Monday, May 10, 2010

Ika - 18 Banat

Ang init

Hindi ko alam kung bakit parang nasosorpresa pa rin tayo. Alam na naman nating lahat na mainit sa Pilipinas, pero hindi pa rin nating mapigilang magsabing, “Whooo, &$#Q ! Ang init!” Ito na siguro yung init ng impyerno—kung saan kasalukuyang nagsi-swimming sa dagat ng basura, apoy, at asupre sila Marcos, Ver, Pol Pot, at pagdating ng araw, ang lahat na miyembro ng Black Eyed Peas and Jonas Brothers. Sobrang init, puwede ka nang mag-ihaw ng steak sa dashboard ng kotse. Hindi ka rin makaligo kasi tuyong-tuyo na yung gripo. Kung meron man, yung tubig kasing ligamgam ng ihi. Yung mga computer—kung may kuryente—nagha-hang dahil bumigay yung fan. Hindi ka rin makapag-surf kasi yung &$#*q inang USB modem mo (iniskor mo ng P2,200 sa SM ngayon binebenta sa convenience store sa halagang P880), nilalagnat na. Yung tren sa MRT, amoy paa, at nagja-jabbar na yung underarm ng mama sa tabi at gusto mo siyang alayan ng Rexona kasi it won’t let you down. Sobrang init, pati yung kili-kili ng mga Binibining Pilipinas contestants kitang-kita sa TV na kumikinang sa pawis. Yung ice cream na binili mo sa 7-Eleven, dalawang hakbang ka pa lang mula sa pinto, tunaw na—ang mahal pa naman. Yung halo-halo sa Razon’s, paghatid sa ’yo ng waiter, parang gatas na lang. Yung mga adik sa kalye naming biglang napilitang magpakalbo—at maligo. Wala kang mabilhang yelo. Ang sagwa namang uminom ng beer pag hindi malamig—yung Red Horse, lasang jingle pag hindi na-ref. Sobrang init, nagtutuyuan na ang mga dam at palayan at nag-aaway na si Kris at Roffa (ayon sa pronunciation ng ermat).
Pag mainit ang panahon, umiinit ang ulo ng mga tao. Umiiksi ang mga pasensiya—mas maiksi pa kesa sa mga suot na palda ng mga sumasayaw sa Wowowee. Walang nagbibigayan sa intersection. Lahat gustong mauna. Lahat may right of way. Lahat mainit ang ulo dahil napaso sa mala-plantsang manibela. Lahat bad trip dahil andaming binabakbak na kalye. Lahat praning na dahil tatlong oras na hindi gumagalaw ang Edsa na parang pinakamahabang parking lot na ata sa buong mundo. Antrapik na nga, nakatutok pa sa ’yo yung higanteng billboard ni Dingdong Dantes na naka-brief lang. Masikip na masikip na brief.
Hottest recorded day of the year dapat nung February 24—pero hindi nagtagal, tinaob ito ng March 6 na may talang 35.8 degrees Celcius. Konti na lang, lalapit na tayo sa hottest recorded temperature in history: sa Al ‘Aziziyah, Libya nung September 13, 1922, sa 57.8 °C (136.0 °F). Ang nakakatakot: Marso pa lang. Wala pa tayo sa kalahati ng taon. Tama si T.S. Eliot nung sabihin niyang, “April is the cruelest month” dahil mismong bahay ko nagiging amoy-kebab pag summer. Malupit talaga. Sabi ng Nathaniel Cruz ng PAGASA (“Mang Tani” na lang daw, pero hindi kami ganun ka-close), “Baka hanggang Hunyo wala pa rin ulan.” Nagpa-Oratio Imperata na ang simbahan para magka-ulan. Ayon sa Catholic Culture Dictionary: “Oratio Imperata: An ordered prayer. The prayer for a special intention, besides the ones prescribed by ritual, that the Pope or the bishop of a diocese may require to be said at Mass, e.g., for peace.” Bakit kaya hindi tayo nagpa-Oratio Imperata na mawala na si Gloria dati pa lang?
Paano pa kaya sa May 10? Ano kaya ang magiging temperatura?
Paano kaya sa mga masisikip, mainit, at maalinsangan na polling precints? Magkakagulo kaya ang mga pila sa labas ng mga classroom na amoy-pawis? May mag-aamok kaya dahil wala ang mga pangalan nila sa voters’ list? May maghuhuramentado kaya dahil sinusuka ng PCOS machines yung balota? O kaya nagkamali sa pagmarka dahil hindi pala natin lubos na naunawaan ang mga leksyon na tinuro ng Sex Bomb dancers tungkol sa pagmarka sa bilog na hugis bayag, este, itlog? May mababaliw kaya sa pagsabay-sabay na pagpapatugtog ng mga campaign jingles sa labas ng presinto, mga sanga-sangang banderitas at makukulay na tarpaulin ng mga na-Photoshop na pagmumukha ng kandidato? Sensory assault!
Naaalala ko tuloy yung mga last few months ng Cory administration. Nagkaklase kayo na may hawak na flashlight yung teacher. Hindi ko alam kung paano natiis ng mga Pilipino yung mga panahon na yun—mga brownout na umaabot ng 8 hanggang 10 hours kada araw. Ang mas nakakabahala, dumating sa punto na parang nasasanay ka na rin. Nagbabasa sa tabi ng kandila, walang sounds, walang TV.
Ang init. Pinaparusahan na siguro tayo ng Diyos dahil sa Wowowee. Ang init. Hindi kaya dahil sa init ay hindi tayo umaasenso? Pero marami din namang sibilisasyon na umunlad kahit mainit, di ba? Bakit ang Singapore? Grabe din ang init dun. Pero tingin ko, kaya sila progresibo at mayaman ay dahil wala silang bubble gum. Yun siguro ang ugat ng ating kahirapan: bubble gum.
Mainit, brownout. Naaalala ko bigla yung dati naming kapitbahay na bigtime drug pusher. Ilang taon na siyang nagta-tap sa linya ng Meralco. Ibig sabihin, ilang taon na rin siyang nakakalibre ng kuryente. Pero isang araw—boing!— natiklo siya ng mga taga-Meralco, pinutulan (ng kuryente), at kinasuhan. Siyempre, dahil may matinding kaso siya, hindi siya basta-bastang puwedeng magpabalik ng linya. Kung ikaw ay bigtime na drug pusher na hindi puwedeng mabuhay na walang ref (taguan malamang ng damo) at aircon, ano ang gagawin mo?
Eto ang ginawa ng walanghiya: bumili ng sariling generator. Pinuwesto sa labas ng gate. Blackout ang buong kalye, pero bahay niya lang ang may ilaw. Hanggang madaling araw, na kung kelan balot na dapat sa katahimikan ang paligid, may eskandalosong makinang ayaw tumigil sa pag-atungal. Ang buhay ng drug lord nga naman.
Sa ikauunlad ng bayan, droga ang kailangan.


Wag mo nang basahin ito...

Magsasayang ka lang ng oras kung itutuloy mong basahin ito. Kung nasimulan mo nang basahin ang unang sentence, ok lang, pwede ka pang huminto. Wag mong sayangin ang oras mo. Maniwala ka, wala kang mapapala kung itutuloy mo ang pagbasa. Alam nyong lahat na matrip kami, pero ngayon, seryoso kami sa sinasabi namin na wag mo nang basahin ito kung ayaw mong manghinayang sa oras mo. Kung nagbabasa ka parin, aba e matigas talaga ang ulo mo. Sinabi na ngang walang kwenta ito kaya yung susunod nalang ang basahin mo. Ayaw mo talagang huminto no? Talagang pinanindigan mo ang pagbabasa nito. Pasalamat ka at may awa kami kaya tatapusin na namin ito dahil alam naming madami parin sainyo ang matigas ang ulo at nagbasa nito kahit na sa umpisa pa lang, sinabi na naming wag mo nang basahin ito. The End


Kawawang baboy

Alam mo ba na matatalino yang mga baboy? Sinasabi ng mga scientists na kasing talino ng mga baboy ang mga aso. Pero kinakain natin ang baboy habang ang mga aso ay tinuturing na alaga. Bukod sa matalino, malinis din sa tirahan ang mga baboy. Dumudumi lang sila sa isang sulok ng koral nila at ayaw nilang dumihan ang ibang parte ng kulungan. Kung may choice lang ang mga baboy ay mas gugustuhin nilang maging malinis kesa mabalot ng putik, at kaya lang nila kailangan magtampisaw sa putik ay para malamigan dahil wala silang sweat kaya hi. Hindi sila pinapawisan kaya hindi sila mabilis bumaho.
Madaling turuan ang baboy... May mga tao na kahit tinuruan na, magmamatigas pa.
Gusto ng baboy na malinis... Ang tao, nagkakalat kung saan-saan.
Hindi pinapawisan ang baboy... Ang tao, minsan kakatapos lang maligo, pinapawisan na habang nagbibihis.
Kinakain ang baboy... kadiri kainin ang tao.
Pero madalas pag may kadiri o malaswa, ang sinasabi mong panlait ay
"Ang baboy-baboy mo," Hindi ba dapat... "Ang tao-tao mo." ?


Mga Kantang Di Pwedeng Kantahin sa Isang Bulag…

1. Kapaligiran - “Wala ka bang napapansin, sa iyong mga kapaligiran?” - kaya sya magagalit: di nga nya makita, pano pa nya mapapansin?
2. Part of Your World - “Look at this stuff, isn’t it neat?” - kaya sya magagalit: di nya malolook yung stuff.
3. When You Look Me in the Eyes - Yun na yun!
4. Malayo Ang Tingin - “Malayo ang tingin, wala namang tinataw!” - kaya sya magagalit: dahil wala talaga syang tinatanaw ano ba…
5. Everything I Do, I Do It For You - “Look into my eyes, you will see…” kaya sya magagalit: kasi ikaw nalang dapat ang tumingin, wag na sya
6. Alapaap - “Masdan mo ang aking mata, di mo ba nakikita?” - kaya sya magagalit: hindi talaga nya nakikita, wag ka na makulit!
7. The Way You Look at Me - “Coz there’s something in the way, you look at me…” kaya sya magagalit: nakakaloko ka na daw talaga…
8. Mr. Suave - “Nasa ulap ba ang yong mga mata? Mukhang malayo ang yong pagtingala…” kaya sya magagalit: hindi porket me parang ulap sya sa mata e nasa ulap na ang mga mata nya! katarata daw yun!
9. Pasulyapsulyap - “Pasulyapsulyap ka’t kunwari, patingin tingin sa akin…” kaya sya magagalit: kasi nabuking mo sya. kunwari lang talaga syang nakatingin sayo hahaha
10. Anyone Can See - “Anyone, anyone, anyone, anyone can see…” kaya sya magagalit: dahil anyone can see, pwera sya!

40 Forbidden Questions interview ni DJ MO kay Ethel Booba

1. WAS THAT REALLY YOU ON THE SEX TAPE?
yeah.actually twice na nyang inadmit on-air.

2. ARE THERE MORE SEX TAPES?
hindi na daw lumabas kasi tinapon na nya lahat.finger video daw yun hindi "sex tapes".

3. WORST THING YOU'VE DONE TO A FAN?
sa sobrang pogi ng fan, she slept with him. mukha daw kasing artista.

4. HAVE YOU SLEPT WITH ANYONE FAMOUS?
a lot, kahit pa sya hindi niretoke. Mga almost 10 daw!

5. WHAT IS NOT REAL ON YOU?
- my brain
- nose
- cheek
- boobs
- butt

9. EVER GONE OUT WITH A MARRIED MAN?
oo. her second boyfriend and Alex Crisano.

10. WHICH LOCAL FEMALE CELEB NEEDS TO ADMIT PLASTIC SURGERY
Regine Velasquez (nose, eyes, lips, boobs)

11. LAST TIME YOU PLEASURED YOURSELF
thursday last week. hindi daw nakavideo tape!

12. HOW BIG IS ALEX CRISANO'S WANG?
Nine INCHES. It's so delicious daw na shock daw sya. Nag isip daw sya ng 2 months bago she do it.

(MO said Troy was the biggest at 8 and 1/2 but then ethel said I DON'T THINK SO. So that made MO and MOJO sort of conclude that Troy is among the 10 she slept with.)

13. LOCAL CELEB SHE DOESN'T LIKE WORKING WITH?
maii-starstruck daw sya kung makakasama si Dolphy kasi sa status nito. (not really the answer to the question.)

14. WORST B.O. IN SHOW BIZ
lahat ng mga taga showbiz na nakatrabaho nya mabango naman except the models she worked with, John Mullaly (french canadian male model)

15. MOST PLASTIC PERSON
marami. si maui, JOKE! sobrang dami di nya natandaan. miriam quiambao, nafefeel lang nya.

16. HOW OLD WERE YOU WHEN YOU LOST YOUR VIRGINITY?
Nineteen... late bloomer sya.di naman "nagwala" after that.she didnt felt the pleasure that time so it took two years she got the hang of it.

17. HOW MANY ONE NIGHT STANDS?
yan na daw agad.madami daw.more than 10.medyo may pagkaconservative sya

18. CRAZIEST PLACE YOU'VE DONE IT?
CCP COMPLEX!ang cheap daw nakabike sila that time when she wasn't still in showbiz yet.yung mga nirerent na bike dun and she did it sa bike

19. IF SHE WOULD HAVE ANOTHER BASKETBALL BF, WHO WOULD IT BE?
she thinks magaling ito bilang BF kasi matagal na nyang kilala ito. jayjay helterbrand

20. SPIT OR SWALLOW?
ano yun? sabi nya (mojo making a demo with sounds ) once lang sya nag swallow kasi sobrang picky daw sya

21 NAME THE CELEBS SHE SLEPT WITH
she denies she slept with troy. parang perception lang nya but then she took it back.she did it before he was with aubrey
- Troy Montero
- Jordan Herrera
- Rich Herrera (model)
- drew arellano (nagwala si mojo ) she kept his belt until now
- Wendell Ramos (ang ganda ganda ko mamatay kayo sa inggit - ethel)
- Andrew Wolfe

maui asked if she slept with paolo bediones - NO.she only kissed him. di daw sya mahilig sa sobrang moreno.
- she also slept with Wendy Valdez of PBB2 (experiment lang daw)

28. AMONG THE 7 FAMOUS SHE SLEPT WITH, WHO WAS THE BEST IN BED?
- Drew Arellano (upon suggestion of mojo) kaya nga galit pa rin daw si Drew sa kanya (ethel)

29. AMONG THE 7 FAMOUS SHE SLEPT WITH, WHO WAS THE WORST IN BED?
- WENDELL RAMOS. pinapatay ang ilaw tsaka walang foreplay parang wala lang. pero maganda daw ang katawan nito

30. EVER SLEPT WITH ANY POLITICIAN?
wala pa daw.

31. DARE: MAKE OUT WITH MOJOJOJO
LESBIANISM to the max as per mojojojo
hinimatay ata si mojojojo. slow moist kiss pero walang tongue action
1st time daw ni ethel sa bakla. mojo's hyperventilating

TROY MONTERO called in the show to DENY Ethel's "revelation". Ethel said he might not have recognized her since she was not yet "retokada"

32. GMA OR ABS CBN?
GMA. maganda ang bayad at mataas ang ratings

33. WORST DRESSED CELEBRITY?
Janelle of wowowee

34. HOW FAR SHE WENT TO CHECK HER BF'S "FIDELITY"?
sinusundan nya.check cellphone and emails

35. DUDE WE ALL KNOW YOU'RE GAY
Erik Santos

36. ILLEGAL DRUGS
once, marijuana. she hates drugs thats why she hates her mom.

37. SINO GUSTO NYANG MAKA ONE NIGHT STAND?
DJ Mo. controversial daw si Moe gaya nya kaya sabi niya "LETS CONTROVERSY OURSELVES" LOL ROTFLMAO

38. OVER RATED SINGER?
disappointed sya kay Lani Misalucha. parang apektado ang boses (I assume) after her retokes

39 DARE: SHOW US THE PUPPIES (two points sa sobrang laki)
anong puppies?nasa bahay daw.
"kayo naman madali naman akong kausap.sana inuna nyo na yan" - ethel

* she said she didn't shave (upon learning that Eric Fructuoso showed his privates)


Dahil lahat ay may karapatang gumawa ng "Erap Joke" (una at huli na ito.)

Crew: Welcome sir, can I take your order?
Erap: Bigyan mo ako ng isang cheeseburger... yung walang cheese. Isang large iced tea, yung maliit lang.
At isang chili wings, pero wag maanghang.
Crew: Is this for dine-in or for take-out?
Erap: Ah no... it's for Jinggoy

Lamok

Sana lumalaki ang mga lamok na kasing laki ng mga tao, para pwede natin silang sapakin!
Kaya lang, sobrang bad trip siguro makagat ng ganun kalaking lamok.
"Sana lahat ng lamok mabaog."

Epal. Mas Epal.

Epal: Ano na? Akala ko ba kikilalanin mo yung babae sa kabilang table? Sabi mo tingnan muna natin kung walang boyfriend. Ten minutes na natin tinitingnan yan, wala namang dumadating.
Mas Epal: Oo nga.
Epal: Tapos sabi mo, uubusin mo lang yang iniinom mo tapos kikilalanin mo na.
Mas Epal: E hindi pa ubos e.
Epal: Wala 'to.. torpe ka pala e.
Mas Epal: Pagkaubos nga nitong iniinum ko.
Epal: Binabagalan mo e!
Mas Epal: Hindi naman...
Epal: Abnormal ka ba? Ten minutes na, hindi pa nangangalahati yang Yakult mo!
Mas Epal: Wag mo nga akong pakialaman!

Umuwi si Mister sa bahay ng Madaling araw sabay tabi ke misis.
Mister: Hon ang baho naman ng hininga mo. Nagtoothbrush kaba?
Misis: Tigilan mo nga ako umuwi ka na namang lasing! matulog kana.
Mister: panung Lasing? Di ako lasing no?
Misis: anung Hindi lasing! nakabaligtad ka! kausap mu puwet ko!..

gf : sure ka papasok tayo d'yan?
bf : di ba napag-usapan na natin 'to.
gf : natatakot kasi ako.
bf : ako bahala sa'yo.
gf : ee! mabilis lang ha. susunduin kasi ako ni daddy sa school mamaya.
bf : male-late yun.
gf : paano mo nasabi?
bf : kita ko siya kanina. room 306 yata sila ng yaya mo





happy valentines
lampungan is everywhere
inggit ang single.
araw ng puso
bulaklak sa asawa
pera sa kabit.
ika katorse
kasama si number two
ungol sa kwarto.
mag-alas otso
nahuli ni number one
burol sa kwarto

TITO : “Alam n’yo ‘yung lolo ko, nakaligo na ‘yun sa halos lahat ng dagat — Pacific, Atlantic, Adriatic, et caetera, et caetera!”
VIC: “Wala ‘yan sa lolo ko. ‘Yung lolo ko, nakaligo na ‘yun sa dagat ng basura!”
JOEY: “Wala ‘yang mga lolo n’yo sa lolo ko... kaya lang, wala na rin ‘yung lolo ko... tepok na!”
TITO & VIC: “Bakit, saan ba s’ya naligo?”
JOEY: “Naligo s’ya sa sariling dugo!”

Genie: Bibigyan kita ng isang kahilingan. Aling
Dionisia: Talaga?... gusto ko gumanda!
Genie: Buksan mo ang bote. Aling Dionisia: At
gaganda na ako?
Genie: Hindi. Babalik na lang ako sa loob.

Pacman: Sabi ng titser ko, bakit daw ang eggplant
walang egg?
Aling Dionisia: Sabihon mo sa titser mo, na pag me
egg yun, turta na yan, TURTA!

Dionisia: Doc gusto ko magpalagay ng breast.
Doctor: (gulat) magpapaseksi ka na?
Dionisia: Breast sa ngepen ba. Para umayos yun
ngepen ko! Deba uso yon?


Pacquiao: Wala, talo ka na kahit anung gawin mo.
Hatton: Pagandahan na lang tayo ng nanay!
Pacquiao: Ah! Wala namang ganyanan. I mean, yo
know...

Jinky: Manny, kung magkakaanak ulet tayu anu ang
magandang name?
Manny: Hmm. Eh di combine na lang name natin...
"MANKY"..... .


Sa isang Birthday Party
Aling Dionisia: Blue!!! Blue the Kick!!!!

Bukas na liham para sa babaeng nakasakay sa jeep

Paumahin sa babaeng nakasakay ko sa jeep. Pareho tayong biktima sa may kahabaan ng Faura. Ako man ay namilipit sa sakit dahil sa biglaang paghinto ng jeep. Hindi sinasadyang ang noo natin ay magdikit. Magkabukol ng ubod ng sakit. Sisihin ang asong biglaang tumawid, iniwasan ni manong driver na maipit.
Kaya preno ay pinakapit. Pasahero ay napamura sa sakit.
Paumahin sa nakaw na halik. Hindi ko iyon ginusto. Sa katunayan, ako ay nakamasid sa mga naglalakad nang biglaang magpreno ang jeep. Di sinasadyang ang labi ko ay dumikit sa pisngi mo ng ilang saglit.
Kung ako ay pagduduhan,tingnan ang aking clearance sa NBI. Kung ayaw mo naman handa akong ikaw ay pakasalan

ang tunay na maginoo

...ay inihahatid at sinusundo ang babae
...hindi basta nagagalit ng walang dahilan
...walang nalilimutang mahalagang araw
...isinasaalang-alang ang damdamin ng babae
...unang nagsosorry kahit walang kasalanan
...nakangiti pa din kahit nahihirapan
...hindi nahihiyang may kahawak kamay
...iniisip pa lang ng babae nasa harap na niya ang kailangan
...kahit malamig, ibinibigay ang jacket
...hindi nauubusan ng tsisi lines
...pupurihin ang babae kahit sa pinakasimpleng bagay
...sa mata niya isang babae lang ang maganda kahit may panis na laway pa
...willing maghintay kahit naiputan na ng ibon sa mukha
...nakangiti pa din kahit di makarelate sa usapang babae
...kakampi kahit sa pinakamaling desisyon.
...higit sa lahat, ang tunay na maginoo ay kalokohan lamang.


Mahal kong Maring,

Alam ko masama ang loob mo dahil hindi tayo nakapagcelebrate ng valentines day kahapon. Nanghinayang kasi ako sa kikitaan ko sa pagbebenta ng lobo. Pambili din iyon ng isang kilong galunggong. Dati-rati kasi mga chikiting lang ang kustomer ko, kahapon pares-pares pa ang bumibili. Nakakaaliw nga panoorin e. Naalala ko ang kabataan natin, partikular ang paghahabulan natin sa malawak na bukirin tapos mamimitas tayo ng dahon ng tuba at ang dagta noon ang ating palolobohin.
Maring, nakita nga pala ako ng kapatid mo dun sa harap ng isang motel. Sogo ang natatandaan kong pangalan. May kalakihan kasi ang letra kaya madali kong nabasa. Nag-aalaala lang ako na magsumbong siya sa'yo. Walang akong ginagawang masama dun mahal ko. Wag kang mangamba. Nagbebenta pa din ako ng lobo. Ibang lobo nga lang. Mas malaki nga ang kita dun kung tutuusin kesa sa may harap ng simbahan. May magkasamang dalawang lalaki pa nga na bumili, gusto buy-one, take-one, hindi ko lang alam kung saan nila gagamitin.
Baka iniisip mo na hindi kita pinansin noong umuwi ako. Sa katunayan, nagustuhan ko ang luto mo. Alam na alam mo ang kiliti ko.
Napakasexy mo nga pala sa suot mong roba. Nakakagigil ka Maring. Hindi napigilan ni kapitan na gumalaw sa kaliwa at kanan. Daig ko pa ang nakainom ng cobra. Aw!
Tanda ko sinabi mong maliligo ka lang. Nakiliti nga ang tenga ko noong marinig iyon. Tapos bigla akong nakatulog. Siguro dala ng sobrang pagod. Hindi mo tuloy naramdaman ang diwa ng valentines. Nanabik pa naman ako sa pagdampi ng mainit mong hininga sa aking tenga. Ang halik mo sa aking leeg. Pati ang mga yakap mo habang nagkakarera tayo sa paghanap ng ating mga kiliti. Higit sa lahat, namiss ko kung paano mo ipahayag ang iyong pagmamahal. Nanghinayang tuloy si kapitan. Hindi nakaboundary.
Maring, gusto ko sanang bumawi ngayon. Uminom na ako ng sangkatutak ng kapeng barako para di makatulog. Pangako, dadaigin natin si John Lloyd at Bea sa katsisihan.
Pati patweetums nina Gerard at Kim ilalampaso natin. Tapos bukas, ipapasyal muli kita sa kabukiran. Huwag mong alalahanin ang rayuma, aalalayan kita. Kung di mo na kayang lumakad bubuhatin na kita.
Pero bago ang lahat, ligo na tayo. Hihiluran pa kita.

Nagmamahal,
Pilo

P.S.
Kalakip ng sulat na ito ang Jojo Binay project na pustiso. Peace offering ko


Dear ka-date

Sobrang saya ko noong huling nagkausap tayo. Kahit simpleng biruan natin binibigyan ko ng kahulugan tapos tatawa ka naman. Sabi mo, bumabanat na naman ako. Sa totoo lang, gusto kitang pangitiin palagi kaya ko ginagawa iyon. Ayaw ko kasing ipinagdadamot mo ang ngiti mo dahil may taong inlab dito. At ako iyon. Kung iniisip mo na binobola na naman kita, sa pagkakataong ito seryoso ako. Ikaw kasi ang pinakamahalaga sa buhay ko.
Naisaayos ko na lahat. Naiplano ko na kung saan tayo mamasyal, kung saan tayo kakain at kung saan tayo manonood ng paglubog ng araw. Nagpareserve na ako ng bulaklak. Iyong paborito mo, siguro magtataka kung paano ko nalaman. Kinulit ko kasi ang bespren mo kagabi. Hindi ko siya pinatulog hangga't di niya sinasabi ang mga hilig mo. Ayaw mo pala ng chocolate kaya potchi na lang ang binili ko kasi mahilig ka daw dun.
Nga pala, bumili na din ako ng stuff toy na panda. Maliit nga lang, plano ko kasing pasekretong ihulog sa bag mo. Para hanggang sa pag-uwi mo may sorpresa ako.
Hindi naman halatang excited ako. Lagi nga kita kinukulit e. Inireremind ko ang oras at lugar ng tagpuan natin.
Isa na lang pala ang kulang. Ready na ang lahat, ikaw na lang ang kulang. Sana kahit minsan makasama ako sa plano mo. Kahit sa pinakahuli basta magkasama tayo. ΓΌ

Sakuna Sa Ngalan Ng Pangalan

Isang araw, naisip ni Tikitikitembonosarembocharibarinusantembo na tumambay sa may ilog. Biglang napadaan ang pinaka magandang babae sa baryo nila na si Amanda kasama ang kapatid nitong bata. Naisipan ni Tikitikitembonosarembocharibarinusantembo na magpasikat kay Amanda kaya bigla syang nag-dive sa ilog. Hindi nya inasahan na malakas pala ang agos ng ilog kaya nalunod si Tikitikitembonosarembocharibarinusantembo. Sinusubukang labanan ni Tikitikitembonosarembocharibarinusantembo ang agos pero hindi talaga nya kaya. Gusto sanang sagipin ni Amanda si Tikitikitembonosarembocharibarinusantembo pero hindi sya marunong lumangoy. Nagpaiwan si Amanda sa may ilog para tingnan kung saan tatangayin ng agos si Tikitikitembonosarembocharibarinusantembo at inutusan nya ang kapatid nyang bata para humingi ng tulong sa baryo.
"Sabihin mo sakanila, si Tikitikitembonosarembocharibarinusantembo nalulunod!"
Tumakbo ang bata papuntang baryo at humingi ng tulong, ngunit...
"Nalulunod si....."
Bumalik sa ilog ang bata...
"Ate, ano nga yung sasabihin ko?"
"Sabihin mo sakanila, si Tikitikitembonosarembocharibarinusantembo nalulunod!"
Tumakbo ulit ang bata papuntang baryo para humingi ng tulong, ngunit...
"Nalulunod si Tiki..bo...cha....."
Bumalik sa ilog ang bata...
"Ate ano ulit yung sasabihin ko??"
"Sabihin mo sakanila, si Tikitikitembonosarembocharibarinusantembo nalulunod!!!"
Muling tumakbo ang bata papuntang baryo para humingi ng tulong, ngunit...
"Nalulunod si Tikitikite..char..bo....."
Bumalik sa ilog ang bata...
"Ate, ano nga yung sasabihin ko?"
"Sabihin mo sakanila, si Tikitikitembonosarembocharibarinusantembo patay na."


Ang kuripot na mister at masunuring misis


MINSAN merong napaka-kuripot na mister. Bago puma- naw pinatawag niya ang kanyang abogado at, sa kanyang kakunatan, ay nagpagawa ng kasulatan: “Na Kapag namatay na ako, gusto kong dalhin lahat ng pera sa kabilang buhay. Kaya dapat papirmahin mo ang asawa ko sa kasunduan na isasama niya lahat ng salapi sa kabaong ko bago ibaba sa hukay.”
Ginawa nga ng abogado ang dokumento at pinapirmahan ito sa misis sa harap ng kuripot na mister. Nangako nga ang misis na isasama sa ataul lahat ng pera ng mister sa libing nito.
At, namatay na nga siya...
Kaya naroon siya, nakalatag sa casket. Nakaupo ang misis sa harap, naka-damit panluksa, katabi ang pinaka-malapit na amiga.
Matapos ang necrological services at misa, at bago isara ng mga taga-funeraria ang ataul, tumayo ang misis at nagsabing, “Sandali lang.”
“Lumapit siya sa kabaong, bitbit ang isang malaking kahon, na isinilid niya sa loob sa tabi ng binti ng patay na mister.
Saka pa lang ikinandado ng mga taga-funeraria ang casket, at nirolyo ito pababa ng hukay.
Bumulong ang best friend sa masunuring misis: “Huwag mong sabihing inilagay mo nga lahat ng pera ng asawa mo sa kabaong; kung gan’un nga ay sira-ulo ka.”
Lumuha ang misis: “Hindi ko maaring talikuran ang aking pangako na isama sa kanyang libing lahat ng pera niya; may kasulatan kami.”
“Ibig sabihin tumupad ka sa usapang isasama ang pera sa ataul?”
“Oo, siyempre,” sabi ng misis. “Pinagsama-sama ko lahat ng pera niya, idineposito ko sa bank account ko, at saka ako nag-issue ng tseke. Kung mapa-encash niya ang tseke, bahala siya kung saan niya gagastusin lahat ng pera niya.”












Karamihan ng babae ay pipiliing maging maganda, kesa maging matalino...Dahil mas madaming lalake ang malinaw ang mata, kesa sa mga lalakeng matalas ang utak!










Eroplano ni GIBO






Ang mga taong gustong magpahaba ng buhay ay...kumakain ng mga ayaw nilang pagkain, uminom ng mga ayaw nilang inumin, at ginagawa ang mga bagay na ayaw nilang gawin. Yan ang sikreto para sa mas mahaba, at napaka miserableng buhay !!!






Mas mabuti na ang diretso magyabang, kesa pasimple mag-angas !!!

No comments:

Post a Comment