Kahulugan daw ito ng buhay !!!
UNANG araw ng Paglikha, binuo ng Diyos ang aso at sinabihan, “Umupo ka buong araw sa tabi ng pinto ng bahay mo, at tahulan lahat ng pumasok o dumaan. Para diyan, bibigyan kita ng buhay na may haba na 20 taon.” Sagot ng aso, “Mahabang panahon ‘yan ng pagtahol. Bigyan Niyo na lang ako ng 10 taon, isosoli ko ang labis na 10 taon.” Pumayag ang Diyos.
Ikalawang araw hinubog ng Diyos ang matsing at inatasan, “Mag-lambitin ka at patawanin ang mga tao. Para diyan bibigyan kita ng 20 taon na buhay.” Sagot ng mat-sing: “20 taon? Mahaba yata ‘yun para magpasaya lang sa iba. 10 taon lang okey na, isosoli ko ang sobrang 10.” Muli pumayag ang Diyos.
Ikatlong araw ginawa ng Diyos ang baka, at inutusan, “Kailangan tulungan mo ang magsasaka sa bukid, tiisin ang init buong araw, mag-anak ng guya, at magbigay ng gatas sa pamilya niya. Bibigyan kita ng buhay na 60 taon.” Nakiusap ang baka: “Napakahaba namang buhay ‘yan ng paghihirap. Sana 20 taon na lang, at isosoli ko ang 40.” Okay sa Diyos.
Ikaapat na araw nilikha ng Diyos ang tao. Tuwang-tuwa Siya sa Sarili, kaya pinayuhan ang tao, “Kumain, matulog, maglaro, mag-asawa, magpakasarap sa buhay. Bibigyan kita ng 20 taong buhay.” Umangal ang tao: “20 taon lang? Puwede ba ganito na lang, akin na ang 20 taon ko, tsaka ang isinoli ng baka na 40 taon, at ang isinoli ng matsing at aso na tig-10 taon, kaya 80 taon lahat?” Dahil giliw na giliw ang Diyos sa tao, sinagot Niya, “Kung ‘yun ang nais, ‘yun ang makakamit.”
At ‘yan ang dahilan kung bakit, sa unang 20 taon ng ating buhay, puro tayo kain, tulog, laro, at pagpapasarap lang. Tapos, sa susunod na 40 taon, mala-alipin tayo sa ilalim ng araw nagpapakain ng pamilya. Sunod, 10 taon tayo nag-aala-matsing para patawanin ang mga apo. At sa huling 10 taon nakaupo lang tayo sa veranda at tinatahulan ang mga dumadaan.
Pimp my Ride !!!!
Sabi ng Tatay Ko !!!!!!
Pag bata ka pa natural lang naman na medyo tamad ka maligo... ang sabi ng tatay ko: "pag di mo hinilod and batok mo tutubuan yan ng damo!"
"Jejeje. NaK2tAwa nMn pFoeh uNg joKe mo uNcLe. Jejeje." ang reply ng pinsan ko sa forwarded na joke ng tatay ko... ang sabi ng tatay ko: "tingnan mo nga itong text ng abnormal na pinsan mo at puro jejeje... ano ba ibig sabihin ng lintek na jejeje na yun?"
Nung mabasted ako at nahalata ng tatay ko na malungkot ako... ang sabi ng tatay ko: "wag kang magmadali anak, madami pa babae dyan. kung ayaw nila sabihin mo "kung di kayo magkukusa di nyo ko matitikman"."
Pinag-uusapan namin ang concert na pupuntahan namin nang biglang sumabad ang tatay ko... ang sabi ng tatay ko: "Parokya Ni Edgar? Sumali ka ba sa kulto?"
Ipinagyayabang ko sa mga kapatid ko ang features ng aking iPhone... ang sabi ng tatay ko: "ikaw ba umimbento nyan? kung hindi, wag mong ipagyabang. binili mo lang yang celfon na yan. kahit sino kayang gawin yun."
Dahil sa madaming nagko comment na mana daw ako sa nanay ko... ang sabi ng tatay ko: "kung talagang mana ka sa nanay mo dapat me boobs ka! kaya sigurado akong sa akin ka nagmana."
Minsan nagtalo ang nanay ko at tatay ko sa pagpapangalan ng aso... ang sabi ng tatay ko: "aso ko yan kaya papangalanan ko ng kahit anong gusto ko at ang gusto kong pangalan nya ay GAGO!" ---nagkaron din kaming aso na ang pangalan ay Darling, Pukengkeng, at Halimaw
Nahilig ako sa pusoy dos dati... ang sabi ng tatay ko: "pag di mo tinigilan ang pagsusugal mong bata ka hinding hindi na kita babalatuhan pag nanalo ako sa sabong!"
Nung teenager na kami, kapag weekends at bakasyon kami ay obligadong magtinda sa palengke o sa aming sari sari store. Minsan nagpaalam ako na maglakwatsa ng araw ng Pasko... ang sabi ng tatay ko: "ano ang pagkaka-iba ng pasko sa ibang araw? tumatae ka rin, kumakain ka rin. kaya tama lang na magtrabaho ka rin."
Nung mga bata pa lang kami at nagsisimula pa lang matutong magsalita ng kabastusan at mga mura... minsan nadinig ako ng tatay ko na nagmura. Ang sabi ng tatay ko: "tangina kang bata ka! san ka natutong magmura ha! hayup kang walangya ka. yan ba tinuturo ko sa yo!? gago ka!"
Minsan na natapilok ako. Resulta, namaga ang paa ko. Takot ako na magpadala sa doktor kasi ayoko pa sementuhan paa ko. Kaya sabi ko sprain lang yun at pilit ko nilalagyan lang ng yelo... ang sabi ng tatay ko. "doktor ka ba? hinde? o, halika dito at ako ang magsasabi kung sprain nga yan o me bali na..."
Umiyak ang kapatid kong lalaki at nagreklamo na parang maga daw ang bayag nya. Ang sabi nya natatakot daw sya at baka nabati sya ng nuno sa punso... ang sabi ng tatay ko: "anong nuno sa punso? kaya sumakit ang itlog mo kasi umihi ka sa bahay ng anay kaya kinagat ng anay ang itlog mo!"
Ang empleyadong ito: Tunay Na Astig na Barako !!!!
Bagamat plants vs. zombies ang nilalaro ng mamang ito, na alam naman nating lahat na isang larong pang-di tunay na lalake, Tunay Na Astig na Barako pa rin siya dahil naglalaro siya sa oras ng trabaho.
Gawain ng Tunay Na Astig na Barako !!!!
Ang mag-drowing ng babaeng nakahubad habang naghihintay ng order ay gawain ng isang Tunay Na Astig na Barako.
Tunay na Pose ng Tunay Na Astig na Barako !!!!
Bangko ng mga Di Tunay Na Astig na Barako !!!!
Kamiseta ng Di Tunay Na Astig na Barako !!!!
Tang-INA mga this !!!!!
Pagkain ng Tunay Na Astig na Barako !!!!
Sasakyan ng mga Di Tunay Na Astig na Barako !!!!
Tunay Na Astig na Barako !!!!
Dahil malabo kausap ang Tunay Na Astig na Barako !!!!
Ardi Rizal: Tunay Na Astig na Barako !!!!
Ang Tunay Na Astig na Barako ay di dumadaan sa pagkabata.
Barbershop ng Di Tunay Na Astig na Barako !!!!
Julio Aparicio: Tunay Na Astig na Barako !!!!
Ang Tunay Na Astig na Barako ay hindi umiilag
The Colony
Nakita mo na ba ang ganda ng mga ilaw sa Paris kapag gabi? Wala kaming pakialam kung nakita mo na yun, pagusapan nalang natin ang mga langgam. Kapag nagkakasalubong ang mga langgam, muka silang nag-uusap, pero ang totoo ay nagkataon lang na pareho ang sinusundan nilang chemical path kaya nagkakauntugan sila.
Ang chemical path na sinusundan nila ay nilalabas ng mga langgam para masundan nila ang daan patungo sa pagkain at pabalik ng nest nila. Maliliit lang ang mga langgam, pero alam mo ba na madaming maaapektohan na ibang hayop kapag nawala ang mga langgam sa mundo. Kaya hindi namin gustong mamatay lahat ng langgam sa buong mundo kahit nilanggam ang mga turon at kamoteque namin kanina. Sana lahat lang ng langgam sa Pilipinas ang mamatay, kahit yung mga nasa Quezon City lang.
Miryenda Para sa Utak !
"Anong gagawin mo sa lalakeng matangos ang ilong, kung pango naman ang kanyang..." Kung gusto mong maintindihan yan, maging malisyoso ka
"Hindi lahat ng lalake, babaero......yung iba, lalakero.
People can hide all things, except two;
one, that they are drunk,
and two, that they are inLOVE
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment