Tuesday, May 18, 2010

Ika - 34 Banat



Question & Answer......... totally HILARIOUS!!!

These are questions and actual answers of contest participants!

1. Q: "Kung ang light ay ilaw, ano naman ang lightning?" A: "Umiilaw!"
2. Q: "Ano sa Tagalog ang teeth?" A: "Utong!"
3. Q: "Kung vegetarian ang tawag sa kumakain ng gulay, ano ang tawag sa kumakain ng tao? A: "Humanitarian? "
4. Q: "Sina Michael at Raphael ay mga." A: "Ninja?"
5. Q: "Ano ang karaniwang kasunod ng kidlat?" A: "Sunog!"
6. Q: "Magbigay ng sikat na Willie." A: "Willie da pooh!"
7. Q: "Ang mga Hindu ay galing sa aling bansa?" A: "Hindunesia? "
8. Q: "Anong hayop si King Kong?" A: "Pagong!"
9. Q: "Magbigay ng mabahong pagkain." A: "Tae!"
10. Q: "Saang bansa matatagpuan ang mga Canadians?" A: "Canadia!"
11. Q: "Kumpletuhin - Little Red." A: "Ribbon!"
12 Q: "Ano ang tinatanggal sa itlog bago ito kainin?" A: "Buhok?"
13. Q: "Magbigay ng pagkain na dumidikit sa ngipin." A: "Tinga!"
14. Q: "Anong oras kadalasang pinapatay ang TV?" A: "Pag balita?"
15. Q: "Ano ang tawag mo sa anak ng taong grasa?" A: "Baby oil?"
16. Q: "Saan karaniwang ginagawa ang mga sweets na ginagamit sa halu-halo?" A: "Sweetserland? "
17. Q: "Sinong higanteng G ang tinalo ni David?" A: "Godzilla?"
18. Q: "Ano ang mas malaki, itlog ng ibon o sanggol ng tao?" A: "Itlog ng tao!"
19. Q: "Anong S ang tawag sa duktor nag nago-opera?" A: "Sadista?"
20. Q: "Blank is the best policy." A: "Ice tea?"
21. Q: "Saan binaril si Jose Rizal?" A: "Sa likod!"
22 Q: "Fill in the blanks - Beauty is in the eye of the ____." A: "Tiger?"
22. Q: "Ano ang kinakain ng monkey-eating eagle?" A: "Saging!"
23. Q: "Kung ang suka ay vinegar, ano naman ang Inggles ng toyo?" A: "Baliw!"
24. Q: "Anong tawag mo sa kapatid ng nanay mo?" A: "Kamag-anak! "
25. Q: "Saan nakukuha ang sakit na AIDS?" A: "Sa motel?"
26. Q: "Kung ang H2O ay water, ano naman ang CO2?" A: "Cold water!"
27. Q: "Sinong cartoon charcater ang sumisigaw ng yabba dabba doo?" A: "Si scooby dooby doo?"
28. Q: "Heto na si kaka, bubuka-bukaka. " A: "Operadang bakla?"
29. Q: "Ilan ang bituin sa American flag?" A: "Madami!"
30. Q: "Ano ang tawag mo sa taong isa lang ang mata?" A: "Abnormal!"



wee mukhang masarap abangan tong si lebron james kakalipat lang sa ibang team sa kadahilanang hindi nya nagawang pa championin ang cavaliers....
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>
>



Salitang Tagalog

Abuloy --- bayad sa nahigop na kape at nanguyang biskwit sa nilamayang sakla.
Akala ---- alam na alam daw.

Aginaldo - inaasahan na makukuha sa araw ng Pasko na mas okay sanakung pera
na lang.
Ama ------ pamilyadong gustong maging binata


Bakasyon - sandaliang pahinga sa trabahong hingal lang ang pahinga.

Bakit ---- tanong na laging mahirap masagot.

Bakya ---- tsinelas na may takong.

Baga ----- lutuan ng mga hindi makabili ng microwave.

Bagoong -- masarap na ulam ng mga walang maiulam.

Baldado -- hindi mamamatay-matay na mukhang hindi na mabubuhay.

Bale ----- suweldong inutang.

Binata --- lalaking gustong maging ama

Biyenan -- anay ng tahanan

Kaaway --- ikli ng 'kaibigan na Inayawan.'

Kababata - dating gelpren na may ibang boypren.

Kabag ---- dighay at utot na naghalo sa tiyan.
Kabayo --- hayop na sinasakyan Ng kalesa.
Kabit ---- asawang nakatira sa iba

Kalbo ---- gupit ng buhok na korteng itlog.


Dalaga ------ babaeng gustong maging ina.

Dalaginding - dalagang hindi pa nagsusuot ng bra.

Dighay --- Utot na lumabas sa bunganga.

Dilim ---- liwanag na maitim.


Ginang --- asawa ni ginoo na mukha nang tsimay.

Ginoo ---- asawa ni ginang na may inaasawang iba.

Gipit ---- kalagayan ng tao na suki na ng sanglaan.


Ha ------- sagot ng nagbibingi-bingihan.
Halakhak - tawang bukang-buka ang ngala-ngala.

Handaan -- magdamagan na Palakihan ng tiyan.

Handog --- bigay na laging may kapalit.

Hipo ----- haplos na may malisya.

Hudas ---- tapat na manloloko.


Ibon ------ hayop na lumalangoy sa Hangin.

Imposible - pagtaas ng unano.

Ina ------- pamilyadang gustong maging dalaga.
Insulto --- walang hiyang biro.

Isda ------ hayop na hindi Nalulunod.

Itlog ----- pagkaing amoy utot

Ita ------- negrong Pinoy.

La -------- ikli ng 'lalalalala' sa kinakantang hindi maalala.

Lalawigan - syudad ng kahirapan.

Langaw ---- kulisap na bangung-bango sa amoy ng basura.


Ma -------- tawag sa gelpren na mukhang nanay na.

Malusog --- hitsura ng tumatabang balat.

Mama ------ tawag sa sosyal na ina.

Mano ------ kaugaliang Pinoy na nakapupudpod ng noo.... at bulsa.

Mantika --- katas ng piniritong taba.

Mayabang -- abusadong tanga.

Maybahay -- dominanteng utusan sa bahay.


Nanay ---- Ilaw ng tahanan

Nakaw ----- hiram ng walang paalam
Naku ------ ikli ng 'nanay ko, nanay na ako.'

Nitso ----- bahay ng mga patay.
Nobya ----- gelpren na laking probinsya.

Ngalngal -- iyak ng walang ipen.

Ngisi ----- tawang tulo-laway.

Ngiti ----- tawang labas ipen.


Paa ------- bahagi ng katawan na amoy tuta.
Paaralan -- dito itinuturo kung ano, alin o sino ang mapipiling bobo.

Panata ---- dasal na nakatataba ng tuhod.


Regla ----- masungit na panahon ng pagkababae.


Sabon ----- mabangong bagay na ipinapahid sa mabahong katawan.

Sakristan - utusan ng pari.

Sampal ---- haplos na nakatitigas ng mukha.


Ta -------- ikli ng 'tita' o lalaking may bra.

Tamad ----- taong hindi napapagod sa pahinga.
Tatay ----- haligi ng tahanan


Utot-------- Dighay na lumabas sa puwit

Ulol ------- sobrang matalino

Wala ------- salitang tagalog na minana ng mga ingles.


Yaya -------- alaga ng ama ng inaalagaang bata



Misunderstanding

Bumili ng soft drinks si "Bunso" sa isang sari-sari store. Tumambay muna at nagyosi. May dumating na ngongo, bibili din ng soft drinks. Ito ang nasaksihan ni "Bunso".

Ngongo: Mamili nan RC (Cola).

Bantay sa sari-sari store: Ng ano?

Ngongo: RC.

Bantay sa sari-sari store: Ay wala na akong RC...
Ngongo: Ahh RC nalang.

Bantay sa sari-sari store: Ha?

Ngongo: RC...

Bantay sa sari-sari store: Hindi wala na ngang RC...
Ngongo: RC... RC nalang. (sabay turo sa isang bote)
Bantay sa sari-sari store: Ahhhh Sarsi.


Umalis agad si bunso kahit hindi pa ubos ang iniinom nya dahil natakot syang baka lumabas pa sa ilong nya ang soft drinks.


(Hindi ito kwento ng panglalait. Ito ay kinailangan mapamahagi dahil sa kakaibang pagkakataon na nagkataon.)



MMK (Malala na Kuya)

Dear kuya Chico,

Ako si Ronaldo. Hindi ko alam kung baket, pero dahil lahat ng sumusulat sayo ay nagpapatago sa ibang pangalan, itago mo nalang din ako sa pangalang Ronaldolicious. Isa akong club promoter sa isang super-duper-ultra-mega-califragilistic club dito sa Ortigas. Kokonti lang ang nadadala ko sa club na mga wild-wild party goers.

Hindi ko alam kung masyado ba akong intimidating kaya hindi nila nagugustuhan ang invites ko. Sinubukan ko na nga maging mild mannered na tao para hindi naman sila ma-star struck sa presence ko, pero mukang masyado akong the main man in the place to be, kaya nahihiya sila. Iniisip siguro nila hindi sila karapat-dapat na makasama ko. Ang sad 'no? Kaya eto ako ngayon Kuya Chico, sumusulat sayo dahil alam kong madaming nakakabasa ng mga liham sayo, at madami sigurong maiinvited sa event ko. At kahit mukang hindi ka sosyal at maski na hindi ka din karapat-dapat na makasama ko, ay iniimbita kita sa event ko.

Basta wag ka lang masyadong magdididikit sakin dahil baka maturn off ang mga may hidden desire sakin. Sana ay matulungan mo akong magpromote ng event na inorganize ko na may title na "Beauty and the Handsomes", at promise ko na libre na ang entrance free mo. Alam kong hindi ka makapaniwala na sumulat ang isang katulad kong cool guys, sa isang katulad mong hindi cool guys. At alam kong winiwish mo na sana ay hindi na matapos ang sulat ko na 'to dahil sobrang cool ko na super clubber, pero pasensya ka na dahil mamimitas pa ako ng santol.


Mejo gumagalang,

Ronaldolicious


Title: Super Clubber



Curious lang...Kapag sinabing "behind the back", hindi ba front yun?


Addict si Sponge Bob




Gawain ng Tunay Na Astig na Barako: Magsindi ng yosi sa tabi ng flammable shit
!!!













Nature Sex


Bili na sa suking tindahan!


Camera v/s Pencil





























No comments:

Post a Comment