Thursday, May 13, 2010

Ika - 31 Banat

Minsan May Isang Puta
Mike Portes-Borromeo

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako tanga? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. Putang Ina! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. 'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Put@ na kase ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala





My name is Gary Lising. Secretary of Health Juan Flavier once said that I have a very nice name -- for a disease.

I was voted as the sex symbol of Assumption College because according to them, I am the only entertainer that looks like a sex organ.


I was already a celebrity even when I was a baby. I weighed 48 pounds when I was born -- but weighed only 3 pounds after I was circumcised.

I was the only abortion that lived.
I was such an ugly baby. My mother only puts the negatives of my pictures in our family album.

I was a very thin baby because I was a breastfed baby -- I was breastfed by my father.


I grew up to be a boy wonder -- everybody always looked at me and wondered.


I studied at the Ateneo de Manila where I took up B.S. Economics. That explains why up to now I still am poor as ever.

I went to the United States where I put up my own business that went bankrupt. My business was selling PX goods.

I lived in the penthouse of a 50 story building. My rent was only 200 dollars a month. It was very cheap because it was walkup -- no elevator.

I was drafted by the U.S. Army but I got exempted because of my religion -- I am a devout coward.

I came back to the Philippines because I miss the brownouts. We should be proud of this fact because in the U.S. they don't have brownouts. We are the only country that has it.

Another thing to be proud of is the merging of Erap Estrada's "PACC" with Gringo Honasan's "YOU" -- it would be known as "PACC YOU".


My father is Dr. Jose Lising, a bisexual -- every time he sees sex he buys it.
My mother Nieva Lising is a very religious woman -- she is a nun.

My parents are in the iron and steel business. My mother irons and my father steals.


I am married to Maris Paredes who up to now believes that love is really blind.

I also have a son, Bugsy, he's only five years old and he already knows how to be ashamed of me.


I am also a firm believer in a lot of very serious facts of life.

Let me share with you a few meaningful facts that I believe in:


I BELIEVE...that if you read too much about the bad effects of smoking -- give up reading.
I BELIEVE...that you should never make love with your eyes unless you are cockeyed.
I BELIEVE...Dick Gordon when he said that women should be put up in a pedestal -- high enough so you could look up their dresses.

I BELIEVE...Baby Boy Poblador when he said that women are the foundation of our society. I also believe him when he said that men are the ones who laid the foundation.

I BELIEVE...Lolit Solis when she said that Mayor Lim was her former boyfriend.

I BELIEVE...Mari Mar when she cried -- I saw tears running down her legs.

I BELIEVE...that Fr. Donelan will outlive us all.

I BELIEVE...IN GOD, THE FATHER ALMIGHTY, AND THAT EVENTUALLY WE WILL HAVE PEACE AND HAPPINESS BECAUSE OF OUR FAITH IN HIM.


Ruffa Gutierrez vehemently denied the internet nude photo of herself. She has assigned an internet expert to examine the photograph. She is right. Findings showed that the face is Ruffa's, but the body is that of Edu Manzano.


Q1: What is the planet named after a part of your body?

Ans: Uranus

Q2: Who is the older brother of Julius Caesar?

Ans: KUYA CAESAR


People have been asking me (Gary) where I inherited my journalistic abilities. Well, my great, great grandfather was also a writer. He wrote "Florante and Laura". Unfortunately, they did not write him back.


TALK about perversion - Leon Biglang Awa, unemployed, was caught making love to the oblation statue at UP. The police charged him with statutory rape.


ACCORDING to statistics, among all of our presidents, Cory Aquino has the best legs.


Most of the TF stars (bold stars) are temperamental. Ninety percent temper, ten percent mental

What 3 words mean small?
"Is it in?" Love is a three-ring circus: Engagement ring, wedding ring, suffe-ring

GARY LISING, S.J.*




"Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag."

"Sabi ni Exupery, ang pinakamahalagang bagay sa mundo, hindi nakikita ng mata.."


"Nakakatakot nga na mapagkamalang hindi ka pwedeng mahalin o mapagkamalian kang mahalin dahil sa itsura mo."


"Ang kakulangan ng katauhan ko, pinunan ko ng pagiging makatao."

"Walang bayaning makapagliligtas sa akin dahul ang pinakamalaking kalaban ko ay ang sarili ko."


"Ang trahedya ng buhay ko? Hindi ako nagkaroon ng kapangyarihang makapagsabi ng tamang bagay sa tamang tao sa tamang panahon"


"nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

"...mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya, at mas mataas ang halaga n'ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n'ya tuwing sweldo."


"...madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo."


"mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher."
"iba ang informal gramar sa mali!!!"

"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."


"kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo"


"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."


"hikayAtin m0 LahAt ng kakilala m0 na mAgkaro0n kahit isA man lang paboritong libro sa bu0ng buhay nilA..dahil walA ng mas nakakaawa pa sa mga ta0ng literado per0 hindi nagbabAsa "


"kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n'yo, kayo ang niloloko namin; hindi kayo ang nakapanloloko."

"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit.sobrang luri. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."


"Para san ba ang cellphone na may camera?Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay."


"ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko "


"iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala"

"mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"


"Titingnan mo ba ang basong kalahating bawas o kalahating puno?"


"hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan."


"bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?


"hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"


"hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."


"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."


"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"


"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan...""


"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."


"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko." "Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."

"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."
"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."

"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!"

Mga qoutes ni BOB ONG


1. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang,
hindi lahat matibay para sa temptasyon."

2. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak
para alagaan ang sarili mo."

3. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba.
"

4. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."


5. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."


6. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung
walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

7. "Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay
mo.. Dapat lumandi ka din."

8. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na
araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

9. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi
pagkukusa."

10. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin
na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."



Why is Masturbation better than intercourse
-Because you know you are dealing with

-Because you had enough

-Because you don't have to be polite afterwards

-Because it's free




There what it takes to be. Then we shall so be it because it is. To do or not to is in the what, now or what else. Without which there never to you!”

A words of wisdom from Senator Lito Lapid

No comments:

Post a Comment