Tinanggap na daw ni Ruffa ang sorry ni Kris. Pero sa simula pa lang, alam na namin noon na may hindi magandang mangyayari sa pagitan nilang dalawa kung magsasama sila sa isang TV show kung saan pwede nilang sabihin ang nasa utak nila. Aminado naman ang dalawa na tactless sila at parehong malakas ang personality nila, at yun ang nagustuhan ng mga fans nila sakanila. Hindi na nakapagtataka na magkabanggaan Si Kris at Ruffa dahil sa lipunan natin normal na ang magkatalo ang kapwa sa kapwa.
1. Taklesa nakakasagasa ng kapwa taklesa. (Napatunayan sa isang celebrity news show.)
2. Pilipino pinahihirapan ang kapwa Pilipino. (Kanya-kanyang panlalamang.)
3. Mahirap minamata ang kapwa mahirap. (Iniiwasan kapag walang mahihita sa kapwa.)
4. Magnanakaw nagagalit sa kapwa magnanakaw. (Walang code of ethics.)
5. TV network sinisiraan ang kapwa TV network. (Nag-aagawan ng viewers.)
6. Tindera binebentahan ang kapwa tindera. (Bakit hindi nalang mag-exchange gift?)
7. Politiko nagagalit sa kapwa politiko. (nasabi na pala yan sa number 4.)
8. Babae inaagawan ng lalake ang kapwa babae. (Mas konti kasi ang lalake sa mundo.)
9. Lalake inaagawan ng babae ang kapwa lalake. (Masarap kasi ang bawal.)
10. Lalake inaagawan ng lalake ang kapwa lalake. (No comment.)
Bakit mo ipagbabawal ang kaalaman?
Gustong i-ban ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga ads ng condoms. Madami silang sinabi na may punto tulad ng nakakahina daw ito ng moral fibers ng kabataan. At hindi daw dapat gamitin ng gobyerno ang pera na ibinayad sa tax ng mga katoliko, sa campaign na tinututulan DAW ng paniniwala ng mga "miyembro" nito.
Ito ang isa sa mga sinabi ni CBCP President Nereo Odchimar:
"Condom advertisements should be banned in television, radio, movies, newspapers, magazines, and public places, as they desensitize the youth’s delicate conscience and weaken their moral fiber as future parents,"
Ito ang patanong na sagot namin:
Respectfully asking Mr. CBCP President Nereo Odchimar, sa tingin nyo po ba ay mas gugustuhin ng mga magulang ang mabuntis o makabuntis ang anak nilang wala pa sa tamang edad dahil mangmang ang mga anak nila sa safe sex? At alin po ba sa tingin ninyo ang mas HINDI GUGUSTOHIN NG MGA KATOLIKONG TAX PAYERS, ang magkaron ng anak na "imoral", o ang magkaron ng anak na may AIDS?
Matutong humusga para sa sarili.
Investment
Gusto mong mang-chicks kaya lang wala kang pang gastos? Marami ang may ganyang problema. Madami din ang gusto ng mamahaling bagay pero hindi sapat ang sweldo nila para sa ganung gastusin. Sinasabi ng karamihan na ang edukasyon ang pinakamahalagang investment sa buhay. Pero sa panahon ngayon lumalabas na "It's not WHAT you know, it's WHO you know." Nagiging palakasan ng "kapit", o kaya paramihan ng koneksyon ang labanan. Kaya nakakalungkot man isipin, madami ang hindi na umaasa sa investment nila sa edukasyon. Nag iinvest nalang ang iba sa lupa, paupahan na bahay, o kaya negosyo. Pero malaking halaga ang kailangang ilabas para sa mga ganong klase ng investments. Kaya mapapaisip ka minsan; Wala ba talagang investment na kahit maliit lang na halaga, pwede kang kumita ng sapat para mamuhay ng marangya? Meron. May mga tao na kumita ng malaking halaga ng pera dahil nung bata pa sila naging maingat sila sa laruan nila. Sa pagtanda nila, naging novelty/collector's items ang mga laruan na yun at nabenta nila ng mahal. May "Matchbox" (laruang kotse) na nabili lang sa halagang 30 pesos noong 1966, at makalipas ang 44 years, naibenta ito ng 414,000 pesos. Kaya kung meron ka ngayong laruang "Transformers", "G.I. Joe". "X-Men" o kaya "Ben 10", ingatan mo yang mga yan at mag antay ka lang ng 44 years. Oras at tiyaga ang magiging puhunan mo. Kung 21 years old ka ngayon, pag dating mo ng 65 years old, pwede ka nang mang-chicks.
Go For Gold
Sabi sa survey ng Political & Economic Risk Consultancy (Hong Kong), Sa mga Asia-Pacific countries, ang Pilipinas daw ay pang apat (4th) sa pagiging corrupt. Naniniwala kami sa kakayanan ng gobyerno natin...at alam namin na sa tulong ng gobyerno, kaya nating maging number 1.
Ugnayan ng tenga
May mga taong nakikinig ng Rock na ayaw sa mga taong Hiphop. May mga hiphop na ayaw sa Emo. May mga Emo na ayaw sa Pop. May mga moralistang ayaw sa Rock. Ang punto dito 'e masyadong ginagawang grupo ang pakikinig ng musika. Karamihan ng tao ay lalaitin ang kanta kapag hindi yun ang klase ng tugtugan na gusto nya. Makinig ka, sige sabihin mo na hindi mo gusto yung kanta. Pero wag mong huhusgahan ang tao base sa gusto nyang klase ng musika. Kung Rock ka makinig ka ng rock, pero kung lalaitin mo ang Hiphop, dumi ka sa singit! Kung Hiphop ka, makinig ka ng hiphop pero wag kang mang-gulpi ng Emo dahil kababawan ng utak yan. Kung Emo ka, wag kang maangasan sa mga Rock na tao. Kung Rock ka, wag kang maangas sa mga Emo kahit magnet talaga sila ng mura. Pabayaan na lang. Kanya-kanyang trip yan. Ok lang pagtawanan paminsanminsan ang iba, wag lang magkaroon ng galit. Pakinggan ang lyrics at wag lang tingnan kung sino ang kumanta. Matuto makisama at wag kang "trying hard maging feeling cool wannabe". Tandaan mo na hindi mo kailangan magustuhan ang lahat ng klase ng musika, wag ka lang masyadong apektado ng hindi tanggap ng tenga mo. Wag mong laitin ang ibang klase ng tugtog kung ignorante ka sa pinagmulan ng genre na yun. Bigyan mo ng pagkakataon ang lahat ng klase ng tugtugan... pwera lang techno. Tarantado talaga ang nagimbento nun.
The Big Picture
Lahat ng tao mahilig tumingin ng picture, at mahilig magpapicture. Kanyakanyang gimik para maging cute at pogi sa picture. Hindi lagi, pero kadalasan parepareho ang kinalalabasan ng mga kuha, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Para lubos na maintindihan ang sinasabi namin... Eto ka!
Bagong panganak Baby Picture: Nakahubad ka, kita yung flower mo o kaya bird mo. (O kaya flower at bird mo kung hermaphrodite ka)
School I.D. Picture: Mas maputi ang muka mo kesa sa leeg, at halatang nilamas ng baby powder ang muka mo. (Kapag may lalagyan ang pulbos mo, dala mo yan galing sa bahay. Kapag nakalagay lang sa panyo o sa papel ang pulbos, hiningi mo lang yun.)
Graduation Pic: Naka-make up ka na singkapal ng swelas ng ispartan at mukang naka-glue lang ang buhok mo sa ulo. Hindi ka makasmile ng maayos dahil baka mabiyak ang make up mo, at galit na galit ka kapag nadikitan ng ibang tao ang buhok mo.
Friendster: Kinukuhaan mo ang sarili na naka-anggulo ang camera sa taas para magmukang payat ang muka. O kaya ay kukunan mo ang sarili na naka-anggulo ang camera sa taas parin para makunan ang buong katawan mo.
Myspace: Ginagawa mong black and white ang picture para artistik kunyari. Tumalino ka at naisip mo na hindi mo kailangang i-anggulo ang camera sa taas para makunan ang buong katawan mo at gumamit ka ng salamin, kaya may hawak kang camera sa lahat ng pictures. Kinukuhaan mo ang sarili na nakasakay ka sa kotse mo kung lalake ka. Kung babae ka, kinukuhaan mo ang sarili na pinapakita mo ang cleavage mo. May mga tao din na kinukuhaan ang sarili na pinapakita ang cleavage... pero lalake.
Facebook: Mga kuha na kasama ang barkada mo sa gimikan, at ang ilalagay na title ng album ay "emba nights" o kaya "gimikzzz". Kinukunan mo ang sarili mo sa harap ng salamin na natatakpan ang muka mo ng malaking high-tech na digicam na itim (dslr). Pinapalaki mo ang pisngi mo para kunyari baloon ka. Naka-peace sign kahit hindi bagay. Naka-peace sign kahit HINDI TALAGA BAGAY! Kinukunan mo ang sarili mo na nakapatong lang sa ulo ang sumbrero mo at nakashades ka na butas-butas, at may glow stick ka pa sa leeg, sa dalawang braso, sa paa, sa hita, sa kamay, sa ulo, sa kidney, sa liver, sa small intestine, sa large intestine, sa ribs.
Dear Kuya Chico,
Itago mo nalang ako sa pangalang Bernadette Anne Sensoho de la Fuente. Isa akong researcher para sa isang fashion magazine. Iba ang tunay na personality ko, at iba ang socialite/fashion na mundo ko. Tuwing nasa trabaho ako ay nag-iingglisan kaming lahat and we always beso-beso pero ang totoo ay simple lang ako. At hindi ako magaling mag english, natututo lang ako ng english kakanood ng wrestling.
Isang gabi, habang nagkakape ako sa isang mall, nakita ko si Carla. Katrabaho ko si Carla at isa sya sa mga sosyal talaga sa office. Typical na sosyal si Carla; maganda, matangkad, at laging mukang mahal. At nung nakita ko sya, I was surprised! Hindi ko alam ang gagawin ko. Papansinin ko ba sya kahit na alam kong makikipag ingglisan sya sakin o iiwasan ko ba sya? Magtatago sana ako sa likod ng kasama ko, kaya lang wala naman akong kasama. Nakita ako ni Carla at tinawag nya ako. Nagpanggap ako na hindi ko sya naririnig, at kahit na nung kinakalabit nya ako, kunyari hindi ko nararamdaman. Pero nung pinaso nya ako ng sigarilyo napaaray ako kaya wala na akong magawa. "Hey! Carla what a coincidence! you're here also!" ang bati ko sakanya. Sinabi nya na kanina pa nga daw nya ako tinatawag kaya lang hindi ko daw naririnig. Mejo matagal din kaming nagusap ni Carla sa coffee shop at pinagdarasal ko na sana umalis na sya dahil nauubos na ang "OMG" at "Really?" ko sakanya. Mabait naman si Carla kaso hirap talaga ako mag-english. Tumayo si Carla at natuwa ako dahil akala ko ay aalis na sya, nang biglang...
"Hey, can I ask for a favor? Would it be okay if you helped me pick out a dress. It's for the event on Tuesday. Please, please, please."
Pinagisipan ko muna ang sinabi ni Carla, at matapos ng ilang minuto ay naintindihan ko din ang sinabi nya. Gusto ko sanang tumanggi kaya lang mas mahaba pa ang sasabihin ko, kaya sabi ko nalang "sure". Akala ko ay lilipas ang oras na mabubugnot ako, pero hindi ko namalayan na nageenjoy din akong kasama si Carla. At natuwa naman ako nung sabihin ni Carla na ililibre daw nya ako ng dress dahil sinamahan ko sya. Kahit na hirap ako magenglish at halos kalahati ng lahat ng sinasabi ni Carla ay hindi ko naiintindihan nagenjoy talaga ako dahil mahilig ako magshopping.
Ok na sana ang lahat, pero ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan. Pumasok kami ni Carla sa isang posh na tindahan. Magaganda ang dresses at pareho kaming nagsukat ng damit. Nakakita si Carla ng gusto nyang dress, at sabi nya ay pumili daw ako ng gusto ko dahil ililibre nga daw nya ako. Yung huling dress na sinukat ko ang pinaka nagustuhan ko Kuya Chico. Lumabas ako ng dressing room at pinakita kay Carla ang suot ko. Sabi nya..
"Oh that's so pretty! I like the stitching on the strap of the left hem!"
Hindi ko masyado naintindihan pero dahil may "pretty" yung sinabi nya natuwa na ako. Pero nang sabihin nyang "Turn clockwise so we can appreciate the stitching design." Nayanig ang mundo ko! Alam ko na ang "turn" ay umikot, pero ano yung clockwise? Pakaliwa ba yun o pakanan? Baket ba kase hindi nalang leftwise at rightwise?! Kuya Chico ano ba ang clockwise? Sana ay mabigyan mo ako agad ng sagot dahil hindi ko ulit pinapansin si Carla at hindi ko alam kung hanggang kelan ko kayang tiisin ang paso ng sigarilyo nya.
Lubos na gumagalang,
Bernadette Anne Sensoho de la Fuente
Epal. Mas Epal.
Epal: Oh, kamusta na? Ngayon lang kita ulit nakasabay tumambay ah.
Mas Epal: Mejo busy lang. Naisip ko kasi magiging mas sophisticated na ako. Yun yung New Year's resolution ko e.
Epal: Maging mas sophisticated? Talaga lang ha. Kaya pala nakapolo ka pa ngayon.
Mas Epal: Oo, galing ako mag-apply ng trabaho, kailangan ng pera e.
Epal: Ah oo, makakatulong yun kung gusto mong maging mas sophisticated.
Mas Epal: Naisip ko nga din yun. Syempre mas may gana ka naman maging sophisticated kung sumisweldo ka diba?
Epal: Ahhh siguro nga... Kasi mabibili mo yung mga binibili ng mga sophisticated na tao.
Mas Epal: Hindi rin. Kuripot ako e. Iipunin ko lang yung sweldo ko. At hindi lang ako sa pagtatrabaho magiging sophisticated.
Epal: Ha? Anong sinasabi mo? Hindi ko magets...
Mas Epal: I mean, pati sa gawaing bahay magiging mas sophisticated ako. Hindi ko na aantayin na utusan pa ako bago kumilos.
Epal: Teka nga... alam mo ba ang ibig sabihin ng sophisticated?
Mas Epal: Oo. Yung ano... Masipag.
Epal: ...
Mas Epal: Baket?
Epal: San mo ba napupulot yung mga kaalaman na ganyan? Nagdadrugs ka ba???
Epal: Oist, gusto mo bumili t-shirt? Mura lang, bigyan kitang discount.
Mas Epal: Nagbebenta ka?
Epal: Oo, Team Pacquiao shirts. Ano bili ka?
Mas Epal: Ayoko. Hindi ko din magagamit yan. Dito lang naman ako lagi sa bahay.
Epal: Edi ipangbahay mo.
Mas Epal: Hindi na. Lagi naman akong nakahubad, ang init na 'e.
Epal: Kuripot naman nito!
Mas Epal: Talaga! Mahirap kumita ng pera ngayon....... Pero kung meron kang Floyd Mayweather na t-shirt, bibili ako ng dalawa.
Epal: Sira ulo ka pala 'e! Kuripot ka pag Pacquiao na t-shirt, pero kapag Mayweather dalawa pa ang bibilhin mo?!
Mas Epal: Sabi ko naman sayo diba, hindi ako mahilig sa damit. Pero kailangan ko ng punasan ng paa. Isa para sa labas ng bahay, isa para sa banyo.
Epal: May galit ka kay Mayweather no? Kutob ko lang.
Manlolokoloko
Tududududududut... tududududududut (ring ng phone yan)
Gilbert: Hello
Michelle: Hoy! wala ka talagang kwentang boyfriend!
Gilbert: Ano na naman?
Michelle: Lumipas ang buong araw kahapon, inaantay kitang bumati... hindi mo man lang naalala ang birthday ko!
Gilbert: Ha? ano... naalala ko syempre...
Michelle: E bat hindi mo ako binati?!!
Gilbert: Ah eh... ano kasi... ahhh... gusto kitang masurprise. Kung kahapon kita binati, edi hindi ka nasurprise.. diba?... Surprise! Happy birthday Lea! I love you...
Michelle: Babaero ka talaga! Hindi ako si Lea! Si Michelle 'to!!!
Niloko mo ako Gilbert... akala ko pa naman, ako lang ang mahal mo.
Gilbert: Ako ang niloko mo Michelle... akala ko pa naman, ikaw si Lea.
Misis: Hoy! Kung makapag-aksaya ka ng kuryente parang ang dami nating pera ah!
Mister: Baket na naman??
Misis: Ilang beses na kitang sinabihan diba? Tuwing pagkatapos mo gumamit ng ilaw, patayin mo.
Mister: Pinapatay ko naman lagi.
Misis: E baket tuwing bubuksan ko yung refrigerator, nakabukas yung ilaw?! Tinanong ko na yung anak mo, hindi daw sya.
Mister: Aba malay ko, hindi din ako...
Mabubulaklak na salita
Billy: Oh pare, kamusta na? Sinagot ka na ni Girlie?
Dacs: Hindi pa nga e. Ewan ko ba, hindi ko makuha yung kiliti nung babaeng yun!
Billy: Nako parepareho lang naman yan. Mula dati pa, kahit hanggang ngayon pambobola parin ang nakakapasagot sa babae.
Dacs: Yun nga e. Halata ata pag ako ang nambobola.
Billy: Sus! Kahit naman alam nilang binobola sila kakagat parin yun. Idaan mo sa hirit yung pambobola para sweet ka na, muka ka pang matalino.
Dacs: Panong idaan sa hirit ba?
Billy: Ganito... sample lang ha.
Para kang hika... you take my breath away.
ahhh ayos no? eto pa...
Para kang cigarette vendor... you give me HOPE, and MORE.
Dacs: hahaha OK ah!
Billy: Eto pa, eto pa...
Para kang pustiso... I can't smile without you.
Panis!
Dacs: haha astig ah! Magawa nga yan.
Billy: Oo mga ganun lang. Pero mag-isip ka ng iba, mga example lang yun.
Dacs: Ah sige sige.. ako bahala. May naisip nako, tamang-tama magkikita kami ni Girlie mamaya.
(Kinagabihan)
Dacs: Girlie may sasabihin sana ako sayo...
Girlie: Ano yun?
Dacs: Para kang flower... meron kang ovary.
Bobo VS Panget
Panget: Sa sobrang bobo mo, nung nagbuhos ang Diyos ng talino sa mundo, butas ang timba na pinangsalo mo!
Bobo: Kesa naman sayo! Nung nagbuhos ang Diyos ng kagandahan sa mundo.....................
Panget: Ano? Nung nagbuhos ng kagandahan, ano??? Wala kang maisip no? Wala ka bobo ka talaga!
Bobo: Ewan ko sayo! Basta ang point ko panget ka! Nung nagbuhos ang Diyos ng kagandahan sa mundo, panget ka!!!
Kaya pala may mga taong ayaw sa death penalty
Host: Anong masasabi mo sa death penalty?
Contestant: Ano po yun... tooth for tooth, eye for eye.
Host: Paki eksplika nga.
Contestant: Ganito po yun, kung pinatay mo ang nanay ko, dapat patayin ko din ang nanay mo.
Oh I see...
Mirienda para sa utak
"Wag mong gamitin ang mga "binabato" sayo para gumawa ng pader na
maghihiwalay sayo sa ibang tao...
...gamitin mo ang mga "ibinato" para gumawa ng tungtungan na
mag-aangat sayo."
"Ang pag-aasawa ay 'di tulad ng kanin na kapag napaso ka iiluluwa mo lang basta-basta,
tapos palalamigin at isusubo ulit, tapos iluluwa ulit kapag naisip mong kadiri ang ginawa mo."
Kung gusto mong makasiguro na hindi ka lolokohin ng mister mo...
...wag kang mag-asawa
Wag kang matakot sa taong galit sayo na nagwawala, dahil naglalabas lang yan ng init ng ulo...
...mas matakot ka sa taong galit sayo na tahimik at pangiti-ngiti lang, dahil sigurading may binabalak gawin yan.
O baka may ginawa na yun!
May mga nagsasabi na may pinapanganak every 1 second. Ayon naman sa Wiki Answers every 5 seconds may pinapanganak. Pero sabi sa likod ng karton ng isang chocolate drink every 3 seconds daw may pinapanganak. Kung kukunin ang average na numero ng mga yan (1+5+3 divided by 3 = 3) , lumalabas na every 3 seconds talaga may pinapanganak sa mundo. Kung totoo yan, sa oras na matapos mo basahin ito, meron nang 11 babies na pinanganak sa mundo
(Wag mo nang basahin ulit, baka maging kambal pa yang mga yan!)
Pano ka nga naman mananalo, kung hindi ka tataya. Kapag nagsisi ka, ibig sabihin nagkamali ka... kapag nagkamali ka, ibig sabihin sumubok ka... kapag sumubok ka, ibig sabihin binigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon magtagumpay.
Minsan ang lamang lang sayo ng ibang tao... lakas ng loob
Pano malaman kung kailangan mo nang maligo?
Magbudbod ng baby powder sa katawa... tumapat sa electric fan... kapag walang nilipad na pulbos, maligo ka na. Level kadiri na ang lagkit mo.
Ang tunay na kapatawaran ay hindi binabayaran, binibigay ito ng bukal sa loob..Kaya nga forGIVE diba, hindi for SALE.
"Kung hindi uukol, hindi bubukol."
Mga tao nga naman... kahit walang basehan basta magkatunog, makagawa lang ng kasabihan
Oo may ibig sabihin... pero wala talagang basehan.
Kapag takot ka, mas maingat ka, mas nag-iisip ka, mas matalas ang pandama mo...
...at mas madami kang hindi nagagawa.
"Iba ang nagtyatyaga dahil wala nang ibang choice.
...Iba ang nagtitiis dahil mahal mo yung tao."
Ano ka bida?!
"Kung ang lahat ng hirit, lahat ng hugot, at lahat ng joke ay kailangang i-explain sayo, o kaya ay seseryosohin mo... umalis ka na. Hindi tayo bati."
Kung kakalimutan mong may bukas, mas madami kang magagawa ngayon.
Kasalanan ni Santino kung bakit lagi mong iniisip na may bukas pa
Heartrob of the Month
"Panahon na para gumawa ka ng pagbabago sa buhay mo kung naaalala mo parin kung kailan ka huling umiyak, pero hindi mo matandaan kung kailan ka huling tumawa"
Kapag bading ang tinawag mo ng kabayo... Panlalait.
Kapag lalake ang tinawag mo ng kabayo... Compliment
I believe that the most important thing you can loose in your lifetime is your LIFE di ba
Kahit sino, pwedeng maging gwapo at maganda...
Kailangan lang, maging sinungaling ang lahat ng tao sa mundo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment