Thursday, May 6, 2010

Ika - 9 Banat



dear unkyel batjay,

ako po ay isang graduating na veterinary student dito po sa isang university sa pilipinas at magtatrabaho po ako sa africa next year. gusto ko lang pong malaman kung ano ang dapat gawin kung sakaling magkaroon ako ng pasyenteng giraffe na may stiff neck?

nagmamahal,
gentle reader
———————

dear gentle reader,

wala naman akong experience sa pag gamot sa giraffe pero sa tingin ko ay parehas din siguro ito sa pag gamot ng elepanteng may sipon.

ingat,
unkyel batjay

DEAR UNKYEL BATJAY,

NASIRA PO YUNG CAPS LOCK KEY NG COMPUTER KO AT HINDI KO ALAM KUNG ANO ANG GAGAWIN. PURO CAPITAL LETTERS NA LANG ANG LUMALABAS AT NABUBWISIT NA PO SA AKIN ANG MGA KAIBIGAN KO. AKALA KASI NILA AY PARATI AKONG GALIT.

ANO PO ANG PWEDE KONG GAWIN?

NAGMAMAHAL,
GENTLE READER
————————

dear gentle reader,

malaking problema nga yan. ano kaya kung gamitan mo ng shift key?

ingat,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,

nangumpisal po ako sa pari namin kagabi dahil binagabag ako ng aking kunsensya. mahilig ko po kasing aliwin ang sarili ko, unkyel. pinatawad naman po niya ako at sinabing mag dasal daw ako ng sampung ave maria at huwag ko na raw ulitin dahil pupunta raw ako sa impyerno. tulungan po ninyo ako. mahilig po talaga akong mag sariling sikap pero ayoko po namang mapunta sa impyerno. ano ang gagawin ko?

nagmamahal,
gentle reader

—————————–

dear gentle reader,

sabi ng dati kong adviser nung araw, para daw hindi ako mag-masturbate, isipin ko na lang daw na pinapanood ako ni virgin mary. pwede mong gawin yan o kaya lumipat ka na lang sa episcopalian, hindi pupunta sa impyerno ang mga members nilang nagma-masturbate.

ingat,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,


ano po ang maipapayo ninyo kay manny pacquiao ngayong natalo na niya si hatton?

nagmamahal,
gentle reader
————————

dear gentle reader,

kung katabi ko si manny pacquiao ngayon, sasabihin ko sa kanya na huwag na lang pumasok sa politika. sasabihin ko rin na pag nag courtesy call siya sa malacanang ay magbigay siya ng live demonstration sa mga naroon kung paano niya pinatulog si hatton sa pamamagitan ng pagbigay niya kay gloria macapagal arroyo ng left cross to the chin.

ingat,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,

ano ba namimiss mo sa pilipinas simula nang lumipat kayo sa amerika?

nagmamahal,
gentle reader
————————

dear gentle reader,

ang isa sa mga na miss ko ay ang tunog ng butike. wala kasi niyan sa states. ang pinakamalapit dito sa butike ay tuko kaya lang nagtitinda ito ng insurance at pag napapanood ko siya sa TV ay parang gusto ko siyang tiradurin.

ingat,
unkyel batjay

dear unkyel batjay,

ano po ang gagawin ninyo kung nagising ka na lang isang umaga at nalaman mo na ikaw na lang ang nag-iisang lalaki sa buong mundo?

nagmamahal,
gentle reader

—————–

dear gentle reader,

hindi na siguro ako magpapagupit, mag-aahit ng bigote at pwede na rin siguro akong hindi maligo. paano kasi, kahit ano pa ang mangyari, kahit hindi ko na alagaan ang hitsura ko, ako pa rin ang magiging pinaka pogi sa sangkatauhan.

ingat,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,

anong po ba ang pinakamagandang oras para makipag sex?

nagmamahal,
gentle reader

—————–

dear gentle reader,

nung teen ager ako, kahit anong oras sa akin ay magandang makipag sex. naalala ko nga noon, may makita lang akong strap ng bra, tumitigas na agad ang dapat tumigas sa akin. hirap nga pag sa jeep ito nangyari kasi hindi ako makakambyo dahil halos pumulupot ang dongdong ko sa tatlo kong betlog. ang irony nga ng buhay: pwede sana akong makipag sex kahit anong oras nung nagbibinata ako pero wala naman akong maka sex dahil ang bata bata ko pa. ngayon namang 42 na ako at pwede nang makipag sex kahit anong oras, hindi ko na kaya dahil ang tanda tanda ko na.

pero may asim pa rin naman ako kahit papaano. hindi ko pa kailangan na uminom nung kulay blue na tableta para magkaroon ng erection that last four hours. but to answer your question: ang paborito kong oras ay sa umaga. well rested ka na kasi at kung ikaw ay normal na lalaki, siguradong may naghihintay sa iyong gigantic hard on every time you wake up. ang tawag namin dito ay “morning glory” and everytime this happens, nagpapasalamat ako sa poong maykapal at napapasigaw ng parang sa kanta ng pearl jam… I’m still alive. Hey I, but, I’m still alive.

ingat,
unkyel batjay



dear unkyel batjay,

ano po ba ang mga do’s and dont’s ng summer season?

nagmamahal,
gentle reader

—————–

dear gentle reader,

magsuot ng rubber slippers at sandals para presko ang paa. pero pag nagsuot ka ng sandals, huwag ka namang mag medyas dahil ang sagwa sagwa nitong tingnan.

pag may nakikita nga akong taong naka sandals na may medyas, parang gusto kong mag hurumentado. sa tingin ko kasi ay mas masahol pa ito sa pag suot ng leather jacket sa maynila.

bakit ka pa nag sandals kung mag memedyas ka rin lang? para kang gagong customer sa restaurant na umorder ng lumpiang hubad na may side order na balat.

ingat,
unkyel batjay

dear unkyel batjay,

ano ba ang main benefit ng pagtakbo sa isang marathon?

nagmamahal,
gentle reader

—————————

dear gentle reader,

bukod sa maraming health benefit, ang nakita kong pinakamalaking nagawa ng pagtakbo ng marathon sa akin ay yung sa mental aspect ng buhay ko. naging mas sira ulo ba kamo ako? hindi naman siguro masyado. mental in the sense na yung mga iniisip kong impossible na gawin nung araw ay possible na ngayon.

in fact, ang hindi ko na lang ata talaga kayang gawin ay hawakan ng kaliwang kamay ko yung kaliwang siko.

ingat,
unkyel batjay

P.S. ah oo nga pala, muntik ko nang makalimutan: hindi ko pa rin kayang i-bj ang sarili ko.

dear unkyel batjay,

sinabi raw po ng mga officials ng department of health na masama raw po sa kalusugan ang ginagawang pagpapako sa krus ng mga pilipinong penitente pag biyernes santo. ano po ang masasabi ninyo rito?

nagmamahal,
gentle reader

__________________

dear gentle reader,

oo naman dahil kung hindi masama sa kalusugan ang pagpapako sa krus eh di sana wala tayong biyernes santo ngayon.

ingat,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,

new year ulit kaya nagpapa-payat na naman ako. ano ba ang pinaka mura at pinaka effective na paraan para mabawasan ang timbang ko?

nagmamahal,
gentle reader

_______________________________

dear gentle reader,

bumili ka ng dalawang kilong buto ng baka at ipulupot mo ito sa katawan mo na parang kwintas. tapos magpahabol ka sa aso.

good luck,
unkyel batjay


IMITATION OF LIFE

dear unkyel batjay,

ano po ang maipapayo ninyo sa mga taong ngayon lang sasapit sa tamang edad? yung anak ko kasi ay magiging 13 years old na ngayong december at gusto kong malaman kung ano ang mga pwede kong sabihin sa kanya.

marami pong salamat.
gentle reader
dear gentle reader,

kung kapupulutan ng aral ang buhay ko eh ito ang mga pwede kong ipayo sa mga taong tutungtong pa lang sa pagiging teen ager.

1. huwag mag-aaral mag sigarillo. it looks cool but it’s not really cool and you’ll die from it someday if you don’t stop. mayron din akong mga nakita na mga babaeng nagsisigarillo sa puday nung araw but that’s another story.
2. alagaan ang ngipin. di magandang makipag lips o lips sa bungal, lalo na pag nakikipag lips to lips ng labas ang dila.
3. ok lang makipag sex basta safe – ie, walang tulo ang partner, hindi HIV positive, walang herpes, magaling sa muscle control, etc.
4. huwag mambubuntis at huwag magpapabuntis. gumamit ng condom o kung anong nararapat na birth control device. mas mortal sin ang pagsilang sa sanggol na lalabas sa mundong walang direksyon ang buhay.
5. finish school. huwag gagayahin yung mga tambay na walang ginagawa. mas masarap buhay nila ngayon pero pag tagal, ikaw na nakatapos ang magiging mas maginhawa sa buhay.
6. get a job after you finish school and move out of the house as soon as you can. pag parati kang nasa ilalim ng family tree, di ka maaarawan.
7. mag trabaho overseas dahil mas malaki ang sweldo. but work for a few years in the philippines to pay your dues and get experience. tapos mag-ipon agad para may pambili ng bahay.
8. alagaan ang sarili. mag exercise at kumain ng tama. pag di mo inalagaan ang sarili mo (ie, kain ng kain, jakol ng jakol, tulog ng tulog), sisingilin ka ng katawan mo pag dating mo ng 40.
9. don’t get into a serious relationship until you’re in your mid 20’s.
10. huwag mag-aasawa ng maaga. magpakasawa muna sa buhay binata para pag ready ka nang magpakasal ay hindi ka na maghahanap ng ibang aasawahin.

yan na muna top 10 ko. pag nakaisip pa ako ay idadagdag ko na lang dito.

ingat at good luck,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,

pupunta po ako sa dentista mamayang hapon at gusto ko pong malaman kung ano po ang mga kailangan kong gawin, bukod sa mag tooth brush, para naman po di ako kahiya-hiya sa dentisa ko.

maraming salamat at lubos na gumagalang,
gentle reader

dear gentle reader,

sa aking personal na experience, malaking bagay na mangulangot muna bago magpunta sa dentista.

ingat,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,

ano po ang mga natutunan ninyo na pwede ninyong i-share tungkol sa malaking sunog diyan sa southern california?

nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,

marami akong natutunang mga importanteng lesson tungkol sa pagigng handa sa mga emergency pag may malaking sunog.

1. una, ilagay ang mga importanteng mga papeles, tulad ng passport, birth certificates, titulo ng bahay at porn collection sa isang safe at accessible location para pag dumating ang time na kailangang mag evacuate, madali lang pulutin ang mga ito.
2. ikalawa, ihanda ang camera at kuhanan mo ang loob at labas ng bahay para kung may mangyari man, mas madaling makipag areglo sa insurance. kuhanan mo rin ng picture ang sunog – baka sakaling pwedeng ibenta sa press.
3. ikatlo, siguraduhin na ang kotse ay nakaharap na sa kalye para pag tumawag na yung reverse 911, madali lang umalis. siyempre dapat ay may gasolina ang kotse.
4. ikaapat, dapat may map ka ng escape route from your home to wherever ka pupunta. dito siguro, ang pinakamalapit na safe area ay UCI (hindi yung sakit sa pekpek) or disneyland. hey mickey you’re so fine, you blow my mind!
5. ikalima, pag may sunog pala of this magnitude, kailangan mong mangulangot every night bago matulog. based on actual experience, nalaman ko na napakahirap palang huminga pag nakahiga ka sa kama at puno ang ilong mo ng kulangot na sintigas ng bato.

yon lang muna, sana may natutunan ka rito.

best regards,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,

gusto ko lang pong malaman kung bakit mas matagal tumubo ang kuko sa paa kaysa sa kuko sa kamay?

nagmamahal,
gentle reader

dear gentle reader,

siguro, dahil hindi ito naarawan. ikaw ba naman ang nakakulong sa loob ng sapatos buong araw kung di ka mabansot.

ingat,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,

nabalitaan ko po na ipinagbawal ng gobyerno na mag import ng isda galing sa china dahil pinapakain daw ito ng mga chinese ng antibiotics. gusto ko lang pong mag ingat dahil natatakot po ako kasi nakakapag dulot daw ito ng cancer pag kinain ng long term. paano po ba malalaman kung galing sa china ang isda?

nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,

pag nasa grocery ka, tingnan mong maigi yung ulo ng isda na gusto mong bilhin. kung singkit ang mata na tulad ko eh malamang galing ito ng china.

good luck,
unkyel batjay

p.s. bakit daw ba pinapainom ng mga chinese ang mga isda ng antibiotics? nagkatulo ba ang mga ito?



dear unkyel batjay,

tulungan po ninyo ako. mayroon po sa bayan namin na isang sikat na siamese twins. yung isa po sa kanila ay nanliligaw sa akin. ano po ang gagawin ko?

nagmamahal,
gentle reader

dear gentle reader,

kung hindi sila magkadikit sa betlog, patulan mo na. bihira lang magkaroon ng buy one take one sa isang relasyon.

ingat,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,

ano po ba ang magandang hobby? wala po kasi akong magawa masyado rito sa bahay at naiinip ako.

ingat po,
gentle reader

dear gentle reader,

eto, mamili ka:

1. mangolekta ng litrato ng mga supot na dongdong
2. kabisaduhin lahat ng mga kanta ni darius razon
3. mangolekta ng pinatuyong kulangot sa kahon ng posporo

good luck,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,

doon po sa kantang “Itsy Bitsy Teenie Weenie Yellow Polka-dot Bikini”, ano po ba doon ang yellow, yung bikini o yung polka dots?

nagmamahal,
gentle reader

dear gentle reader,

tanginangyan, di ko alam ang sagot.

who knows what thoughts lie in the mind of the song’s composer. for all we know, yellow ang kulay ng bikini at yellow din ang kulay ng polka-dot.

ingat,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,

ano po ang pagkakaiba ng “alligator” at “crocodile”?

nagmamahal,
gentle reader
dear gentle reader,ang crocodile nasa senado, yung alligator nasa congress.

ingat,
unkyel batjay





dear unkyel batjay,
ano po ba ang gamot sa galis?
nagmamahal,
gentle reader

dear gentle reader,

malinis na kapaligiran at matalas na kuko.
ingat, unkyel batjay

PS – ano ba sa english ang galis?


dear unkyel batjay,
ako po ay isang OFW at mahigit 5 years na po akong hindi nakakauwi sa pilipinas. naiwan po ang asawa ko sa probinsya namin para makatipid kami. last year po ay bigla ko na lang nabalitaan na nawala po siyang parang bula. ano po ba ang ibig sabihin nito?


lubos na gumagalang,
gentle reader

dear gentle reader,

dalawa lang yan – either ayaw na niya sa iyo o kinuha siya ng mga dwende.

good luck,

unkyel batjay


dear unkyel batjay,
kamusta po sa inyo. ako pa ay isang bagong OFW at kakarating ko lang po rito sa saudi para magtrabaho sa isang oil refinery. idol ko po kayo at parati ko pong binabasa ang blog ninyo. kaya po ako sumulat ay para humingi ng payo dahil alam kong matagal na kayong nakatira abroad.
ano po ba ang importanteng natutunan ninyo sa buhay lately na pwede ninyong ipayo sa akin?
lubos na gumagalang,
gentle reader


dear gentle reader,
huwag kang iihi pagkatapos mong mag hiwa ng sili hanggang hindi ka naghugas ng kamay.

sana makatulong ang payong ito,

unkyel batjay


dear unkyel batjay,

nakakita po ako ng picture ng kesong puti sa photo website ni doc emer at bigla po akong naglaway. mahigit 10 years na po akong narito sa amerika at hindi pa po ako nakakauwi. naalala ko po kasi nung nasa pilipinas ako, pag almusal, piniprito ng nanay ko ang kesong puti at ipapalaman po niya ito sa hot pandesal. tapos, sasabayan ko po ito ng mainit na kapeng barako. haay naku.
saan po ba pwedeng makakuha ng kesong puti rito sa amerika?
nagmamahal,

gentle reader


dear gentle reader,
magtanong ka sa mga supot diyan, marami silang kesong puti.
ingat, unkyel batjay

dear unkyel batjay,
ano po ba ang ibig sabihin ng ingles na salitang “euthanasia”?
nagmamahal, gentle reader

dear gentle reader,

eto, mamili ka – euthanasia:
A. yung iinom ka ng lason pagkatapos mong malamang may sakit kang hindi na pwedeng gumaling.

B. yung nilalagay ng doctor sa dongdong mo pag tinutuli ka para hindi mo maramdaman ang sakit.
C. yung cartoons tungkol sa mga romano

ingat, unkyel batjay

dear unkyel batjay,

pagkatapos ko pong kumain ng tanghalian kanina ay biglang natanggal ang pasta ko sa ngipin at bigla po itong sumakit. matindi po ang hapdi at halos mahimatay ako sa sobrang sakit. ano po ba ang pwede kong gawin para hindi ko maramdaman ang sakit sa ngipin?
lubos na gumagalang, gentle reader dear gentle reader, kumuha ka ng kutsilyo at tanggalin mo ang isa mong daliri. ingat, unkyel batjay dear unkyel batjay, saan po ba nag-originate ang pasko?
nagmamahal,

gentle reader


dear gentle reader,

ewan ko. pero pag nalaman ko kung sino man yung gagong nagpauso ng pasko, ipapabugbog ko ang bwakanginang yon. taon taon na lang, tuwing december nauubos ang pera ko sa kakaregalo. yung nanay ko sa pilipinas, nagtatago ngayon sa bahay ng pinsan namin. hindi makalabas dahil hina-hunting siya ng mga apo ng kapitbahay namin sa barrio talipapa. kung dalawa o tatlo eh ok lang sana. kaso, tatlumpung bata ata yung dumating at naghihingi ng aguinaldo. di ko nga alam kung bakit hindi sila nag family planning – sa sobrang dami nga ng mga bata sa pamilya nila eh gusto na ng munisipyo ng kalookan na gawin silang isang barangay. gardenget.

merry christmas. unkyel batjay

dear unkyel batjay,

napanood ko po sa TV kahapon na masama raw po ang uminom ng viagra. ang sabi po kasi doon sa commercial ay ang isa po raw na side effect ng pag-inom ng viagra ay ang pagkakaroon ng prolonged erection na longer than 4 hours. umiinom po ako ng viagra kaya natatakot po ako. ano po ba ang gagawin ko kung magkaroon ako ng erection na tumagal ng mahigit sa apat na oras?

nagmamahal,

gentle reader


dear gentle reader,
magpasalamat sa diyos.

ingat,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,
ano po ba ang tamang etiquette kung aksidente pong nautot sa loob ng sinehan? kailangan po bang mag apologize sa mga katabi ko?

lubos na gumagalang,

gentle reader

dear gentle reader,

huwag ka na lang kumibo. madilim naman sa loob ng sinehan at walang makakakilala sa iyo. kung medyo maliwanag, itakip mo na lang yung supot ng popcorn sa mukha mo.

ingat na lang, unkyel batjay

dear unkyel batjay,
ano po ba ang ibig sabihin ng “NARCISSISTIC”?
nagmamahal,

gentle reader


dear gentle reader,

ang “NARCISSISTIC” ay galing sa salitang “narcissism“. derived ito sa isang character sa greek mythology na si “narcissus” na sobrang BSS (i.e. “Bilib Sa Sarili”). so, ano kamo ang ibig sabihin ng “NARCISSISTIC”? heto… pag tumingin ka sa harap ng salamin na walang damit pagkatapos mong maligo at biglang tumigas ang dongdong mo, ikaw ay textbook “NARCISSISTIC”.

ingat,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,

bakit po ba “miss universe” ang tawag doon sa sikat na beauty contest eh puro naman mga taga earth ang mga contestant nito? di po ba false advertising ito.

nagmamahal,

gentle reader


dear gentle reader,

oo nga. eh paano naman, mga amerikano kasi ang organizer ng miss universe. nanonood ka ba ng NBA? di ba tawag nila sa mga nanalo rito eh “world champions” kahit puro mga teams lang naman na galing sa mga iba-ibang mga state sa amerika ang mga naglalaro rito. mahilig lang talaga sila sa mga bold at overreaching claims. sorry, pero hanggang hindi sumasali ang kapitbahay kong si miss uranus (mukha kasi siyang pwet), eh hindi ito pwedeng tawaging miss universe.
ingat, unkyel batjay
ps nagustuhan mo ba si miss japan? medyo kyut ano?


dear unkyel batjay,

ako po ay nine years old at nag-aaral dito sa maynila. pinasulat po ako sa inyo ng papa ko kasi sabi niya ay baka masagot ninyo raw po ang katanungan ko. natatakot po kasi ako dahil sa sinabi ng klasmeyt ko sa akin. sabi po kasi niya, pag nilulon ko raw po yung buto ng santol eh tutubo raw po ito sa loob ng tiyan ko at lalabas daw po yung mga sanga at dahon ng santol sa ilong at tenga ko.
tutuo po ba ito? mahilig po kasi akong kumain ng santol at opo, nilululon ko po ang buto. masarap po kasi at hindi ko ito mapigilan. tulungan po naman ninyo ako. maraming salamat po at lubos na
gumagalang,

gentle reader


dear gentle reader,

alam mo, kahit anong buto ang kainin mo eh ok lang, maliban siyempre sa buto ng mangga dahil masyado itong malaki. baka magbara ang lalamunan mo pag nilulon mo ito. ang sinisigurado ko sa iyo ay ito, gentle reader – hindi tutuo ang sinabi sa iyo ng klasmeyt mo na tutubo sa loob ng tiyan mo ang buto ng santol at lalong hindi tutuo na lalabas ang mga sanga at dahon nito sa ilong at tenga mo. mahilig akong kumain ng munggo. kung tutuo ang sinabi ng kaibigan mo eh di sana matagal na akong may taniman ng munggo sa katawan at may regular na supply na sana ako ng togue sa mga asian supermarket dito sa amerika.
o siya, i-kamusta mo na lang ako sa papa mo. magpakabait ka, mag-aral maigi at huwag masyadong lumulon ng mga buto para hindi ka mahirapang emebs.
nagmamahal,

unkyel batjay


dear unkyel batjay,

ako po ay proud parent ng isang napaka gwapong batang lalaki. proud na proud nga po ako sa kanya at parati kong sinasabi na manang mana siya sa kanyang butihing ama (dats me). na discover nga siya recently ng isang bading na taleng scout sa maynila at magsisimula na po ang anak ko bilang child star sa isang telenovela. ang problem ko po ay ito – kailangan po sa maraming eksena na umiyak ang anak ko. eh kahit ano pong pakiusap at pang uuto ko ay ayaw niyang umiyak.
narinig ko po ang tungkol sa method acting nina brando at nakita ko rin ang galing sa pag arte nina snooky at maricel soriano nung bata sila. ang gagaling nilang umiyak sa pelikula. ano po ba ang tamang internalization acting technique na pwedeng gawin para matutong maiyak ang anak ko?
nagmamahal,

gentle reader


dear gentle reader,

during the shooting, pag malapit na ang eksena na kailangan nang umiyak ang anak mo, lumapit ka sa kanya at bunutin mo ang buhok niya sa ilong. good luck, unkyel batjay dear unkyel batjay, gusto ko lang pong sumulat sa inyo dahil sa problema ko. medyo mahaba po kasi ang baba ko kaya parati na lang akong inaalaska ng mga kaibigan ko – “ali baba, ali baba”. araw-araw na lang ay naririnig ko ito at naiinis na ako. ano po ba pwede kong gawin? nagmamahal,
gentle reader

dear gentle reader,
pwede kang mag-apply ng trabaho sa hotel. taga tiklop ng kumot.
ingat,

unkyel batjay

dear unkyel batjay,
ano po ba ang masasabi ninyo na darating daw ang demonyo sa june 6, 2006 kasi po raw ay “666″ ang date na ito? di ba yung “666″ ang marka ng demonyo?
nagmamahal,

gentle reader


dear gentle reader,
kung tutuo yon e di bumaha na sana ng sardinas sa pilipinas nung may 5, 2005. huwag kang maniniwala sa mga naririnig mo parati, bwakanginang utu-uto.

ingat na lang

unkyel damien


dear unkyel batjay,

sa catholic church po, di po ba kasalanan sa diyos ang pag gamit ng condom bilang contraceptive kasi pinipigil nito ang natural na pagbubunitis. eto po ngayon ang tanong ko: kasalanan pa rin po ba sa diyos kung gumamit ako ng condom na butas?

maraming salamat po,

gentle reader


dear gentle reader,
kasalanan? ang may kasalanan dito kung gumamit ka ng condom na butas ay ang nanay at tatay mo dahil nag-anak sila ng tanga. sana sila na lang ang nag condom, para di ka na lang ipinanganak.
seriously gentle reader, mas malaking kasalanan siguro kay harold kung mag-silang ka ng taong hindi mo kayang alagaan. huwag kang maniwala sa simbahan na nagbabawal sa iyong gumamit ng contraceptive, hindi naman sila ang magpapakain at mag-papalaki sa pamilya mo.
lubos na gumagalang.

unkyel batjay


dear unkyel batjay,

gusto ko lang po sanang malaman kung bakit po wala kahit na isang babae sa mga 12 apostles?
lubos na gumagalang, gentle reader dear gentle reader, ewan ko. sadyang ganyan ata talaga ang takbo ng mundo. since time immemorial, nakatira na kasi tayo sa isang male dominated world. tingnan mo na lang yang 7 dwarfs – lahat na lang ng member na dwende rito ay puro mga lalaki. although may suspetsa ako na si grumpy at si dopey ay mga bading, hindi ko nga lang mapatunayan. ingat at happy good friday na lang sa inyo, unkyel batjay ROSES ARE RED dear unkyel batjay, mayroon po akong napansin doon sa sikat na “roses are red, violets are blue…” na tula. bakit po ba sinasabi nila na “violets are blue”? di po na dapat “violets are violet“? aminado po ako na tama ang “roses are red” pero “voilets are blue”? it just doesn’t make any sense. ano po ba ang masasabi ninyo tungkol dito?
lubos na gumagalang,

gentle reader

yan ang isa sa mga misteryo ng buhay, gentle reader.
inaderwords, hindi ko alam ang sagot. maraming mga quirks ang mga foreigners. maraming mga bagay na hindi maipaliwanag ng common sense. siguro talagang kulay blue ang mga violets na bulaklak. ngayon, bakit tinawag na mga violets ang bulaklak kahit blue ang kulay nila? yan ang hindi ko alam. siguro lasing yung botanist na nagpangalan sa bulaklak na ito. pag nalaman ito ni carl linnaeus, siguradong magagalit siya. kung sabagay, may problema talaga sa kulay ang mga westerners. poreksmpol, “white” ang tawag nila sa nga puting tao. ang alam ko lang na puting tao ay mga albino. kadalasan ang mga tinatawag nilang “white” ay medyo kulay pink like a pig ang kulay ng balat. yung mga tinatawag nilang “black” ay dark chocolate naman talaga ang kulay. yung mga tinatawag nilang “yellow” na oriental ay hindi naman yellow. ang alam ko lang na yellow ay yung may sakit sa atay. mayroon ding “taong madilaw” na gustong pumatay kay crisostomo ibarra sa noli me tangere but that’s another story. kaya nga ako pag tinatanong ng mga tao ang skin tone ko, sinasabi ko na lang na “kutis betlog” ako. nung nasa singapore nga kami, may nagtanong sa akin once kung pilipino raw ako. sabi ko oo naman. eh bakit daw maitim ako samantalang fair skinned ang asawa ko. nangiti na lang ako. sasabihin ko sana, eh kung kayo nga diyan parating nangungulangot, dura ng dura at malakas pa sa kanyon ang putok. pero hindi ko na lang sinabi kasi baka sabihin racist ako. naku, kung saan-saan tuloy napunta ang usapan. eto na lang pakatatandaan mo gentle reader, lalo na pag nasa labas ka ng pilipinas, pag may kaharap kang ibang tao, kailangan color blind ka.
ingat na lang at good luck sa iyo,

unkyel batjay


dear unkyel batjay,
nabalitaan ko po na nagpunta kayo sa dentista kailan lang at tinanggal pala ang wisdom tooth ninyo. ibig sabihin po ba nito ay bobo na kayo ngayon?

nagmamahal, gentle reader

dear gentle reader, GAGO!
nagmamahal din,

unkyel batjay


dear unkyel batjay,

heto na naman po ako at may dala-dalang problema: ako po ay isang 24 year old na lalaki at bagong kasal. hindi pa po ako sanay sa buhay may asawa at hanggang ngayon ay nag a-adjust pa. don’t get me wrong unkyel, gustong gusto ko po ang bago kong estado sa buhay and in fact, ngayon lang po ako nakaramdan ng ganitong klaseng ligaya. ang sarap po pala ng may nag aalaga sa inyo. heto po ang aking dillema unkyel batjay – nagkaroon po ako ng LBM kanina at hindi ko pa mapigilan na may tumulo sa aking underwear. hindi ko na po ngayon alam ang aking gagawin. natatakot po ako sa sasabihin ng asawa ko pag nakilta niya yung brief ko. tulungan po ninyo ako.
nagmamahal,

gentle reader

dear gentle reader,

siguro naman mas magagalit sa iyo ang asawa mo kung umuwi kang walang brief. aminin mo na lang ang nangyari na natae ka sa salawal at umasa na lang na hindi siya mandidiri sa iyo. ano ba naman ang underwear na may mantsa kung ikumpara ito sa tutuong pag-ibig.

ingat na lang,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,

kamusta na po kayo? sana naman ay nasa mabuti kayong kalagayan, sampu ng inyong mahal sa buhay. may itatanong lang po ako unkyel tungkol sa isang nakakahiyang sitwasyon na nangyari sa akin. mabigat po kasi ang sipon ko at halos maubos na nga ang tissue sa bahay dahil walang hinto ang tulo ng aking uhog. kanina pong umaga ay na hatsing po ako habang naglalakad sa corridor ng opisina at hindi ko po alam na may paparating na tao – natamaan po siya ng brunt ng aking hatsing, unkyel. hindi ko nga po alam ang gagawin. napayuko na lang ako at lumakad ng mabilis. ano po ba ang tamang etiquette sa pagharap sa ganitong sitwasyon.

nagmamahal,

gentle reader

dear gentle reader,

mabuti naman at nabanggit mo ang “etiquette”. sikat kasi ang salitang ito sa singapore lalo na pag pupunta ka overseas. minsan nasa airport nga ako at nakaharap sa counter ng singapore airlines dahil may trip ako sa japan. ang sabi ng nasa counter sa akin – “mr. david, where’s your etiquette? i need it before i can give you a boarding pass, lah!” – aray ko. bwakanginangyan, nagiging corny na ata ako. anyway, balik tayo sa problema mo gentle reader – alam mo, wala ka nang magagawa kapag nahatsingan mo na ang kaopisina mo. ang pinakamaganda rito ay mag apologize ka at ipahiram mo sa kanya ang iyong bimpo. mas maganda nga kung nabasbasan ang bimpo mo ni brader eddie ng el shaddai, baka magmilagro si lord at gumaling agad ang magiging sipon ng opismeyt mo. ingat na lang at sana mawala na yang bara mo sa ilong,
unkyel batjay

dear unkyel batjay,
ano po ba ang dapat kong gawin – naiinis po ako kasi parati na lang akong balagong. pag po mayroong kaming mga long drive sa mga out of town trips, ako po parati ang designated driver. ok lang po ito sa akin. ang ayaw ko lang ay tinutulugan po ako parati ng mga kasama ko sa kotse. pakiramdam ko po ay napaka unfair talaga.

lubos na gumagalang, gentle reader

dear gentle reader,
next time mayroon kayong long drive at tinulugan ka ng mga kasama mo sa kotse, pahiran mo ng kulangot sa mukha.

good luck,
unkyel batjay

dear unkyel batjay,

ngayong magiging 40 years old ka na, malapit ka na sigurong gumamit ng kung ano anong mga lotion sa balat ano? kailagan daw pag ingatan ang skin para graceful ang pagtanda mo. mayroon ka bang ginagamit na special cream?
lubos na gumagalang,
gentle reader

dear gentle reader,

wala. baka sakali, pag naka imbento na ang mga scientist ng cream na makakapag taggal ng kulubot sa betlog eh doon na talaga ako gagamit ng mga lotion-lotion na yan.

ingat,
unkyel batjay


dear unkyel batjay,

ano po ba ang magandang sabihin sa isang tao na ayaw mo nang makita? mayroon po kasing nanliligaw sa akin na sobrang kulit. ok naman po siya pero hindi ko talaga type. kasi de numero po ang kilos niya at napaka pormal. para nga siyang di maka basag pinggan. ayoko po ng ganoong klaseng tao – natatakot po ako na kapag nagkatuluyan kami eh maging dominante siya at gawing de numero din ang kilos ko. galing po siya sa isang sikat na pamilya kaya ayoko naman siyang saktan. ano po ba ang pwede kong gawin.

humihingi ng tulong,

gentle reader


dear gentle reader,

ah simple lang yan. gumawa ka ng paraan para ma turn-off siya sa iyo. halimbawa, ayain mo siyang lumabas on a date. habang kumakain kayo ng dinner, itanong mo sa kanya kung tinitingnan niya ang toilet paper kapag natapos siyang magpunas ng pwet. i’m sure after a while, mawawala rin siya sa buhay mo.
ingat na lang at good luck,

unkyel batjay

dear unkyel batjay,

gusto ko lang pong humingi ng payo sa inyo. malapit na po akong ikasal, unkyel. balak ko nga po sanang gawin ito ngayong june. ang dami po palang mga kailangan ano? mayroong reservation sa reception, schedule sa simbahan, pagkuha ng pari, pag ayos ng ceremony at liturgy ng misa. mayroon ding pag-aayos ng mga damit ng mga abay, sali na rin po ang damit pangkasal. tapos mayroon din pong pag ayos sa cake. pati nga rin yung mga puting kalapati, kailangan pa yatang bihin sa pet shop sa cartimar. nalilito na nga po ako. ano pa bo ba ang kailangan ko unkyel, para maging successful ang aking kasal?

nagmamahal,

gentle reader


dear gentle reader,

ang pinakaimportante sa sa lahat eh dapat mayroon kang mapapangasawa. all the rest are inconsequential.
good luck, unkyel batjay dear unkyel batjay, alam ko po na matagal kayong tumira sa singapore at marami kayong alam sa history at culture nito. interested po kasi ako doon sa “merlion“, na pinaka symbol ng singapore – ito po yung half lion at half fish na mythological creature na parating nasa mga travel brochure at postcards na galing sa singapore. mayroon po ba kayong background kwento tungkol sa creature na ito? kakaintriga po kasi ako eh. saan po ba ito nanggaling? bakit po ganoon ang hitsura niya? yon lang po unkyel at kamusta na lang sa inyo.
nagmamahal,
gentle reader

dear gentle reader,

yung leon kasi at yung galunggong ay nag sex. nabuntis ang galunggong at ang lumabas ay merlion. actually, parang ganito rin nagsimula ang siokoy. doon sa siokoy naman, may nag sex na babaing bangus at bading na mangkukulot.
ingat, unkyel batjay dear unkyel batjay, mayroon po akong tru-to-layf story. nakakahiya mang aminin e nangyari din po sa akin na umalis ako sa bahay na bukas ang zipper. horror story talaga ito na halos kaparehas ng open zipper story na nangyari sa iyo. ano pa magagawa ng byuti ko e huli na nang malaman kong kita nila ang bikini kong itim? maraming salamat at gumagalang,
gentle reader


dear gentle reader,

actually, nangyari na rin sa amin yan during one homeowners meeting sa subdivision namin sa novaliches. may isang manang doon na naka duster ang nagtaas ng paa sa silya. nakita tuloy ng lahat ang bikini niyang itim. nang maglinaw ang aming pag-iisip after the initial shock, napansin namin na hindi pala ito bikining itim – wala pala siyang panty.
naikwento ko ito sa iyo gentle reader, dahil may aral ang bawat pangyayari sa ating buhay. sa pagkakataong ito, ang moral lesson ay: “hindi lahat ng bikining itim ay tutuong panty”. yon lang muna at salamat sa pagsulat.
adios gumbay,

unkyel batjay






Add Image







1 comment: