwapo mo, magpasalamat ka nalang wag ng makunwari na dedma pero ang totoo eh pumapalakpak naman ang tenga mo.
13. Kung inalok kang kumain sa bahay na iyong pinuntahan dumulog sa hapag kainan kung gutom ka man wag mong sabihing okey lang pero ang totoo eh kumakalam na ang tiyan, sino niloko mo sarili mo?(Basta magtira lang para sa may-ari ng bahay)
14. Kung iibig sa taong alam mong may nagmamay-ari na, wag kalimutang nakikiamot ka lang sa lahat ng meron cia, kasi baka isipin mong sa iyo na cia eh maloka/maloko ka.
15. Kung magdadamit man ng seksi siguraduhin kaya niong panindigan ang sagwa kasi na kung kelan ka nasa sasakyan panay naman ang batak mo sa mga laylayan.
16. Kapag ikaw ay nangutang, dapat lang na alam mong obligasyon mong magbayad, kung wala ka man balak ng bayaran sa simula palang sabihin mong pahingi na lang.
17. Wag mong ikahiya kung anu ka pa man dahil lahat ng nilalang may kanya-kanyang dahilan at karakter dito sa mundong ibabaw.
18. Ang pagnanakaw di lang sa materyal na bagay kahit sa oras nangyayari yan, tulad nila naka-time in pero nagchachat hehehe,(ooopppps, tabi-tabi po...) Akala mo lang di alam ng Boss mo yan yun pala gawain din nia yan dati.
19. Being a Leader is not just being a Boss, Being a Boss is being a good leader. Kaya kung gusto mong maging Boss manguna ka na, on-line ka na, tingnan mo sila lahat bz sa cubicle nila...
20. Anumang mga bagay na napasama sa lista eh di po intensyong magpatama mga bagay-bagay na nakita ko lang at totoo na nangyayari naman....(ATA!)
“ingat bro ha”
normal na sa atin yun pagsasabing “ingat” kung may aalis na kabarkada, asawa, girlfriend o anak. Pero kung halimbawa nagko-commute ka naman, paano ka mag-iingat? Pano kung kaskasero yung jeepney driver? yung bus driver? Kung may bumangga sayo? Pano kung biglang bumagsak yung sinasakyan mong eroplano o lumubog yung sinasakyan mong barko, pero sa sarili mo sobrang nag-iingat ka naman..kung ganun, effective pa rin ba yung salitang “ingat”? o nakasanayan na lang?
Walang TV ang mga “HOLDAPERS”….
Dahil parating uso ang holdapan: sa jeep, sa bus, sa kalye, may mga napapanuod ako sa TV, grupo sila na nagtuturo ng mga tamang self-defense pag ikaw ay minalas na maholdap o parang yung tipong ‘What-to-do” kung sakali mang isang gabi e biktimahin ka ng mga holdapers. Ang daming klase ng self-defense, iba’t-ibang paraan depende sa sitwasyon, posisyon o lugar. Okay okay, epektib, maganda yan, no doubt. Pero tanong ko lang……….. Yung mga holdapers ba hindi nanunuod ng TV? Pano kung napapanuod din nila yung itinuturo nyo? Ikaw, ano sa palagay mo?
Miryenda para sa utak
Ang magpapanalo sa kahit na anong debate..."Save... Period... No Erase...Touch move... Padlock tapon susi."
Ang mga nakaupo sa baba, ay ang mga taong patuloy na naniniwala sa katapatan ng ating gobyerno.
"Hindi na dapat pakialaman ang maayos na pagkanta ng manganganta na kumanta ng magandang kanta."
Ang dahilan kung bakit hindi mo dapat hiwalayan ang boyfriend mo kahit na sinasaktan at minumura ka nya ay......WALA. Tanga!
Curious lang...Kung lahat ng kandidato ay nagsasabing sila ay para sa mahirap, sinong magiging presidente ng mayaman?
Ang mga taong tunay na nagmamahalan ay hindi nagkakaroon ng happy ending... Dahil ang tunay na pagmamahalan ay walang katapusan.
Hindi lisensya ang pagmamahal para mahalin ang isang taong kasal na sa iba
Ang dahilan kaya hirap makipag-eye contact ang mga lalake sa mga babae......ay dahil walang mata ang mga dede ng babae
Heart to Heart
Agatha: Dad, ilan naging girlfriend mo?
Dad: Bago maging kami ng mommy mo, tatlo. Pagkatapos namin ikasal... mga anim.
KUMPISAL
INDAY: Father, I confess. Everytime I look at other woman during mass, I realize I'm the prettiest in the church!! IS THAT A SIN??
FATHER: NO Inday, it's a JOKE!!!
"PUGA" (Ang unang engkwentro)
9:45AM... Almusal ng mga inmates...
Brando: Bago ka dito ah...
Tonyo: Oo, ako nga pala si Tonyo. Kakapasok ko lang kahapon. Pero wala akong balak magtagal dito. Delfin: Mataas ang ambisyon mo Tonyo 'a. Tatakas ka?
Tonyo: Oo.
Gaston: Huy, hinaan nyo nga yung boses nyo, baka makatunog yang jail guard. Nice to meet you Tonyo.
Delfin: Parepareho pala tayo ng balak 'e.
Tonyo: Ah nice to meet you din kosa... Balak nyo din tumakas?
Brando: Oo, may kanyakanyang mga plano na kami. Ako balak kong umakyat sa vent, pero titingnan ko muna mamaya kung kaya ko bang lundagin pababa sa kabila ng pader.
Delfin: Ako naman lolokohin ko yung jail guard na nagkakagulo ang mga preso. Tapos pasimple kong kukunin yung susi ng mga selda na nakasukbit sa bewang nya.
Gaston: Ako aantayin ko lang makatulog yung mga jail guard tapos tuwing gabi uuntiuntiin kong lagariin yung mga rehas gamit yung kwerdas ng gitara ko.
Brando: Ikaw ba Tonyo, pano mo balak tumakas?
Tonyo: Ah yung plano ko subok na. Hindi pa pumapalpak.
Delfin: Uy mukang ayos yan ah! Share naman.
Tonyo: Kikiskisin ko ng madiin yung mata ko. Tapos magsusulat ako ng pekeng excuse letter, gagayahin ko nalang yung pirma ng nanay ko. Nakasulat sa excuse letter na pauwiin nila ako dahil meron akong sore eyes.
Gaston: Tonyo... wag ka sanang magagalit ha... pero sisikmurahan kita pagkatapos mong mag-almusal.
Tigilan na ang "It was love at first sight." dahil liars go to hell
Ang pundasyon ng pagmamahalan ay hinuhugot sa malalim na pagkakakilan ng isa't-isa. Pwede mong sabihing "It was crush at first sight." at kadalasan pa nga ay "It was LUST at first sight." pero paniguradong nagpapasweet o nagpapasikat lang ang sinumang ipagpipilitang "It was love at first sight." Maaari it was love at first fight, dahil sa away kayo magkakasukatan, at doon din lalabas ang mga tunay nyong basura. Masyadong malakas ang salitang "love" para ipangtukoy sa "first sight". Pwede mali ang mga sinasabi namin dito ngayon... pero sobrang labo na mangyari nun.
Obeertime
Linda: Hoy! san ka galing?!!
Jonathan: Sa trabaho.
Linda: Bat ngayon ka lang?!
Jonathan: Overtime...
Linda: Overtime mo muka mo! Nakita ka daw ng kaibigan ko palabas ka ng beer house!
Jonathan: Hoy! Tigilan moko ha! Alam mo nang waiter ako sa beer house! Booyset!!!
Wow Bike
Seasoning ng mga tunay na lalake
Simbahan ng mga Kafatiran
Farty list ng mga kafatid
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
wow ang galing mo naman. haha pwede ka nang magsulat ng librong pang bob ong!
ReplyDelete