Tuesday, May 11, 2010
Ika - 24 Banat
"The Balut Shake"
Recipe:
3 hot baluts
4 sili labuyo
salt
sugar
vinegar
Procedure:
1. Tumawag ng mambabalut
2. Bumili ng tatlong mainit na balot na nakabalot sa plastik dahil mainit
3. Pumunta sa kusina
4. I-ready ang bowl at kutsara
5. I-crack ang mga Balut
6. I-stir mo
7. Lagyan mo ng asin at suka
8. Ilagay ang mga sili
9. Lasahan mo
10. Pag-maasim maxado, lagyan ng asukal
11. I-stir mo ulit
12. Tikman mo muna bago ipakita sa mga barkada para hindi maluge
13. Tapos, instant "Balut Shake"
Ang Balut ay di madalas ipulutan. Dahil nga, paisa-isa ito. Masisikmura mo bang kainin ang balot na kinakain ng katabi mo? Hindi, di ba? Kaya ang mainam na gawin pag may balot ay ang "Balut Shake". Affordable na nga, Saktong lasa pa.
Sabi nya: "Ang tunay na lalake, proteksyon ang hatid! Hindi Sakit.. At hindi inaasahang pagbubuntis!" pero malinaw naman na trabaho lang ni bad boy ang mag-endorse ng kung anu-anong shit. ang totoo, maski siya mismo ay kaduda-dudang gumagamit nga ng condom
Vicky Morales: Ano po ang isang normal na araw sa inyo?
Eddie Gil: Sabado.
Vicky Morales: Ano'ng pangalan ng tatay nyo?
Eddie Gil: Ay, hindi ko pedeng sabihin...
Vicky Morales: Bakit naman?
Eddie Gil: Masyadong sentimental. Pag binanggit ko yun, mawawala lahat ng nasa isip ko.
Vicky Morales: Pero patay na siya?
Eddie Gil: Oo, pero nakikita ko pa. Pag gusto ko syang makita, nakikita ko. Saka nagbibigay din siya ng instructions sa akin, para sa mga ginagawa ko.
Vicky Morales: Ha, pano? Sa panaginip?
Eddie Gil: Oo, sa panaginip. Minsan, isinusulat din niya sa blackboard.
MMK (Malala na Kuya)
Dear Kuya Chico,
Itago mo nalang ako sa pangalang Carlos. Isa akong bus driver, at referee din ako ng basketball tuwing may liga. Isang normal na araw para sa akin ang pumasok sa opisina ng maaga, bumyahe ng bus, at umuwi ng bahay para matulog. Araw-araw ay nakagawian ko na ang ganon. Simple lang akong tao, kahit hindi ako mayaman, kuntento naman ako kunyari. Sapat naman ang kinikita ko Kuya Chiko para makaraos sa pangaraw-araw na buhay, at minsan ay may natitira pa para makabili ako ng popcorn. Isang araw, habang naglalakad papasok ng opisina, napansin kong wala ang wallet ko sa bulsa. Dali-dali akong tumakbo pabalik ng bahay para tingnan kung naiwan ko ang wallet ko, ngunit hindi ko ito nakita.
Itatanong ko sana sa katulong kung nakita nyang pakalat-kalat ang wallet ko, kaya lang, wala naman akong katulong. 4,087 pesos lang naman ang laman ng wallet kong nawala. Para sa ibang tao, maliit na halaga lang ito, pero para sakin, maliit na halaga lang talaga. Pero yun na ang pangbayad ko ng upa sa bahay. Magdadabog sana ako sa sobrang inis, pero wala namang makakakita kaya naglakad nalang ako papuntang opisina ng nakasimangot. Sa aking paglalakad ay may napansin akong hugis itim sa lupa. Habang papalapit ako sa hugis itim na bagay... kulay itim pala, hindi hugis. Habang papalapit ako sa kulay itim na bagay ay nakikita kong wallet ito.Pero hindi yung wallet ko. Agad ko itong dinampot! Naisip ko na baka ito ay paraan ng tadhana para palitan ang nawala kong wallet. Binuksan ko ang wallet at tiningnan kung may laman. May 3, 670 pesos sa loob ng wallet na napulot ko. Ito na nga siguro ang kapalit ng nawala kong wallet. Nakonsensya din ako ng konti pero kailangan ko talaga ng pera.
Tiningnan ko kung may ID sa wallet pero pangalan lang ng may ari ang nakita ko at walang contact number. Masaya na sana ako kaya lang kulang parin ang pangbayad ko ng upa. Kaya pinalayas parin ako ng landlord kinabukasan. Sumulat ako sayo Kuya Chico para mahanap ang may ari ng wallet na si Mervil Della-Santo at ipaalam sakanya na may utang sya sakin na 417 pesos dahil 4,087 pesos ang nawala sa akin, pero 3, 670 pesos lang ang laman ng wallet nya. Sana ay magsilbing aral sa mga manunuod mo ito Kuya Chico, na kung mawawalan sila ng wallet, siguraduhin nilang hindi kulang ang laman.
Lubos na gumagalang,
Carlos
Tittle: Utang
Mariel Rodriguez
Pahayag ni Mariel Rodriguez tungkol sa alingawngaw na galing ang bagong kotse (BMW) ng boyfriend nya na si Zanjoe Marudo, ay bigay ng gay benifactor. "He works hard naman. It's not like naman na he has no show or he is just a basagulero somewhere or hampas lupa not doing anything. He is working naman at kaya niya naman (bumili), hindi ba?,"
Madlang Pipol reacts: Ayos din 'tong so Mariel. Bumigwas na sa mga "basagulero" EVERYWHERE, tinawag pang "hampas lupa" ang mga "not doing anything". Miss Mariel, tanggap na naman ng mga tao na mejo nag-iisip ka lang paminsan-minsan bago magsalita, kaya itatama nalang natin ang tirada mo sa malumanay na pamamaraan. Kapag "basagulero" ang isang tao, hindi nangangahulugan na wala kang pambili ng BMW. Madami ang basagulerong mayaman, kaya nga nagsara ang "Embassy". At hindi "hampas lupa" ang tawag sa "not doing anything".
Tamad ang tawag dun Binibining Rodriguez. Pwede ding batugan, palamunin, buraot, o kaya baka hindi lang talaga makahanap ng trabaho dahil nursing ang kinuhang kurso at ngayon ay isang batalyon silang nag-aagawan sa job openings ng mga hospital (o kaya hindi marunong mag-english kaya hindi makapag-call center.) Kaya mag-isip sa susunod bago magsalita. Kung ang lalaitin mo ay basagulero, basagulero lang. Kung ang titirahin mo ay tamad, tamad lang. At wag nyo nang ginagamit na pantukoy sa mahihirap ang "hampas lupa", dahil baka ihampas nila kayo sa langit. Hindi namin inanghangan ang komento ukol dito dahil muka namang walang masamang intensyon si Mariel Rodriguez at dahil muka syang masarap. Tungkol naman sa kung saan galing ang kotse ni Zanjoe, wala na kaming pakialam.
Curious lang...
Kung ang tawag sa kinakausap mo ng gamit ang boses ay "kaututang dila"...
Kapag naguusap kayo, naguututan ba kayo ng dila?
Ang tawag ba sa sigaw ay malakas na utot ng dila?
Ang pagkanta ba ay utot ng dila na nilagyan ng tono?
Ang panget na pagkanta ba ay sintunadong utot ng dila?
Ang pangbobola ba ay matatamis na utot ng dila?
Kapag may nagmumurahan, maaanghang na utot ng dila ba ang tawag sa sinasabi nila?
Religious ang BF
Daddy: Anak, mabait ba ang boyfriend mo?
Anak: Opo, Tatay.
Daddy: Religious ba siya?
Anak: Naku, Sobra talaga ang hilig sa Religion.
Daddy: Saan ba siya nakatira?
Anak: Nandoon po sa simbahan, nagmimisa ngayon!!
Namatay Dahil sa Alimango
Mister: adik talaga ako dito sa alimango
Misis: naku ingat ka sa cholesterol niyan!!! may kilala ako sa tondo na kumain ng tatlong matatabang alimango na puro aligue habang nakikipaginuman
Mister: talaga!!! tapos ano nangyari??
Misis: lumabas lang siya sandali para jumingle ayun bigla na lang bumulagta patay na!!!
Mister: inatake sa puso??
Misis: hindi, sinaksak ng adik!!! marami talagang loko dyan sa Tondo!!!
Babay !!!!
Gravy all you can!!!
Parepareho lang naman ang lahat ng tao na nilalantakan ang libreng gravy. Ang pagkakaiba lang, kapag wala kang pakialam, diretso ang isang buhos ng gravy sa plato mo, at kapag mejo pasosyal ang timpla mo, 'e hihingi ka pa ng extra cup para dun ilagay ang gravy, pero ibubuhos mo din naman sa kanin pagdating sa mesa. At uulit-ulitin mong bumalik-balik. Libre yan at hindi nila pinagdadamot. Ibalik mo lang sa counter ang termos ng gravy at wag mong sosolohin sa mesa mo. Pagbigyan mo din ang ibang tao na mamburaot. Kaya walang kainan na "gravy all you can" at "rice all you can" dahil malulugi sila. Alam naman ng lahat na gravy pa lang, ulam na.
Kumpanya ng mga Tunay na astig na Barako !!!!
Usapang Madamdamin
Lord, kung ano man ang naging kasalanan naming mga tao, sana ay mapatawad mo na kami at alisin mo na ulit ang mga emo sa mundo. Amen
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment