MERONG mayamang asendero na apat ang asawa. Pinaka-mahal niya ang pang-apat kaya ibinibili ng magagarang damit at masasarap na kakanin. Inaalagaan niya ito nang husto at nireregaluhan ng mamahaling gamit.
Mahal na mahal din niya ang pangatlo. Ipinagmamalaki niya ito sa bayan. Kaya lang kabado siya na magtanan ito kasama ang ibang lalaki.
Mahal niya rin ang pangalawa. Maalalahanin at pasensiyosa ito, at hingahan niya ng problema, na tinutulungan siyang lutasin.
Sinabihan niya ang ika-apat na asawa: “Pinaka-mahal at pinaka-ginastusan kita. Ngayong mamamatay na ako, sumama ka sa hukay para may kadamay ako.” Mariing sagot ng ika-apat na asawa, “Ano ‘ko baliw?”
Wasak-dibdib ang asendero. Niyaya ang ikatlong asawa: “Minahal kitang lubos. Samahan mo naman ako sa kabilang buhay.” Iniwan din siya ng ikatlong asawa: “Bakit ko gagawin ‘yon, e ang sarap-sarap ng buhay!”
Sa ikalawang asawa siya nakiusap: “Sa iyo ko inilalapit lahat ng suliranin, sana samahan mo ako sa kamatayan.” Malamig ang ikalawang asawa: “Ihahatid kita sa libingan, hanggang doon lang.”
May malakas na tinig: “Sasama ako sa iyo, saan ka man pupunta.” Lumingon ang asendero sa unang asawa. Napaka-payat nito, tila hindi nakakakain. Napaluha ang asendero: “Sana mas inalagaan pa kita nu’ng may panahon pa.”
Lahat tayo may apat na asawa sa buhay. Ika-apat ang katawan na, anumang pagpapaganda natin, iiwanan tayo sa kamatayan.
Ikatlo ang ari-arian na sa pagpanaw nati’y mapapasaiba.
Ikalawa, mga kaibigan:
Pinaka-malayo nila tayo maihahatid ay hanggang libingan lang. Una, kaluluwa -- madalas napapabayaan dahil sa materyalismo at pagpapakasarap.
Trabaho ng Tunay Na Astig na Barako!!!
Sasakyan ng Tunay na Astig na Barako!!!
Dahil ang Tunay na Astig na Barako nagte-text habang nagda-drive!
Tamang pag-park ng sasakyan ng Tunay na Astig na Barako!!!
Conserve water, siguraduhing walang tulo!!!
Ataul ng Tunay na Astig na Barako!!!
Cristine Reyes & Christine Marquez Penis Party!!!
Public Service Reminder
Para sa mga babae...
Wag kayong maniniwala sa mga kaibigan nyong NAGMAMARUNONG, na nagsasabi ng:
"Wag kang madalas papayag makipaglaro sa kama tuwing gusto ng boyfriend o asawa mo. Minsan kahit gusto mo din, wag kang papayag. Para hindi sila magsawa."
Walang alam yang mga yan. Mga walang basehan yang mga yan.
Dahil kahit sinong lalake...
KAHIT SINONG TUNAY NA LALAKE ANG TANUNGIN MO...
Hindi nagsasawa!
Kung mister mo ang nagpabasa sayo nito, maghubad ka na!
Tado VS Vice Ganda... And the winner is...
Himayin natin ang sagutan ni Tado at Vice Ganda. Tingnan natin kung sino ang nanalo sa barahan.
Tado draws first blood:
"Lahi ng matatapang, hindi bumagay yung ahh pangalan nyo dun sa performance nyo. Kasi parang pang gay yung aaauanuahuanaauh"
(Tinamaan si Vice Ganda sa comment ni Tado. Kalahating puntos lang para kay Tado dahil hindi nya sinasadya ang pang-aasar.)
Follow up attack ni Tado:
"Just read my shirt" (Dibale na ang magnakaw, kesa mamakla.)
(Diretsong tira na 'to kaya 1 point yan.)
Personal quote ni Vice Ganda na pasaring nya kay Tado:
"Ang lalakeng hindi marunong na tanggapin ang katotohanan ng buhay ay ang totoong bakla. Tandaan mo yan."
(Malumanay pero tutok na tutok na sinabi kay Tado kaya nakapuntos sya jan. 1 point)
Instant sagot na quote ni Tado:
"Ang lalakeng gipit, sa bading kumakapit."
(Pumuntos na naman si Tado... 2.5 points na si Tado, si Vice Ganda nakaka 1 point palang.
Vice Ganda counter attack:
"Pero ang gipit, kung ganyan ang itsura, walang bading na magpapakapit."
(Mabilis na sagot sa ibinatong quote ni Tado. Direkta at hinugot mismo sa sinabi ni Tado kaya 2 points ang hirit na yan.)
Follow up personal attack by Vice Ganda:
Sira naman pala yung payong, sana pinagawa nyo muna kay Tado, tutal hindi naman sya busy nowadays."
(Matindi 'to. Mejo below the belt na ang hirit na yan. 2 points)
Huling banat ni Tado:
"Ha? Hindi ako nakikinig 'e."
(Simple pero pasok. 1 point.)
Huling hirit ni Vice Ganda:
"Hindi ka talaga marunong makinig kase bastos ka."
(Pikon na sagot na hindi nakakatawa. -1 point.)
Sa nangyari na 'to, nagkataon na nakasagasa si Tado sa comment nya. Ang matindi 'e nagkataong kapwa judge din nya ang nasagasaan. Mukang alam naman ni Tado na nagkamali sya dahil mejo discriminating nga ang comment nya. Kung naging malumanay ang hiritan naniniwala kaming hindi mahihiya si Tado na magsorry sa mga bading. Pero dahil tinarayan na sya ni Vice Ganda, naging on defense mode si Tado.
Gusto din namin magkomento na ang ginawang hirit ni Vice Ganda tungkol sa hindi pagiging busy ni Tado nowadays (Pahapyaw na hirit na konti lang ang projects ni Tado sa TV.) Mejo out of line yun. Wala nang kinalaman sa usapan yun, pero dahil na din siguro sa init ng ulo kaya nya yan nasabi.
Ang MgaEpal.com ay hindi pumapanig sa kanino man dito. Ang gusto lang naman sabihin ni Tado ay hindi bumagay ang pangalan ng contestant sa performance, kaso lang mali ang mga pinili nyang salita. Nasa lugar din naman ang naging reaksyon ni Vice Ganda dahil mali talaga ang diskriminasyon.
Final score
Tado: 3.5
Vice Ganda: 4
"Come from behind win" by Vice Ganda
Lobo ng mga Di Tunay Na Astig na Barako!!!
Andami pang kung anu-anong shit! funyeta Laro na!!!
Addendum sa Manifesto ng Tunay Na Astig na Barako!!!!
Masarap talaga ang bawal...
kung tunay na astig na barako ka, dito ka tatawid!!!
Mga Tunay na Astig na ka-Hayupan!!!!
Tamang Pose ng Tunay Na Astig na Barako!!!!
Tambayan ng Di Tunay na Astig na Barako!!!
Tambayan ng Tunay na Astig na Barako!!!
Epal. Mas Epal.
Epal: Ang ganda nung bagong tato ni emong sa braso 'no? May background na kamay ni God na binabali yung sungay ni satanas.
Mas Epal: Onga, nakita ko nga kanina... Naniniwala ka ba na may Diyos at mga demonyo?
Epal: Sa Diyos lang...
Mas Epal: Baket?
Epal. Ayoko mapunta sa impyerno.
Mas Epal: Ganun ba yon???
Epal: Ewan ko. Basta yun ang gusto kong paniwalaan.
Mas Epal: Oo nga 'no! Kapag hindi ako naniwala na may nanay ang asawa ko, hindi na nya ako pwedeng pilitin sumama tuwing bibisita sya sa mama nya! Apir!
Epal: Ayaw mo sa byenan mo 'no?
Mas Epal: Pano mo nalaman?
"Libre lang mangarap."
Pero may kabayaran ang katuparan ng mga pangarap.
Pagod . Oras . Sakripisyo
"Walang Wrong Spelling sa Utak para Makabasa!"
Boy Honest
Sarah: Boy, bading ka ba?
Boy Honest: Hinde.
Sarah: 'E baket ang tagal ko nang nagpapacute sayo hindi mo naman ako pinapansin.
Boy Honest: Hindi nga kasi ako bading, 'e muka kang lalake.
"Ang pagkakamali ng nakatatanda ay nagiging tama sa mata ng bata."
Hindi totoo yan. Wag nyong gawing tanga ang mga bata. Nung bata ka, alam mo naman kung tama o mali ang ginagawa ng mga mas matanda, tapos gagayahin mo parin kahit mali dahil trip mo lang. Wag nga kayong nagpapauto sa bata. Salbahe yang mga batang yan.
Sabihin nalang natin na napalo din kami nung bata pa kami.
Kaya ngayon mga bata, kayo naman.
Heart to Heart
Anak: Dad, bading po ako. Sana matanggap nyo ako.
Dad: Anak, last year pa namin alam yan. At tanggap na namin ng mommy mo na bading ka.
Anak: Pano nyo nalaman???
Dad: Well, una kaming kinutuban nung pinakilala mo yung girlfriend mong si David.
Kaka nosebleed na tagalog!!!
sino ba ang mas mahalaga, ang taong mahal mo o ang taong gusto mong mahalin?
ang taong kasama mo buong araw o ang taong iniisip mo bago matapos ang araw?
siya bang kasakasama mo sa lahat ng ginagawa mo o siyang dahilan ng lahat ng galaw at ginagawa mo?
sino ba ang mas mhalaga...ung taong nais mong makasama habang buhay o ung taong hindi mo makita ang habang buhay kapag wala cya?
sino ang mas matimbang...ung taong pag kasama mo'y parang kay bilis ng oras o ung taong tuwing iniicp mo'y parang kay bagal ng oras?
ano ang susundin mo...ang dinidikta mo sa puso mo o ang dinidikta ng puso mo sayo?
siya ba un laging pumapasok sa icp mo o cya un laging laman ng panaginip mo?
cno nga ba...ang taong nagpaluha syo, o ang taong nagpunas sa minsang pagluha mo?
cno sa kanila....ang taong nagpapatawa syo o ang taong dahilan ng lahat ng iyong emosyon? cno nga bang pipiliin mo???
ANG TAONG MULING NAGBUKAS NG PUSO MO...O ANG TAONG MATAGAL NG NANDOON?
PINOY KA KUNG…
1. Lumulingon ka kapag may sumisitsit.
2. Kaya mong magturo ng direksyon sa pamamagitan ng iyong nguso.
3. Gumagamit ka ng tabo sa paliligo.
4. Mahilig kang bumili ng “Sale” na item sa mall kahit hindi mo kailangan.
5. Nagkakamay ka kapag kumakain at hindi mo kailangan ang kutsara at tinidor.
6. “Prijider” ang tawag mo sa refrigerator.
7. May picture ng “The Last Supper” sa kusina niyo. at
8. May malaking dalawang malaking kutsara at tinidor na nakasabit sa dingding ng kusina niyo.
9. Naka-laminate ang diploma ng mga nakagraduate sa inyo.
10. May nakahilerang picture frames ng buong pamilya niyo na nakasabit sa dingding sa tabi ng hagdanan.
11. May walis ting-ting at walis tambo kayo sa bahay. Ito ang ginagamit na panlinis ng carpet kahit may vacuum cleaner.
12. Nagkakape ka habang kumakain ng tanghalian o hapunan.
13. Kumakain ka ng inihaw na dugo ng manok, adidas (paa ng manok), isaw ng manok, balun-balunan, at ulo ng manok.
14. Mahilig ka sa tingi. Tinging asukal, suka, tuyo, asin at iba pa.
15. Mahilig kang sumingit sa pila.
16. Navivideoke ka kapag sabado at linggo, pati na rin lunes, martes, miyerkules….araw-araw.
17. Mahilig kang dumura sa kalsada at umihi kung saan-saan.
18. Di mo nakakalimutang bumili ng souvenir item kapag nagbakasyon ka sa ibang lugar.
19. Umuusyoso ka kapag may aksidente.
20. Isinasawsaw mo sa kape ang tinapay.
21. Pumapalakpak ka kapag lumalapag ang eroplano sa airport.
22. Naliligo ka sa ulan at sa baha.
23. Kinukulob ang utot at pinapaamoy sa bata.
24. Hindi ka nahihiyang mangulangot gamit ang hintuturo. Bibilutin ang kulangot at pipitikin papunta sa kasama mo.
25. Mahilig kang mag-ipon ng mga botelya at gagamiting paglagyan ng asukal, kape, asin at iba pang gamit sa kusina.
26. Mahilig ka sa pirated cd’s at china products.
27. Bumibili ka ng ukay-ukay.
28. Kinakalong ang mga bata sa jeep at bus para hindi singilin ng pamasahe.
29. Nag-uuwi ka ng mga gamit sa hotel.
30. Tumatawad sa department store na parang nasa palengke ka lang.
31. Nagkakamot ka ng ulo at ngumingiti pag hindi mo alam ang sagot.
32. “Cutex” ang tawag mo sa nail polish, “Colgate” naman sa toothpaste.
33. Ayaw mong tanggalin ang plastic cover ng bagong bili mong sofa o sala set.
34. May uling sa loob ng refrigerator mo.
35. Pinapakain sa alagang aso at pusa ang natirang pagkain.
36. May eletric fan kang walang takip ang elisi.
37. May nakatabing bukod na pinggan, baso, kutsara at tinidor para sa mga bisita.
38. Mahilig kang magpapicture kasama ang nakitang artista sa mall.
39. Kaya mong makipagtext ng tuloy-tuloy hanggang madaling araw.
40. Paulit-ulit ang pangalan mo tulad ng Bong-Bong, Che-Che, Ton-Ton, at Mai-Mai.
41. Ginagamit mo ang sabong panlaba na panghugas ng pinggan.
42. Lagi kang huli sa lahat ng appointment mo.
43. Ginagamit mo ang iyong mga daliri sa pagsukat ng tubig sa ricecooker.
44. Ginagawa mong sabaw ang kape sa kanin.
45. Nilalagay ang sukling bentisingko sa tenga.
46. Binibilot ang ticket sa bus at isinisiksik kung saan-saan.
47. Nagpapabalot ka ng pagkain sa birthday party para iuwi.
48. Naguuwi ka ng mga tira-tirang buto at tinik sa birthday party para ipakain sa alagang aso at pusa.
49. Ugali mong umutang sa sari-sari store.
50. Pinoy ka kung sumasang-ayon ka sa lahat ng nabasa mo.
nice blog.:)
ReplyDeleteExcerpts from mgaepal.com and bob ongs. Style
ReplyDelete